Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 129

MEN CHALLENGE JR.

12: Hard To Handle

"Bitterness is like cancer. It eats upon the host. But anger is like fire. It burns
it all clean."

- Maya Angelou 

xxxx

Series Started: 4.04.2020

Series Ended: 4.19.2020 

xxxx

No part of this book shall be reproduced, stored in retrieval system, or


transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, or otherwise,
without the prior written permission of the author, except for brief quotations in
critical articles of reviews. 

This is a work of fiction. Any similarity between the characters and situations
within its pages and places or persons, living or dead , is unintentional and
coincidental.

Hard to Handle

Men Challenge Jr. Book 12

a novel by:

xxakanexx

PROLOGUE

45

I looked at myself in the mirror. I cannot really describe myself without using the
word beautiful or maganda in Filipino. I mean, magand naman talaga ako. I have what
other girls envy – a glass skin. Hindi lang sa mukha ang glass skin ko, from head
to foot, sobrang kinis ko. Ang ganda – ganda ko talaga. Hindi lang ako maganda,
magaling akong magluto, matalino ako. Ako sa pamilya namin ang consistent na
palaging nasa honor roll noong elementary at secondary. Pagdating naman ng college,
palagi akong DL. I am everyone's dream girl.

In my young age – except for the fact that I'm so fresh – I have my own restaurant
na. Kasosyo ko ang kaibigan kong si Mcbeth "Fucker" Arandia. Fucker naman talaga
siya kahit ngayong matino na siya, tapos iyong asawa niyang si Pia, medyo epal siya
noong first time naming magkita pero ngayon BFFs na kaming dalawa.

Masasabi kong successful na ako sa age na ito. Ang daming nagkakagusto sa akin pero
mas focused ako sa trabaho ko at sa pag -aasikaso ng YOUTUBE channel ko – Leina's
Kitchen. Medyo marami na rin ang followers ko – I have two million followers sa
Youtube, 1.5m sa IG and twitter. Social media did something good to my life.
Kumikita ako ng sarili kong pera and with that, my father is so proud.

Anak ako ng tatay kong si Axel John Apelyido – right, weird surname no? But it
makes us unique. Ako ang pangatlo sa magkakapatid – I have an Ate – si Gabrielle
Reese na feeling boss, another Ate si – Gabrielle Aelise – feeling fresh pro
nanununog naman, I have two younger sisters – si Gabrielle Avery na walang ginawa
kundi ang harapin ang computers and gadgets niya which is an advantage for me
because she edits and look after my channels, and Gabrielle Anne – sa totoo lang
kaya Anne ang name niya wala nang maisip si Popsi na special for her, anyway
Gabrielle Anne is an athlete and Popsi is so invested in her sports career.
Supportive naman ako sa kanya, siyempre kapatid ko iyon.

We are the Apelyido sisters and some say na lahat raw kami bully – pero hindi naman
totoo iyon,. Mababait kaya kaming lahat.

I was too busy doing my nightly skin care – also, I'm busy admiring myself in the
mirror. Minsan nasa-shock ako sa kagandahan ko talaga. I mean, who wouldn't want to
be my friend? Pero maingat ako sa mga nakikipagkaibigan sa akin, ayoko nang maulit
ang nangyari noon.

"Ate." Napansin kong pumasok si Annie sa room ko. She walked towards my bed and
climbed in. Napatingin ako sa kanya.

"What, Annie? Wala kang room? Bakit dito ka pa sa room ko? Naghugas ka man lang ba
ng paa? My god!"

"Oo. Naligo na ako. Dito ako matutulog, sira iyong aircon ko."

"Doon ka kay Aelise matulog. Mas malaki ang kama niya. O kaya man kay Avery."

"Ayoko. Naninipa si Ate Aelise kahit tulog. Avery won't be sleeping tonight. May
tournament siya. Hindi ako makaa-rest. I need to rest kasi may practice ako bukas.
I need all the energy I can get."

"Whatever." Tumingin ulit ako sa mirror at nilagay na ang sleeping mask ko. It
moisturizes my skin and it leaves a beauty glow.

"Wow, kung mag -effort, parang may jowa."

"Akala mol ang wala akong jowa, pero wala nga bakit may jowa ka rin ba?" I asked
her. Nakataas na ang kilay ko.

"Wala rin. Si Popsi kung sino – sinong tinuturo sa akin kapag nasa Uni kami.
Nakakainis."

"He did the same to me sa head waiter ko. Noon kay Mcbeth, ngayon naman. I mean
eww!"

Naulinigan ko ang pagbukas ng gate. I stood up and saw my father's car. Nandito na
pala sila ni Aelise. Tumayo ako para salubingin sila. Wala si Momsi, mayamaya pa
iyon uuwi kasi may mga scenes siyang isho-shoot ngayon.

Natagpuan ko si Popsi at Aelise, nag-iinuman sila sa kusina. Tamang – tama, nagluto


ako kanina ng ginising itlog ng kapak – spicy version. Paboritong pulutan ni Popsi
iyon pero biglang dumating si Uncle David. Nagulat talaga ako kaso maghahating –
gabi na.

He has this menacing look. Hindi ko alam kung napansin ba ng kapatid ko pero ako
kasi pansin na pansin ko. Ano kayang nangyari?

"Kuya, sumama ka muna sa akin." Sabi ni Uncle KD. Nakita kong nagkatinginan si
Popsi at Aelise. I also heard my name. Nasa may bandang likuran kasi ako ni Uncle.
"Si Leina ba nandito?"
"Bakit, Kidong?"

"Yes, Uncle?" Uncle KD looked at me. Pinilit kong ngumiti pero ninenerbyos ako.
Ayoko ng mga ganitong datingan niya. The last time I saw him like this was that
night and that night didn't leave a good memory.

"You need to come with me, the two of you." Sabi muli ni Uncle.

"Okay. Tatanggalin ko lang itong sleeping mask ko. Goodbye naman sa beauty glow ko
for tomorrow!" I sounded disappointed but I was just trying to cover up my coming
anxiety. Mabilis akong naglakad papunta sa silid ko. I opened the door. Tulog na si
Annie. Ako naman ay nagsisimula nang manginig ang braso. Mabilis kong hinanap ang
gamot ko. I was desperately trying to swallow it, so the shaking will stop.

"Ate? Okay ka lang?" Naalimpungatan siguro si Anne kasi nalaglag ang ibang mga
beauty products ko na nasa dresser.

"Yes. Matulog ka na."

I did the breathing exercises Doc Cynthia taught me. Kahit paano ay nakakalma ako.
Muli akong bumaba sa living area. Wala na si Aelise roon. Si Popsi na lang at si
Uncle KD. Nang makita nila ako ay nagdesisyon na silang umalis. We were just
walking, apat na bahay lang naman ang layo ng bahay ni Uncle KD sa amin, pero
nalagpasan namin ang bahay nila at ngayon, tinutungo namin ang daan papunta sa
bahay nila Uncle Jude.

"Pops..." I called him. Nauuna kasi siya sa akin. He looked back at me. Lumakad
siya at inakbayan ako. "Saan tayo pupunta? Kay Uncle Jude ba?" Papunta rin naman
iyon sa street nila Ninong Ido but the first time that came to my mind is Uncle
Jude's house, just because the round table room is in there... and Uncle KD's
menacing look – what the fuck is happening?

"Kina Jude raw. Okay lang anak, 'wag kang matakot, nandito si Popsi."

I looked at him. It was the exact lines he told me about six years ago, sa loob ng
sasakyan niya. My mouth parted.

"Pops..."

"Yes, Leina?"

"Nothing..." I decided to just keep my fear. Wala namang mangyayari. Wala talaga.
It's not like we're in that situation again. Walang mangyayari.

Paulit – ulit iyon sa isipan ko. Walang mangyayari.

We arrived at Uncle Jude's home. Sa labas ng bahay ay nakita kong naka-park ang
sasakyan ni Ninong Ido. It's a silver Chevrolet. Naroon din ang sasakyan ni Kuya
Red, Kuya Don at Narcing – even Kuya Solomon's motorbike is there.

I guess everyone's here. But why is it me? Si Ate Reese dapat ang nandito, hindi
ako. I don't want to be involve in the family's other business – Popsi knew that.

Hindi ako nagsalita. We entered their home. I saw Tita Arielle. May hawak siyang
tray with coffee and some biscuits. Agad akong nagpunta sa kanya para tulungan
siya.

"Hi, Leina."
"Hello, Tita, help kita."

"No, anak. Ibabalik ko nga ito. The boys requested for something hard. Sige na,
sumunod ka sa Papa mo. Belle is here to help me."

Bakit? Nang linguninin ko si Popsi ay nakita kong naghihintay siya. I walked to


him. Humawak ako sa braso niya. Hindi ko alam kung para saan ang kabang ito, wala
naman sigurong mangyayari.

We went down to the round table room. I was right, everyone was there, Red and
Uncle Azul, Ninong Ido with the hambog brothers – as what Avery likes to call them,
Uncle KD with Kuya Solomon and Elishua, and then, Popsi with me... why me?

Uncle Judas was standing in the middle of the room. He saw me. Red saw me too.
Bigla na lang siyang lumakad papunta sa akin. Takang – taka ako – lalo nang tumayo
siya sa tabi ko. Nakatitig ako sa kanya. May nangyayari ba? May hindi ako
naiintindihan.

Uncle Simoun did the same thing. Nagkakagulo sila sa gitna ng round table. Ninong
Id o cleared his throat and then everyone sat down, natapos ang kaguluhan kaya mas
nakita ko nang maayos ang nangyayari.

I gasped loudly. Kuya Red pulled me closer to him.

"Putang ina!" Sigaw ni Popsi. Tumayo si Uncle Jude at Uncle KD. "Putang ina! Anong
ginagawa niyan dito?! Wala akong baril! Putang ina! Putang ina!" Nabunot ni Popsi
ang baril ni Uncle Simoun.

"Azul!" Sigaw ni Uncle Jude. "Sabi ko wala munang magdadala ng baril!"

"Oh kung ayaw ninyong barilin ko iyan bakit nandito iyang putang inang iyan?!"

Kung galit nag alit si Popsi ay iyak naman ako nang iyak – iyak na walang sounds,
iyak na nakakahinga ako pero nasasaktan ang puso ko.

In the middle of the room, there was Angelo Jorge De Angelo. He was tied up. Iyong
buong katawan niya napapalibutan ng lubid. Puro pasa siya sa mukha, hindi na nga
niya maidilat ang isa niyang mata pero nagawa niya pang ngumisi sa pamamagitan ng
duguan niyang bibig. He was looking straight to me.

"Hi, Love. Did you miss me?" Wika niya. Lahat silay ay napatingin sa kanya. My body
was shivering.

"Putang ina ka!" Sigaw ni Popsi. Napapikit ako dahil ang sumunod sa sinabing iyon
ni Popsi ay ang pagputok ng calibra quarenta'y cinco na hawak niya. Napapikit ako.
Niyakap naman ako ni Kuya Red nang mahigpit. 

CHAPTER 1

Pansamantala

Gabrielle Eleina Apelyido's

"So, what do you want me to call you, Eleina or Gabrielle?"

Medyo mayabang itong taong ito. He looked so confident, tapos may ngisi pa sa mukha
niyang hindi maalis – alis habang kausap niya ako. Nasa loob kami ng University
Library. Nakaupo kami nang nakaharap sa isa't isa. He looked so hambog habang
hinihintay ang sagot ko sa tanong niyang wala namang sense para sa akin.

I was always called Leina by my family and friends. Hindi ko nga masyadong gusto
ang pangalan ko. Parang pang-matanda na. Tinanong ko minsan kay Popsi kung bakit
Eleina, ang sabi niya , iyon raw kasi ang naisip niya pagkatapos niyang makita
akong lumabas sa pekpek ng nanay ko. It's weird though – well it's my father he's
always weird.

"Araw – araw, after ng last class mo, pupunta ka rito sa Library para sa tutorial.
Always be on time. Do not be late. I will pnly wait for you for ten minutes, if you
don't show up, then we're over." Walang emosyong wika ko. Member ako ng Help out a
student Org ng University, and this boy – guy, whatever her is has a failing grade
with our org adviser, kay sir Dimatulac. Kilala si Sir sa pagiging terror, and
according to what I've heard about him, apat nab eses na niyang binabagasak ang
subject ni Sir. Napansin ko ring mas may edad siya sa akin, pero nasa mas mataas na
year ako sa kanya.

Third year college na ako – Culinary Arts ang course ko. I really want an
internationally renowned chef. Bata pa lang ako mahilig na akong magluto, and my
parents are always encouraging us to do whatever we love. I fell in love with
cooking and I am chasing after it now.

"My name is Jorge Madrigal." Pakilala niya sa akin. Kanina pa siya nagpapakilala
pero hindi ko naman siya pinapansin. Alam ko rin ang pangalan niya, nandito kasi sa
papers na binigay sa akin ni Sir Dimatulac. "Hindi mo man lang ba sasagutin ang
tanong ko?" Nakahalukipkip na siya noon. Ako naman ay inaayos ang mga modules na
sasagutan niya. Magkaiba kami ng course, iyong subject niya kay Sir Dimatulac ay
pang first year pa. Nakakaloka, sinong babagsak sa Genaral Science?

"Hello? Pipi ka ba?" Preskong tanong niya. Tinapunan ko siya nang napakasaman
tingin. Nakakabwisit iiyong hitsura niyang iyon. Mahaba ang buhok niya, kaya siguro
itinatali niyang para siyang bandido tapos may kulay pulang bandanang nakaikot sa
may noo niya. May tatlong piercings siya sa kaliwang tainga, ngumunguya siya ng
bubble gum, nakaitim siyang muscle sando na tinernuhan ng pantalong sira – sira
tapos kulay itim ba combat boots.

"Pinagtatawanan mo ba ang mga pipi?" Biglang wika ko. Mukhang nagulat siyang
nagsalita ako. "H'wag mo akong yabangan, please lang, naalibadbaran ako sa mukha
mo." Inis na inis na ako.

"Wala akong ginagawa tapos galit ka na? Paano kapag may ginawa ako, baka naman
gawin mo ang kabaliktaran ng galit."

"Huh?"

"Galit... Mahal..." I rolled my eyes.

"Rule 1. Don't hit on me. Rule 2. Do as I say para pumasa ka. Rule 3. Makisama ka.
This is a tutee, tutor relationship. Outside this library, we're not friends. Bukas
ang start ng session natin, please be on time. I value my time, Mr. Madrigal."

"Ang intense mo naman. So, what is it gonna be? Gabrielle or Eleina?" Muli hindi ko
siya sinagot. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. May gagawin pa ako, nakipag – meet
lang talaga ako sa kanya ngayon para sabihin sa kanya ang mga dapat niyang gawin
habang nagtuturuan kaming dalawa. I left the library and went home straight. Hindi
ko na hinintay na sunduin ako ni Popsi, susunduin niya pa sa school si Avery at si
Annie saka niya ako dadaanan, nag-text naman ako sa kanya.
After I got home, I changed into my pambahay and apron. Inayos ko ang set up ng
kitchen tapos ay nagsimula na ako.

"Hello, welcome back to my kitchen. This is Leina and today, we are going to cook
the traditional Filipino Adobo dish!"

xxxx

"Baby! Honey love! Baby peaches!"

Nanlalaki ang mga mata ko habang naglalakad sa hallway papuntang library. Nasa
kabilang side ako ng hallway at iyong sumisigaw ay nasa kabilang side iyong
sumisigaw. Hindi naman ako iyong tinatawag pero nakakagulat pa rin. Iyong ibang mga
students ay nahahawi dahil dumadaan iyong nagmamay- ari ng boses. Siguro may
dalawang magsyota na namang nagliligawan sa hallway papunta library, the hallway is
famous for that.

"Babylove! Irog ko!" Sa pagkakataong iyon ay napatingin ako. Nakita ko si Jorge


Madrigal na palapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko nang makalapit siya at
saka ngumiti. He's still wearing his typical sando plus sira -sirang pants ensamble
with that blue bandana on his forehead. "Sweetheart, kanina pa kita tinatawag."

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Nakita kitang paakyat eh. Sasabay n asana ako pero ang bilis mong maglakad,
Honeypie."

"Ha?"

"Mag-start na ba tayo, Lovie?"

"Aba't putang ina, ano bang problema mo?" Takang – taka ako habang nakatingin sa
kanya. Ngumiti lang siya – iyong hambog na ngiti habang parang nang-aasar pang
inakbayan ako.

"You didn't tell me how to address you. Kaya naisip kong tawagin ka na lang ng
ganoon, so mamili ka?"

Tinuktukan ko siya sa ulo ng notebook ko.

"Leina. Punyeta ka ha." Inirapan kong muli siya tapos ay pumasok na ako sa library.
Araw – araw ko itong gagawin sa loob ng apat na buwan dahil sukang – suka na si Sir
Dimatulac sa kanya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi na lang siya ipasa
kung talagang ayaw na niyang makita ito. Hindi naman talaga ako judgmental pero sa
tingin ko kay Jorge, siya iyong tipo ng taong walang gustong patunguhan sa buhay.
He just wants to have fun. Kilala siya sa school sa ganoong reputasyon, kabi-kabila
rin ang mga babae niya at alam ko member siya ng gang na madalas mapaaway.

Kumbaga, wala talaga siyang papatunguhan sa buhay.

"May boyfriend ka na ba, Leina?" Isang araw habang nag-aaral kami ay tinanong niya.
Siguro mga two weeks na kaming nag-tu-tutor noon. Tumingin ako sa kanya at hinarap
ang quiz niya.

"May balak ka bang pumasa this sem?" Balik tanong ko sa kanya. "Quiz mo, 1 to 50, 2
ka lang. Wala bang pumapasok diyan sa isip mo? Kulang pa ba ang modules ko? Saan ka
ba nahihirapan?"

"Hindi ako nahihirapan. Ayoko lang talagang mag-aral."


"So, bakit ka nag-enrol?"

"Mama made me do it." Simpleng sagot niya. Huminga ako nang napakalalim.

"Ayun naman pala. Ayaw mo bang maging proud ang Mama mo sa'yo?" Malumanay na wika
ko kasi baka ganoon ang kailangan niyang marinig, baka ganoon ang approach ko sa
kanya. May mga tutee rin naman ako dati na ganito pero after two or three weeks
nagkakaroon sila ng development pero itong si Jorge Madrigal hindi eh.

"My mom will be proud of me whatever I do."

"Ah, so you think you don't have to study, basta na lang siya magiging proud sa'yo?
Okay." Hindi na ako nagsalita. Napapailing na lang ako habang nagsusulat ng sagot
sa assignments ko. Napansin kong nakatitig lang siya sa akin. "Yes?"

"You have something to say to me, say it." He said to me.

"Wala naman akong sasabihin."

"Meron. Just say it." Wika niyang muli. "Think of it as a free pass. I want to
know. What is it?"

"Well..." I said to him. "Sa tingin ko sobrang spoiled brat mo. You really think
that whatever you do, magiging proud sa'yo ang Mommy mo? Sige, sabihin nating iyon
ang case, but, dude, you need to to something concrete to make her proud, Lahat
tayo mahal ng mga nanay natin pero hindi ibig sabihin noon sasamantalahin mo na.
Even if she is your mother, don't be a blood sucking leech. You cannot live off
your mom forever, Jorge. Ipakita mo namang may patutunguhan iyang buhay mong
patapon na."

Nakita ko ang reaction niya. Unti – unting nawala iyong hambog niyang ngisi at saka
siya nagseryoso.

"I see." He said. "Akala ko iba ka." Bigla na lang siyang tumayo at kinuha ang mga
gamit niya. Napapatangang sinundan ko siya ng tingin. Napailing ako sabay singhap.

"Ahhh, minsan talaga kailangan kong kagatin ang dila ko.

xxxx

"Good morning! What's for breakfast today?"

Maaga talaga akong gumising nang umagang iyon dahil nasabi ni Annie sa akin na
maaga ang practice niya. I needed to cook for her. Kailangan niya ng heavy
breakfast ngayon, at sinabayan ko na rin iyon ng heavy lunch. She's a growing girl
and she needs her protein.

"Saan ka nagpunta kagabi, Ate? Akala ko matutulog ka na rin." Naupo siya sa


highchair doon sa may bar counter. Inilapag ko sa harapan niya ang platong may
bacon – avocado cups, grilled cubed pork, pouched egg saka freshly squeezed orange
juice.

"Ah, Popsi and I had something to do. Eat up. Pagbabaon kita ng lunch. Gumawa ako
ng cauli rice. I also made so red pepper chicken and for dessert you'll have
chocolate moist cake made from almond flour and almond milk. You need to finish it
all, okay? Maiinis ako kapag may natira pa sa lunch mo."
"Okay." Annie started eating. "So, saan kayo nagpunta ni Popsi kagabi? I could hear
him and mom, parang may nangyari?"

"Wala naman. Everything is fine." Tinapos ko ang mga niluluto ko at saka ko inayos
sa isang food container ang ilang mga pagkaing dadalhin ko. I left earlier too, I
need some fresh air, I need to hear my therapist's voice.

