Araling Panlipunan: Quarter 1, WK 1 - Module 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Government Property

9
NOT FOR SALE

NOT

Araling Panlipunan 11

Quarter 1, Wk 1 - Module 1
Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Department of Education ● Republic of the Philippines

Araling Panlipunan- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 1, Wk 1 - Module 1: Ang Kahulugan ng Ekonomiks
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Iligan City

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module

Author: Anderson V. Nabong
Content and Language Evaluators: Leonora Agustin, Lenore Boa, Christine Lacastesantos
Design and Lay-out Evaluators: Ananias Clarido Jr., Ph.D., Mary Jane Simeon
Illustrator and Lay-out Artist:
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago,PhD, CESE

Assistant Schools Division Superintendent

Members Henry B. Abueva OIC-CID Chief

Virginia n. Nadayag, EPS-Araling Panlipunan
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]
9
Araling
Panlipunan
Quarter 1 – Wk1 – Module 1
Ang Kahulugan ng Ekonomiks

This instructional material was collaboratively developed and

reviewed by select teachers, school heads, and Education Program
Supervisor in Araling Panlipunan of the Department of Education –
Division of Iligan City. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Iligan City Division
at [email protected]. or telefax: (063) 221 – 6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 10
Buod ……………………………… 11
Tayahin ……………………………… 12
Karagdagang Gawain ……………………………… 14
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 15
Sanggunian ……………………………… 16
Modyul 1
Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa kahulugan ng ekonomiks sa pang-

araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan. Matututunan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang konsepto
tungkol sa pag-aaral ng ekonomiks. Napapaloob din sa modyul na ito ang
mga gawain na tutuklas sa kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin
upang magamit nila bilang batayan sa pagbuo ng mga matalinong
pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Alamin

Pamantayan ng Pagkatuto: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa

pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya
at lipunan.

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. nasusuri ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan sa matalinong
pagdedesisyon;
2. naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks na
nakakatulong sa pagbuo ng isang matalinong desisyon at
3. napahahalagahan ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa

Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa

Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamani Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong

n natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang

mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

6
Subukin

Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
activity notebook.
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks
B. Sosyolihiya
C. Kasaysayan
D. Heograpiya

2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at

nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa
maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan

3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo

ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang
gagawin.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan

4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital.
Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan
B. Kakulangan
C. Kamalayang Panlipunan
D. Kamalayan sa Kapaligiran

5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”.

Ano ang ibig ipahiwatig nito?

7
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga
maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng
kanyang pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga
produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga
pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa
kanya.

6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o

serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip
sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang
iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
A. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking
C. Incentives
D. Trade-Off

7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat

paggawa ng desisyon.
A. Choice
B. Trade-Off
C. Incentives
D. Opprtunity Cost

8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-

araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang
kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.

9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng

ibang bagay. Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot
ba ng kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian
sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng
desisyon.

8
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat
desisyon na gagawin natin sa araw-araw.

10. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit

kailangan pag-aralan ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong
sa nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa
buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng
maraming pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.

9
Aralin Ang Kahulugan ng Ekonomiks
1
Tuklasin

Sitwasyon-Desisyon-Rason (SDR) Chart

Araw-araw ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyon na kailangan

niyang pumili. Mababasa sa loob ng talahanayan sa ibaba ang mga
sitwasyon na maaari ninyong maranasan. Isulat sa pangalawang kolum ang
magiging desisyon at sa pangatlong kolum naman ang rason o kadahilanan.
Isulat sa activity notebook ang sagot.

SITWASYON DESISYON RASON

1. Pagtatrabaho pagkatapos
ng Senior High School o
pagpapatuloy ng pag-
aaral sa kolehiyo?
2. Pananatili sa loob ng
bahay sa panahon ng
pandemya o pagpunta sa
bahay ng kaibigan?
3. Pagtulong sa pag-
iimpake ng relief goods o
pag-titiktok gamit ang
cellphone?
4. Pamamasyal sa mall o
pagtulong sa mga
gawaing-bahay?
5. Paglalaro ng computer
games o paggawa ng
takdang aralin?

Anu-ano ang mga naging basehan mo sa pagpili ng desisyon? Sa

iyong pananaw, tama ba ang iyong mga naging desisyon? Ipaliwanag.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

10
Nahirapan ka bang pumili ng desisyon? May iba pa bang sitwasyon na
naranasan mo na kung saan kailangan mong pumili at magdesisyon?
Ipaliwanag.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Suriin

Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?

