Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

9

Araling Panlipunan
Quarter 2, Wk. 3-4 - Module 8
Supply

Department of Education ● Republic of the Philippines


Araling Panlipunan- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Wk. 3-4 - Module 8: Supply
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V

Development Team of the Module


Writers: Mirasol M. Fiel, Felna A. Agreda & Zarlyn Grace B.
Espina
Content and Language Evaluators: Milyn S. Tablon, Leonarda L. Arazo,
and Leonora M. Agustin
Design and Lay-out Evaluator: Ananias T. Clarido, Jr., PhD and Mary Jane
O. Simeon
Illustrator and Layout Artist: Dennis Baynas

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, MSPh, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva OIC-CID Chief


Virginia n. Nadayag, EPS-Araling Panlipunan
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]
9
Araling Panlipunan
Quarter 2, Wk. 3-4 - Module 8
Supply

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by select teachers, school heads, and Education Program
Supervisor in Araling Panlipunan of the Department of Education -
Division of Iligan City. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations
to the Department of Education-Iligan City Division at
[email protected] or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 8
Pagyamanin ……………………………… 10
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 12
Aralin 2: ………………………………
Balikan ……………………………… 13
Tuklasin ……………………………… 14
Suriin ……………………………… 15
Pagyamanin ……………………………… 17
Isaisip ……………………………… 18
Isagawa ……………………………… 19
Buod ……………………………… 20
Tayahin ……………………………… 20
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 24
Sanggunian ……………………………… 25
Modyul 8
Supply
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa konsepto at mga salik na


nakaaapekto sa supply. Matutunan mo sa mga aralin na napapaloob nito
ang kahulugan ng supply at ang ugnayan nito sa presyo sa pamamagitan ng
supply schedule, supply curve at supply function. Masusuri mo rin ang
iba’t ibang salik na nakaaapekto sa supply na nagreresulta sa paglilipat sa
kurba nito. Ang mga inihandang gawain ay gagabay sa iyo upang
mapagpatibay ang tiyak mong natutunan sa bawat aralin.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto at mga salik na


nakaapekto ng supply batay sa pang-araw araw na pamumuhay.

Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod na kakayahan:

1. nabibigyang kahulugan ang konsepto ng supply;


2. naipaliliwanag ang ugnayan ng presyo at supply ng produkto o serbisyo;
3. nasusuri ang iba pang mga salik na nakaaapekto sa supply ng mga
produkto at serbisyo; at
4. napahahalagan ang konsepto ng supply batay sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya.

1
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
• Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga


Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong
kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa
Subukin pamamagitan nito masususuri kung ano na
ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang
aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga


mahahalaga at nararapat mong matutunan
Suriin upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak


sa iyong natutunan at magbibigay
Pagyamanin pagkakataong mahasa ang kasanayang
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa


iyong mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo


upang mailapat ang iyong mahahalagang
Isagawa natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon
sa totoong buhay.

2
Subukin

Basahin mong mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong activity notebook.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo
C. Supply D. Produksyon
2. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.
A. Presyo B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Nagtitinda
3. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o
kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon B. Teknolohiya
C. Bilang ng nagtitinda D. Presyo
4. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang
magiging epekto nito sa supply ng bigas?
A. Bababa ang magiging supply B. Mananatili ang dami ng
supply
C. Tataas ang magiging supply D. Aangkat ng supply
5. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng
kaugnay na produkto. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog B. Brown sugar – white sugar
C. Face mask at alcohol D. Asukal - kape
6. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo
at supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag
mababa ang presyo, mababa din ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa
ang presyo, tataas ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag
mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.
D. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag
mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.
7. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit
binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa
ang presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda
C. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto
D. Dahil mababa ang salik ng produksyon nito

3
8. Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang ipinapakita ng
kurba ng supply o supply curve?