Thirty minutes later, naka-park na ako sa tapat ng clinic ni Don Cynthia. Dala ko
ang food container na ibibigay ko sa kanya. Sa Thursday pa sana ang therapy ko –
although hindi na masyadong intense ang therapy sa akin, pumupunta pa rin ako sa
kanya kahit man lang twice a month, si Mcbeth, once a month na lang siya
bumibisita, he's totally not fucked up now, he has a great family, two kids and a
beautiful wife who is expecting again.

I went in. I said hi to the secretary and put a cupcake on her table. Pinatuloy
niya ako sa loob ng clinic, sakto naman na pagatpat ko sa pinto ay bumukas iyon. I
was kind of surprised seeing Kuya Perce here.

"Aga mo ha." Wika ko sa kanya.

"Oo. Si Sam eh. Namimilit na naman." He gave out sa smile. "Una na ako. I have
meetings. See you on Thursday."

"Okay." I went in. Nakaupo si Doc Cynthia sa office chair niya. Medyo kumunot pa
ang noo niya nang makita ako. I gave her the food container and she laughed.

"Ito ang gusto ko kapag nandito ka. I get free food." I made myself comfortable on
the recliner. I took my shoes off, pulled up my hair and I as much as possible, I
made myself at home.

"What's up, Leina?" She stood up to occupy the chair in front of me. "Nightmares
again? Sleepless nights? Anxiety?"

"He's back." Wika ko na lang. hindi ko makakalimutan ang hitsura ni Angelo Jorge De
Angelo kagabi. Ang buong akala ko nga ay tuluyan na siyang binarily ni Popsi pero
naitulak ni Uncle Simoun ang kamay ni Popsi na may hawak ng baril. Nadaplisan lang
si Jorge.

"Who?"

"My ex-boyfriend who tried to kill half of my family."

"And how did you feel about that?" Dati ay naiinis ako kay Doc Cynthia kapag
tinatanong niya ako noon kasi parang paulit – ulit lang naman kaya lang ngayon,
nasanay na ako. Those words are enough to comfort me.

"I was scared.... At first. The moments leading to that scene scared me, it brough
back some of the memories I wanted out of my brain. Tapos... I saw him all tied up
in that chair in the middle of the room, and I started to shake, Doc. All those
pent up feelings boiled inside of me, my insecurities rose again... this man...
this man broke me, Doc. He changed me." Nagugulat ako sa sarili ko dahil hindi na
nanginginig ang boses ko kapag pinag-uusapan si Jorge. I used to break whenever I
think of him. Ilang buwan akong iyak nang iyak, ilang taon akong hindi makatulog, I
developed insomnia because of my depression, and it took a lot of courage to
finally face this and look for a doctor that can help me.

Doc Cynthia was there all through the process, she was there in my worst and now
that I am getting better, nandito pa rin siya. Now that I am scared, nandito pa rin
siya. Natatakot talaga ako kay Jorge.
"How long has it been since that?"

"Six... seven years, hindi ko binilang pero for sure nasa ganoon, Doc."

Doc smiled at me.

"Don't you think it's now your time to finally face your demons? We will never get
out of this, Leina kung hindi mo tatapusin ang labang sinimulan niya noon."

And the Doctor has a point in that – siyempre, may point talaga siya roon, siiya
iyong doctor sa aming dalawa.

Nginitian ko lang si Doc. Nag-usap pa kami nang medyo matagal tapos ay umalis na
rin ako. Buong araw sa restaurant ay wala akong iniisip kung hindi ang pinag-usapan
namin ni Doc Cynthia, I need to face my demons. It's bound to happen on of these
days, I just didn't expect it to be this soon.

But she has a point and I'm an Apelyido – I am a brave girl. Minsan na akong
natakot at ngayon, hindi na ako makakaramdam noon.

Eleven o'clock nang gabi nang makauwi ako. Hindi kasi nagpunta si Mcbeth sa
restaurant kaya ako pa ang naggawa ng inventory nang gabing iyonb Ni-check ko na
rin ang mga bagong stocks na dumating para sa updated menu ng restaurant.

I parked my car inside the garage. Sa pinto na ako ng garahe pumasok paakyat sa may
kitchen namin. Hindi ko alam kung may gising pa sa amin, baka si Aelise, baka si
Momsi, teka may shooting si Momsi ngayon ng drama. Sa teleserye niya, anak niya si
James Reid. Gwapo rin iyon, pero mas maganda ang lahi ko kaysa sa mokong na iyon.

I opened the door leading to the kitchen. Alam kong may tao – dalawa sila. Baka si
Popsi o si Momsi.

"I'm home."

"Tinatawagan na kita, nag-aalala na kasi ako." Si Popsi ang nagsalita. My eyes were
on the envelope bills in my hand, nagtaas ako ng tingin at kinagulat ko talaga ang
nakita ko.

Naroon nga si Popsi, tapos kasama niya si Jorge na kumakain ngayon. Namamaga pa rin
ang mukha niya.

I needed to breathe. Pakiramdam ko ay sinasakal ako.

"Ano—anong ginagawa niya rito, Popsi?"

"Ahhh... Oo anak,.. si Jorge... mula ngayon, pansamantala muna siyang titira rito
sa bahay. He'll be staying in that room in the garage."

I know my doctor said that I needed to face my demons, pero iyong araw – araw ko
siyang makaka-face to face, baka hindi ko kayanin. My heart keeps on beating
faster.

Putang ina...

Putang ina talaga. 

CHAPTER 2
Apologize

Leina's

Nagising ako sa bulyaw ni Popsi. Dinig na dinig ko siya sa kwarto ko. I turned
around to check if Annie is still asleep, pero wala na siya sa tabi ko. Malamang
nag-jogging siya o baka umalis na para sa practice niya. I tried to sleep again,
pero sigaw nang sigaw si Popsi. I sat up and yawned, bumaba na rin ako sa kama para
pumunta sa bintana upang silipin kung anong nangyayari. Nakita ko si Popsi, nakaupo
sa isang monoblock chair, nagkakape habang nasa pagitan ng dalawang hita niya iyong
isang long rage lupua model na rifle. Naka-wayfarers pa ang loko. Sa harapan niya
ay naka-park ang tatlo niyang sasakyan niya, the red Mercedes – Benz, the red
Chevrolet and the red Jaguar – na madalas gamitin ni Avery.

"Putang ina ka! May putik pa iyong gulong!" Nagulat ako nang sumigaw si Popsi. Noon
ko napansing may naglilinis ng sasakyan niya – si Jorge De Angelo. Halatang hirap
pa rin siyang gumalaw dahil yata may bali ang kamay niya pero husto siya sa
paglilinis ng mga sasakyan ni Popsi.

I don't get why he let him live here just like that. Baka nakalimutan ni Popsi na
dahil kay Jorge, muntik na siyang mamatay noon. He was shot in the chest. Nag-agaw
buhay siya Araw – araw akong umiiyak noon hangga't hindi siya nagigising dahil ako
ang may kasalanan ng pagkakaganoon niya. Mabuti ang dumating si Ninong Ido at Uncle
KD noon kundi talagang namatay kaming dalawa, pero nabaril rin si Uncle KD noon,
pati si Kuya Solomon at si Kuya Don. Galit na galit si Ninong Ido noong mga
panahong iyon – kinuha niya lahat ng tauhang makakalap niya tapos inipon niya sa
isang barko, then they sailed hanggang makalabas sila ng Pilipinas saka niya
pinatay at pinalabas na pirata ang gumawa.

But he never found Jorge. Nakapagtago ito. Wala akong balita sa kanya until the
other night and now he's here.

Isinara ko ang bintana pati na rin iyong kurtina. It's a peaceful Saturday – well
hindi na peaceful kasi nandyan si Jorge sa baba. Ayokong magpunta sa ibaba, ayoko
siyang makita. Gusto kong tanungin si Popsi kung bakit but he always tells us to
trust him at kahit malabo, I will trust him on this one. Kung iisipin, ayos ring
nandito si Jorge, mas madali para sa akin na harapin lahat ng kinatatakutan ko pero
ako naman kasi iyong hindi handa.

I've decided to join the Apelyido household at 9:30 am. Magluluto pa ako ng lunch
namin, pero bago ako bumaba ay tumingin muna ako sa salamin. I always feel good
whenever I see my face. Shocks, napakaganda ko talaga. Ako ang pinakamaganda sa
aming magkakapatid tapos kung magkakasama kami, ako ang mukhang amo, sila mga
katulong. My god. I'm so beautiful.

I took a deep breath before I went out of the room. Nasalubong ko si Momsi tulad ko
mukhang kagigising lang niya.

"Hi Momsi, be glad I'm the first one you saw this morning. Gaganda masyado ang araw
mo." Hinintay ko siyang maabutan ako. She touched my hair.

"Hindi kaya napalit ka sa ospital anak? O baka naman naslisihan ako ni Thaddeus
nang di namin alam ng Popsi mo."

"Eww! Ma!" Sigaw ko. Tumawa naman siya. Humawak siya sa kamay ko at sabay na kaming
bumaba ng hagdanan. Pagdating sa may living area ay biglang lumabas kung saan ang
PA ni Momsi at binigay sa kanya ang script na aaralin niya for this week. Ako naman
ay nagtuloy sa kusina at sinimulan na ang pagluluto.
I have prepared a week menu, kasama pati ingredients at directions on how to cook
it para kung wala ako, alam nila kung paano lutuin. Ngayong araw na ito, I decided
to cook a very special dish, pork seasoned with sour tamarind, with fresh pechay,
tomatoes, green chili topped with chili paste for the added heat – sa madaling
salita, sinigang na baboy na may chili paste. Masarap ito, paborito ni Momsi.
Teternuhan ko iyon ng inihaw na bangus with itlog na maalat inside.

"Anak, gising ka na pala." Nakita kong pumasok na si Popsi. Hawak niya pa rin iyong
baril niya. Inalis niya ang shades niya at sinilip ang ginagawa ko. "Anong ulam
natin mamaya?"

"Sinigang Popsi. Pero ito muna, magmeryenda ka muna." Inilabas ko iyong peanut
butter cups ko mula sa ref. I gave it to him. He willingly took it. Sa harap ko
mismo ay nilantakan niya iyon. Isa sa dahilan kung bakit ako naging chef ay dahil
kay Popsi, he always says na masarap ang lahat ng luto ko. Gusto kong nakikita ang
reaksyon niya kapag natutuwa siya sa kinakain niya. Mahilig si Popsi sa matamis
pero nirerendahan ko na rin kasi baka magka-diabetes siya parang si Uncle Jude.

"May pagagawa pa ba kayo, Senyor Axel?"

My heart stopped beating for a millisecond after hearing Jorge's voice. Nakatayo
siya sa may pinto ng kusina, hawak niya iyong basahan na pamunas ng kotse.

"Ano naman ang tingin mo sa akin, De Angelo, masamang tao?! Bibigyan lang kita ng
fifteen minutes para magpahinga tapos linisin mo iyong bubong namin!" Napatingin
ako kay Popsi.

"Pops, may injury siya eh. Baka mahulog siya roon."

"O, e di maganda, para mabalian ng likod, maging gulay na lang habambuhay. Anak,
ang sarap nito ha. Hindi gaanong matamis. O, gago, magmeryenda ka. May pan de sal
diyan sa table, saka tuna spread. May tang rin tang ina mo! Magtubig ka na lang!"

Umalis si Popsi. Siguro naiinis na siya. Naiwan kami ni Jorge roon.

Nakatingin rin naman ako sa kanya. He looked good -well except for the bruises and
the swollen eye, he looked good. Siguro binugbog siya noong mga kinakapatid ko o
kaya man ng mga Uncles ko, pero ayokong magtanong. Iniisip ko si Doc Cynthia at ang
mga sinabi niya sa akin. Time will come that I must do this, bakit nga naman hindi
ko simulant ngayon?

Nakaya ni Mcbeth, ng Mommy ni Bekbek, kay dapat kaya ko rin.

"Kumain ka." Wika ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Nilagyan ko siya
ng plato sa may counter kahit nanginginig ako ay kinakaya ko kasi naisip kong kung
magagawa ko ito ngayon, wala na akong hindi kakayanin pa at papunta na talaga ako
sa full recovery. I still have nightmares, but maybe if I do this, the nightmares
will be lessened.

Nilagyan ko siya ng toasted bread at inilapit ko na rin sa kanya ang tuna spread.
Naglagay ako ng juice sa baso at binigay iyon sa kanya. I almost leaped when I
finished doing all those things and then, I looked at him.

"Kumusta ka, Leina?" He had the audacity to ask me that, pero pinalagpas ko pa rin.
Facing my fear means getting better – a lot better.

"Okay naman." I turned my back on him.

"Hindi ka pa rin pinili." Biglang sabi niya. Napalingon ako at tinitigan ko siya
nang mataimtim. What the fuck is he saying. "Si Mcbeth, iba ang naging asawa niya,
that's what I meant."

Huminga ako nang malalim. Nag-init kasi ang ulo ko. Ano naman kung hindi ako pinili
ni Mcbeth? Wala naman kaming relasyon at kung umakto man akong may relasyon kami, I
did that just to spite Sophia and it worked she cracked, now she has two beautiful
kids with Mcbeth tapos may on the way pa. I tried calming myself pero hindi ko rin
kinaya. Ibinuhos ko sa mukha niya iyong isang pitsel ng orange juice.

"Ayan, pakalunod ka sa tang – tang ina ka!"

xxxx

Kanina ko pa hinihintay si Jorge De Angelo – siniguro kong tama ang pangalan niya
habang sinusulat iyon sa notebook ko, mahirap na ba isa siyang entitled na tao at
i-bash niya ako for having typos – pero wala siya. Lumagpas na ang ten minutes na
oras ng paghihintay ko pero hindi siya dumating. Naisip kong malamang na-offend ko
siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Well, is it my fault? Sinabi ko lang
naman kung anong naisip ko na pinagsisihan ko naman kasi na-realize kong hindi
dapat ganoon ang approach ko sa kanya.

Paunti nang paunti ang tao sa library pero hindi na talaga siya dumating. Nagpasya
na lang akong kuhanin ang mga gamit ko at uuwi na lang ako. Baka ayaw na niyang mag
-aral. Baka nawalan siya ng pag -asa at baka pagsisihan ko iyon kasi mukhang
nasaktan ko talaga siya sa mga salitang lumabas sa akin. Growing up, palaging
sinasabi ni Momsi na mag-iingat kami sa mga salitang binibitiwan namin, words
aren't just words, sometimes, it's as sharp as knife. It is not what we say, it is
how we say it. Words can make or break a person and, in my case, maybe it broke
him.

I was walking in the parking lot of the University. Dinala ko kasi ang isang kotse
kasi alam kong gagabihin ako. Sa may bandang dulo ako naka-park pero bago ako
makarating roon ay may napansin akong isang pares ng pang nakausli sa may pagitan
ng dalawang kotse. Nagtatakang tiningnan ko – alam kong hindi dapat pero curious
ako. Hindi naman ako mapapano kasi marunong naman ako sa taek won do. Nagulat ako
roon – sa sobrang cliché ng tadhana, nakita ko sa pagitan ng dalawang kotseng iyon
si Jorge De Angelo – iyon kasi talaga ang apelyido niya – bugbog ang mukha niya at
wala siyang malay.

"Jusko, nakakaloka ka! Kaya pala hindi ka nagpunta sa session natin!


Nakipagbugbugan ka!" Sigaw ko na para bang naririnig niya ako pero hindi naman kasi
wala siyang malay. Nagtawag ako ng tulong.

Nakakita ako ng dalawang guard, agad naman silang sumunod sa akin at kinuha si
Jorge sa pagitan ng dalawang kotseng iyon. Nagdudugo ang bandang likod ng ulo niya
kaya kaysa sa clinic siya dalhin ay dinala ko siya sa ospital.

Sa emergency room agad siya itinuloy. Wala siyang malay, baka raw may internal
bleeding siya. The nurses in change asked me to wait for him kasi ako raw ang
nagdala kaya ako ang guardian. Mukhang gagabihin ako talaga kaya nag-text ako kay
Momsi at Popsi pati na rin kay Ate Reese na hindi agada ko makakauwi kasi may
tinulungan akong kaklase ko – pero hindi ko naman siya classmate – hindi ko lang
alam kung paano siya ia-address talaga.

Almost and hour and a half passed, noon lang ako tinawag ng nurse, pinapasok ako sa
ER, medyo puno sila ngayon, may mga nurses na nagpapaikot – ikot, may doctor na
tinitingnan iyong mga pasyente nila, tapos si Jorge De Angelo – iyon talaga ang
apelyido niya – nakaupo sa kama niya habang tingin nang tingin sa paligid. Parang
nagulat pa nga siya nang makita ako. Nilapitan ko pa rin siya. Iyong bandana niyang
kulay green, napalitan ng bendang kulay puti.

"I've been waiting for you. Lumagpas ka na sa ten minute time frame of waiting kaya
uuwi na sana ako iyon pala nakipagbugbugan ka lang. Nag-iisip ka ba talaga?"

"Bakit mo ako dinala rito tapos aangasan mo lang ako?" Siya pa iyong masama ang
loob. Nakakaloka!

"You asked about my thoughts, I just told you what I am thinking tapos bakit parang
kasalanan ko? The truth is, I wanted to apologize to you, but seeing you right now,
you just proved to me how much of a trash you are." Heto na naman ako, hindi na
naman ako nagpreno. Pinagsisihan ko agad ang mga salitang nasabi ko right after
saying them. Mukhang nagalit talaga siya kaya walang sabi -sabing nilayasan niya
ako. Binangga niya pa ako bago niya ako nilagpasan. "Ahh, shit, Leina." I shook my
head. Napansin kong naiwan niya ang bag pack niya. Kinuha ko iyon, it will be a
good conversation starter, isosoli ko ang bag, tapos mag a- apologize ako for what
I said and then, bahala na siya kung gugustuhin niyang tanggapin ang apology ko.
Hindi naman masamang mag-sorry, may mali naman talaga ako.

I saw him on the stairs. Paakyat siya. Siyempre ako naman iyong gusto siyang
kausapin, sinundan ko siya. Hindi ko siya tinawag kasi baka bilisan niya lang ang
lakad niya, naka-heels pa naman ako.

Sa third floor natapos ang pag-akyat niya ng hagdanan. Dumiretso siya. May apat na
nurse sa pagitan naming dalawa tapos pumasok siya sa isang pinto. Mabilis akong
lumakad para hindi maglapat iyon, tagumpay naman ako. It was a hospital suite,
pumasok pa rin ako kahit hindi ako inivited. Gusto ko lang talagang mag –
apologize.

When I got inside, I saw Jorge De Angelo – yep that's his full name – doing
something near the window. Siguro nagtitimpla siya ng kape, pero iyong mata ko,
natuon sa babaeng nakahiga sa kama. Nakatingin siya sa akin. May scarf siya sa ulo,
she looked frail pero napakganda pa rin ng kanyang ngiti.

"Jorge, hindi mo sinabing may bisita ka." Wika niya.

"Po, Ma?" Noon lang siya humarap sa akin at halata na naman ang pagkagulat sa mukha
niya nang makita ako.

"Hi..." I awkwardly waved. "Ano, kasi naiwanan mo itong bag mo sa ibaba."

"Ah, ikaw ba iyong tumulong sa anak ko?" Mahinang boses na tanong noong Mama niya.
"Nagkukwento siya, napaaway raw siya kay may benda siya sa ulo. Salamat, Miss ha."

"Leina po." Lumapit ako para magmano. We all grew up with the pagmamano gesture. Si
Popsi kasi, palagi niyang binibilin iyon sa amin, one time hindi nakapag mano si
Ate Reese sa mga Uncles, nagalit si Popsi, pinalinis sa kanya ang four times iyong
baitang ng hagdanan namin, para raw matandaan ni Ate ang di at dapat gawin.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang boses niya. Napapalatak naman ang Mama niya.

"Jorge, bakit ganyan ka? Sabi niya ibabalik niya ang bag mo." Agad ko namang
inilapag iyon sa paanan ng nanay niya.

"Nabalik mo na. Umalis ka na." Sobrang sungit niya. I sighed.

"Pwede ba tayong mag – usap muna?" I asked nicely. Nauna siyang naglakad palabas ng
suite ng nanay niya. Ngumiti muna ako saka ako sumunod sa kanya. I slowly closed
the door. Naroon siya sa may pader at nakasandal.
"Ano, Miss Leina, kulang pa ba ang insulto mo ngayong araw? Hindi ka pa ba quota?"

I sighed. "I am here to apologize."

"Ha?"

"Apologize."

"Teka, bakit ang bilis naman noon?" Parang nagtatakang tanong niya.

"Kasi mali ako. I only called you out because I thought it's the right way of
approaching you. I never considered your feelings, kanina naman nag – init ang ulo
ko kasi nasayang ang oras ko sa kakahintay sa'yo, not even realizing that you are
in fact, hurt. I'm sorry. But, you have to realize that this isn't the final stage
of your life. Sayang ang buhay, Mr. De Angelo, you have a full potential, sana kasi
ma-realize mo iyon."

