Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

4

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4: Nasusuri Ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas
sa Heograpiya Nito
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.
Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City
SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Mga Manunulat: Madonna T. Libo-on, Stephanie Jane D. Hechanova
Editor: Nove P. Macayan
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Caroline C. Sedayon
Tagaguhit: Arish Jedd B. Libo-on
Tagalapat: Adonna S. Cueva
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: [email protected]

ii
4
Araling Panlipunan
Quarter I – Modyul 4:
Nasusuri Ang Ugnayan ng Lokasyon
ng Pilipinas sa Heograpiya Nito

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy
Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga
mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.
Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa
heograpiya nito.

Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan


Aalamin Ko
ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at


Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Ikaapat
Araling Panlipunan 4
na
Linggo Unang Markahan-Modyul 4

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya
nito.
AP4AAB-Ie-f-8

Maligayang pagbati at natagumpayan mong natapos ang ikatlong


modyul at napag-aralan mo ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng
Pilipinas gamit ang mapa.
Alam kong sabik ka ng simulan ang panlimang modyul at malaman
ang maraming bagay tungkol sa paksang tatalakayin. Kaya
Simulan na ….
Sa telebisyon makikita mong ang ibang lugar ay nakakaranas ng
matinding lamig na kung saan nagyeyelo ang kanilang lugar o di kaya ay
umuulan ng niyebe o snow. May mga bansa ding nakakaranas ng
matinding init. Bakit kaya iba-iba ang nararanasang klima ng bawat
bansa? Bakit kaya walang niyebe o snow sa Pilipinas? Sa pagpapatuloy
mo sa araling ito masasagot mo ang mga tanong na ito.
Sa araling ito inaasahang mapag-aaralan mo ang kaugnayan ng
klima sa lokasyon ng Pilipinas sa mundo.

1
Susuriin Ko
NAAALALA MO PA BA ANG NAPAG ARALAN MO NOONG
NAKARAANG LINGGO?
Subukin mong gawin ang isinasaad ng panuto.

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Pumili


lamang sa mga nakalista na mga salita. Isulat ang sagot
sa papel.

• 1,107 kilometro
• 300,000 kilometro
• 1,851 kilometro
• 1,000 kilometro
• Timog-Asya

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa __________________.

2. Ang bansang Pilipinas ay may lawak na __________ kilometro


kuwadrado.

3. May __________ kilometro ang haba nito mula sa hilaga patimog.

4. Umabot sa ________ kilometro ang lawak mula sa kanluran


pasilangan.

5. Humigit-kumulang _________ kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa


kalakhang kontinente ng Asya.

2
GAANO KA KAHANDA SA MODYUL NA ITO?
Subukin mong sagutin ang mga sumusunod. Huwag kang mangamba
sa pagsagot. May tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

PANUTO: Hanapin sa loob ng crossword puzzle at isulat ang sagot


sa papel.

n t s a l r p g u m
➢ mainit e p o w m b l i r a
➢ malamig b m e o u - a m w s
➢ tag-ulan t a g r o n i a p e
➢ tag-init g i p u s t e l r b
w n a l u - g a t i
s i n p r s u m o n
l t u - h a d b r p
u d t a g - i n i t
k a b e t u l d s g

Sagutin:

1. Ano-anong klima at panahon ang natukoy mula sa nabuong mga


salita sa loob ng kahon?

2. Alin kaya sa mga natukoy ang panahong nararanasan sa Pilipinas?

3. Ano kaya ang klimang nararanasan sa Pilipinas?

3
Pag-aaralan Ko
BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA TEKSTO SA IBABA.
Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa
isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa
mundo, temperatura (ang sukat ng init o lamig ng paligid) at iba pang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito. Upang malaman ang
klima ng isang lugar o bansa, mahalagang matukoy ang lokasyon,
topograpiya o paglalarawan ng katangian ng isang lugar at ang hangin
at tubigang mayroon ito.
Ang panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng
kapaligiran. Halimbawa, taglamig at tag-init.
Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa
pag-ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili nitong aksis. Bunga
nito, may mga bahagi ang mundo na direktang nasisinagan ng araw.
May mga bahagi ring bahagya lamang nasisinagan at may mga lugar na
hindi. Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng latitud sa uri ng klima
sa mga lugar sa daigdig.