A. Kumikilos paitaas patungong kanan


B. Kumikilos mula itaas, pababa at pakanan
C. Kumikilos paitaas at pakaliwa
D. Kumikilos mula itaas, pababa at
pakaliwa

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Supply_curve.jpg

9. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo
ay Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200
10. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano ka
maging apektado kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa bigas?
A. Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito
B. Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko
C. Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng presyo
D. Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng supply
11. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga
produktong nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano
isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo
ng mga ito sa pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa
mas mataas na presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
12. Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply
schedule at supply curve. Paano mo mailalarawan ang mga ito?
A. Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan.
B. Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang supply
curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.
C. Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay talaan ng presyo at dami ng
supply.
D. Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve ay
grapikong paglalarawan ng dami ng supply.

5
13. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na
COVID-19. Kung ikaw ay isang mamimili, anong pangunahing
pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit
saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.
14. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos
magkaparehong produkto na may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay isang
negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang iyong
produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na
ang delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay
ang delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at
delivery charge rate sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at
pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na may
charge na nakadepende sa lugar.
15. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa
bansa. Paano maapektuhan ang supply ng alcohol at face mask sa lokal
na pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa labas ng bansa sa
mataas na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at
ipagbibili lamang sa mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at
ipagbibili sa mataas na presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at
ipinagbibili sa mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at
ipinagbili sa mataas na presyo.

5
Aralin Ang Konsepto ng Supply
1
BALIKAN

Batay sa iyong naunawaan tungkol sa aralin sa konsepto ng demand,


sagutin ang mga katanungan at isulat ang sagot sa iyong gawaing kwaderno.

1. Ano ang iyong naintindihan ukol sa demand?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Batay sa graph kaugnay sa Batas ng Demand, punan ang kataga na nasa


ibaba.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/b3/Demand_curve.png

Kapag tumataas ang presyo, ____________________________________,


Kapag bumababa ang presyo, ___________________________________
(ceteris paribus).

6
Tuklasin

MAG-BUBBLE CROSSWORD PUZZLE TAYO!


Tukuyin ang mga larawan sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga
titik na nasa mga bubbles. Isulat ang sagot sa activity notebook.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Typical_sa https://www.pexels.com/photo/air-air-pollution-chimney-
ri-sari_store.jp clouds-459728
1P
.
2 B R K
N

3N G 4 Y E
U
P

Tony Tan Caktiong

https://sco.m.wikipedia.org/wiki/File:Milan_Vegetab https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Tony_Tan
le _Cokationg_%26_Aquino_2016_(cropped).jpg
_Market.jp
Mga Tanong:

1. Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng mga nabuong salita sa mga prodyuser?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

7
Suriin

ANG KONSEPTO NG SUPPLY

• Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o


serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
o negosyante sa mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
Ano ang
kahulugan
ng supply?
• Ang Batas ng Supply ay nagpapakita na may direkta o
positibong ugnayan ang presyo at dami ng supply.
Isinasaad na:
o Kapag mababa ang presyo ng produkto o serbisyo,
mababa din ang supply nito; at kapag mataas ang
presyo, tataas din ang supply ng produkto o
serbisyo (ceteris paribus).
• Ang ibig sabihin ng ceteris paribus ay ipinapalagay na
ang presyo lamang nakakaapekto sa pagbabago ng
dami ng supply o quantity supplied.
• Ang presyo ang nagtatakda sa pagdami o pagbaba ng
https://pixabay.c lilikhaing produkto o serbisyo ng prodyuser. Mas
om/photos/busin nanaisin nilang magbenta ng maraming produkto o
essman-arrow-
profit-rise- serbisyo kapag mataas ang presyo upang lumaki ang
3189814/
https://pxhere.co kanilang kita.
m/en/photo/7190
72

TATLONG PARAAN UPANG MAIPAKITA ANG


UGNAYAN NG PRESYO AT SUPPLY

Supply Schedule
Ang supply schedule ay isang talaan ng dami ng kaya at gustong ipagbili
ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo.
Makikita sa talahanayan ang dami
ng supply o quantity supplied para
Supply Schedule ng Bananacue sa bananacue sa iba’t ibang
Presyo
presyo bawat piraso. Sa halagang
Punto (bawat Quantity 5 (Php) pesos, may 20 pirasong
piraso) Supplied bananacue lamang ang supply
Php nito. Sa presyong 10(Php) pesos,
D 15 60 tumaas sa 40 piraso naman ang
C 10 40 kayang ipagbili ng mga prodyuser.
B 5 20 At sa halagang 15 (Php) pesos,
A 0 0 handang ipagbili naman ng mga
prodyuser ang 60 pirasong
bananacue.