Ayon kay Viloria (2000), ang
Ekonomiks ay isang sangay ng Agham
Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit
ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay
nagsimula sa salitang Griyego na oikonomia,
ang oikos na nangangahulugang bahay at
nomos na pamamahala.
Pinag-aaralan sa ekonomiks ang
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commo
pamamamaraan kung paano nagbabahagi
ns/c/cf/Economics_circular_flow_cartoon.jpg
ang mga mamamayan at ang bansa ng
kanilang limitadong resources. Kaya pinag-
aaralan din kung papaano gagamitin ng tao
at lipunan ang limitadong resources upang
makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang
produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t
ibang pangkat ng lipunan.
May dalawang mahalagang bahagi na
binibigyang-pansin ang ekonomiks – ang
sambahayan at ang pamayanan. Sa
sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin
ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Sa loob ng
sambahayan, pinagpapasyahan naman kung magkano ang ilalaan sa
https://clipartstation.com/sambahayan- pangangailangan sa pagkain, tubig,
clipart-4/

11
kuryente at iba pang mga bagay na maaaring makapagdulot ng kasiyahan o
pakinabang sa isang pamilya. Sa aklat ni Mankiw (1997), ang ekonomiya at
sambahayan ay magkatulad sapagkat pareho silang gumagawa ng desisyon.
Ang pamayanan ay gumamagawa ng iba’t ibang desisyon katulad ng
sambahayan. Lumalabas dito ang apat na katanungan para matugunan ang
suliranin sa pagkakaroon ng limitadong resources. Ang mga katanungang ito
ay ang mga sumusunod: Anu-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin?
Gaano karami ang gagawin? Paano gagawin? At para kanino? Dahil sa
may limitasyon ang ating pinagkukunang-yaman ay umiiral ang suliranin sa
kakapusan. May kakapusan sa pinagkukunang-yaman sapagkat walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang likas na yaman
ay maaaring maubos at mahirap na palitan. Ang yamang kapital din ay may
limitasyon kaya limitado ang nagagawang produkto at serbisyo para sa tao.
Kaya ang kakapusan ay kaakibat na ng ating buhay sapagkat may limitasyon
ang lahat ng bagay sa daigdig.

Ang Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Sa pag-aaral ng ekonomiks ay nalalaman natin ang mga
mahahalagang konsepto para makatulong sa pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon. Sinasabi na sa buhay ng tao ay kalakip na ang pagkakaroon
ng choice o pagpipilian. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, siya ay
napapaligiran ng iba’t ibang pagpipilian kaya mahalaga na pagtuunan ng
pansin kung paano makabuo ng matalinong pagpapasya ang tao.

Trade-off: Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.

Mahalaga ito sa pagbuo ng matalinong desisyon sapagkat sinusuri muna ng
isang tao ang kanyang pagpipilian. Isang halimbawa ay ang paggamit ng
iyong oras sa paggawa ng takdang aralin o paglalaro ng computer games.
Kapag sinuri ng mabuti ang dalawang pagpipilian ay makakabuo ka ng isang
pinakamainam na desisyon.

Opportunity Cost: Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang

ipagpalit sakali man ikaw ay nakabuo na ng desisyon. Sa naunang
halimbawa, kapag pinili ang paggawa ng takdang aralin, ang opportunity
cost nito ay ang hindi paglalaro ng computer games.

Incentives: Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maaari pang

magbago ang desisyon ng mga mamimili. May mga pagkakataon na ganap
na ang ating desisyon sa pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo subalit
hindi maiiwasan na magbago ang ating isip sa bandang huli. Ang halimbawa
ng incentives ay ang pagbibigay ng discount sa mga bilihin. Ang promo
gaya ng buy one take one ay maaari ding makapagbago sa ating desisyon.
Bilang mag-aaral, maaaring mailalarawan ang incentives sa pagbibigay ng
pabuya kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na marka.

12
Marginal Thinking: Sinusuri muna ng isang tao ang karagdagang halaga
maging ito ay gastos o pakinabang na makukuha sa pagbuo ng desisyon.
Kaya sa pag-aaral ng ekonomiks, may kasabihan na “Rational people think
at the margin”. Nagiging rasyonal ang tao sa mga bagay na dapat gawin
para humantong sa isang matalinong pagdedesisyon.

Pagyamanin

Wala ng Quarantine, Tayo na at Mag-enjoy!

Si Kobe ay nagagalak na pumunta ng lungsod dahil inihinto na ng lokal

na pamahalaan ang pagkakaroon ng quarantine. Binigyan siya ng kanyang
mga magulang ng Php100.00 para makapaglibang kasama ang mga
kaibigan. Suriin ang talahanayan ng mga produktong maaring bilhin ni Kobe
sa lungsod at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PRODUKTO PRESYO
Burger at Fries Php 70.00
Milk Tea Php 80.00
Softdrink Php 20.00
Ice Cream Php 50.00

Kung ikaw si Kobe, anu-anong mga produkto ang handa mong

ipagpalit para lang makabili ng milk tea? Bakit?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Nagkaroon ng buy one take one promo sa burger at fries. Kung ikaw si
Kobe, ano ang magiging pasya mo at paano mo ngayon pamamahalaan ang
iyong badyet?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

13
Isaisip

Piliin Mo!

Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Kilalanin at

tukuyin kung ito ay nagpapahiwatig ng konsepto ng Trade-Off, Opportunity
Cost, Incentives at Marginal Thinking. Isulat ang napiling sagot sa loob ng
kahon.