4
Rehiyong Tropikal - Kung napapansin ninyo, nasa gitna ng
ating mundo ang rehiyong Tropikal kaya nakakaranas ng matinding
init at sikat ng araw dahil direkta siyang natatamaan ng sikat ng araw.
Ang Klimang Tropikal ay maaari ding mahalumigmig, basa at tuyo.

Rehiyong Temperate - Tinatawag namang Gitnang Latitud o


Rehiyong Temperate ang bahaging nasa pagitan ng kabilugang
Arktiko at Tropiko ng Kanser at ang nasa pagitan ng kabilugang
Antartiko at Tropiko ng Kaprikorn. Nararanasan sa bahaging ito ang
panahon ng tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig dahil sa pahilis na
sikat ng araw ditto

Rehiyong Polar - Hindi naman tinatamaan ng direktang sikat ng


araw ang mga nasa hilagang latitud hanggang Polong Hilaga at timog
latitud hanggang Polong Timog. Ang bahaging ito na tinatawag na
Rehiyong Polar ay napapaligiran ng makakapal na yelo na hindi
natutunaw dahil kaunting sikat ng araw lamang angnakararating dito.
Bunga nito, mararamdaman ang sobrang lamig sa buong taon.

Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa


mundo. Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang
latitud kaya’t tropikal ang klimang nararanasan dito. Direktang
nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at
maalinsangan ang klima rito. Gayunpaman, nakararanas din ng
malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat
Kanlurang Pilipinas at Karagatang Pasipiko. Maliban sa mga
nabanggit, nakararanas din ng iba’t ibang klima ang iba't ibang panig
ng bansa dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar,
galaw ng hangin at dami ng ulan na matututuhan mo sa susunod na
modyul.

5
Gagawin Ko
GAWAIN 1
PANUTO: Gamit ang globo o ang halimbawang globo sa ibaba, sumulat
ng 5 limang bansang nabibilang sa Rehiyong Tropikal na
klima, 5 sa Rehiyong Temperate at 2 bansang nabibilang sa
Rehiyong Polar. Isulat ang sagot sa papel.

Rehiyong Tropikal Rehiyong Temperate Rehiyong Polar


1 ________________ 1 _________________ 1 ________________
2 ________________ 2 _________________ 2 ________________
3 ________________ 3 _________________
4 ________________ 4 _________________
5 ________________ 5 _________________

6
PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang araw sa
kung ito ay tumutukoy sa nararanasan sa klimang
Tropikal at ulap naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
papel.

__________ 1. Ang mga naninirahan dito ay nakararanas ng


matinding sikat ng araw.

__________ 2. Umuulan ng yelo.


__________ 3. Nakararanas ng apat na uri ng panahon ang mga
bansang may ganitong klima.

__________4. Nasa mababang latitud ang mga lugar na


nakararanas ng klimang ito.

__________5. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang


mga bansa.
__________ 6. Mararanasan ang sobrang lamig sa lugar na ito
sa buong taon.

__________ 7. Nakararanas ng tagsibol at taglagas ang mga


naninirahan sa lugar.

__________ 8. Mainit at maalinsangan ang pakiramdam ng mga


naninirahan sa lugar.

__________ 9. Direktang tinatamaan ng sikat ng araw ang mga


lugar na ito.

__________ 10. Kaunting sikat ng araw lamang ang


nararanasan sa mga lugar na ito.

7
Tatandaan Ko

➢ Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang


lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura, at iba pang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.

➢ Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa


mundo.

➢ Magkaiba-iba ang klima sa iba't ibang lugar sa mundo dahil sa pag-


ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili nitong aksis.