Hindi na siya sumagot. Nagpaalam na lang ako sa kanya. Hindi ko rin naman
hinihintay ang sasabihin niya, ang mahalaga sa akin nakapag – apologize na ako.
Madali naman para sa aking makita ang mali ko sa mga sitwasyon at kapag ganoon, ako
talaga ang nanghihingi ng tawad. I don't expect people to apologize to me, when in
the first place, I am at fault. Hindi ako pa-victim, basta kapag mali ako, ako ang
aayos ng mali ko.

I don't know whether he's going in our session the next day, pero nagpasya akong
hintayin pa rin siya, palaging ten minutes ang paghihintay ko sa kanya, pero sa
loob ng dalawang araw ay hindi siya dumarating, naghanap rin ako ng balita sa kanya
sa ibang classmates niya pero sinabi nilang hindi raw pumapasok si Jorge. Siguro
may nangyari, baka ang mama niya.

On the third day, nag-aalangan pa ako kung pupunta ako sa library, kasi baka hindi
naman siya dumating, pero sa huli ay nagpunta pa rin ako, hindi na nga lang sing –
aga noong dati, medyo nagpa-late ako ng ten minutes at naisip kong umalis after
five minutes na wala pa siya, uuwi na ako.

Lumakas ako papunta sa usual na inuupuan ko at laking gulat kong naroon na siya.
Nagbabasa ng kung ano habang may kagat – kagat na lapis sa bibig niya. He looked at
me.

"Sabi mo ten minutes kang maghihintay, eh ten minutes late ka naman."

Di ako sure, pero, hindi siya nakakainis this time. Naupo ako tapos ay inilabas ko
na ang modules niya. Hindi ko siya tatanungin kung bakit wala siya these past two
days, basta ang mahalaga ay iyong nandito na siya ngayon.

CHAPTER 3

Injured

Leina's

Another morning came to our household, naroon pa rin si Jorge at hindi na yata
nauubos ang ipinapalinis sa kanya ni Popsi. Kahapon ng umaga ay pinaglinis niya ito
ng bubong kahit na hindi ito masyadong makagalaw dahil sa kamay niya. Mukhang pagod
na nga siya noong gabing makita kong pinapalinis ni Popsi ang garahe naman.
Nakakaramdam ako ng awa sa kanya dahil sa inury niya pero pinipigilan ko ang sarili
kong lapitan siya dahil kahit na gaano na katagal na ang nakalipas na taon, malinaw
ko pa ring naaalala iyong ginawa niya nang gabing iyon.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ako
komportableng nandito siya but my guts told me to trust my father. Naisip ko rin
naman na tama rin ito, mas madali para sa akin ang harapin siya. Mas madali ang
road to recovery.

I have been facing my demons for a long time now. Noong una kong nakilala si Doc
Cynthia ay binabalewala ko siya. I knew that I needed therapy. I cannot sleep, I
cannot eat, hindi ako lumalabas ng bahay, gabi – gabi akong umiiyak at umiinom para
malunod ang lahat ng boses sa utak ko. I almost took my own life. I am a wreck.
Kahit na gumaling si Popsi, kahit naka-recover siya matapos ang ilang buwan ay
hindi noon ako napabuti. Ilang beses kong pinagtangkaan ang buhay ko. Ilang beses
akong lumayas, kapag nasa layasan ako, sa daana ko tumitira...

I almost gave up on everything, but one day, Ate Reese barged in my room. Sinampal
niya ako nang paulit – ulit hanggang sa magpanting ang tainga ko – iyong wala na
akong naririnig kundi iyong tunog ng malutong niyang sampal. Umiiyak ako nang
walang tunog, nagmamakaawang tigilan niya ako pero hindi, kinaladkad niya ako
pababa ng hagdanan hanggang sa makarating kami sa swimming pool, tinulak niya ako
roon. Tumalon siya at pinagsasampal na naman ako.

"Putang ina ka." Galit na galit siya. "Wala kang awa! Akala mo ba nakabubuti kay
Momsi iyang ginagawa mo? Puro na lang sarili mo ang iniisip mo Leina! Gago!
Magpapakamatay ka? Sana sinabi mo, ako na lang ang papatay sa'yo! Ano, sasagasaan
ba kita?! Ano?! Wala kang awa! Walang sumisisi sa'yo sa nangyari! Putang ina ka!"

Noon ako nagising sa katotohanang hindi naman dapat ako nalulugmok ng ganito. I was
given a second chance in life and I need to make the most out of it. Kinabukasan,
kusang loob akong nagpunta kay Doc Cynthia para manghingi ng tulong, one by one, I
was able to get away from those demons.

Noon, hindi ako makasakay sa kotse. Natatakot ako. Hindi ako makahinga. I was so
afraid of loud noises. Naalala ko kasi ang mga putok ng baril nang gabing iyon. I
always have nightmares about that night. Nagigising akong umiiyak at sigaw nang
sigaw dahil paulit – ulit kong nakikita kung paano binarily ni Jorge si Popsi. Iyak
ako nang iyak...

Pero dahil sa paniniwala kong makakaya ko ang lahat at dahil na rin sa therapy ko,
naibsan lahat ng takot ko at hindi ko napansing unti – unti na akong bumabalik sa
dati. But this one is a toughie. Siya kasi ang puno't dulo ng lahat ng ito.

Nag-aayos ako noon dahil pupunta na ako sa restaurant ko. Hindi raw kasi
makakapunta si Mcbeth dahil may check – up ngayon si Pia. Six months na ang
dinadala ni Pia, and they are getting ready. Noong huli kong nakausap si Hamlet at
Shakespeare – by the way, babae si Shakespeare, ay excited na raw sila. Hindi pa
nila alam ang gender ng baby, magkakaron kasi sila ng gender reveal sa susunod na
linggo, ang nag-aayos ay ang matalik na kaibigan ni Kuya Paolo.

"Si Momsi?" I asked Avery when I got out of my room. Nagulat akong lumabas siya,
kung pwede lang na sa room na siya hanggang sa mamamatay siya doon na talaga siya
titira.

"Tulog. Kauuwi lang kaninang 4 am. Pasok ka na?"

"Yep. Si Popsi ba? Magpapaalam ako."

"Ah si Senyor Axel? Baka nasal abas, baka nagpapalinis na naman ng kotse. Ayos rin
si Popsi, hindi nauubusan ng utos."
"Okay." Bumaba na ako ng hagdanan. I wore my chef uniform para pagdating ko ng
resto, trabaho na agad. Lumabas ako ng front door at doon ko nga natagpuan si
Popsi, kasama si Ninong Ido, nakaupo silang dalawa sa magkatabing mono block chair,
nagkakape, may wayfarers ang dalawa at may hawak na long rage lupua model na rifle.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Madalas naman talagang magkasama ang dalawang ito – actually tatlo sila, pati si
Uncle Simoun, absent nga lang siya ngayon, si Uncle David, ayaw nakakasama ni Uncle
Ido, palagi silang nag-aasaran kapag magkasama, si Uncle Judas naman ayaw sumasama
kapag alam niyang magayayamutan lang ang magbalae. Magbalae rin naman daw kasi sila
ni Uncle Simoun pero hindi sila nag-aaway. Hanggang ngayon hindi yata matanggap ni
Ninong Ido ang pagkakabingwit ni Japhia kay Aswell.

"O, inaanak, kay ganda naman ng inaanak kong ito!" Ngumiti agad ako nang batiin ako
ni Ninong. Humalik at nagmano ako sa kanya. Napansin kong kumakain sila ng sandwich
ni Popsi.

"Pasok ka na ba, Leina?" Popsi asked me. Tumingin ako sa direksyong tinitingala
nila at laking gulat ko nang makita ko si Jorge sa bubong, nagpipintura yata.

"Pops, diba dapat kukuha ka ng pintor? Bakit siya?"

"Wala lang, trip ko lang." Wika ni Popsi.

"Hayaan mo na ang Popsi mo, anak, naiinip na kasi siya. Tsk, dapat pala ginanyan ko
si Oliver noon, pero hayaan mo na nga, best friends naman kami ng manugang kong
iyon! Aba'y tumawag kanina akala ko kung ano, sinabi lang sa akin na ako nga raw
ang tunay na gwapo. Magaling pipili ang Etang ko."

"Gwapo ka naman talaga. Ninong at ako naman ang pinakamaganda mong pamangkin at
inaanak!" I giggled pero nawala iyon nang may marinig kaming bumagsak. Napatayo
agad si Popsi, ako naman ay mabilis na lumingon, nakita kong nakahiga si Jorge De
Angelo – yep, that's his full name – sa pavement. Natapunan rin siya ng pulang
pimtura at bumagsak sa paa niya ang ladder.

"Putang ina, hindi ko nakita! Ulit!" Sigaw pa ni Ninong. Natatarantang lumapit ako
sa kanya. Mukhang nasaktan siya kasi nakangiwi siya. Lumuhod ako, kahit puti ang
suot kong pants, hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya o kung anuman.

"Are you okay?" I asked.

"Popsi, tumawag ka ng ambulansya!"

"Sige, Ido, ano bang number noong St. Peter?"

"Popsi!" Nilingon ko siya.

"Ay, mali, iyong crematorium pala."

Nilingon ko si Popsi, sisigaw sana ako pero biglang umungol si Jorge, iyong ungol
na may masakit, hindi iyong ungol ng sarap. Nakakaloka.

"Saan masakit? Dito ba?" Tinuro ko iyong bandang likod niya pero hindi ko
hinawakan. Tumango naman siya. Mayamaya ay may dumating ng ambulansya. Nakakaloka
si Popsi, tatawag rin naman pala kung ano – ano pang sinasabi. Tumayo ako at tumabi
sa tatay ko habang pinanonood namin na isakay sa likod si Jorge. Siniko ko si
Popsi.

"Sumama ka roon, Pops."


"Bakit? Hindi ko naman anak iyan."

"Popsi! Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nalaglag sa bubong! Nakakaloka ka!
Na-stress ako! Nakakawala ka ng ganda!"

Hindi ko alam kung sumama si Popsi sa ospital. Basta ako sumakay ako sa kotse ko at
nagmaneho na papasok ng restaurant pero bago pa man ako makalabas ng village ay
nagsimula nang tumulo ang luha ko – hindi naman dapat ganito. Ayoko ng ganito.

xxxx

"Honey bunch! So sweet so ganda!"

Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na si Jorge De Angelo – yep, still that's his
name – nasa cafeteria ako nang tanghaling iyon. I was having my late lunch, nag –
over time kasi si Sir Dimaano kaya pagkalabas ng room ay dumiretso ako rito para
kumain. I looked around for him, napansin kong pinagtitinginan kami ng mga
estudyanteng kumakain doon. Finally, nakalapit sa akin si Jorge, may iwinagayway
siya sa aking papel. Sinimangutan ko siya.

"Ipapakita mo sa akin iyan tapos bagsak naman. 1- 50, baka 3 ka lang." Kunwari ay
naiinis ako. Pero alam kong pumasa siya, ako kasi ang nagcheck nang papers ni Mr.
Dimatulac kahapon. Wala kasi akong magawa sa free time ko kaya naghanap ako ng
gagawin.

"Hindi ah! 1 -50 quiz, 40 ako! Sampung mali! Thank you, Babyloves!" Ganoon siya,
palagi niya akong tinatawag nang kung ano – ano. Dalawang buwan na kaming nagtu-
tutor at nakakakita naman ako ng improvement sa kanya. Nag-iba ang ugali niya mula
noong araw na iyon matapos ko siyang dalhin sa ospital. Mabait naman pala siya. May
times na para siyang batang munti, ang babaw kasi ng kaligayan niya, akala ko nga
magkasing edad kami, iyon pala mas matanda siya ng apat na taon sa akin pero isip
bata siya, minsan nga parang nakikita ko sa kanya si Anne – iyong bunso namin.

"Dahil nakapasa ako, ide-date kita." Bigla akong napahinto sa pagsubo.

"Ayokong makipag-date sa'yo no."

"Bakit?"

"Masyado lang akong magada for you. Hindi tayo bagay."

Tiningnan niya ako nang masama, iyong hindi siya makapaniwala.

"Hindi naman totoo iyan." Sabi niya. Nanlaki ang butas ng ilong ko.

"Sasaksakin kita ng tinidor! Anong ibig mong sabihin?! Pangit ako?!"

"Hindi totoong maganda ka, kasi napakaganda mo, Leina."

Bigla akong namula. Okay, I am not expecting that. Inayos ko pa ang buhok ko at
inipit iyon sa likod ng tainga. Nag-iwas ako ng tingin kasi kinikilig talaga ako.
Sana h'wag niyang mahalat. Kinilig lang naman ako kasi tinawag niya akong maganda.
Jusko, nagsasabi siya ng totoo. Kinikilig talaga ako kapag tinatawag akong maganda,
sabi nila the truth hurts pero hindi naman nakakasakit iyong kagandahan ko.

"Isang date lang, Leina." Wika niya sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Date – date ka diyan, mamaya may date tayo sa library, be there on time."
"Because I like you, Leina." Walang abog na sabi niya. "Gusto kitang ligawan, kung
mamarapatin mo. I want to be your boyfriend."

Biglang hindi ko malasahan ang kinakain kong beef pares na luto ni Ate rito sa
canteen. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko.

"I like you, Leina."

Napakagat ako ng labi. Hindi ako naniniwala. Baka tinitrip niya lang ako. I grinned
at him.

"Talaga?" I asked. "Sige nga kung gusto mo ako, magpagupit ka nga." I dared him.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya sumagot. Sabi ko na nga pa. He's just playing
me. "Sige na, patatawarin kita ngayon. May klase pa ako, see you later..."

Umalis na ako ng cafeteria, ang hindi ko lang maintindihan, bakit ang lakas – lakas
ng tibok ng puso ko.

Hindi ko na na-meet si Jorge nang hapon na iyon. Bigla kasing nagpatawag ng meeting
sa org dahil malapit na ang mid – terms kaya lalawakan ang oras ng tutor time
namin. Nag-text naman ako kay Jorge. Nag-reply lang siya ng sad face. Sabi ko bukas
na lang kami magkita, mag two hours na lang kami para sulit.

Kinabukasan ay pinagagawa ko pa siya ng sandwich kasi malamang sa malamang gabi na


kami makakalabas ng library. Kapag kasi nagutom siya, lumalabas siya para mamili
pa, madalas siyang namimili ng junk foods, masama iyon sa katawan.

As usual, ako na naman ang naunan sa library. I was patiently waiting for him,
habang ginagawa iyon ay nagbabasa ako ng reviewer ko. Kailangan mapasok sa Dean's
List ngayong sem hanggang sa matapos na ito. Kailangan Cum Laude ako para proud sa
akin si Popsi at Momsi.

Sa peripheral vision ko, may naanig akong pigura ng lalaking naupo sa harapang
chair. Alam kong si Jorge iyon. Nakita ko kasi ang sira – sira niyang pantalon at
ang marumi niyang chucks.

"O, buti naman dumating ka na." I said. Ibinaba ko ang binabasa kong notes.
"Nagdala ako---" Nanatiling nakaawang ang labi ko nang tingnan ko siya. Gulat na
gulat ako. He reluctantly smiled at me.

"Anong dala mo? Maraming modules ba?" He asked.

"Ha? Ha? Hala bakit nagpagupit ka?!" I couldn't help but exclaim. Pinaswitan ako ng
librarian. Na-stress ako. Wala na ang mahabang buhok ni Jorge, naka-clean cut na
siya ngayon!

"Obvious naman, Leina. Gusto kita talaga."

Again... my heart flutter. Seryoso siya... talagang seryoso siya...

xxxx

"Nakakainis!"

Naisaksak ko sa chopping board ang steak knife na hawak ko. Napansin kong natigilan
si Mcbeth at Diego na nanginginain sa kusina ng Eleina's nang gawin ko iyon. Muntik
na nga yatang mabilaukan si Diego na ngumunguya ng wagyu beef cubes. Tinapunan ko
sila ng masamang tingin, biglang nag- uubpo si Diego, akala yata niya papatayin ko
na siya. Kumuha ako ng mas malaking kutsilyo at hiniwa ko na ang karne sa harapan
ko pero naisip ko na naman si Jorge bigla na naman akong napasigaw at itinarak kong
muli ang hawak kong kutsilyo sa chopping board.

"Ahhh! Sous Chef, lika na nga muna rito, ikaw na muna rito kay Leina." Inirapan ko
muna ang sous chef ko bago ko binigay sa kanya ang ginagawa ko. Inis na inis ako sa
sarili ko, wala naman akong dapat pakialam pero heto ako and I keep on wondering
about that fucker Jorge De Angelo – yep, that's his name.

"Pakialamero ka, Mcbeth!" I hissed at him. "Akala ko ba hindi ka pupunta rito tapos
ngayon nandito kayo kain na naman kayo nang kain. Iyang wagyu pa iyang tinira niya,
saksakin ko kaya kayo?"

"Bakit ba mainit ang ulo mo, Leina?" Tanong ni Mcbeth. Hindi na lang ako sumagot.
Iniwanan ko silang dalawa ni Diego sa kitchen tapos ay umakyat ako sa office ko.
Hindi ako mapakali, ano na kayang nangyari kina Popsi sa ospital? Bakit ako nag –
aalala sa kanya?

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, tinawagan ko si Popsi para itanong kung
nasaang ospital sila. Akala ko nakauwi na sila pero major injury pala talaga ang
nangyari kay Jorge, lalo akong hindi mapakali. I hate this pero nag-aalala ako sa
kanya, hindi ko maintindihan ang sarili ko, I should be scared of him, I should ne
angry at him, pero heto ako, natagpuan ako ang sarili kong nagmamaneho papunta sa
Varess Medical City – kung nasaan sila ngayon.

Sabi ni Popsi nasa fifth floor sila. Agad naman akong umakyat roon. Nahanap ko agad
ang kwarto, naroon si Popsi at si Uncle Ido, nakaupo sa couch, naglalaron ng baraha
tapos si Jorge ay tulog sa kama.

"What happened to him?" I asked them.

"Ah, nagkaroon ng injury naman sa binti, nabugbog eh, buti hindi malakas ang impact
kundi patay iyong likod niyan." Cool na cool na sabi ni Popsi. Nakatingin lang ako
kay Jorge, nakaladlad na naman ang buhok niyang hanggang balikat niya, kung
tutuusin, wala naman gaanong nagbago sa kanya, sa pisikal pero sa ugali sigurado
akong mayroon.

"Is he gonna be okay?" I asked him.

"He will be. Oobsebahan pa raw siya." Si Ninong Ido ang sumagot. I looked at my
father, sa lahat ng ito ay nagawa niya pang maglaro. Naiinis na ako kaya lumapit
ako sa kanilang dalawa para tabigin ang baraha. Halatang nagulat silang dalawa.
Kumunot ang noo ni Popsi.

"Hoy, Eleina ha, hindi dahil may edad ka na at may sarili ka nang pera babastusin
mo kami ng Ninong mo ng ganyan! Hindi ka nakakatuwa."

"Bakit, Popsi?" I finally cracked. "Bakit pinatitira mo siya sa bahay? Bakit


nakalimutan mo bigla kung anong ginawa niya sa pamilya natin? Why is it so easy for
you to face him gayong muntik ka nang mamatay dahil sa kanya? I am traumatized
because of him pero pinapasok mo siya sa bahay." Gusto ko talagang magtampo kay
Popsi. Nagkatinginan sila ni Ninong.

"Bale kasi, anak..." Nagsimula siya. Parang kinakabahan siya pero hindi ako
nagsalita at ipinakita ko sa kanyang nakikinigh at ako naghihintay ng sasabihin
niya. I need answers. I cannot just trust him even if he's my dad, because my
sanity is in the middle of all of these. Tumayo si Popsi at pinaupo ako sa couch.
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Pinagalitan rin ako ng Momsi mo, bebe pero..." He looked at Ninong Ido. "Months
ago, nakaharap ni Ido si Jorge De Angelo – oo iyon talaga ang pangalan niya – sa
isang engkwentro. Dinaplisan lang siya ng Ninong mo. Mulan ang araw na iyon,
pinatiktikan na niya si Jorge."

"So?" Hindi ko maintindihan. Popsi sighed again.

"May malaking posibilidad na hini si Jorge De Angelo – yep that's his name." Wika
ni Ninong. "Ang lalaking tumambang sa inyo ni Axel noong gabing iyon anak."

Lalo akong naguluhan.

"I was there! I saw him! He talked to me!"

"There's this certain Miguel De Angelo – Miguel Jorge De Angelo." Mula sa shirt
pocket ni Popsi ay may pinakita siya sa aking litrato – si Jorge iyon alam kong si
Jorge iyon.

"This is him." I said.

"Hindi anak. Iyan si Miguel De Angelo, kapatid siya ni Jorge – kambal sila at siya
ang pinaghihinalaan naming tumambang nang gabing iyon, Leina." Paliwanag ni Popsi.
Lalo lang akong naguguluhan.