8
Supply Curve
Ang supply curve ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng
presyo sa quantity supplied. Ipinakita sa graph na nasa itaas ang
Supply Curve ng Bananacue direktang ugnayan ng presyo at sa
dami ng gusto at handang ipagbili ng
16 D mga prodyuser sa mamimili.
Nakakabuo ito ng isang kurbang
14 pataas o upward sloping curve.
Makikita mula sa punto B hanggang
Presyo (bawat piraso)

12
C punto D na habang tumataas ang
10 presyo ng bananacue, tuwiran
namang tumataas din ang dami ng
8 supply ng bananacue. Kung ito’y
6 B titignan mula punto D patungong
punto B, makikitang sa tuwing
4 bumaba ang presyo, bumababa din
ang bilang ng dami ng bananacue na
2 handang ipagbili. Tinatawag itong
A
0 paggalaw ng supply sa iisang kurba o
movement along the same curve
0 20 40 60 80
kapag ang nagbabago lamang ay ang
Quantity Supplied presyo.

Supply Function
Ang supply function ay isa ring paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng
presyo at quantity supplied. Ito ay sa pamamagitan ng mathematical
equation
1. Qs = f (P) 2. Qs = c + bP
Kung saan:
Kung saan:
Qs (quantity supplied) Qs = dami ng supply
= ay tumatayong dependent P = presyo
variable c = intercept (bilang ng Qs kung ang
P (presyo) presyo ay 0)
= independent variable b = slope = ∆Qs
∆P
Ngayon, suriin at pag-aralan natin ang kompyutasyon sa ibaba upang
mapatunayan na ang relasyon ng datos ng supply schedule at ang supply
function ay iisa.
Gamit ang supply function mula sa supply schedule para sa bananacue,
kompyutin ang Qs kung: Qs = 0 + 4P
Kapag ang P = 5, Qs = ? Kapag ang P = 15, Qs = ?

Kapag ang P = 5 , Qs = ? Kapag ang P = 15 , Qs = ?

Qs = 0 + 4P Qs = 0 + 4P
Qs = 0 + 4 (5) Qs = 0 + 4 (15)
Qs = 0 + 20 Qs = 0 + 60
Qs = 20 piraso Qs = 60 piraso

Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung may
ibinibigay na presyo. I-substitute lamang ang presyo sa variable na P at i-multply ito
sa slope na 4 at idagdag ang intercept na 0.

9
Pagyamanin

A. HALINA’T MAG-GRAPH TAYO!


Mag-isip at pumili ng isang produkto na kailangan mo araw-araw. Ilapat
ang pangalan ng produkto sa patlang na bahagi ng supply schedule at i-plot
ang supply curve nito sa nakalaang graph batay sa iyong natutunan. Isulat ang
iyong nagawang supply curve sa iyong activity notebook.
Supply Schedule ng ____________ Supply Curve ng ____________

Punto Presyo Quantity


(bawat Supplied
piraso)Php

A 5 50
B 10 100
C 15 150
D 20 200
0

Mga Tanong:
1. Ano ang quantity supplied sa presyong 20 (Php) pesos? ______________
2. Nang bumaba ang presyo sa 5 (Php) pesos mula 10 (Php) pesos, ano ang
nangyari sa quantity supplied?
__________________________________________________
3. Ilarawan ang Batas ng Supply batay sa supply curve na nagawa mo.

B. MAG-COMPUTE TAYO!
Gamit ang supply function, kompyutin ang hinihinging datos para makumpleto
ang schedule na nasa ibaba. Ipakita ang iyong kompyutasyon sa activity
notebook.

1. Supply Function na Qs= 0 + 4P

Presyo (Php) Qs
10
60
20
25

10
Isaisip

I WILL SUP-FIVE! (Supply Five)

Kung ikaw ay isang negosyante sa kasalukuyang pandemya, magbigay


ng limang produkto na kaya at handa mong ipagbili o i-supply. Isulat sa
sticky note ang mga napili mong mga produkto na patok at nakatutulong sa
kapwa. Sagutin ang mga katanungan sa iyong activity notebook.

