Wikang Sebwano
Sebwano | |
---|---|
Bisaya, Sinugbuanon | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan, silangang Negros, kanlurang bahagi ng Silangang Kabisayaan, at karamihang bahagi ng Mindanao |
Pangkat-etniko | Mga Bisaya (mga Sebwano, Boholano, Eskaya, atbp.) |
Mga natibong tagapagsalita | 20 milyon (2023)[1] |
Mga diyalekto |
|
Latin (Alpabetong Sebwano) Braille ng Pilipinas Sa kasaysayan, Badlit | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang rehiyonal sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Akademyang Bisaya Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | ceb |
ISO 639-3 | ceb |
![]() Mga pook sa Pilipinas kung saan sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika |
Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon) ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa timugang bahagi ng Pilipinas. Sa impormal na usapan, tinatawag itong Bisaya o Binisaya (bagaman hindi ito dapat ipagkamali sa ibang wikang Bisaya).[a] Sinasalita ito ng mga Bisaya na katutubo sa mga pulo ng Cebu, Bohol, Siquijor, ang silangang bahagi ng Negros, ang kanlurang bahagi ng Leyte, mabaybaying lugar ng Hilagang Mindanao at silangang bahagi ng Zamboanga del Norte dahil sa mga pamayanang Espanyol noong ika-18 siglo. Sa modernong panahon, kumalat na rin ito sa Rehiyon ng Davao, Cotabato, Camiguin, mga bahagi ng Kapuluang Dinagat, at mga kapatagan ng Caraga, kadalasang nagpapalit sa mga katutubong wika sa mga lugar na iyon (karamihan sa mga ito ay may malaking kaugnayan sa wika).[2][3]
Habang wikang Tagalog ang may pinakamalaking bilang ng mga katutubong mananalita sa mga wika ng Pilipinas ngayon, wikang Sebwano ang may pinakamalaking populasyon ng katutubong mananalita sa Pilipinas mula d. 1950 hanggang mga d. 1980.[4] Ito ang pinakamalawak na sinasalita sa mga wikang Bisaya.[5]
Ang Sebwano ay lingguwa prangka ng Gitnang Kabisayaan, mga kanlurang bahagi ng Silangang Bisayas, mga ilang kanlurang bahagi ng Palawan at karamihan ng mga bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). Ito ang pinagmulan ng Pamantayang Sebwano.[2] Pangunahing wika rin ang Sebwano sa Kanlurang Leyte—lalo na sa Ormoc. May tatlong letrang kodigo ang Sebwano sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Katawagan
[baguhin | baguhin ang wikitext]![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/22/Cebu_Capitol_historical_marker_%28Cebuano%29_%28cropped%29.jpg/180px-Cebu_Capitol_historical_marker_%28Cebuano%29_%28cropped%29.jpg)
Hinango ang salitang Sebwano mula sa "Cebu"+"ano", isang kalkong Latin na nagpapakita ng Kastilang pamanang kolonyal ng Pilipinas. Kadalasan, Bisaya ang tawag nito ng mga nagsesebwano at kahit mga taong sa labas ng Cebu.[kailangan ng sanggunian]
Gayunpaman, hindi tanggap ang pangalang Sebwano ng lahat ng mga nananalita nito. Tumutol ang mga ibang nananalita nito sa mga ilang bahagi ng Leyte, Hilagang Mindanao, Rehiyon ng Davao, Caraga, at Tangway ng Zamboanga sa pangalan ng wika at sinasabi nila na nagmula ang kanilang mga ninuno sa mga nananalita ng Bisaya na katutubo sa kani-kanilang mga lugar at hindi mula sa mga imigrante o dayuhan mula sa Cebu. Higit pa rito, tinutukoy nila ang kanilang etnisidad bilang Bisaya sa halip na Sebwano at ang kanilang wika bilang Binisaya sa halip na Sebwano.[6]