"Nang gabing iyong dumating siya sa bahay, bugbog sarado na siya at may tama siya
sa binti ay braso, bago namin siya hinarap kay Axel ay ginamot muna siya ni Etang.
Ang sabi niya wala na siyang mapupuntahan dahil pinaghahanap siya ng tao ng
sindikato nila. May shoot to kill order para sa kanya. Siyempre hindi ako
naniniwala, pero kinabuksan, naghanap ako ng isang tauhan nila at nakumpirma ko ang
lahat ng iyon, Eleina... and until we're not sure of what's happening, we are
keeping Jorge close." Iyon ang malinaw na sinabi ni Ninong Ido sa akin. Nahilo ako.

Nang tingnan ko si Jorge ay nakita kong gising siya, napansin ko ring may luha sa
mga mata niya. Kay rami kong nakikitang emosyon sa mga mata niya pero ayokong
kilalanin kahit isa sa mga iyon.

He's a liar. Paano ako maniniwala? Napakasinungaling ni Jorge. 

CHAPTER 4

Indenial 

Leina's

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak sa rooftop ng Varress Medical City. I
find it hard to believe that Jorge has a twin and that his twin was the one who
ambushed us that night. It was him. Wala nang iba, kaya hindi ko maintindihan kung
bakit nngayon niya lang sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. After all these
years? Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan gusto kong lumaya mula sa masasamang
alaalang iyon ay saka niya pa sasabihin iyon. Tapos na ang lahat, ano naman kung
kakambal niya iyon? Pareho lang silang walang ginawang maganda sa buhay ko, pareho
lang silang sinaktan ako.

Saka naging magkarelasyon kaming dalawa. Bakit kahit kailan hindi niya nabanggit sa
akin ang kakambal niya? Hindi ko maintindihan kung bakit basta na lang naniwala si
Popsi sa kanya, it's so unfair. Alam niya ang pinagdaanan ko, pero bakit ngayon,
parang lumipad na lang iyion basta sa bintana?

Napakaraming tanong sa isipan kong kahit ano yatang gawin ko ay hindi masasagot na
lang basta. Pinahid ko ang aking mga luha at nagdesisyong harapin na si Jorge. Sa
dami ng tanong ko, alam kong siya lang ang makakasagot, wala na akong pakialam kung
takot ako o kung anuman, basta kailangan niyang masagot ang mga tanong ko.

Bumalik ako sa fifth floor, nakita kong nasa labas ng suite si Popsi, kasama ang
apat niyang best friends, si Uncle Jude, Uncle KD, Uncle Simoun at ang pinakagwapo
sa lahat, si Ninong Ido. Hindi ko sila pinansin, nagtuloy ako sa loob ng silid ni
Jorge at sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon tumayo ako sa harapan ni
Jorge tapos ay sinampal ko siya. Nagtataas – baba ang dibdib ko dahil sa aking
matinding paghinga. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko nang
tapusin ito.

"Leina..."

"Kambal? And you expect me to believe that?" Ang sana – sama ng loob ko sa kanya.
Niloloko niya lang ako, idadamay na naman niya ang pamilya ko. "Hindi ka na talaga
titigil. Sisiran mo ang pamilya ko, Jorge! Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?!" I
slapped him again. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin at
tahimik na umiiyak. Hinampas ko siya sa dibdib nang paulit – ulit. Hindi pa rin
siya nagsasalita. "Ano?! Sumagot ka, tang ina ka!"

"Leina..." He finally spoke. He looked at me, with those sad eyes. Hinding – hindi
niya ako madadala sa ganoon. I know better, hinding – hindi na niya ako madadaya
muli. Tama ang kasabihan, nakakabulag ang ningning, ang ningning ay nagpapanggap na
liwanag ngunit mas nakakasugat at mas nakakasira.

"Leina, I'm sorry... but that night.... That night, Leina, hindi ko iyon alam. I
have no recollection of what happened that night. Hindi ko talaga alam. I tried to
tell you pero ayaw mo nang lapitan kita, iyak ka lang nang iyak, tapos nalaman ko
ang nangyari sa Daddy mo, people are telling me that it's my fault, pinabugbog ako
ng Ninong mo, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong naiintindiha, Leina. I'm so
sorry, Leina. I'm so sorry..." Napaiyak siya, itinakip niya pa sa kanyang mukha ang
mga palad at saka umiyak nang umiyak. Naging hagulgoln ang mga impit niyang hikbi
at paulit – ulit niyang sinasabi sa akin na hindi niya alam, na wala siyang
matandaan nang gabing iyon.

"Hindi ko alam, Leina. Please... please... maniwala ka sa akin. I will never do


anything to hurt you. Leina, please..." Hinawakan niya pa ang mga kamay ko. Hindi
ako makatingin sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala, but it was
him, he knew my name, he knew my dad – but then, according to him they were
twins... hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Imbes na maibsan ang lahat ng
agam – agam ko ay lalo pa akong naguluhan. Iniwanan ko na lang siya. Paglabas ko ng
suite na iyon ay nakahilera sa hallway si Popsi at ang mga uncles ko.

"You believe him?" Hindi ako makapaniwala. They all looked at my father. Si Uncle
Simoun ang unang nagsalita.

"Anak malaki ang possibility..."

"Pero paano ako? Akong nagalit sa kanya sa loob nang napakahabang panahon?" Hindi
ko napigilan ang pag – iyak. Napaka – unfair naman! Paano ang lahat ng sakit na
naramdaman ko. Imvalid na bai yon? Kung totoo ang sinasabi, ibig sabihin lang noon
ako ang nagkamali at ako ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito.

I cried. Wala na akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao basta na lang
akong napaupo roon, nakapatong sa mga tuhod ko. I cried like a little kid lost
inside a huge mall. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, bakit ang hirap
panghawakan ng mga sinasabi niya? Napakaimposible ng mga sinasabi niya. Kambal?
Kambal niya? I never met his twin brother, he's just an asshole! I hate him – I
hate him to the bones!

xxxx

Napapayag rin ako ni Jorge sa date na hinihiling niya sa akin. Saturday naman
ngayon, walang pasok, wala akong gagawin sa bahay at nagpaalam ako nang maayos kay
Popsi kaya okay lang naman. Hindi siya mahigpit kapag boyfriends o pakikipag-date
ang pinag-uusapan. Noong sinabi ko sa kanya kagabi na may date ako, binigyan niya
ako ng pera tapos may kasamang tazer gun. Sinabi niyang mag-ingat raw ako, alam ko
naman raw ang gagawin sa tazer gun na iyon. He even encouraged me na dito sa bahay
magpasundo pero sinabi ko kay Jorge na sa park na lang ako maghihintay.

I stayed in there fifteen minutes bago ang usapan naming dalawa. Hindi naman
nagtagal ay dumating siya. Hindi nga umabot ng ten minutes ang paghihintay ko,
nakita ko agad siya. May dala siyang kotse. Hindi pa rin ako sanay na makitang
clean cute na siya. Hindi bagay, pero gwapi pa rin siya. Ngumiti ako nang papalapit
na siya.

"Sorry, medyo traffic kasi. Tapos maraming sasakyang papasok dito sa village ninyo,
hiningan pa ako ng ID." Parang kabang – kaba siya habang nagpapaliwanag sa akin.

"Okay lang. Hindi ka naman na-late eh. Maaga ka pa nga ng five minutes. Ano tara
na?"

"Uhm sige." Tumayo ako, agad naman siyang nakaalalay sa akin. Gentleman naman pala
ang siraulong ito. Mahilig lang siguro talaga siyang makipag-away pero ngayon,
ipinapakita niya sa akin kung gaano siya ka- sweet at ka-attentive.

Tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain pagdating namin sa SM North Edsa.
Gusto ko ng Japanese food kaya sa Tokyo Tokyo na lang kami kumain. Masarap rin
siyang kausap. Nalaman kong tatlo silang magkakapatid, may Ate siya at may isa pa
siyang kapatid na lalaki. Hiwalay ang parents niya, namatay na ang ate niya. Ang
mommy naman niya may sakit – breast cancer, ang Papa niya ayaw niyang pag – usapan.
Sabi niya ang kapatid raw niya ay nasa Papa niya at hindi sila in good terms.

Marami kaming napag-usapan habang nagla-lunch kaming dalawa. Hindi ko na nga


namalayan ang oras, mag-a-alas dos nang lumabas kami ng restaurant at saka kami
nanood ng sine. The movie too, was enjoyable, pero nararamdaman kong dahan – dahang
inaabot ni Jorge ang aking kamay, and then, he fully hold it. Nakakatuwa, hinayaan
ko naman. He's such a sweet guy, kamay lang ang hinawakan niya, hindi boobs –
anyway darating rin kami roon – ano raw?

Jusko, self, sabi ni Momsi, dapat Maria Clara hindi Maria pokpok. Kaloka ako.

Nasa kalagitnaan na ang pelikula. Naligtas na nila ang galaxy tapos iyong leading
man, hinalikan na niya ang leading lady, ako naman kumakain pa rin ng pop corn nang
bigla ko na lang maramdamang lumapat ang labi ni Jorge sa labi ko. Nakanganga pa
ako kasi kasusubo ko lang ng popcorn. Iyong halik niya, mabilis lang, pero libo –
libong kuryente ang naramdaman kong sumabog sa buong pagkatao ko.

Not a minute later, nakabalik na siya sa pagkakasandal niya sa upuan niya. I looked
at him. Padedma ang siraulo. Ni hindi ako nilingon. Nakakaloka talaga. Hindi ako
mapakali. The movie is almost over, when I thought of something. Tinitingnan ko
lang siya at noong saktong susubo siya ng popcorn ay hinalikan ko rin siya sa labi
– just like what he did to me earlier.

He was taken a back. Ako rin naman, but this time, the kiss was something else, he
nibbled my lower lip and I closed my eyes because I wanted to savor this moment.
Maria Pokpok nga yata ako, dahil alam ko sa sarili kong pagkatapos ng gabing ito,
nakuha n ani Jorge De Angelo ang puso ko.

xxxx

Naging official kami ni Jorge, two months matapos ang pekeng ligawan at
napakaraming halikan sa may reserved section ng library. Hindi na lang kami basta
nagtu-tutor ngayon, may landi nang kasama iyon. Madalas akong kinikilig kapag
iniisip ko siya. Hindi ko pa siya naipapakilala sa mga magulang ko pero alam naman
nil ana may boyfriend ako and my father is very supportive with this. Masaya ang
relasyon ko kay Jorge, hindi niya ako binibigyan ng dahilan para magselos o
makaramam ng uncertainty pagdating sa pagmamahalan naming dalawa.

"May chemo si Mama bukas, so hindi kita mahahatid pauwi." Paliwanag niya habang
pinagbabasa ko siya ng modules niya. Humahaba na naman ang buhok niya at inunahan
ko na siya, sabi kong pahabain niya itong muli, mas bagay kasi sa kanya.

"Hindi ba siya dinadalaw ng kapatid mo?" I asked. Jorge shook his head.

"Mas pinili niyang makasama ang Papa. Siguro naniwala na rin siya sa sinabi ni Papa
na mas pinili siyang iwanan kaysa ang isama namin. Hindi naman kasi ganoon iyon,
anything I said to him, hindi naman siya naniniwala, kaya tumigil na lang ako sa
pagpapaliwanag sa kanya." Bigla siyang tumigil. "Sorry, napag-uusapan na naman
natin ang buhay kong malungkot."

"It's okay. I am here to listen." Bigla ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Salamat, Leina. Pangako, aayusin ko na ang lahat ngayong sem na ito, para official
na akong maging second year. Gusto kong maipagmalaki mo ako, gusto kong bigyan ka
ng buhay na para sayo talaga. Mahal kita, Leina."

Isa sa mga kinahanga ko sa kanya ay iyong may plani talaga siya para sa amin. Gaano
pa lang ba kami katagal pero naririnig ko na sa kanyang may plano raw siya para sa
aming dalawa five years from now. Seryoso nga talaga siya sa akin and I am with him
too. Naisip ko nga kung anong buhay naming dalawa kung sakaling kami talaga – ay
wala palang kung sakali, kasi gusto ko kami talaga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magpunta sa ospital, I wanted to surprise


him. Alam ko by now, tapos na ang therapy ng Mommy niya at naabutan ko ngang
inaayos niya ang kama ni Tita. Halatang nagulat siya nang makita ako. Humalik siya
sa akin sa ako hinarap sa nanay niya at ipinakilalang girlfriend niya.

Nang sumunod na linggo ay pinapunta ko siya sa bahay para makilala na niya ang
buong pamilya ko. Legal na kami pagkatapos ng araw na iyon. Mas lalong naging
masaya ang relasyon naming dalawa.

He was able to pass his back subjects, naging regular student na siya at talagang
may focus na siya sa pag – aaral. Third year na siya, ako naman ay nasa huling taon
nang culinary arts. He's always supportive of me, kaya ganoon rin ako sa kanya.

We were able to survive two and a half years of being together, wala kaming
masyadong away pero hindi naman perpekto ang relasyon naming dalawa. Madalas akong
nagagalit dahil may ugali siyang bigla na lang nawawala sa kalagitnaan ng dates
namin – palagi namang si Tita ang rason niya, naniniwala naman ako. He's mother
isn't getting any better kaya sinusubukan kong maging understanding talaga.

Dumating ang napakalaking dagok sa buhay ni Jorge nang mamatay ang Mommy niya.
Kahit ako ay hindi ko alam kung paano siya hahawakan, para kasing kahit anong gawin
ko ay nasasaktan siya.
"Love..." Hindi siya umaalis sa tabi ng kabaong ni Tita. Iyak siya nang iyak.
"Love, kumain ka muna." Sabi ko. Nang hindi siya sumagot ay napagpasyahan kong
umalis na muna pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Iginiya niya ako sa may
tabing mono block at pag-upo ko ay saka siya humilig sa akin. Umiyak siya nang
umiyak.

"Maraming masamang tao sa mundo, Love, bakit si Mommy pa?" He asked me.

"Love, kung may choice si Tita, hindi ka niya iiwanan." Sinubukan kong h'wag
maiyak. Kailangan kong maging malakas para sa aming dalawa. Sa buong linggong
nakaburol ang Mama niya ay hindi ako umuuwi sa bahay. Sinasamahan ko siya,
tinitingnan ko siya. Nang mailibing si Tita ay kaming dalawa rin ang nag – ayos ng
gamit nito.

Panaka – naka ay umiiyak siya kapag naalala niya ang mga kuwento sa gamit na iyon.
Hinahayaan ko siya, he needed to vent out. Gusto kong itanong kung bakit kahit
naiilibing na ang Mommy niya ay hindi pa rin nagpunta ang kapatid at ang Daddy
niya, pero hindi ko magawa. Nasagot ang tanong na iyon, dalawang gabi matapos
ilibing ni Tita.

We were still in their home, packing, ipamimigay niya sa home for the aged ang mga
damit ni Tita at ang mga ibang gamit nito. Naulinigan naming dalawa ang pagkatok sa
pinto, and when he opened it, a middle aged man entered the house, mukhang nagulat
siyang makita ako rito.

"Apelyido." Iyon agad ang namutawi sa bibig niya. Kilala niya ako?

"Anak ni Axel John Apelyido."

"Po?"

"Leina, go upstairs." May babala sa -boses niya kaya agad naman akong sumunod pero
hindi ako pumasok sa kwarto, naghintay ako roon sa may hagdanan, hindi naman
nagtagal ay narinig ko na silang nagtatalo noong lalaki and that was when I
realized that it was his father. Napababa ako ng hagdanan nang makarinig ako ng
kung anong nabasag.

Bumaba ako, pero si Jorge na lang ang naroon, nagdudugo ang kamay niya.

"Jorge!" Agad akong lumapit para hawakan ang kamay niya. Tiningnan niya ako, saglit
akong napaurong dahil natakot ako sa mga mata niya. Puno ng galit ang mga iyon.
Bigla na lang siyang umalis, ako naman ay hinabol siya pero paglabas ko ng gate ay
wala na siya. Napakabilis niyang umalis.

Buong magdamag ko siyang hinintay pero mag-uumaga nang marinig ko ang pagbukas ng
pinto sa baba, agad akong bumangon upang puntahan siya. I found him sitting on the
floor, crying. Natuyo na ang dugo sa kamay niya, pero ngayon, may maliit siyang
sugat sa mukha, amoy alak rin siya.

"Jorge..." I called him. Lumapit ako papunta sa kanya, yumakap siya sa binti ko.

"Sorry, Love... Sorry..."

My heart broke for him. I realized how hurt he was. Oh, I will love him until the
pain goes away.

xxxx

Upgraded na ang accommodations ni Jorge sa bahay namin. Sa guest room na siya


nakatira at talagang inaalagaan siya ni Momsi.

Nagalit si Momsi nang malaman niyang pinahirapan ni Popsi si Jorge. Expected ko


naman ang reaction niyang iyon dahil hindi niya alam na si Jorge ang gunman noon,
basta alam niya lang, nabaril si Popsi ng isa sa mga kaaway sa Negosyo at nag-break
kami no Jorge. Ngayon, ang rason kung bakit dito titira si Jorge ay hindi ko alam,
silang dalawa ni Popsi ang magka-usap. Hindi ko alam kung anong reason ang binigay
ni Popsi.

"Axel ha, ayoko nang uutusan mo itong si Jorge. Kung ano – anong kalokohan mo. Buti
at hindi napurhan itong bata."

"Hindi na bata iyan, Bernice, marunong nang gumawa ng bata iyan.'" Parang nayayamot
pa si Popsi habang iniirapan si Jorge. Nasa hapag – kaininan kami at kumpleto kami
ngayon. Si Avery ay napilitan na namang sumalo sa amin. Si Annie, nagsabing siya
ang maghuhugas ng plato, hindi naman ako kumibo, basta ako ang nagluto, tapos na.

Matapos kumain ay umakyat na si Jorge sa itaas. Tahimik ko lang siyang


pinagmamasdan. Inakbayan ako ni Avery.

"Hindi ka naniniwala sa kanya?"

"Ginagawa niya lang tayong tanga, Avery."

"I saw his birth certificate. Naka-indicate nga roong twin sila." Napatingin ako sa
kapatid ko. Kung sa kanya manggagaling, maniniwala ako. She has her own way of
gathering information, hindi malayong nakuha na nga niya. "Walang social media
accounts ang kambal but there are pictures of Miguel De Angelo doing their evil
transactions with those evil men. Kalaban talaga ng mga De Angelo ang pamilya.
Iyong nakapagnakaw ng ginto kay Uncle Ido, isa sa mga tauhan noon ng De Angelo,
pero patay na iyon."

"How about him?" Si Jorge ang tinutukoy ko.

"The last six years he's been underground. Pero na-search ko siya, apat na taon
siyang tumira sa Switzerland. There are travel documents and such, he mingled with
people. Nagtatrabaho siya sa isang farm, taga-alaga ng mga baka and such, the last
two years, he came home, sa Mindoro naman siya tumira. He doesn't involve himself
sa mga illegal dealings ng pamilya nila."

Lalo akong nainis. All this time galit ako sa maling tao. All this tim, sinisi ko
ang sarili ko para saan? Para malaman six years later na hindi siya ang taong iyon?
Iniwanan ko si Avery at umakyat na ako. Sa silid ko sana ako pupunta pero natagpuan
ko ang sarili kong pumasok sa silid na tinutuluyan ni Angelo Jorge. Halatang
nagulat siya nang makita ako.

"Where were you that night of six years ago? Tell me, Jorge. Baka maniwala ako
sa'yo?"

"I was kidnapped by Miguel's men. I was dropped in the middle of nowhere. I have no
idea what happened. Hindi ko alam, hindi ko matandaan, Leina. I'm so sorry. Iyong
gabing iyon pa rin ang pinakamalaking tanong sa isipan ko. Hindi ko alam kung anong
nangyari, Leina. Sana maniwala ka sa akin. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong
patunayan muli sa'yo ang sarili ko."

Damang – dama ko ang sakit sa tinig niya pero imbes na makipag-usap muli ay lumabas
ako at nagdiretso sa silid ko. I locked the door.

Ayokong tanggapin... pero alam ko sa sarili kong malaki ang posibilidad na


nagsasabi siya ng totoo... pero paano ako? Paano ang mga sakit na naramdaman ko? 

CHAPTER 5

Small world

Leina's

"Hi can I stay here for a while?"

Halatang nagulat si Mcbeth nang makita akong nakatayo sa labas ng pinto ng bahay
nila ni Pia. Karga pa ni Mcbeth si Shakespeare habang tulala lang siyang nakatitig
sa akin. Hindi siya sumasagot, kaya pumasok na ako sa bahay nila. May dala akong
overnight bag. Wala akong balak umuwi sa bahay dahil hindi ako komportableng naroon
si Angelo Jorge De Angelo. Hindi ako makatulog knowing that he's just in the other
room. Napakaraming agam – agam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na rin
maintindihan ang sarili ko kung saan baa ko lulugar, everyone in the house – except
for Popsi – is giving him good treatment. Kilala siya ni Momsi, alam niyang ex ko
si Jorge, akala niya nag-break lang kami sa kung ano. Gustong – gusto kong sabihin
sa kanya ang nangyari noon, pero ayoko siyang mag – alala. Ayokong makita sa mukha
niya ang takot at sakit na nakita ko noong halos mamatay ang tatay ko.