5 Produktong Napili Ko:

1. ______________
2. ______________ 1. Bakit mo ito napili?
3. ______________ ____________________
4. ______________ ____________________
5. ______________ ____________________
____________________
____________________
____________________
____________________

2. Ano ang magiging batayan


mo sa pagpili maliban sa
kumita?
___________________________
___________________________
___________________________
_________________________
________________________

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Th
inking_Cartoon_Businessman_(Flipped).s
vg

11
Isagawa

MAG-PICTO-DIARY KA!
Gumupit ng larawan ng isang tindahan, o palengke na nagpapakita ng
supply ng kanilang mga produkto. Maaari ring iguhit mo ang larawan ng
tindahan sa inyong paligid kung walang magugupit na larawan. Idikit ito sa
isang construction paper o colored paper bago ilagay sa iyong activity
notebook. Pagkatapos ay sumulat ng talata na maiugnay mo sa iyong
larawan. Gamitin ang rubriks sa paggawa ng picto-diary.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn

RUBRIKS para sa PICTO - DIARY


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Larawang Malinaw, tama at tugma ang 15
larawang ginamit batay sa
ipinaskil
panuto
Nilalaman ng Maliwanag ang mensahe ng 25
diary batay sa paksa at
Diary
nauugnay ito sa larawang
ginamit
Kalinisan sa Malinis ang gawain at maayos 10
ang pagkakasulat ng diary
gawain
Kabuuang Puntos 50

12
Aralin
Mga Salik na Nakaaapekto
ng Supply
2
BALIKAN

4PICS: ONE WORD

Suriing mabuti ang apat na larawan at punan ng mga letra ang mga
patlang sa ibaba upang mabuo ang salitang tinutukoy sa inilalahad sa mga
larawan. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

Ᵽ150.00

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Wireless_in-store_price_display_at_a_clothing_retailer_in_NJ.jpg
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Pink-price-label/37446.html
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jsqyt
https://pixabay.com/illustrations/price-tag-price-label-tag-sale-5015518/

___S__
Mga Tanong:

1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?


___________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng salitang nabuo sa supply?


___________________________________________________________

13
Tuklasin

E-MOJI ‘IKA MO!

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang emoji na sa


ikalawang kolum kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi, iguhit ang emoji na
sa ikatlong kolum.

Emoji
Sang-ayun Di-sang-
Sitwasyon ayon

1. Ang cellphone ay nakapabilis sa


komunikasyon ng tao.
2. Ang inaasahang pagtaas ng presyo ay
nakaka-inganyo sa mga magsasaka na
magtanim.
3. Kakaunti lang ang nagawang dokumento ni
Kyle sa opisina nang gumamit siya ng
kompyuter.
4. Tumaas ang halaga ng mga sangkap sa
pagluluto ng tinapay dahilan sa pagbaba ng
supply nito.
5. Ang pagtaas ng buwis sa produktong alak at
sigarilyo ay nagpataas sa supply nito.

Tanong:

1. Magbigay ng mga dahilan kung bakit mo sinasang-ayunan at di sinasang-


ayunan ang mga pahayag.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

14
Suriin

Sa bahaging ito, malaman mo ang nga salik na nakaaapekto sa pagtaas


at pagbaba ng supply. Basahin ng mabuti ang teksto upang maunawaan ang
aralin.

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY


Ang presyo ay ang halaga ng salapi bilang kabayaran sa produkto o
serbisyo. Ito ang pangunahing salik na nakaaapekto sa supply. Maliban sa
presyo ay may iba pang salik. Ito ang mga sumusunod.
`