Inilarawan ng mga lingguwistikong pag-aaral sa mga wikang Bisaya, lalo na ang gawa ni R. David Paul Zorc, na "Sebwano" ang sinasalitang wika sa Cebu, Negros Occidental, Bohol (diyalektong Boholano), Leyte, at karamihan sa bahagi ng Mindanao. Ang mga pag-aaral ni Zorc sa wikang Bisaya ay nagsisilbing bibliya ng linggwistika sa pag-aaral ng mga wikang Bisaya. Naglathala si Rodolfo Cabonce, S.J., isang Hesuwitang dalubwika at tubong Cabadbaran, ng dalawang diksiyonaryo noong nakatira siya sa Cagayan de Oro at Manolo Fortich sa Bukidnon: isang diksiyonaryong Sebwano-Ingles noong 1955, at isang diksiyonaryong Ingles-Sebwano noong 1983.[7]
Noong panahon ng mga Kastila, Visaya ang pagtukoy ng mga Kastila sa mga nananalita ng Hiligaynon, Sebwano, Waray, Kinaray-a, at Aklanon at itinuring na magkapareho itong mga wika.[8]
Balarila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panghalip
[baguhin | baguhin ang wikitext]Palagyo | Paari1 | Paari2 | Palayon | |
---|---|---|---|---|
Pang-isahang ika-1 tao | ako, ko (Tagalog: ako) | nako, ko (ko) | ako, akoa (aking) | kanako, nako (sa akin) |
Pang-isahang ika-2 tao | ikaw, ka (ikaw) | nimo, mo (mo) | imo, imoha (iyong) | kanimo, nimo (sa iyo) |
Pang-isahang ika-3 tao | siya | niya | iya, iyaha (kaniyang) | kaniya, niya (sa kaniya) |
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao | kita, ta (tayo) | nato (natin) | ato, atoa (ating) | kanato, nato (sa atin) |
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao | kami, mi (kami) | namo (namin) | amo, amoa (aming) | kanamo, namo (sa amin) |
Pangmaramihang ika-2 tao | kamo, mo (kayo) | ninyo | inyo, inyoha | kaninyo, ninyo (sa inyo) |
Pangmaramihang ika-3 tao | sila | nila | ila, ilaha (kanilang) | kanila, nila (sa kanila) |
Talasalitaan at hiniram na salita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wikang Austronesiyo ang Sinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.
Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.
Pamamahaging heograpikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.
Mga salita at parirala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga bilang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kardinal | Ordinal | |
---|---|---|
1 | usà | isa |
2 | duhà | dalawa |
3 | tulò | tatlo |
4 | upàt | apat |
5 | limà | lima |
6 | unòm | anim |
7 | pitò | pito |
8 | walò | walò |
9 | siyàm | siyàm |
10 | napú'ô | sampu |
Mga pagbati
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tagalog | Cebuano |
---|---|
Kumusta? | Komosta? |
Magandang umaga. | Maayong buntag. |
Magandang tanghali. | Maayong udto. |
Magandang hapon. | Maayong hapon. |
Magandang gabi. | Maayong gabii. |
Paalam. | Adios. (Bihira)
Babay. (Di-pormal, galing sa Ingles na “Goodbye” o “Bye-Bye”) |
Ingat. | Ayo-ayo. (Pormal)
Amping. |
Hanggang sa muli | Hangtod sa sunod nga higayon. |
Salamat. | Salamat. |
Maraming salamat. | Daghang salamat.
Daghan kaayong salamat. |
Walang anuman. | Walang sapayan. |
Huwag (pautos) | Ayaw |
Ewan. | Ambot. |
Oo. | O. |
Baka | Tingali
Basin |
Hindi. | Dili. |
Wala. | Wala. |
Sino? | Kinsa? |
Ano? | Unsa? |
Saan? | Diin? (Pangnakaraan)
Ása? (Pangkasalukuyan) |
Alin? | Hain? |
Kailan? | Kanus-a? |
Paano? | Giunsa? |
Mga Sebwano na salita sa bawat lugar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabisayaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Purong Sebwano (Northern Cebuano)
(Salitang purong Sebwano (Bisaya) na mayroong salita-ng Boholano at Waray).