Mga Sitwasyon Mahalagang Konsepto

1. Nahaharap sa isang pangangailangan ng pagpili
si Angel dahil nawalan ng hanapbuhay ang kanyang
mga magulang dulot ng pandemya. Pinagpipilian
niya ang paghihinto sa pag-aaral para
makapagtrabaho o ang pagpapatuloy kahit siya ay
nahihirapan.
2. Si Coco ay nais bumili ng bagong sapatos ngunit
wala siyang perang pambili. Pinangakuan siya ng
kanyang kuya na bibilhin ang gusto niya kapag
tumaas ang kanyang mga nakuhang marka sa

14
susunod na markahan.
3. Inimbitahan si Kim sa isang pagtitipon at nais
niyang magsuot ng bagong damit. Ngunit iniisip
niya ng mabuti kung magagamit ba ang damit na
bibilhin niya sa iba pa niyang lakad.
4. Si Maris ay mayroon pa ring magandang trabaho
sa Manila kahit sila ay nasa gitna ng pandemya.
Ngunit iniwan niya ang trabaho at umuwi sa
probinsiya para makapiling ang pamilya.

15
Isagawa

Desisyon Ko, I-journal Ko!

Binigyang-pansin natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga

mahahalagang konsepto nito tungo sa pagkakaroon ng isang matalinong
pagdedesisyon. Isa-isahin ang mga sitwasyong naranasan sa nakalipas na
limang araw kung saan ikaw ay nakakagawa ng matalinong pagdedesisyon.
Isulat ang mga ito sa iyong journal. Matapos gawin ang journal ay sagutin
ang tanong sa ibaba.

Desisyon Ko, I-journal Ko!

Unang
Araw:___________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Ikalawang Araw:________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Ikatlong Araw:__________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Ika-apat na Araw:_______________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Ika-limang Araw:________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Bakit mo nasabi na ang iyong mga nagawa sa nakalipas na limang

araw ay isang matalinong pagpapasya? Ipaliwanag.
________________________________________________________

16
Buod

Napag-alaman sa modyul na ito ang kahulugan ng ekonomiks at kung

paano ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Batay sa mga
nailalahad na mga konsepto at gawain, nabigyang-linaw at natutunan ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod:

 Kaakibat na ng buhay ng tao ang suliranin sa kakapusan dahil may

limitasyon hindi lamang ang kakayahan ng tao maging ang kanyang
likas na kapaligiran.
 Ang suliranin sa kakapusan ay nagdudulot ng limitasyon ng mga
nagagawang produkto at serbisyo. Sa suliraning ito ay kinakailangan
na ang tao ay humantong sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.
 Sa pagdedesisyon, kailangan ang mga mahahalagang konsepto gaya
ng trade-off, opportunity cost, incentives at marginal thinking. Ang mga
ito ay mga kaparaanan para ang tao ay makapagbigay ng mapanuri at
matalinong desisyon sa kanyang araw-araw na pamumuhay.

17
Pagtatasa: (Post-Test)

Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong activity notebook.
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks
B. Sosyolihiya
C. Kasaysayan
D. Heograpiya

2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at

nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa
maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan

3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo

ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang
gagawin.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan

4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital.
Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan
B. Kakulangan
C. Kamalayang Panlipunan
D. Kamalayan sa Kapaligiran

5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”.

Ano ang ibig ipahiwatig nito?

18
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga
maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng
kanyang pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga
produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga
pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa
kanya.

6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o

serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip
sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang
iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
A. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking
C. Incentives
D. Trade-Off

7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat

paggawa ng desisyon.
A. Choice
B. Trade-Off
C. Incentives
D. Opprtunity Cost

8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-

araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang
kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.

9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng

ibang bagay. Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot
ba ng kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian
sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng
desisyon.

19
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat
desisyon na gagawin natin sa araw-araw.

10. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit

kailangan pag-aralan ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong
sa nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa
buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng
maraming pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.

20
Karagdagang Gawain

Ang Aking Panata

Napag-alaman natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga

mahahalagang konsepto nito na nakakatulong sa pagbuo ng isang
matalinong pagdedesisyon. Isulat ang iyong mga saloobin at gawin mong
panata bilang mag-aaral at bahagi ng iyong pamilya at ng lipunan. Ang
panatang ito ay maging gabay mo sa pag-unawa ng ekonomiks at ang
kabutihang naidudulot nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

21
Susi sa Pagwawasto

1. A
2. B
3. A
4. A
5. A
6. C
7. D
8. D
9. B
10.A

22
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling Panlipunan

Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal Group,
Inc.,2015.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/c/cf/Economics_circular_flow
_cartoon.jpg
May 23, 2020, 6:10 p.m.

https://clipartstation.com/sambahayan-clipart-4/
May 23, 2020, 6:14 p.m.

For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]
dback, please write or call:

23
24

You might also like