Pagbabago sa Ang teknolohiya ay anumang bagay o kasangkapan na


Teknolohiya nakatutulong sa mga negosyante sa paggawa o pagbuo ng
produkto. Napapabilis nito ang paggawa ng produkto o
paghatid ng serbisyo. Halimbawa ng pagbabago sa
teknolohiya: typewriter–word processor, Faxes-Email,
telephone-cellphone; manual cars – smart cars at marami
https://pixabay.com/photos/f pang iba.
orklift-machines-training-
industry-4714747/
Pagbabago sa Halaga Ang paggawa (labor), materyales (materials) at makinarya
ng mga Salik sa (machinery/equipment) ay mga salik ng produksiyon (cost
Produksiyon on inputs). Ang pagbaba o pagtaas ng halaga sa alin mang
salik ng produksiyon ay nakaaapekto sa supply. Kung
mababa ang halaga ng produksiyon tataas ang supply. Kung
mataas ang halaga ng produksiyon mababa ang supply.
https://commons.wikimedia.
org/wiki/File:Increasing_Cos

Pagbabago sa Bilang Ang mga prodyuser ay nanaisin na gumawa ng maraming


ng mga Nagtitinda produkto kapag dumami ang bilang ng nagtitinda na
nagresulta sa pagtaas ng supply. Halimbawa, ngayong
nauuso ang pagkain ng ube-cheese-pandesal mas
maraming panaderia ang gumagawa nito dahil marami ang
naingganyo na magtinda.
https://www.flickr.com/photos/mooglet/4663083325/

Pagbabago sa Ang magkaugnay na produkto ay mga produktong sabay na


Presyo sa Kaugnay ginagamit tulad ng kape – asukal, gatas-kape, peanut
na Produkto butter – tinapay at marami pang iba. Naaapektuhan ang
dami ng supply kapag nagbabago ang presyo ng kaugnay
na produkto. Halimbawa kung tumaas ang presyo ng peanut
butter, dadamihan ng mga prodyuser ang paggawa nito.
Kaya nagkakaroon ng pagtaas sa supply ng peanut butter at
nagdudulot ng pagbaba sa supply ng tinapay.
https://www.flickr.com/photos/dcoetzee/5904697380

Ekspektasyon ng Ang inaasahan pagtaas ng presyo sa hinaharap ay


Presyo makaaapekto ang supply sa kasalukuyan. Halimbawa, kung
may inaasahang pagtaas ng presyo sa gasolina sa susunod
na araw ay babawasan nila ang supply ng gasolina sa
kasalukuyan at hintayin na tumaas ang presyo para
maibenta ito sa mataas na presyo. Ang pagtatago ng
produkto ay tinatawag na hoarding.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:May2008gasolineCA.jpg
Ang Paglipat ng Supply Curve
https://www.luke.af.mil/News/Article-Display/Article/358961/pain-at-the-pump/

15
Paglipat ng Supply Curve

Ang paglipat ng supply curve o shifting of the supply curve ay


ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan o kaliwa. Kapag tumaas
ang presyo ng supply ay magreresulta ito ng paglipat ng supply curve
sa kanan. Kung bumaba ang presyo, lilipat ang supply curve sa kaliwa.

May pangyayari na makikita ang paglipat ng supply curve sa


kanan kung ang mga pagbabago sa iba pang salik ay nagresulta ng
pagtaas ng supply. Makikita din ang paglipat ng supply curve sa kaliwa
kung ang mga pagbabago sa iba pang salik ay nagresulta ng pagbaba
ng supply.

Pansinin ang supply schedule ng bigas at ang graph na nagpapakita ng


paglipat sa supply curve na dulot ng mga salik na nakaaapekto nito.

Supply Schedule ng Bigas Supply Curve ng Bigas

PRESYO QUANTITY
(Bigas/Kilo) SUPPLIED
(Sako ng
Bigas)

Q1 Q2 Q3

45 400 300 500

40 300 200 400

35 200 100 300

30 0 0 0

16
Pagyamanin

SA-KAT-HA (Salik-Katangian-Halimbawa)

Punan mo ang unang kolum ng mga kahon sa ibaba ng mga salik na


nakaaapekto sa supply. Punan din ang ikalawa at ikatlong kolum ng mga
kahon ng katangian at halimbawa ng bawat salik. Isulat sa activity notebook
ang iyong sagot.

Iba pang Salik


na Nakaaapekto Katangian Halimbawa
sa Supply

Tanong:

1. Paano nakaapekto ang hoarding sa pagbabago ng dami ng supply?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________

17
Isaisip

I-TABLE MO!
Punan ang talahanayan ng mga epekto sa supply na dulot ng iba’t-ibang
salik at ipaliwanag ang dahilan ng pagbabago sa bilang ng supply.