"Hello, Pia." Nagulat rin si Pia nang makita ako pero nginitian niya ako.

"Kumain ka na ba?" She asked me. "Hindi ako sing sarap mo magluto, Leina, pero
nagluto ako ng spicy pork and tofu."

"Thanks, masarap iyon sa gin." Wika ko. Natawa naman siya. "Anyway, pwede bang dito
muna ako kahit mga ilang araw lang habang naghahanap ako ng malilipatan?" Tanong ko
sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari sa bahay ninyo?" Mcbeth joined us. We were all in the living
room now. Si Hamlet ay naglalaro ng lego niya. Ibinaba si Shakespeare ni Mcbeth
para makipaglaro sa kuya niya. "Nag-away ba kayo ni Titi Axel?" He asked me.

"Hindi naman. Hindi lang ako komportable sa bahay." I said. "Nandoon kasi si
Jorge."

"Sinong Jorge?" Pia asked.

"Oh, he's just an ex – boyfriend who broke my heart and soul. Medyo may problema
lang sa buhay niya, Popsi offered to help, now I am not really okay with this,
injured pa siya. I don't have the heart to send him off."

"Kailan ka pa bumait?" Tanong ni Mcbeth sa akin. Inirapan ko siya. Natawa na lang


si Pia sa amin. Kinuha niya ang mga anak nila at papatulugin na raw niya. Nakasunod
lang kami ng tingin sa kanya I sighed. Si Mcbeth ay gumalaw na at kumuha ng
dalawang bote ng beer. He opened the bottle and gave me one. I sighed. Kinuha niya
rin ang spicy tokwa't baboy ni Pia at inihain sa akin. Magkaharap kami habang nag-
iinuman.

"Ano bang problema mo?"

"Remember the guy I was telling you about? Iyong muntik nang pumatay sa pamilya ko?
Siya iyon. And now he's telling me that everything I believed in is a lie. Sinasabi
niyang hindi siya, sinasabi niyang ganito, ganyan, tang ina, Mcbeth! You don't
expect me to believe him!" Napasigaw ako.

"Wala namang nagsasabi sa'yong maniwala ka." He said to me. "Tama lang na ilayo mo
roon ang sarili mo. Kung hindi ka naman komportable diba? Basta nandito lang kami
para sa'yo and you can stay here until you want." Pinisil ni Mcbeth ang pisngi ko.
Nangigigil na tinabig ko ang kamay niya. We stayed for the night, we drank until
dawn, kung ano – ano lang ang pinag-uusapan naming dalawa hanggang sa pareho kaming
dalawin ng antok. Nagpaalam siyang aakyat na kay Pia, ako naman ay nagkusa nang
iligpit ang pinagkalatan naming dalawa.

At four am, I was lying on the guest room's bed, I was looking at the ceiling,
thinking about Jorge. I don't want to give in yet, pero alam ko sa sarili kong
naniniwala ako sa kanya. Pinili kong maniwala sa kanya dahil alam ko sa sarili kong
may pagmamahal ako sa kanya. Putang ina ng sarili ko, anim na taon ang nakalipas,
dapat ginamit ko iyong panahong iyon to get better and be braver, akala ko ganoon
nga ang nangyari sa akin, pero pagdating kay Jorge, duwag pa rin ako, siya pa rin
talaga ang kahinaan ko...

xxxx

Isang buwang hindi nagpaparamdam si Jorge sa akin. Mula nang gabing magpunta ang
Papa niya sa town house ay naging mailap na siya sa akin. Ni text o tawag ay hindi
niya ginagawa. Alalang – alala ako sa kanya. Nakita ko kung gaano siya kawasak
dahil sa nangyari sa Mama niya, tapos iyong sagutan pang naganap sa pagitan nilang
mag – ama. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Nagtanong – tanong ko sa mga
kaibigan niya, pero wala rin silang balita kay Jorge. Gusto kong magalit sa kanya,
dapat naman akong magalit sa kanya, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko.

"Ate, manonood kami ng sine nila Popsi, sama ka?"

Wala ako sa mood kaya tumanggi ako. I'd rather stay her. Hindi rin naman ako mag-
eenjoy kasi wala si Jorge. Hanggang ngayon wala akong balita sa kanya.

I was all alone in our home. Kung sino – sinong tinawagan ko in the hopes of
finding Jorge pero muli akong nabigo. Gusto ko nang ipahanap siya kay Avery, but
she said that Jorge deactivated all his social media accounts and that saddened me.
Anong gagawin ko? Paano ko pa siya mahahanap?

I heard the doorbell ringing. Agad akong tumayo para buksan ang gate sa labas,
nagpa-deliver kasi ako ng pizza dahil tamad na tamad akong magluto. Hindi ko alam
kung hanggang kailan niya gagawin sa akin ito. Hindi niya ba iniisip ang
nararamdaman ko? I am trying my best to understand him, I am taking care of him
because he's so lost, pero ito naman ang nakukuha ko in return. Anong gagawin ko?

I opened the gate, expecting a pizza delivery guy but I sa Jorge, standing in front
of me. Sira – sira ang damit niya tapos may mga pasa siya sa mukha, duguan siya.
Hindi ako mapakali. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano
ko siya hahawakan, kasi baka mamaya masaktan lang siya. Nag-uunahan ang mga luha
kong bumagsak.

"Hi..." Wika niya. Medyo paos ang boses niya. Walang namutawing salita sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay tapos ay iginiya siya sa loob ng bahay. Sa itaas –
sa silid ko, doon ko siya dinala, sa loob ng bathroom ko ay kinuha ko ang first aid
kit tapos ay binalikan ko siya para gamutin ang mga sugat niya. Habang ginagawa ko
iyon ay iyak ako nang iyak.

"I'm so sorry." He said.

"You keep on apologizing, tapos inuulit mo rin. Hindi mo ba iniisip ang


nararamdaman ko? Hindi moa ko iniintindi. Mamatay – matay na ako sa pag – aalala
sa'yo. Tapos makikita kitang ganito, bugbog sarado, what do you expect me to do?"
"I don't..."

"Anong I don't?"

"I have no idea what happened to me, Leina..." Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anong hindi mo alam? Obviously nakipag-away ka. Kita mo nga!" Napaiyak na ako.
"Nakakainis ka! Gusto mop ala ng bugbugan sana sinabi mo, ipapabugbog kita kay
Dondon at Narcing!" Napahikbi ako. Paulit – ulit kong sinusuntok ang dibdib niya.
Napansin kong hinawakan niya ang kamay ko, nang tumingin ako sa kanya ay bigla
akong nahintakutan dahil napakasama ng tingin niya sa akin – to my surprise, he
slapped me. Nahulog ako sa kama pero agad akong tumayo.

"Putang ina..." I mumbled. Tumayo na rin siya at hinawakan ang leeg ko. Sinasakal
niya ako ngayon. Hindi ako makahinga pero anak ko ni Axel John kaya mabilis akong
nag-isip. Sinipa ko siya sa pagitan ng dalawang hita niya, napaluhod siya,
nabitiwan niya ako. Sinampal ko siya ng dalawang ulit tapos sinipa ko sa tagiliran.
Sinapak ko na rin diretso sa mukha – dalawang beses. Nawalan siya ng malay. Mabilis
akong kumilos para igapos siya. Naiiyak ako. Sinaktan niya ako.

I stayed in my room with a baseball bat in my hand. Hinihintay ko siyang magising –


noong nagising siya parang gulat na gulat pa siya sa nangyayari, mas lalo siyang
nagulat nang makita ang sarili niyang nakagapos.

"Leina, what... anong... bakit ganito?" Nanlalaki ang mga mata niya. Ako naman ay
nakaramdam ng pagtataka. Hinawakan ko ng mahigpit ang baseball bat at iuumang iyon
sa kanya. Napasigaw siya. "Leina, h'wag!"

"What the hell is happening?!" He looked different. He looked scared, wala iyong
matatalim na mga matang nakatitig sa akin kanina.

"Leina, please... please... no..." He started crying.

xxxx

"Yes, Momsi. Opo. Pakisabi sa kanya hindi naman ako galit sa kanya. Miss ko na rin
si Popsi. H'wag kamo siyang maarte ikaw kamo ang artista sa inyong dalawa."

Naglalakad ako sa hallway ng isang residential building. Hindi naman ako nahirapang
maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Ipinakilala ako ni Diego sa kaibigan niyang
dentist ana nagpapa-upa ng isang condo unit na malapit lang sa restaurant ko.
Nagsabi na ako kay Momsi at Popsi, Akala pal ani Popsi galit ako sa kanya, sinabi
ko namang hindi, sinabi ko lang na hindi makakabuti kung magkasama kami ni Jorge sa
bahay.

"Pero umalis na rin si Jorge?" Tanong ko kay Momsi. Nabanggit niya kasi kanina.
Noong umalis raw ako noong isang gabi, kinabuksan raw ay nagpaalam kay Popsi.
Siyempre noong una ayaw siyang paalisin, pero pumayag raw si Jorge na maglagay ng
tracking device sa phone niya at palagi raw itong tatawag kay Popsi. Mukhang silang
dalawa pa ngayon ang magiging close. Hindi na ako nakialam. Sa ngayon kasi, alam ko
sa sarili kong hindi pa ako handang harapin siya at tanggapin basta ang sinasabi,
hindi ito madali sa akin, hindi madaling tanggapin na naniniwala ako sa lahat ng
posibilidad na sinabi niya sa akin.

I don't care about my pain anymore, I just want this done, but I need to rethink
this as many times as possible.
"Opo, Momsi. Sige, uuwi ako diyan sa Friday – ay bukas na pala iyon. Okay. I love
you. Pakisabi kay Senyor Axel h'wag siyang maarte." I smiled as I end the call.
Hinanap ko na ang pinto ng unit ko. Napuntahan ko na ito kahapon, kasama si Mcbeth
at iyong dentista – si Pascal, maayos na maayos ang unit niya. Two bedroom iyon,
maganda ang view, malaki ang kitchen, okay na okay na sa akin iyon.

I opened the door. This will be my first night here and I kind of hate the silence.
Mas gusto kong maingay, sanay akong naririnig ang boses ni Aelise o kaya man ang
playlist ni Annie. Sanay na sanay ako roon, all these is a new thing for me.

I felt hungry, nag-grocery na ako kaninang umaga bago ako pumasok sa restaurant.
Magluluto lang ako ng bacon and cheese carbonara tapos gagawa ako ng garlic bread
kaya lang na-realize kong wala pala akong nabiling salt and pepper. Naisalang ko na
iyong cream sauce, pinatay ko na lang iyong electric stove saka ako lumabas ng
unit. May convenience store naman sa baba.

Mabilis lang ako dahil gutom na gutom na talaga ako. Nakabalik naman agad ako sa
loob ng building. Sumakay ako sa elevator, I pressed the close button pero may
kamay na pumigil sa pagsara ng pinto ng elevator. Napatingin lang naman ako –
walang kahit anong iniisip – normal lang namang sinuhin ko kung sinong pumigil sa
pinto pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko si Jorge De Angelo sa
harapan ko.

Nakatingin rin siya sa akin. May hawak siyang brown paper bag, naka-puting t-shirt
siya na hakab ang biceps niya, ripped jeans, chucks, tapos napansin kong may cast
ang kaliwang paa niya- I almost forgot about him falling from the roof.

"A-anong ginagawa mo rito?" I asked him.

"I-ikaw, anong ginagawa mo rito?' He asked back.

"Why aren't you pushing your floor button?" I asked again.

"Because it' already pushed." He said. I looked at the buttons. 12th floor. Ibig
sabihin na iisang floor lang kaming dalawa.

"Sinusundan mo ba ako?" Inis na tanong ko. Jusko, Leina, utang na loob, maging
Maria Clara ka muna, h'wag kang Maria Pokpok. Hindi ito ang tamang panahon para
diyan, hindi ako dapat basta na lang magpakita sa kanya ng kabaitan. I still have
my doubts and I know these doubts will save me from further pain.

"Leina... hindi... I... I..." The elevator door opened. Mabilis akong lumabas.
Nahuhuli siya. Nakarating ako sa bandang dulo – sa may pinto ng unit ko, nagulat
ako nang huminto siya sa tabing pinto lang ng unit ko. He was looking at me, I
looked at him, tapos ay inirapan ko siya saka ako pumasok sa loob ng unit ko.

Shit! Talaga bang napakaliit ng mundo, o sinusundan niya ako? 

CHAPTER 6

Game over

Leina's

I just don't feel like going to work today. Alas ocho nang umaga pero nasa kama pa
ako at pinagte-text ko ang mga tao sa restaurant para sa mga gagawin nila ngayon. I
called Mcbeth to tell him to go to the resto, minsan ko lang siya mapakinabangan
kaya dapat magtrabaho naman siya ngayon. Si Mcbeth iyong tipo ng taong mayaman na
kahit na tumatae, kumikita ng pera. He invested his money right. May family
business sila na si Kuya Paolo ang namamahala. May isa pa silang kapatid, si Yves
na siya namang COF ng company na iyon. Si Mcbeth lang ang panay free style, panay
gala, pero mayaman iyon.

Mukhang wala siyang balak na pumunta sa resto, imbes kasi na yes, pupunta ako, ang
sagot niya pupuntahan kita. Sinabi ko na lang na dalhan niya ako ng Jollibee
spaghetti, tuna pie saka chicken joy, Saka na ako magda-diet kapag nasa mood na
ako. I stayed in bed, natulog ulit ako at nagising lang dahil sa tunog ng phone ko.
Si Mcbeth ang tumatawag, malamang sasabihin niyang nasal abas na siya. Hindi ko
sinagot. Kinuha ko iyong silk robe ko kasi naka-maikling shorts lang akong maluwag
saka sando – wala akong bra at panty, ganoon talaga ako matulog. Habang naglalakad
ay itinatali ko ang buhok ko. I owre my glasses that time kasi natatamad pa akong
mag-contacts, saka ko binuksan ang pinto. I was right, iyong brown paper bag ng
Jollibee ang sumalubong sa akin. Nakatakip iyon sa mukha niya, kinuha ko at
niluwagan ang pinto para makapasok siya.

"Bakit, Leina, may sakit ka ba?" He asked me.

"Wala naman. It's just one of those days na sobrang ganda ko pero kulang ako sa
energy." Naupo ako sa dining chair habang nilalabas ang pagkaing binili niya sa
akin. He went straight to the balcony, binuksan niya muna siyempre iyong glass
door. Pumasok ang mainit na hangin ng city, ako naman kain nang kain. Nagsasalita
siya at nakikinig lang naman ako.

"Tumawag sa akin si Tito Axel kagabi, tinatanong kung nag-usap tayo, sabi ko okay
ka naman. Nag-aalala siya na baka galit ka raw kaya ka nagdesisyong umalis."

"Hindi naman ako galit sa kanya, Mcbeth. Ayoko lang munsa sa bahay, hindi ako
makahinga. Saka noon pa naman dapat ako umalis sa amin. I love my parents and they
love all the Gabrielles too much na kung pwede lang na habambuhay nila kaming
buhayin, gagawin nila, this time, I need to get on my feet, maiintindihan niya rin
ako, mamaya, uuwi ako, kakausapin ko siya." Nilantakan ko na iyong spaghetti saka
iyong tuna pie. Ang sarap, napakasarap talaga ng spaghetti ng Jollibee kahit na
anong gawin kong paggaya sa sauce nito, hindi ko magawa, there is always something
missing."

"Nagpunta ka ba kay Doc Cynths?" He asked. Pumasok na muli siya sa loob. Naupo siya
sa silyang katabi ko. Kinuha niya iyong isang tuna pie at kumain na rin. Bumili rin
siya ng hot chocolate para sa amin.

"Hindi pa. Sa Lunes na lang. Marami akong ikukwento sa kanya. Ikaw ba? Dinadagdagan
niya pa ba ang gamot mo?"

"Just some pills, pero wala na akong sleeping pills."

I looked at him. "He's on the other unit."

"Sino?" Nakakunot ang noo niya. "Gosh?! Si Piolo Pascual, kapitbahay mo?!" Bigla
siyang napasigaw. Binatukan ko si Mcbeth sa noo.

"Ulol! Putang ina mo." Inis na inis ako pero napatawa ako bigla. "Ambakla mo kamo
pagdating kay Piolo. Anyway, si Jorge De Angelo. Nandyan siya sa kabila, kagabi ko
lang nalaman na magkapitbahay kami. Umalis siya kinabuksan pag-alis ko sa bahay.
Hindi ko alam, feeling ko sobrang liit ng mundo, pinagtatagpo talaga kami."

"O baka naman sign ito." Wika niya. Napatitig ako sa kanya. Natatawa siya habang
ngumunguya. "Remember when Pia came back, and you told me it was a sign? Tama ka
roon, Leina, sign nga iyon, pero ako, naduwag ako. Noon kasi overwhelmed ako sa
feelings ko kaya inaatake ako, but you told me to go for it. I listened and it was
the best thing that ever happened to me. Alam mo, minsan, Leina, kailangan nating
bitiwan ang sakit, indeed, pain changes people, but sometimes, things just stay the
same..."

Buong araw kong iniisip ang pinagsasabi ni Mcbeth sa akin. Nakaupo lang ako sa
couch sa living room, hawak ko ang remote habang palipat – lipat ng channel.
Naririnig ko ang nakakabwisit na boses ni Mcbeth, at alam kong tama siya. Alam kong
kailangan ko lang ng sign para sa ganito, and maybe, the fates gave Mcbeth to me as
a sign. Tumayo ako at nagtungo sa kusina.

I decided to make some baked macaroni. As far as I can remember, paborito ito ni
Jorge. Maybe it's time to make peace with him. After all, he said that he didn't do
it, I am trusting him with all that is left with me. Kailangan mahanap ang kakambal
ni Jorge para matapos na ang lahat ng ito, para sa kanya ko maiderekta ang galit na
nararamdaman ko at ang sakit na mayroon sa buong pagkatao ko.

Nang maisalang ko na sa oven ang baked mac ay naligo na ako. I wore my favorite
shirt and plaid mini skirt. Nagblower ako ng buhok, and I put some make up on,
kahit nga walang make up, sobrang ganda ko pa rin, pero gusto ko kasi masilaw siya
sa kagandahan ko, iyong tipong he'll be blinded with such an exquisite beauty.
Anyway, hindi naman ako makikipagbalikan sa kanya, we're just friends. Naaawa rin
naman ako sa tao kasi nga na- injured na nga siya, umiyak pa siya, he deserves the
benefit of the doubt.

"Grabe, sobrang ganda ko." I said before leaving the room. Kinuha ko ang baked mac
sa oven, inilapag ko iyon sa counter, nagsuot ako ng apron, para kunwari hindi ko
binalak ito and then, I left the unit to knock on the other door. Kumatok ako sa
pamamagitan ng paa ko.

Hindi naman nagtagal ay bumukas na iyong pinto. It was him.

He looked surprised to see me. I smiled at him. Nakalugay ang mahaba niyang buhok.

"Nasobrahan iyong baked mac ko. Gusto mo ba?" Casual na casual na tanong ko.

"Huh? Ahhh..sige." Binuksan niya iyong pinto para kuhanin iyon. I grabbed that as a
chane para pumasok. Aba, nagluto na ako might as well papasukin niya ako. Halos
magkapareho lang ang hitsura ng mga unit namin pero mas maganda iyong sa kanya,
minimalist ang peg ng condo niya kaya sobrang neat and spacious. Black, white and
gray ang namumutawing kulay sa paligid, may mangilan – ngilan siyang mga potted
plants roon, sa isang corner ay napakaraming cactus. Parang sobrang tahimik ng
mundo ni Jorge rito.

Nilapag ko sa dining table niya ang dala ko. Hinubad ako ang mittens saka humarap
sa kanya. Nakatungkod siya. Iika- ika siya dahil sa injury niya.

"Masakit pa ba?" I asked. "Dapat bumalik ka sa doctor para tingnan iyan. Hindi ka
pa yata dapat lumalakad – lakad."

"I'm okay. What... what are you doing here, Eleina?"

Biglang napakunot ang noo ko. Noong isang araw halos magmakaawa siya sa akin,
ngayon tinatanong niya ako kung anong ginagawa ko rito? Ang labo naman niya tapos
tinatawag niya pa akong Eleina. He knows how I hate being called Eleina.
Humalukipkip ako.

"I'm giving you a chance." I said. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"What chance? Why?"


"Because you asked for it." Confident na wika ko.

"I did? Whe—" Naputol ang pagsasalita niya kasi may kumatok sa pinto niya. He had
to open the door, nang makabalik siya, may kasunod na siyang isang lalaking naka-
scrubs na kulay puti. He looked apologetic pero mukhang shocked pa rin siya. "I
would love to hear your explanation or whatever reason, it is, Eleina, but I have
to start therapy."