➢ May 3 tatlong uri ng klima sa buong mundo. Ang Rehiyong


Tropikal na may mainit na klima dahil makikita ang mga bansang
ito sa gitna ng mundo kayat direkta silang tinatamaan ng sikat ng
araw. Ang Rehiyong Temperate na may malamig na klima at
nakararanas ng pag-ulan ng niyebe at ang Rehiyong Polar na
buong taon ay nababalot ng yelo ang kanilang lugar dahil halos
hindi na sila nasisikatan ng araw dahil matatagpuan ang rehiyong
Polar sa pinakadulo ng ating mundo.

➢ Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay malapit


sa ekwador at nasa mababang latitud kaya direktang
nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kung kaya’t mainit at
maalinsangan madalas ang klima sa atin.

8
Isasabuhay Ko
PANUTO: Isulat sa papel ang 5 maaaring gawin sa bansang Tropikal
tulad ng Pilipinas. Halimbawa: Masarap maligo sa dagat.

1. ______________________________________________
2. ______________________________________________
3. ______________________________________________
4. ______________________________________________
5. ______________________________________________

PANUTO: Tingnan ang tsart sa ibaba. Isulat sa unang hanay ang


magagandang bagay na nararanasan sa isang bansang
tropikal at sa ikalawang hanay naman ang hindi. Isulat ang
sagot sa papel.

MAGANDANG NARARANASAN HINDI MAGANDANG


NARARANASAN

PANUTO: Isulat sa papel ang mga naprodukto mong tanim at kung


ano ang mga ginawa mo rito para makatulong sa iyong
pamilya.

__________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

9
Susubukin Ko

Pangalan:___________________ Baitang:______________
Paaralan:____________________ Iskor:________________

I. Isulat ang salitang TAMA kung ang tinutukoy ng pahayag


ay tama at MALI naman kung hindi. Isulat sa papel ang
sagot.

_________ 1. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.

_________ 2. Ang klimang tropikal ay nakararanas ng pag-ulan ng


niyebe.

_________ 3. Madalas magsuot ng makakapal na damit sa o jacket


sa mga bansang tropikal.

_________ 4. Ang Rehiyong Polar ay nakararanas ng buong taon na


pagyeyelo.

_________ 5. Ang Rehiyong Temperate ay nakararanas ng apat na


panahon at ito ay tagsibol, tag-init, taglagas at
taglamig.

II. Basahin at intindihin ang isinasaad ng pangungusap.


Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?


A. Napakainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas.
C. Malamig at mainit sa Pilipinas.
D. Hindi gaanong malamig at mainit sa Pilipinas.

2. Bakit hindi natutunaw ang yelo sa Rehiyong Polar?


A. Dahil direktang nasisinagan ng araw ang Rehiyong Polar.
B. Dahil hindi tinatamaan ng direktang sikat ng araw.
C. Dahil pahilis ang sikat ng araw dito.
D. Dahil malamig dito.
10
3. Ano ang dahilan at magkaiba ang klima ng iba't ibang lugar sa
mundo?
A. Dahil sa pag-ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili
nitong aksis.
B. Dahil ang panahon ay tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig.
C. Dahil ang lugar ay nasa Tropiko ng Kanser.
D. Dahil ang klima ng bansa ay mainit.

4. Anong uri ng damit ang dapat isuot kung nasa lugar na malamig
ang klima?
A. Makakapal na damit
B. Maninipis na damit
C. Maruruming damit
D. Shorts at t-shirt

5. Makakaranas ka ng sobrang lamig sa lugar na ito sa buong taon.


A. Mga lugar na makikita sa Mababang Latitud o Rehiyong
Tropikal
B. Mga lugar sa Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate
C. Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn
D. Rehiyong Polar

11
12
pahina 21-26
Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4.
pahina 12-17
Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 4.
Sanggunian
GAGAWIN KO:
Rehiyong Tropikal: Rehiyong Temperate: Rehiyong Polar:
1. Central America 1. North America 1. Antarctica
2. South America 2. North Atlantic 2. Arctic
3. Carribean 3. Europe
4. Africa 4. Middle East
5. Oceania, Indian 5. North Pacific
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: [email protected]

You might also like