Iba’’t Ibang Salik na Epekto sa Supply Dahilan ng Pagbabago


Nakaaapekto sa Supply sa Supply

Halimbawa: Tumaas ang -Tumaas ang -nais ng mga


presyo supply negosyante na kumita

Makabago o moderno ang


teknolohiya na ginamit sa
paggawa ng produkto

Mataas ang halaga sa


paggawa ng produksiyon
pati na ang materyales na
ginamit
Mababa ang bilang ng
nagtitinda

Tumaas ang presyo ng


magkaugnay na produkto
Halimbawa: tumaas ang
asukal kaysa kape

Inaasahan ang pagbaba


ng presyo kinabukasan

Tanong:

Bakit mahalagang malaman mo ang mga epekto ng iba’t – ibang salik sa


supply ng produkto at serbisyo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

19
Isagawa

IDEA KO, IGUHIT KO!

Pumili ng isang (1) sitwasyon sa ibaba at gumuhit ng larawan na


nagpapakita sa sitwasyong iyong pinili. Iguhit ito sa bondpaper bago idikit sa
activity notebook. Gawing gabay ang rubriks para sa pagmamarka.
Mga sitwasyon:

• Paggamit ng mga makinarya sa produksyon


• Mga kailangan sa paggawa ng produkto
• Mga produktong nauuso sa panahon ng pandemya
• Murang presyo sa mga pamilihan
• Sunud-sunod na pananalasa ng mga bagyo
• Pagpasok ng mga produktong Tsino sa merkado

Sitwasyon: ____________________________________

Rubriks para sa Idea Ko, Iguhit Ko!

Pamantayan Deskripsyon Puntos/ Nakuhang


sitwasyon Puntos
Pagkamalikhan Malikhaing
naiguhit ang 10
sitwasyon na
napili
Nilalaman ng Tama ang
storyboard ipinakitang 10
larawan batay
sa sitwasyon
Kabuuang Puntos 20

19
Buod

Natalakay sa modyul na ito ang mga konsepto ng supply. Batay sa


inihandang gawain at pagsusuri, nabigyang linaw ang mga sumusunod:

• Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at


kayang ipagbili ng mga prodyuser o negosyante sa mga mamimili sa iba’t
ibang presyo sa isang takdang panahon.

• Ayon sa Batas ng Supply, ang dami ng supply ay may tuwirang ugnayan


(directly proportional) sa presyo nito. Ibig sabihin, kapag ang presyo ng
produkto o serbisyo ay mataas, mataas din ang supply nito. Ngunit kapag
ang presyo naman ay mababa, bababa din ang supply ng produkto o
serbisyo (ceteris paribus).

• Ang ugnayan ng presyo at dami ng supply ay maaring maipakita sa


pamamagitan ng tatlong paraan: supply schedule, supply curve at
supply function.

• Ang iba’t ibang salik na nakaapekto sa supply bukod sa presyo ay ang


teknolohiya, halaga ng mga salik ng produksyon, bilang ng nagtitinda,
presyo ng kaugnay na produkto at ekspektasyon ng presyo.

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong activity notebook.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo
C. Supply D. Produksyon

2. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.


A. Presyo B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Nagtitinda

3. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o


kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon B. Teknolohiya
C. Bilang ng nagtitinda D. Presyo

20
4. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang
magiging epekto nito sa supply ng bigas?
A. Bababa ang magiging supply B. Mananatili ang dami ng supply
C. Tataas ang magiging supply D. Aangkat ng supply

5. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng


kaugnay na produkto. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog B. Brown sugar – white sugar
C. Face mask at alcohol D. Asukal – kape

6. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo at


supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag mababa
ang presyo, mababa din ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa ang
presyo, tataas ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag
mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.
D. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag
mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.

7. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit


binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang
presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda
C. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto
D. Dahil mababa ang salik ng produksyon nito
8. Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang ipinapakita ng
kurba ng supply o supply curve?