Explanation? Ako pa ang mag-eexplain? I shook my head. "Alright. Pakibalik na lang


iyong container." Naguguluhan na umalis ako ng unit niya. I closed the door behind
me pero hindi pa agada ko umalis. I keep on thinking about the moment I had with
him. Bakit ganoon? Bakit parang hindi naman niya alam ang pinag-uusapan namin?

And then suddenly, I remembered those incidents way back when we were still
together, madalas siyang makalimot... madalas niyang hindi matandaan ang ilang
bagay na nangyayari sa paligid naming dalawa.

xxxx

"Eleina, please, kausapin mo ako."

Ilang araw kong iniiwasan si Jorge dahil sa naganap na insidente sa bahay namin.
Hindi ako nagsabi sa mga magulang ko dahil ayoko na siyang mahirapan pa. Alam ko
ang gagawin ni Popsi kapag nalaman niyang sinasaktan ako ni Jorge. Masyado na
siyang maraming dinadala para problemahin niya pa ako, pero ganoon pa rin ang
nangyayari kasi ayoko siyang kausapin. Inabangan niya akon sa hallway ng
University, kahapon ay ganoon rin ang ginawa niya pero hindi ako nakipag-usap sa
kanya. Ayoko ng sinasaktan aio, at hindi katanggap- tanggap sa akin na kesyo hindi
raw niya alam ang ginagawa niya.

"Jorge, ayoko na. Umalis ka na." Nagdiretso ako hanggang sa parking lot. Alam kong
nakasunod pa rin siya. Sumakay ako sa kotse ko at handa na akong umalis nang
mamataan kong hinarang si Jorge ng apat na kalalakihan at bigla na lang siyang
inundayan ng suntok. Nabigla ako, napasinghap pa ako nang makita kong naglabas ng
bakal na tubo ang isa at akmang hahampasin si Jorge agad akong bumaba ng kotse,
agad akong nagpakawala ng flying kick. Nagulat ang mga kalalakihan pero ako naman
ang hinarap nila.

Mukhang mabubugbog ako ngayon pero inunahan ko sila, nakipagsapakan muna ako, noong
nasampal ako, siyempre natigilan ako, noon ko nakitang tumayo si Jorge, may kasama
pang pagsigaw, bigla niyang hinawakan sa leeg iyong lalaking sumampal sa akin, ako
ang natigilan sa pagkakataong iyon, bigla ko kasing nakita ang matatalim na matang
iyon, ang mga matang tumingin sa akin noong araw na sinampal at sinakal niya ako.
Iyong isang lalaking, ay akmang hahampasin si Jorge ng bakal pero sinipa ko.
Matapos niyang matumba ay nagsisigaw ako, nakita kong lumalapit na ang guard pero
si Jorge, sakal – sakal pa rin ang nanampal sa akin. Agad ko siyang hinawakan sa
braso.

"Jorge, Jorge tama na, Jorge, bitiw na. Please, please..." Nabasag ang boses ko.
Noon siya tumingin sa direksyon ko tapos ay mukhang nabigla na naman siya,
binitiwan niya ang lalaki. Hindi niya inaalis sa akin ang mga mata niya. Kabang –
kaba ako, pero hindi ko binibitiwan ang kamay niya.

Nang makarating ang guards ay dinampot ang mga kalalakihan. They encouraged us to
file a complaint to the Discipline Committee, sinabi ko namang gagawin ko pero
bukas na lang dahil nagmamadali kaming dalawa. Hinatak ko si Jorge na natutulala
papasok sa kotse ko tapos ay umalis kami. Hindi kami nagkikibuan sa sasakyan.
Paunti – unti ay nawawala ang kaba ko at bumababa ang emosyon ko. I keep in looking
at him, mabuti at walang traffic, nakarating kami agad sa town house niya. Nauna
siyang bumaba. Inayos ko lang ang pagkaka-parkn ng sasakyan at sumunod na ako sa
kanya. I found him in the living room.

"Anong atraso mo roon?" I asked him. Napatingin siya sa akin.

"Hindi... sabi nila hinalikan ko raw iyong kapatid niya." Nag-init ang ulo ko.

"Gago ka!" Sigaw ko ulit. "Hindi pa tayo break pero naghahanap ka ng iba!"

"Hindi ako naghahanap ng iba, Eleina."

"Just fucking stop calling me Eleina!K Kahapon ka pa! Alalang – alala ako sa'yo
dahil sa bugbog sarado ka na kahit sinaktan moa ko, hindi ako pinapatulog ng putang
inag pag-aalalang ito tapos ikaw nakikipaghalikan ka lang pala sa ibang babae."

"Bakla raw iyong kapatid niya."

Bigla akong natigil sa pagsigaw. Na-pause ang galit ko. Gusto kong matawa pero
hindi ito ang tamang oras.

"Ha?"

"Iyon ang sabi niya. Bakla raw ang kapatid niya. Hinalikan ko raw sa bar tapos..."

"Bar? Gay bar?"

"Leina, hindi ko alam. Baka lasing na lasing ako kaya hindi ko alam." Pahina nang
pahina ang boses niya. "I just feel so lost... I miss mom, my dad is a fucker, my
brother is an asshole, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Tapos mawawala ka pa
sa akin paano na ako?" Bigla siyang napahikbi. Lahat ng galit ko ay natunaw. Bigla
na lang akong lumapit sa kanya. Tinapik ko ang balikat niya, niyakap niya ako sa
baywang at inilapit sa kaya, nadantay ang mukha niya sa bandang tyan ko habang
tahimik siyang umiiyak.

"I'm so sorry, Leina, nasaktan kita. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. I'm
so sorry. Hindi ko talaga sinasadya iyon. H'wag mo akong iwanan, Leina. H'wag kang
umalis. Wala na akong mapupuntahan. Ikaw na lang ang mayroon ako." He sobbed again.
Ayokong maiyak, kaya tumingala ako. Wala naman akong masabi, natunaw na lahat ng
galit ko.

"Sige na, sige na. Basta h'wag mon ang ulitin kundi babalian na kita ng buto." Biro
iyon pero hindi siya tumawa. Nakayakap pa rin siya sa akin. Umiiyak siya.

"Leina, gutom na gutom na ako." Umiiyak siya habang sinasabi iyon. Napatawa ako.

"Ano bang gusto mo?"

"Kahit ano, basta ikaw ang nagluto."

"Okay, sige, sige. Bitiw na muna. Magluluto ako." He did, pero sandali lang iyon.
Nasa kusina ako, naghanap ako ng pwedeng lutuin sa ref niya, may mga gulaw roon,
carrots, Baguio beans, patatas tapos may macaroni shell, naisip kong sopas na lang
ang lutuin. Naghiwa ako ng gulay, napakulo ng manok. Tinutunlungan naman niya ako
kaya madali ang lahat. Nang mapagsama-sama na sa isang kaldero lahat ng ingredients
ay yumakap na naman siya sa akin.

"Dito ka lang... h'wag mo akong iiwanan."


"Basta ha, h'wag mo na ulitin."

"Opo." He promised and I believe him.

Makalipas ang ilang sandali ay naluto na ang sopas. Ipinagsandok ko siya at inihain
iyon sa harap niya. He looked so hungry. Kahit mainit ay kinakain niya pa rin.

"Ilang araw ka bang hindi kumakain? Hindi nabawasan iyong frozen foods mo rito.
Sabi ko sa'yo, i-microwave mo."

"I stayed with my dad and brother, kumakain ako, pero hindi sila masarap magluto.
Mas masarap ka – I mean iyong luto mo." Napangiti ako pero inirapan ko siya. Siyan
a ang naghugas ng plato. Maaga pa naman, I decided to stay a little longer. Nagyaya
siyang matulog raw kami. Sumama naman ako sa silid niya. We just lay on the bed,
nakatulog siya habang yakap – yakap ako. Mataman ko naman siyang tinitingnan,
mukhang pagod na pagod siya. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari sa kanya, I
just know that he needed me more than anything and because I love him, hindi ko
siya basta – basta iiwanan.

Nakatulog rin ako at naalimpungatan dahil may humahalik sa pisngi ko. When I opened
my eyes, I saw him smiling at me. Mukhang refreshed na siya. Napangiti tuloy ako.

"You looked so tired. Did I wake you?"

"Hindi naman. Anong oras na? Baka gabihin ako."

"Leina, stay..." Hinawakan niya ang braso ko. I know that look. I have seen that
look on his eyes for a dozen times and I know what it means. I bit my lower lip. I
saw his face slowly coming close to my mine, nainip ako kasi pinababagal niya pa. I
met him halfway, we kissed and it just cured my longing for him. We kissed so hard
until we both realized that this longing cannot be cured by just a kiss, we need
more, we need a deeper solution for this matter, so that night, I didn't come home,
I stayed on his bed, naked, writhing in passion, waiting for his touch, kissing him
back, pleasuring him until we were both satisfied...

I cannot believe how much I love this man. I love him. I really do.

"I love you, Leina." He turned to me as the sun rises.

"I love---" Natigilan ako nang ipakita niya sa aikin iyong pull – tab – iyong easy
open part ng mga beer in can and sodas in can. Napatitig ako sa kanya.

"Hindi pa itong singsing, Leina..."Simula niya. Bumaba siya sa kama, ako naman ay
napaupo. We were both naked and it's just finr, being naked with him seems to be
the most natural thing ever. Wala kaming saplot, wala kaming tinatago sa isa't isa.
He kneeled with one knee and looked at me. My tears started falling, jusko,
nakakaiyak palan talaga ang mga proposals – kung proposal man ito.

"Wala pa akong pera..." He smiled pero mukhang nahihiya siya. "Pero bibilhan kita
ng singsing, Leina. Sa ngayon, ito muna. Gabrielle Eleina Apelyido, I love you with
all of my heart and soul – sobrang gasgas na noon, but I do love you and I want to
spend the rest of my life with you. I want you to be my wife. I want us one, Leina.
Will you, please, please, marry me, Leina?"

I sobbed. Hinampas ko siya sa dibdib tapos ay tumango.

"Gago, ilang beses mo na akong na-sex, kung di moa ko papakasalan, lagot ka kay
Popsi!" Nagtawanan kami sa kabila ng luhang lumalabas sa mga mata naming dalawa.
Niyakap ko siya. Oh I am so happy and so in love!
xxxx

Ang sabi ni Jorge sa akin ay ilang araw raw siyang mawawala. Uuwi raw kasi siya ng
Mindoro para dalawin ang ilang kamag-anaka ng Mommy niya roon. Two days tops raw
kaya h'wag ko raw siyang masyadong mami-miss. Sobrang feeling niya. Naging maayos
naman kaming dalawa. Pagkatapos ng araw na iyon sa town house niya, ay hindi na
kami muling nag-away nang ganoong katagal. Balik na kami sa normal na ako na lang
iyong palaging may topak sa utak, sobrang understanding naman niya, palagi niya
akong pinagbibigyan. Sabi nga ni Momsi, 'wag raw ganoon kasi baka manawa naman.

But I knew how much he loves me, and I love him too. Walang hindi kami
malalagpasan. Sa loob ng dalawang araw na wala siya ay magkatext kami oras – oras
tapos nakaktulugan na lang naming dalawa ang mahabang tawagan namin sa gabi sa
phone. Mabuti nga at maayos ang signal sa Calapan, Mindoro, sabi niya sa akin, doon
raw iyong pinaka-city. Kasama raw niya ang lola niya – ang Mommy ng Mommy niya.

Nang gabing iyon ay umalis kami ni Popsi para mag-grocery. Birthday kasi ni Mommy
bukas. Sakto naman na iyon ang dating ni Jorge. Sinabi kong pumunta siya sa bahay
para mag-dinner tapos balak kong sabihin na rin kay Popsi ang proposal nito at ang
balak naming pagpapakasal. Napag-uusapan na namin iyon, mag-iipon muna kaming
dalawa saka kami magpapakasal tapos magsisimula kami ng business bilang mag-asawa.
Alam kong matutupad naming dalawa iyon.

"Nabili mo ba lahat, Popsi? Ayokong kulang - kulang kapag nagluluto." I said. Tmawa
naman siya.

"At ano namang akala mo sa akin? Siyempre, lahat para sa aking Dyosa. Jusko, ang
nanay mo gumaganda masyado, papasa pa ring leading lady. Nagpapaalam, may kissing
scene raw dila ni Richard Gomez. Nainis ako, tang ina!"

"Hindi ka pumayag?"

"Siyempre! Hindi!" Tumingin ako kay Popsi. "Ako nakatanggi." Humina ang boses niya.
Nilalagay namin sa likod ng sasakyan ang mga pinamili namin. "Trabaho ng nanay mo
iyon. Saka artista naman siya noong nakilala ko siya. Saka kahit sinong halikan ng
nanay mo, akin pa rin iyon pag-uwi sa bahay. Saka gwapo naman si Goma."

"Popsi nga." Tawa ako nang tawa. Sabay kaming sumakay ng kotse. Nilabas ko ang
phone ko para i-check kung may message na si Jorge sa akin. Mayroon nga.

From: Love

Msg: Papunta kami ni Lola sa Puerto Galera ngayon, bukas kami ng tanghali uuwi.
Hapon nasa Metro na ako. See you, Love."

Hindi ako agad nag-reply. Baka kasi nasa byahe na siya at tulog. Mamaya na lang
pag-uwi sa bahay.

Popsi turned on the radio. Sinabayan pa namin iyong kantang Torn habang nagmamaneho
siya. Ang cool cool niya talaga, hindi tulad noong mga Uncles ko, parang laging may
kalaban. Natigil kami sa pagkanta kasi nag-ring iyong phone ni Popsi, ako ang
sumagot, si Ninong Ido.

"Po? Ay, nasa grocery rin kayo kanina? Sana po pala sabay na tayo, Uncle. Malapitna
kami sa bahay. Dito na kami sa may hill crest eh." Iyong hill crest ay iyong isang
mahabang daan na puro bakanteng lote sa paligid, malapit na iyong village namin
kapag naroon na kami.
"Ay sige po." Wika ko. "Pops, malapit na rin daw sila ni Uncle KD sa hill crest."

"Tanong mo kung papasalubungan ko sila ng musiko. Tang ina ang clingy ng mga Uncle
mo. Mga sira ulo kamo sila." Nagtawanan kami. Tinapos ko na ang tawag at naghanap
na lang ako ng pwede naming pagjamming na kanta ni Popsi. Wala akong mahanap, tapos
natigilan pa ako kasi napansin ko sa may side view mirror na may itim na van na
sumusunod sa amin. Nakita ko iyon kanina pa sa paglabas namin ng grocery, akala ko
same way lang kami pero hanggang ngayon ay nakasunod sila sa amin.

"Pops." Wika ko.

"Nakita ko na." Biglang sabi niya. Binilisan ni Popsi ang pagmamaneho. Napahawak
naman ako sa seatbelt ko. "Popsi..."

"Okay lang anak, 'wag kang matakot. Nandito si Popsi." He even managed to smile
pero napasigaw ako dahil nagsimula na silang barilin kami. Nakakailag si Popsi,
pakiramdam ko nasa racing kami pero nahinto siya nang may isa pang itim na van ang
huminto sa mismong tapat namin. Binuksan ni Popsi ang dashboard niya at inilabas
ang baril niya. Dalawa iyon. He gave me the other one.

"Leina, para ka lang nasa shooting range. Ang pagkakaiba, totoo ang target mo.
Ready ka ba?"

"Mayabang lang ako, Pops, pero natatakot po ako."

"Nandito ako. H'wag kang matakot." He smiled and kissed my temple. Sa backseat ay
may hinatak siya. Nagulat ako nang maglabas siya ng long range gun lupua model
riffle – kung si Uncle Jude nangongolekta ng Samurai, si Popsi ay nangongolekta
naman ng mga long range guns. Mahilig siyang magregalo ng rifle sa mga close
friends niya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse namin at nagsimula na siyang bumaril. Ako rin.
Sinubukan ko. Nanginginig ako. Nakatama ako sa binti ng dalawang tao. I got to
excited I looked at my father, nasa gitna na siya ng daan ngayon. Hawak ang dalawa
niyang baril ay pinagtatama niya ang mga kalalakihan pero hindi sila nauubos. May
van na naman na dumating.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bumukas ang pinto niyon at may lalaking
lumabas, may shades, mahaba ang buhok, naninigarilyo tapos may hawak na baril. Ang
lakas – lakas ng tibok ng puso ko, pamilya na pamilyar siya sa akin, at nang
makilala ko siya ay saka bumagsak ang puso ko.

Si Jorge De Angelo.

"Hello, Love!" He greeted me. "Did you miss me?!" Pagkasabi noon ay harapan niyang
inasinta ang tatay ko. Popsi was about to shoot him pero mas nauna si Jorge na
bumaril. Segundo lang ang pagitan, pero natamaan si Popsi. Nanlalaki ang mga mata
ko. Parang naging slow motiin ang lahat. Kitang - kita kong tumama sa dibdib ni
Popsi ang bale. Bumagsak siya.

Nabitiwan ko ang baril ko. Sa kalagitnaan ng putukang nakaumang para sa aming mag-
ama ay nakarating ako sa kanya. Lumuhod ako. Naliligo na siya sa sarili niyang
dugo.

"Pa---" He touched my face with his bloody hand. Umiiyak siya habang nakatingin sa
akin.

"Leina..." Humihingal siya. "Tak-bo..." Nahulog ang kamay niya. Napaiyak ako.
"Popsi! Popsi! No!"

Natigil ang pag-iyak ko nang tutukan ako ni Jorge ng baril niya sa noo.

"Paano ba iyan, Leina? Game over. H'wag kang masyadong umiyak. Makakasama mo naman
si Axel Apelyido, in 5, 4, 3, --" Bigla siyang tumawa. "Sayang ka. Akala ko
matalino ka. Hindi mo man lang nahalatang ginagamit kita. Taas kamay!" I did. Nasa
noo ko pa rin ang baril niya. Iyak ako nang iyak.

Bakit ganito? Bakit nagkaganito?

"Putang ina mo!" Sigaw ko. Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking mahal ko ang
tatapos at mananakit sa pamilya ko.

"Sayonara, Leina..." Napapikit ako. Naghihintay na lang ako. I thought about my mom
and my sisters. I didn't even get the chance to say goodbye and tell them how much
I love them. I am going to die now – pumutok ang baril, napapikit ako pero
naramdaman kong humihinga pa ako. So, I opened my eyes and saw Kuya Don, Narcing
Uncle KD – who was rushing to our side – nakita niya siguro si Popsi. Naiyak ako,
pero mas napaiyak ako ng barili siya ni Jorge.

May tama na rin siya sa braso. Nakita kong sumugod si Kuya Solomon pero nabaril
siya ng isa sa mga tauhan ni Jorge.

"Putang ina mo!" Sigaw ng isang boses. "Kaputa-putahang ina mong putang ina kang
puta ka talaga!"

Next thing I knew, Ninong Ido fired – walang humpay iyon, nakita ko na lang na
bumulagta rin si Jorge sa tabi ng Popsi ko, ang una kong reaksyon ay ang lapitan
siya pero natigilan ako, hindi ko siya dapat lapitan, he shot my father and he
almost killed me, he used me. I hate him.

CHAPTER 7

Whose who? 

Leina's

I went home that Friday night. Nasa garahe pa lang ako ay naririnig ko na si Popsi
na sinasabi kay Anne na maghain na dahil dumating na ako. May pasalubong akong
carrot cake para kay Popsi, ito kasi ang cake of the day namin sa restaurant, at
isa rin ito sa paborito niya. Umakyat ako sa hagdan ng garahe paakyat sa kitchen.
Nakita ko nga si Annie ang naghahain. Nagsasandok siya ng kanin mula sa rice
cooker. Inilapag ko ang carrot cake at kinuha ang bandehado sa kanya.

"Naghugas ka man lang ba ng kamay?" I asked her. She just smiled. Kinain niya iyong
kanin na nasa daliri niya.

"Ate, doon ako matutulog sa condo mo minsan ha." Sabi niya sa akin,

"Sure. Weekends para pwede tayong mag-movie marathon. Bawal kang magpuyat ng
weekdays eh."

"Annie! Sabi ko ikaw ang maghain! Bakit si Leina ang nagsasandok ng kanin?" Parang
gigil na gigil si Popsi. Kinuha ulit sa akin ni Annie ang bandehado. Naiwan kami ni
Popsi sa kitchen tumatawa ako kasi ang tahimik niya tapos mukhang kinakabahan pa
siya.

"Pops, ang art emo kamo. Parang ikaw ang artista sa inyo ni Momsi. Oh, may dala
akong carrot cake."

"Hindi ka galit sa akin?"

"Hindi nga, Popsi. Umali slang ako kasi hindi ako makahinga."

"Umalis na rin naman si Jorge. Umuwi ka na rito."