- Gitnang Visayas (Rehiyon ng 7)
- Kanlurang Visayas (Rehiyon ng 6)
- Silangang Visayas (Rehiyon ng 8)
Mindanaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", na mayroong salitang (Bisaya) "Sebwanong Wika" at kasama ang ka-Musliman).
- Tangway ng Zamboanga (Rehiyon ng 9)
- Bisaya, Bisdak (Central Cebuano)
(Salitang Purong Bisaya-"Malalim na Bisaya" (Sebwano), na mayroong halong "Mababaw na Bisaya" (Bisdak)).
- Hilagang Mindanao (Rehiyon ng 10)
- Bisdak, Dabawenyo, Bl'aan (Southeastern Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Davaoeño", na mayroong kasamang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak) at isinama ang Bl'aan, (Sarangani)).
- Rehiyon ng Davao (Rehiyon ng 11)
- Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong kasamang Manobo (Cotabato) at isinama ang Ka-musliman).
- SOCCSKSARGEN (Rehiyon ng 12)
- Bisdak, Kamayo, Surigaonon (Eastern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong Kamayo (Surigao), at isinama ang Surigaonon).
- Caraga (Rehiyon ng 13)
- Lalawigan ng Hilagang Agusan
- Lungsod ng Butuan
- Lalawigan ng Timog Agusan
- Isla ng Dinagat (halong Surigaonon)
- Lalawigan ng Hilagang Surigao (halong Surigaonon).
- Lalawigan ng Timog Surigao (halong Surigaonon)
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hindi inirerekomenda ng maraming lingguwista ang pagtutukoy sa wika bilang Binisaya, dahil maaari itong ipagkamali sa mga iba pang wika sa mga wikang Bisaya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Population Projection Statistics" [Estadistika ng Prodyeksiyon ng Populasyon]. psa.gov.ph (sa wikang Ingles). 28 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 26, 2023. Nakuha noong 20 Mar 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Wolff 1972
- ↑ "Cebuano" [Sebwano]. Ethnologue (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Setyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ammon, Ulrich; Dittmar, Norbert; Mattheier, Klaus J.; Trudgill, Peter (2006). Sociolinguistics: An International Handbook of the Science of Language and Society [Sosyolingguwistika: Isang Pandaigdigang Hanbuk ng Agham ng Wika at Lipunan] (sa wikang Ingles). Bol. 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 9783110184181.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Language Specific Peculiarities Document for Cebuano as Spoken in the Philippines" [Dokumento ng Mga Partikular na Katangian ng Wika para sa Sebwano na Sinasalita sa Pilipinas] (PDF). Linguistic Data Consortium. Enero 12, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Endriga 2010
- ↑ Cabonce S.J., Rodolfo. 2007. English-Cebuano Visayan dictionary [Bisayang Diksiyonaryong Ingles-Sebwano], An. National Bookstore: Mandaluyong.
- ↑ González Fernández, Ramón (1877). Anuario Filipino para 1877; Segunda Edición del Manual del Viajero en Filipinas. Manila: Establecimiento tipográfico de Plana y Ca. p. 37. Nakuha noong Hunyo 11, 2023.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kurso sa web
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kurso mula sa Language Links
- Kurso mula sa The Cebu Website
- Cebuano Study Notes Naka-arkibo 2011-07-17 sa Wayback Machine., ni Tom Markingt4r
Balarila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga talahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- A Dictionary of Cebuano Visayan Naka-arkibo 2010-09-16 sa Wayback Machine., talahulugang Sebwano–Inggles ni John U. Wolff
- Bidirectional English-Cebuano Dictionary Naka-arkibo 2007-02-10 sa Wayback Machine., mula sa Foreignword
- Philippine Online Dictionary, mula sa Bohol.ph
- German-Tagalog-Cebuano-English Dictionary Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., ni Richard Tschumpel
- English-Cebuano Glossary, mula sa Language Links
Mga tekstong pangmag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Visayan Folktales Naka-arkibo 2007-02-08 sa Wayback Machine.