A. Kumikilos paitaas patungong kanan


B. Kumikilos mula itaas, pababa at pakanan
C. Kumikilos paitaas at pakaliwa
D. Kumikilos mula itaas, pababa at pakaliwa

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Supply_curve.jpg

9. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo ay
Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200

21
10. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano ka
maging apektado kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa bigas?
A. Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito.
B. Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko.
C. Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng presyo.
D. Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng supply.
11. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong
nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang
hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng
mga ito sa pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa
mas mataas na presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
12. Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply schedule at
supply curve. Paano mo mailalarawan ang mga ito?
A. Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan.
B. Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang supply
curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.
C. Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay talaan ng presyo at dami ng supply.
D. Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve ay
grapikong paglalarawan ng dami ng supply.

13. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na COVID-
19. Kung ikaw ay isang mamimili, anong pangunahing pangangailangan ang
iyong bibilhin kahit tumaas pa ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit
saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.

24
14. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos
magkaparehong produkto na may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay isang
negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang iyong
produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na
ang delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay
ang delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at
delivery charge rate sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at
pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na may
charge na nakadepende sa lugar.

15. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa
bansa. Paano maapektuhan ang supply ng alcohol at face mask sa lokal na
pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa labas ng bansa sa mataas
na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at
ipagbibili lamang sa mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at
ipagbibili sa mataas na presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at
ipinagbibili sa mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at
ipinagbili sa mataas na presyo.

24
Susi sa Pagwawasto

1. C
2. A
3. B
4. C
5. D
6. A
7. C
8. A
9. B
10. C
11. A
12. A
13. C
14. D
15. A

24
Sanggunian:

Aklat:
Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang Aklat
ng Araling Panlipunan, Ikaapat na Taon. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., 2012.
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal Group, Inc.,2015.
Rhodora R. Tolentino. Bagong Kalakaran sa Ekonomiks Para sa Mataas na
Paaralan. Quezon City: Saint Bernadette Publications, Inc.,2001.
Tereso S. Tulla, Jr. Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino, Ikalawang
Edisyon. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 1998.

Online:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Supply_curve.jpg/(Accesed:May 14, 2020).
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/b3/Demand_curve.png/(Accessed:May
14, 2020).
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Typical_sari-sari_store.jpg/(Accessed:May 14,
2020).
https://www.pexels.com/photo/air-air-pollution-chimney-clouds-459728/(Accessed:May
14, 2020).
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Tony_Tan_Cokationg_%26_Aquino_2016
_(cropped).jpg /(Accessed: May 14, 2020).
https://sco.m.wikipedia.org/wiki/File:Milan_Vegetable_Market.jpg/(Accessed:May
14, 2020).
https://pxhere.com/en/photo/719072/(Accessed: May 15, 2020).
https://pixabay.com/photos/businessman-arrow-profit-rise-3189814/(Accessed:
May 15, 2020).
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thinking_Cartoon_Businessman_(Flipped
).svg/ (Accessed: May 17, 2020).
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn /(Accessed: May 19, 2020).
https://www.needpix.com/photo/185021/notebook-book-planner-note-paper-paper-
lined-ruled-blank-folio/ (Accessed: June 2, 2020).
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Wireless_instore_price_display_at_a_clothing
_retailer_in_NJ.jpg / (Accessed:May 14, 2020)
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Pink-price-label/37446.html /
(Accessed:May 14, 2020)
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jsqyt/ (Accessed:May 14, 2020).
https://www.needpix.com/photo/1030420/discount-off-offer-percent-gold-price-label-
special-offer-sale-icon-rate-discount-tag/ (Accessed:May 14, 2020)
https://pixabay.com/photos/forklift-machines-training-industry-4714747/
(Accessed: May 20, 2020)
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Increasing_Costs_Leads_to_Increasing_Pri
ce.jpg/ (Accessed:May 20, 2020)
https://www.flickr.com/photos/mooglet/4663083325// (Accessed:May 20 2020).
https://www.flickr.com/photos/dcoetzee/5904697380/ (Accessed:May 20 2020)
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:May2008gasolineCA.jpg/ (Accessed:May 20,
2020)
https://www.luke.af.mil/News/Article-Display/Article/358961/pain-at-the-pump//
(Accessed:May 20, 2020)
25
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]

You might also like