"Eh, Pops naman, nagbayad na ako sa inuupahan ko, 1 month advance 2 months deposit.
Sayang naman iyon." Napapalatak si Popsi. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi
ko pero wala naman siyang magagawa. Inakbayan niya na lang ako at hinalikan sa noo
saka niyakag kumain na. Si Momsi raw ang nagluto ng kare – kare. For sure, masarap
iyon.

Masaya akong magkakasama na naman kami ngayon. Naroon ang fiance ni Aelise na si
Sabello at sa pagkakaintindi ko, he's going to sleep over tonight, ayaw na kasi
siyang pauwiin ni Aelise dahil masyado nang gabi. Nagkukwentuhan lang kami habang
kumakain, as usual, si Popsi ang bangka at ngakukwento siya ng mga kagaguhan nil
ani Uncle Ido noong kabataan nila. I love their friendship so much, kaya solid rin
kaming magkakapatid dahil nakita namin iyon sa kanila.

After eating, we watched a movie while having coffee, pero hindi nagtagal ay isa –
isa na kaming nagsiakyatan hanggang si Popsi at Momsi na lang ang natira. Kinalabit
ko si Pops, pero pinanlakihan niya ako nang mata kasi tulog pala si Momsi na
nakadantay sa dibdib niya. Umalis na lang ako. I looked back at them, hinahaplos –
haplos pa ni Pops ang ulo ni Momsi saka niya ito mas inilapit sa kanya. I sighed.
It's been decades and yet their love for each other never faded.

I want a love like that.

Pagdating ko sa silid ay naroon na si Annie. Naligo muna ako at nagsuot ng pantulog


bago ko sinimulan ang skin care routine ko. Dalawa kami ni Annie ngayon at habang
ginagawa iyon ay nagkukwentuhan kami.

"Did you talk to Jorge?"

"Yes, I did." Sagot ko kay Annie habang nilalagyan ko ng Laneige sleeping cream
mask ang mukha niya. "Apparently, he lives on the unit next to mine."

"Talaga? Akala ko sabi niya sa akin kaya raw siya aalis kasi kailangan raw siya sa
province nila sa Nueva Vizcaya." Napatingin ako kay Annie.

"Sure ka? Hindi ba Mindoro ang sinabi niya – ay Calapan, Oriental Mindoro.
Kailangan palang sabihin nang buo kasi baka may hindi sanay rito."

"Gaga." Tumawa si Annie. "I'm pretty sure he said Nueva Vizcaya." Napaisip ako. I
hate to know the Calapan, Oriental Mindoro – na dapat sabihin nang buo – thing.
Alam kong province ng Nanay niya ang lugar na iyon, pero bakit sa Nueva Vizcaya
siya pupunta? Nagkibit – balikat ako, siguro sa tatay niya? Maybe after all these
years nakapag-ayos na sila and plus it's not a big deal kasi hindi naman siya
nagpunta sa Nueve Vizcaya, nandoon lang siya sa residential building, siguro by
now, tulog na siya. Hindi niya pa nga sinasauli ang container ko, nakain kaya niya
ang baked mac?

He used to love that. Hanggang ngayon kaya? Nagbago ba siya nang lubos? Hindi pa
kami nakakapag – usap nang maayos. Ngayon may lakas ako nang loob para kausapin
siya, ay parang siya naman ang layo nang layo sa akin.

Matapos ang skin care routine ay nahiga na kami ni Annie. I couldn't sleep. I kept
on thinking about him. Iniisip ko iyong Jorge na kapitbahay ko sa unit, at I feel –
surprisingly I feel... okay thinking about him. Hindi ko alam kung bakit, pero
hindi ganito ang nararamdaman ko noong nandito siya sa bahay, there's something odd
about this, bahala na talaga.

I woke up early the next day, maaga akong nagpunta sa unit ko, dahil maaga akong
pupunta sa restaurant. Sab inga ni Popsi, sa bahay na lang ako manggaling at
ihahatid niya ako sa resto, pero gusto ko muna talagang dumaan sa unit ko. Hindi
naman traffic kaya mabilis lang akong nakarating. Papasok na sana ako pero naisip
kong katukin si Jorge. May excuse naman ako sa kanya, kunwari kukunin ko iyong
container ko – kunwari pero totoo.

Huminga muna ako nang napakalalim bago ako kumatok ng tatlong beses. Hindi naman
nagtagal ay binuksan niya iyon. He looked surprised after seeing me.

"Bakit ba parang gulat na gulat kang nakikita ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"As if naman palaging first time mo akong makita."

"Hindi naman. I wasn't expecting you. Anong kailangan mo?" Napakalumanay ng


pagkakasabi niya. Gusto kong ngumiti. Ganoon kasi siya noon kapag alam niyang
naiinis ako sa kanya, parang sobrang bait niya, mas mabait pa sa maamong tupa.

"Iyong container ko sana. Tapos ka na ba roon?"

"Ahh... iyong sa baked mac, hindi ko pa kasi ubos."

"Ganoon ba? Sige, kapag naubos mo katok ka lang sa pinto ko. I badly need the
container."

"Okay." Matapos iyon ay sinaraduhan na niya ako ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko.
Siya pa ngayon ang may ganang pagsaraduhan ako ng pinto! Ang kapal talaga ng mukha!
Matapos niyang magmakaawa sa akin noong isang araw sa ospital, gaganunin niya ako!
Pinaiinit niya talaga ang ulo ko! Walang habas na kinatok ko siya nang kinatok, ang
kapal – kapal ng mukha niya. He opened the door again, I pushed him away and then I
entered his home.

"Eleina, ano ba?" Mahinahon pa rin siya. I looked at him.

"Putang ina mo! Alam mong ayaw na ayaw kong tinatawag akong Eleina tapos gaganyan
ka! Ang kapal ng mukha mo, matapos mong magmakaawa sa akin sa ospital noong isang
araw para sa second chance mo at para maniwala ako sa'yo, pagsasarahan mo ako ng
pinto sa mukha ko! Kung tutuusin, you're so lucky to have seen my exquisite beauty
this morning! You should thank me for gracing you my presence! Napakakapal ng mukha
mo!" Hinampas ko siya sa dibdib. Nangigigil ako sa kanya. Nakipagtitigan ako kay
Jorge. Nakakunot lang ang noo niya. He, then sighed.

"Kumain ka ba? Kakain pa lang kasi ako." I looked at the dining table. Mukhang
magsisimula pa lang siyang kumain, naroon sa mesa ang isang platong may baked mac,
tapos may isang basong tubig, at palagay ko, kape ang nasa tasa. Sa gitna ay naroon
ang container kong may laman pa nga, sa tabi ng plate niya ay may tinapay. Inirapan
ko siya, umupo ako sa dining chair at sinimulan kong kainin iyong baked mac na
ininit niya. Ininom ko rin ang kape niya, habang kumakain dahil sa inis sa kanya ay
iniirapan ko siya. Hindi nakaligtas sa aking napapangisi siya at napapailing.
Mayamaya ay sumalo na siya sa akin, may dala siyang plato. Napansin kong
nahihirapan siyang maglakad pa rin.

He sat on the chair next to mine and he started eating too. Kukuha sana siya ng
tinapay pero pinalo ko ang kamay niya.
"Akin ito. Masarap eh. Where did you buy this?" I asked.

"I made that." Simpleng sagot niya. I'm impressed pero hindi ko pinahalata.
"Masarap pa rin ang luto mo."

"Siyempre, chef nga ako. Ikaw bullshit." Inis na inis ako. "Bakit ganyan ka? Bakit
parang wala tayong pinag-uusapan? Nakakainis ka kamo!" Nakatingin lang siya pero
hindi siya nagsasalita.

"Kumusta ka na?" He asked me. I was taken a back. He said that in the most Jorge
way – the Jorge I remember - the Jorge I fell in love. Ganoon siya kapag matagal
kaming hindi nagkikita. "Nagulat ako nang makita kita. Pascal told me about a
tenant moving in. I didn't expect it'll be you."

Again, I was taken a back by the way he spoke those words. My heart melted at that
moment.

"You weren't expecting me?" He gave out a small grin and shook his head.

"The truth is, Leina, I am not expecting anything. If someone would've told me I'd
be here eating this baked mac with you, I wouldn't believe him. I know how much
I've hurt you and how much pain I caused you, I'm so sorry, Leina, for everything I
did."

And then, just like that, my tears fell. Nagsunod – sunod ang pagpatak ng mga luha
ko, tahimik lang akong umiiyak, simpleng usap lang ang mayroon kami and yet, here I
am, I felt like all my doubts and confusion faded. He wiped my tears.

"I didn't mean to make you cry, Leina. I'm so sorry." I'm feeling so overwhelmed. I
just stood up and left him like that. Nasa may hallway ako, ang lakas – lakas ng
tibok ng puso ko. Bakit ganoon? Bakit kay dali para sa kanyang tunawin lahat ng
agam – agam ko? Mas magaling pa siya kay Doc Cynthia.

"Leina..." Hindi ko napansing nasa likuran ko pala siya. "I'm so sorry." I shook my
head. Iniwanan ko siya. Balak ko pa naman sanang magbihis, umuwi ako para kuhanin
ang Chef's uniform ko pero hindi na, didiretso na lang ako sa restaurant ko.
Sumakay ako sa elevator. Pinakiramdaman ko pa nga ang sarili ko, am I having
anxiety attack? Pero hindi. Hindi ako nanginginig, nakakahinga ako nang maluwag...
hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

Lumabas ako ng building.

"Leina!" I heard him calling me. I looked back. Nakatungkod siya, hirap siyang
magkalakad at halos hatakin niya ang paa niyang may cast. Palayo naman ako nang
palayo, natigil ako dahil halos mabingi ako sa busina nang isang sasakyang
mahahagip sana akopero may humatak sa akin, ang sumunod kong nakita ay nakikipag-
face to face ako sa dibdib ng lalaking naka-vneck na black shirt and when I looked
up to see who is it, nakita ko si Jorge. Nakangiwi siya.

"Okay ka lang ba?" Punong – puno siya nang pag-aalala.

"Leina!" Boses iyon ni Mcbeth. Ang bilis ng pangyayari. Inalalayan ako ni Mcbeth na
makatayo. Nakita kong kasama niya si Pascal na inalalayan naman si Jorge.

"Ano ba iyan, Jorge, hindi pa magaling iyong injury mo, mayroon na naman, sa
balikat pa yata. Uhmm... do you work out? Ang ganda ng biceps mo, Pre." Wika ni
Pascal habang inaalalayan si Jorge na tumayo. Si Mcbeth naman ay kinuha ang tungkod
niya.
"Are you okay?" He asked me again. "Please tell me."

"Okay ako. Salamat." Ang lakas – lakas ng kabog ng dibdib ko. Inabot ni Mcbeth sa
kanya ang tungkod niya.

"Pre, salamat ha." Sabi ni Mcbeth. "Sa pagligtas kay Leina." He just nodded.

"Ah, Jorge, obviously, you know, Leina, and this is Mcbeth Arandia, pinsan siya ni
Diego."

"Nice to meet you." Nakipagkamay siya kay Mcbeth. "I'm heading back."

"Tutulungan ko muna itong si Jorge. Kawawa naman."

"Ano, Leina? Ospital na tayo?"

"Ibang doctor ang kailangan ko." Wika ko. Si Doc Cynthia ang iniisip ko at mukhang
na-gets naman iyon ni Mcbeth.

xxxx

"Sa Monday pa tayong dalawa, Leina, at ikaw naman. Mcbeth, sa susunod na buwan pa
ang session mo sa akin, pero nandito kayong dalawa."

Ngiting – ngiti si Mcbeth habang nagsasalita si Doc sa harapan namin. Paanong hindi
siya mangingiti, binigyan siya ni Doc ng candy, minsan talaga isip bata itong
mokong na ito. Hindi pa ako nagsasalita dahil bumabangka pa si Mcbeth. Iniikot ko
lang ang paningin ko sa office ni Doc at ang isa kong napansin ay ang bagong
litrato sa table niya. Siya iyon, may kasama siyang apat na lalaking halos kasing
edaran yata ni Mcbeth, isang may edad na lalaki na parang sing edad ni Doc at may
batang lalaking nasa gitna nilang lahat. Maybe this is her family.

"Anong atin, Leina?"

"I talked to him this morning."

"Mcbeth? Can you please wait for Leina, outside?"

"Ay okay po. Wait kita roon." I rolled my eyes at him. Muli ay bumaling ako kay
Doc. Mataman siyang naghihintay sa sasabihin ko.

"Nagkausap kami, Doc, hindi ko alam kung bakit ganoon, but the last time we talked,
iyong sa ospital, hirap na hirap akong makita at pakitunguhan siya, na nagdala pa
sa akin sa desisyon na iwanan ang bahay namin dahil naroon siya, but this..." I
sighed. "We talked and I felt..."

"What did you feel, Leina."

"At ease." I cannot believe this. "I felt at ease. Hindi katulad noong unang beses
ko siyang makita sa bahay ng Uncle ko. Inatake ako ng anxiety. Papunta pa lang kami
sa bahay noon ni Uncle Jude, iba na ang pakiramdam ko, when I faced him, my anxiety
attacked. I cannot breathe, but earlier, it was different. Pakiramdam ko... siya
iyong Jorge ko..." My tears fell.

"May iba't ibang klaseng anxiety, Leina. Alam mo iyan. Isa ito sa mukha ng anxiety
mo."

"Pero, Doc, iba ang nararamdaman ko. Wala akong takot sa puso ko kanina noong
magkaharap kami. I don't know what to feel anymore. I am facing my demons, I know,
but why is it like this?"

"It means that you're almost there. You just dig deeper. You need to unleash all
your pent-up feelings. Just like, Mcbeth before. H'wag kang matakot na i-expose ang
sarili mo, Leina. You need to trust your instinct. Ikaw sa sarili mo ang makakaalam
kung ano ba talaga ang totoo. You always trust your gut feeling, Leina."

Inihatid ako ni Doc Cynthia pagkatapos naming mag-usap. Lumabas kami ng clinic
niya. Naroon si Mcbeth sa may waiting lounge at may kausap sa phone.

"Be here on Monday, alright, Leina? Ikaw naman, Mcbeth, ikamusta mo ako kay Pia."
Sabi niya pa. "I want both of you to be well." She smiled at us. Yumakap si Mcbeth
kay Doc. I made a face. Napakasipsip talaga.

"Uuwi na po kami, Doc." Nagpaalam na ako. Inihatid niya kami hanggang sa entrance.
Tahimik kaming naglakad ni Mcbeth. May nakasalubong akong isang may edad na lalaki
na may dalang rosas. Matagal akong tumitig sa kanya at nasiguro kong siya ang
lalaki sa litrato ni Doc. Siguro may date silang dalawa.

We went back to the restaurant that afternoon. Hindi ako pinagluto ni Mcbeth sa
kitchen. Naroon lang kaming dalawa at kumakain ng wagyu beef at kimchi. Kinaisip –
isip ko si Jorge. Why do I feel like there's two of him?

And that's when it hit me. He has a twin! He fucking has a twin and there's a big
fucking possibility that I met them both in different circumstances!

"Putang ina!" Napakalutong na mura ko. Nagtaka ako nang bigla akong abutan ni
Mcbeth ng suka.

"Sawsaw mo. Ang lutong eh." Inis na inirapan ko siya.

"He has a twin brother. At may posibilidad na pareho silang ginagago ako! Pero sino
sa kanilang dalawa ang si Angelo Jorge at si Miguel Jorge?!"

"Diba kanta iyon?" Wika ni Mcbeth. "I'm Jorge, I'm Jorge, Jorge, Jorge..." May
kasama pang sayaw iyong kanta niya sa inis ko ay binato ko siya ng kutsara sa
mukha. Noong tumama ay natahimik siya. Mukhang babatuhin niya rin ako pero inunahan
ko siya, plato ang inabot ko.

"Hi!" Pasalamat siya dumating si Pia.

"Baby oh, inaaway ako." Yumakap pa siya sa buntis niyang asawa. Inirapan ko siya
lalo.

Buong maghapon ay iniisip ko ang putang inang si Jorge. How can he play with my
emotions like that? Hindi ito maaarin. Tapos na ako dapat sa ganito.

I went home a bit late that night. Sa elevator ay nag-iisip pa rin ako hanggang sa
makalabas ako ay si ang laman ng isip ko. Jusko dapat singilin ko ng renta si
Jorge. Nakakaloka, panay siyang laman ng isipan ko. Habang naglalakad ako sa
hallway ay nag-ring ang phone ko. Unknown number iyon kaya sinagot ko kasi baka
emergency.

"Hello, this is Leina speaking – the most beautiful chef in the Philippines."
Pakilala ko. Sa ganoon talaga ako nagpapakilala sa di ko alam na number.

"Hi... Leina. Si Jorge ito." Hindi ko alam kung bakit nangilabot ako sa
pagkakadinig ng boses niya. "Kahapon pa sana kita gustong tawagan para kausapin."
My body started shaking. Hindi ako makahinga.
"Why? Where are you?" Napahinto ako. Nanginginig na ang tuhod ko.

"Nasa Nueva Vizcaya ako." Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob
para tumakbo but I did. Frantic na kumatok ako sa pinto ni Jorge. Ang lakas – lakas
noon. Ewan ko na lang kung hindi niya pa ako marinig.

The door opened. Nagsasalita pa rin sa kabilang linya ang kausap ko, but I saw
Jorge, standing in front of me, with confusion in his eyes. His hair was
disheveled, he looked as if he just got out of bed.

"Leina, are you listening..." The other line spoke. "Gusto kitang makita, nasaan ka
ba?"

And there's the anxiety attack again. Nabitiwan ko ang phone ko. Hindi ako
makahinga. Mukhang naalarma ang Jorge sa harapan ko.

"Are you alright? Leina? Leina?" Hinawakan niya ako. 

I keep on thinking... There are two of them, two... but whose who?

CHAPTER 8

Two

Leina's

Nagising ako dahil sa malamyos na tunog na sigurado akong galing sa isang


instrumento. Hindi ko alam kung may nagpapatugtog, pero kung oo, bakit naman abot
sa bahay ko? But then, I realized that I am not in my home. Napabalikwas ako nang
bangon nang maintindihan kong hindi ko ito silid. Lahat rito ay black, white at
gray, hindi naman ganito ang kulay ng silid sa unit ko. Kabang – kaba ako. Anong
nangyari? Nasaan ako. I closed my eyes and I tried to recall what happened earlier.

"There are two of them..." I said after recalling that phone call and the fact that
Jorge was standing in front of me.

Patuloy kong naririnig ang tugtog na iyon. Bumaba ako ng kama para sundan ang
tunog, saan ba iyon galing? Nakalabas ako ng silid, naririnig ko iyon mula sa isa
pang silid. Pumasok ako roon, bukas naman kasi ang pinto. The first thing I noticed
inside that room are the walls full of mirrors. Sa bandang gilid, malapit sa
bintana kung saan kitang – kita ang lahat ng ilaw sa buong siyudad ay naroon si
Jorge – nakaupo sa tapat ng isang piano. He's the one playing that familiar song,
hindi lang iyon, he started singing. His back was against mine, hindi ko alam kung
nakikita niya ako. I just stood there.

I'm going under and this time I fear there's no one to save me...

This all or nothing really got a way of driving me crazy.

I need somebody to heal

Somebody to know

Somebody to have

Somebody to hold...

I was mesmerized. I didn't know he could sing. He told me once that he plays the
guitar but he never got the chance to show it to me because everything just started
fucking up. Napakalungkot ng boses ni Jorge. Pakiramdam ko napakatahimik ng mundo
niya, pakiramdam ko, ako ang gugulo sa mundong iniingatan niya, pero... ako nga ba?

Now the day bleeds

Into nightfall

And you're not here

To get me through it all

I let my guard down

And then you pulled the rug

I was getting kinda used to being someone you loved...

Bigla siyang huminto sa pagtutog. I noticed that he moved his head and sat up
straight. And then he continued playing the melody. Napakalungkot ng tinig niya, na
para bang tanggap niyang tulad sa kanta ay mag-isa na lang siya. Dahan – dahan
akong lumapit sa kanya, naupo ako sa tabi niya at pinangkinggan lang siya.

I am not scared right now. Hindi ako nasasakal dahil nandito siya, all I can feel
is his loneliness.

And I tend to close my eyes when it hurts sometimes I fall into your arms...

I'll be safe in your sound 'till I come back around...

He stopped again. Inayos na naman niya ang sarili niya. He, then looked at me.

"What is it, Eleina?" He asked. I almost – almost made a face. He knew how much I
hate being called that pero nanadya talaga siya. Pinalagpas ko na lang iyon kasi
tinulungan naman niya ako dahil sa anxiety ko kanina.

"Nagpunta ka ba ng Switzerland?" Bigla ko kasing naalala iyong sinabi ni Avery sa


akin. Tumango siya.

"You should go there too. Switzerland is one peaceful country. Masarap mag
paraglide roon." Ibig sabihin totoo iyong nakalap na information si Avery.

"How long did you stay there?"

"Hanggang sa makaipon ako. Siguro mga apat na taon rin." Huminga siya nang malalim.
"Umalis ako kasi kailangan kong matahimik. Hindi ko gustong umalis noon, Leina,
pero ayaw mo akong kausapin... your Ninong... well... he." Hindi niya itinuloy ang
sasabihin niya pero alam ko kung anong ginawa ni Ninong. Pinabugbog niya si Jorge,
pero nakatakas ito. "I have no idea how I got out of that situation." He said. "I'm
so sorry, Leina."

"Why are you apologizing? What for?" I dared her.

"For hurting you."

"What did you do to hurt me?"

"According to your godfather, I ambushed you and your dad." Napatango ako.
"And do you remember that?"

Hindi kaagad siya nakasagot. Nakita kong nakuyom ang palad niya, napapikita siya,
matagal niyang ginawa iyon at nang magmulat siya nang mata ay huminga lang siya
nang malalim at saka umiling.

"Hindi ko alam, Leina. But if ever I did, alam kong hindi madali sa'yo ang
patawarin ako." Nakatitig ako sa kanya.

"What was the last thing you remember that said day, Jorge?" Umaasa akong may
natatandaan siya kahit na gaano na katagal ang panahong iyon.

"I went to Mindoro. I know I was supposed to go to Puerto Galera with Lola, but
something happened that when I woke up, I was in my father's house, I got shot. I
don't remember anything."

For a moment there, naniwala akong hindi siya pero sinasabi niya ngayong nabaril
siya, nabaril siya ni Uncle Ido noon, natatandaan ko. May apat siyang tama, isa sa
balikat, isa sa binto, malapit sa may dibdib at isa sa tagiliran tapos kinuha siya
ng mga kasama niya.

"I have four gunshot wounds. I have no idea what happened. Next thing I knew ayaw
mo na sa akin. I tried so hard talking to you, pina-kidnap ako ng Ninong mo,
pinabugbog, sa kanya ko lang nalaman ang nangyari." Umiiling – iling siya habang
sinasabi iyon. "Pero hindi ko maintindihan, hindi ko matandaan."

Nakatingin lang siya sa piano tiles habang sinasabi iyon. My heartaches, akala ko
hindi siya, akala ko mali ako, pero mali pala talaga ako. I wanted to cry – and I
did. Humihikbi ako. Napatingin siya sa akin.

"I didn't mean to make you cry, Leina. I'm so sorry."

"Jorge..." Sabi ko na lang. "I don't want to offend you, but I guess I needed to
tell you this. There are two of you and I have met you both."

Mukhang ikinagulat niya iyon. He nodded. Parang hind inga siya komportable tapos
napansin kong nagpapahid siya ng luha. Ilang beses siyang huminga nang napakalalim.

"You've met him, huh?" He said. "I'm sorry. Did he do something to you?"

"Wala pa naman – sana wala. Hindi ko maintindihan, he asked for forgiveness, he


came to my Uncles and asked for help." Napatayo si Jorge. Nakahawak siya sa ulo
niya. Paikot – ikot siya. Napatayo ako. I think... I think he is having anxiety
attack.

"It's okay..." I said. Kinakabahan ako. "It's okay. Wala naman siyang ginawa.
He..." Natigilan ako. Parang... parang ang lumalabas, iyong kakambal niya,
nagpapanggap na siya? Is that it?

He started to breath irregularly. Naalarma ako. Jusko. Napaupo si Jorge sa sahig.

"Do you have meds? Oh my god! Where are your meds?!" May tinuro siyang drawer, agad
kong binuksan iyon, nabigla ako sa dami ng gamot niya. "Alin dito? Jorge, alin?"
Nakita kong gumapang siya. Hirap na hirap siyang huminga. Lumuhod pa siya tapos ni-
ransack niya ang drawer hanggang sa makita niya ang hinahanap niya. He opened the
bottle – his hands were shaking – tapos ay ininom niya basta ang gamot. Tumakbo ako
sa labas para ikuha siya nang tubig na agad kong inabot sa kanya pagpasok ko sa
loob.
He looked calm now.

"Okay ka lang ba?" Hindi pa rin siya nagsasalita.

"I'm so sorry, Leina. I didn't know how you met him. I'm so sorry."

"Stop apologizing..."

"I don't know." He said. "You better be careful because you might meet more of me."

Doon ako natulala. Hindi ko siya maintindihan.

"Ha?"

"There aren't just two of me, Eleina..." Triplets sila? "There are six of me, or
more than that I know of."

"There are six of you?" Bulong ko. "You're a sextuplet?" Gulong – gulo na ako.
Nakaluhod ako sa harap niya habang siya nakasandal sa cabinet na iyon. He shook his
head.

"I have DID, Leina. I have six personalities – those are the ones I know about."

"What?"

xxxx

De Angelo – yep – still that's his surname.

I have a sister. She's seven years older than my twin and me. Her name is Angela
and she's very beautiful. She takes after our mom, and just like Mom, she is all
sunshine was warmth. She is always taking care of my brother and me.

I grew up a small family, it is small, but it's never happy. Si Mommy lang ang
source of happiness and warmth ko, pati na rin si Ate Angela. Silang dalawa ang
pinakamahal ko sa buong mundo.

Araw – araw magulo sa bahay. Ang tatay ko ay pinuno ng isang sindikatong nagbebenta
ng babae at droga sa black market. Bata pa lang ako ay naiintindihan ko na kung
anong klaseng tao ang tatay ko, makapangyarihan siya, ngunit masama, isang bagay na
itinatanggi ng buong pagkatao ko. Hindi ko matanggap na ganitong klase ang buhay na
mayroon ang pamilya ko.

Gabi – gabing maingay sa bahay – ingay na dala ng mga daing at pagmamakaawa ni


Mommy. Gabi – gabi siyang sinasaktan ng tatay ko, hindi lang iisang beses kong
nasaksihan ang pagmamalupit na iyon kay Mommy. Gabi – gabi, walang awang
pinahihirapan siya ng Daddy lalo na kung talo ito sa sugal o kung naunahan siya ng
kalaban sa negosyo sa isang kliyente. Halos ikamatay ni Mommy ang lahat ng ginagawa
sa kanya ng Daddy – ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagtitiis siya sa
ganito. Maaaring kaming umalis, at paulit – ulit kong sinasabi iyon sa kanya ngunit
ngingiti lang ang Mommy, hahaplusin ang buhok ko at saka sasabihing mahal niya ako,
si Ate Angela at si Jorge.

I was nine years old when I accidentally discovered my father and some of his
business partners doing awful sexual things to my mother. I saw the four of them. I
heard my mom crying for help, asking them to stop, but they never did. Ayoko ng mga
nakikita ko, ayoko ng mga nalalaman ko. I know my dad saw me, but instead of
closing the door, lalo niya pang binukas iyon para makita ko ang kababuyan nila kay
Mommy. Umalis ako noong iyak nang iyak. Nakita ko si Jorge sa silid naming dalawa,
tulog, walang muwang. Ang sama – sama ng loob ko. Bakit niya ginagawa iyon sa Mommy
ko?

Hindi ako makatulog. Nang matahimik ang bahay ay pinuntahan ko si Mommy. Naiwan
siya sa silid nila ni Daddy. Nakaupo sa kama na tanging kumot lang ang tumatakip sa
katawan. She was silently crying. She looked at me.

"Anak, matulog ka na..." I didn't listen. I went to the bathroom, took a basin of
water, and some cloth. Pinunasan ko siya. Noong una ay tahimik siyang umiiyak, pero
ngayon, napahagulgol na siya. "Anak... I'm so sorry. Hindi kayang lumaban ni Mommy.
Ayokong masaktan kayo nila Ate..." She kept on apologizing and I keep on cleaning
her. I hate it. I hate everything.

Pero hindi kay Mommy natapos ang kalupitan ni Daddy. Isang araw, nakita kong kinuha
ng mga tauhan niya si Ate Angela. Naglalaro kami ni Jorge sa may pool. Naging
alerto ako. Nagpupumiglas si Ate, ang sumunod noon ay narinig ko ang pagmamakaawa
ni Mommy.

"Parang awa mo na, Roger! Ako na lang! Ako na lang!" Tumakbo ako. Umakyat ako sa
itaas. Nakita kong inilalabas si Mommy sa silid na iyon, habang si Daddy ay nasa
loob ng silid ni Ate, si Ate Angela ay umiiyak.

"Dad! Wag po! Please! Dad! Dad! Mommy! Mommy! Tulungan ninyo ako! Daddy wag po!"
Hanggang sa nabasag na ang boses ni Ate.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko lang may hawak akong malaking bato at kahit
nine years old lang ako ay matapang na pumasok ako sa kwartong iyon. Nakita ko si
Daddy nasa taas siya ni Ate. Gumagalaw siya habang si Ate ay iyak nang iyak. Hindi
lang si Daddy ang naroon, si Ninong Renato ay nandoon rin, nakalabas ang ari niya
habang nakangisi.

"Kumpadre!" Parang naalarma siya nang makita ako. Akmang ibabato ko kay Daddy ang
bato. Lumingon siya sa akin, saka ngumisi. Tinawag niya ang dalawang tauhan niya.

"Hawakan ninyo. Hayaan ninyo siyang makita."

"Dad please po!" Iyak nang iyak si Ate. Umalis si Daddy sa kanya, sumunod si
Ninong. Wala akong magawa. Nakatitig lang ako sa ginagawa nila kay Ate. Awang – awa
ako kay Ate.

"Boy, makinig ka. Kapag tumanda ka, ikaw ang mamamahala ng lahat ng ito. Ikaw ang
unang anak kong lalaki, ikaw ang tagapagmana ko. Mabuti nang alam mo ang lahat.
When you're older, I'll late you have your sister too." Tinapik niya ang ulo ko.
Wala akong nagawa, wala na naman akong nagawa.

Naiwan kami ni Ate sa loob ng silid niya. Tulala si Ate, umiiyak siya. Umiiyak rin
ako.

"Ate... sorry..."

Napakalaki ng pinagbago ni Ate matapos ang araw na iyon. Hindi na siya lumalabas ng
silid. Si Mommy ay palaging kumakatok sa kanya pero hindi siya nagbubukas ng pinto.
Nag-aalala ako. Dalawang linggo na halos mula nang maganap iyon. Kailangan kong
makausap si Ate. Kinuha ko ang susi ng pinto ng silid niya para mabuksan iyon,
nagtagumpay naman ako. Pumasok ako pero wala si Ate sa kama. Napakagulo at
napakadilim ng silid niya. Nagpunta ako sa bathroom kasi baka naroon siya. Pagpasok
ko ay paa ni Ate ang sumalubong sa akin. Tumingala ako at noon ko nakita si Ate
Angela, nakabitin siya mula sa kisame.
Natulala ako. Umiiyak. Napaupo ako habang nakatingala kay Ate. Wala na naman akong
nagawa.

I was nine years old. If only I could be braver and older, I can do something.

Ang sumunod ay ang pagpasok ni Mommy sa silid ni Ate, ang sumunod ay ang pagsigaw
niya nang malakas.

Ibinurol si Ate matapos ang mahabang pakiusapan kay Daddy. Napakasama niya. Gusto
niyang ilibing agad si Ate.

"Bakit namatay si Ate?" Tanong ni Jorge sa akin.

"Pinatay siya ni Daddy." Mariing wika ko.

"We? Hindi naman kaya. Mabait si Daddy."

"Masama siya." Sabi ko.

Gabi – gabing naroon sa bahay ang mga kasosyo ni Daddy. Nakita ko si Ninong Renato.
Galit ako sa kanya. Nakita ko siyang naninigarilyo sa ibaba. Pinunthan ko siya
tapos sinipa ko sa binti.

"Masama ka! Pinagsamantalahan mo ang Ate ko!"

"Abat! Putang ina kang bata ka ha!" Sabi niya. Sinampal niya ako, nang malakas,
nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung gaano katagal pero nagising ako sa mga
hagulgol ni Mommy. Yakap – yakap niya ako. Maraming tao sa paligid. Nakakapagtaka,
anong nangyayari? Nasagot ang tanong ko nang makita kong walang buhay si Ninong
Renato sa damuhan, duguan ang ulo niya at sa tabi niya ay may dalawang malalaking
bato.

Hindi ko alam ang nangyayari. Inilibig si Ate, at mula noon, nagbago ang lahat.
Umalis kami ni Mommy, kasama namin dapat si Jorge pero nahatak siya ni Daddy.
Sumama ako kay Mommy at namuhay kami sa malayong lugar. Kaming dalawa lang, tahimik
ang buhay naming dalawa, ito iyong matagal ko nang pangarap, pero nami-miss ko si
Jorge at si Ate, kaya lang ito na ang buhay naming dalawa ni Mommy ngayon.

Akala ko ganito na kami habambuhay, pero isang araw, naospital si Mommy, sabi ng
doctor, may cancer siya, kailangan niya ng gamot, kailangan niyang gumaling, wala
akong pera. College pa lang ako, at dahil sa mga trabahong pinapasok ko para
makatulong kay Mommy ay hindi ko matapos – tapos ang unang taon, naiinis na nga sa
akin ang mga prof ko.

Si Sir Dimatulac, binagsak ako dahil sa halip na pumasok para mag-aral ay


binebentahan ko ang mga kaklase ko ng Avon products, longganisa, tocino at hotdog.
Nagtitinda rin ako ng lutong ulam, at mga damit galing sa ukayan, pero kahit anong
ipon ko ay hindi iyon naging sapat para sa pampasopital ni Mommy. Kung kani-kanino
na ako lumapit, nagkabaon – baon na ako sa utang, hanggang isang araw, makasalubong
ko si Jorge sa loob ng University, Mukhang nagulat rin siya nang makita ako.

"Usap tayo." Sabi ko sa kanya. Mukhang napipikon siya pero sumama siya sa akin. Iba
ang buhay niya. Siya ang lumaki sa karangyaan, siya ang tumatamasa ng lahat ng
perang galing sa kasamaan ni Daddy.

"Anong kailangan mo?" Nasa cafeteria kami. Tulad ko ay mahaba rin ang kanyang
buhok. Pero mas malinis siyang tingnan kaysa sa akin. May bandana rin ang noo niya.

"May cancer si Mommy. Kailangan niyang magpagamot."


"Pakialam mo? Hindi ko siya nanay. Diba't iniwanan ninyo ako?" Inis na inis na wika
niya.

"Hindi totoo iyan." Sabi ko sa kanya. "Ilang beses kang binalikan ni Mo---"

"Okay. Okay... sige, naisip ko na." Inilabas niya ang wallet niya. Inilapag niya sa
harapan ko ang isang black card. "Gamitin mo para sa nanay mo, lahat pwede, akong
bahala, pero sa isang kondisyon." Sabi niya. "Ikaw ang tatayo sa pwesto ko bilang
estudyante, Jorge. I have this petty tutor at 4pm, ten minutes lang raw siyang
maghihintay, ikaw rin ang pumasok sa subjects na bagsak ko, I have three."

Tatlo? Ako nga isa lang. Iyong kay Dimatulac kasi pang – umaga siya at madalas
akong puyat.

"Ikaw rin ang makikipag-meet dito sa bwisit na tutor na ito. Ugh I hate her. I
don't even want to see her. Ano, payag ka?"

"That's fraud." Pagkasabi ko noon ay kinuha niya ang black card pero inagapan ko.
Wala akong magagawa. Beggars cannot be choosers.

"Sabi ni Dad, ipasa ko lang raw itong first sem, okay na ako sa kanya. Thanks,
Jorge. Anyway, do that bandana thing." Pagkasabi noon ay umalis siya. Hindi ko alam
kung saan siya pupunta, pero ako, may kikitain ako sa library – iyon ang nakalagay
sa schedule niya. Bago pumasok sa library ay nilagyan ko ng bandana ang noo ko at
pumasok na sa loob. I sat on one of the library chairs and waited silently.

Hindi ko alam kung sinong hinihintay ko. Ang nakalagay sa index card na binigay sa
akin ni Jorge ay Eleina Apelyido. Sounds odd but I don't judge. Muntik na akong
mapatayo sa gulat nang may maglapag ng sandamakmak na libro at papel sa harapan ko.
Napatingin ako at nakita ko ang isang babaeng napakaganda sa aking harapan.

Mahaba ang buhok niyang medyo wavy, may kulay ang buhok niya na parang blondee na
may pagka – brown, may nunal siyang maliit sa bandang kaliwang pisngi, malapit sa
ilong. Hugis puso ang kanyang mga labi. Perpekto ang kilay niya at kahit
nakasimangot siya sa akin ay lutang na lutang kagandahan niya. She sat on the chair
just in front of me.

Agad ko siyang tinanong kung anong itatawag ko sa kanya pero hindi siya
nagsasalita. Ang una niyang wika sa akin ay...

"Araw – araw, after ng last class mo..." Wala akong naiintindihan dahil nababato-
balani ako sa kanya. Napakaganda niya pero sobrang prangkang magsalita.

"My name is Jorge Madrigal." Napamura ako sa sarili ko. De Angelo ang gamit ni
Jorge. Madrigal ang gamit ko dahil iyon ang apelyido ni Mommy sa pagkadalaga. I
changed my name recently because I didn't want my father's anything in my life...
Mukhang hindi naman niya napansin.

Napakaganda ni Eleina, hindi lang ng mukha niya kundi pati ang kanyang puso. Hindi
naging mahirap para sa akin ang mahalin siya. Kahit pasado na si Jorge sa sem na
iyon at umalis na siya ng eskwelahang iyon ay hindi ako nagmintis sa pagpapa-tutor
kay Leina, naging magkaibigan kami hanggang sa naging magka-ibigan kami. Siya ang
kasama ko sa lahat sa aking buhay.

Palagian akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil inilagay niya si Leina sa buhay


ko. Kung wala si Leina, malungkot pa rin ang buhay ko. Siya ang karamay ko nang
mamatay ang Mommy...
Pero nang mamatay ang Mommy, doon nagsimulang dumilim na naman ng lahat.

"Umalis ka rito!" Isang gabing nagpunta ang Daddy sa bahay. Kamamatay lang ng Mommy
noon.

"Wala ka nang mapupuntahan, Jorge. Ikaw ang una kong anak na lalaki, ikaw ang
tagapagmana ng lahat ng ito."

"Hindi ko gustong manahin ang kababuyan mo! Umalis ka!" Sinampal ako ng Daddy.
Bigla akong nawalan ng malay. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nagising akong
walang matandaan sa isang bakantng lote malapit sa town house. Hindi ko alam ang
nangyayari.

Napapadalas ang pagiging makakalimutin ko. Ang sabi ni Leina, isang buwan akong
nawala. Pero wala akong matandaan kung saan ako nagpupunta, hindi ko alam kung sino
ang mga nakasama ko. Wala akong matandaan sa mga naganap. Madalas may mga taong
kumakausap sa akin na hindi ko kilala, madalas bigla na lang akong binubugbog, at
sinasabi nil ana may atraso ako. Hindi ko alam.

Takot na takot ako. Nangyari rin kay Leina, sinaktan ko siya. Alam ko sa sarili
kong hindi ko iyon sinadya pero wala akong matandaan. Pasalamat na lang ako at
binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon.

I needed to think. That's why one day I told her I'd be going to Calapan, Oriental
Mindoro – yep that's the right address for someone who's not used to it being just
Calapan, Mindoro – binisita ko si Lola, ang Mommy ni Mommy, dalawang araw ang
paalam ko kay Leina, sa ikalawang araw ay nagpasama si Lola sa akin sa Puerto
Galera, Oriental Mindoro. Nasabi ko kasi kay Lola ang problema ko at nais niya
akong pasayahin, pero hindi pa kami nakakasakay ng bangka ay may kumuha sa aking
mga lalaki. Nagmakaaawa akong h'wag saktan si Lola.

Nagising ako sa loob ng isang ospital, hindi ko alam kung bakit may mga tama ako ng
baril. Hinang – hina ako, tapos hindi ako makalabas agad dahil ayaw ng doctor.
Makalipas ang ilang linggo ay naging maayos na ako, pinuntahan ko agad si Leina
pero ayaw na niya akong kausapin. Tinataboy niya ako. Pinagtutulakan. Akala ko
masakit nang maospital nang di ko alam kung bakit, mas masakit ito.

Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Pina-kidnap ako ng ninong niya bugbog sarado
ako. Noon ko lang nalaman ang nangyari, sabi niya in-ambush sila Leina at ako ang
may kagagawan.

Hindi ko matandaan. Wala akong matandaan. Is it one of those things?

Namatay ako nang mamatay ang Mommy at namatay akong muli nang ipagtulakan ako ng
babaeng pinakamamahal ko.

I couldn't continue my life. I keep on blocking out, until one day, I woke up
inside a hospital, in a straight jacket. Takang – taka ako. Ano na namang nangyari
– and that was when I met the one who saved my life.

"Hello, do you know me?" She asked. She's a young woman in blue scrubs. I shook my
head.

"Ah, so you are the one, the other one doesn't want me to meet. Hi, I'm Dyosa
Consunji. I am a psychiatrist, a doctor or whatever you want to call me."

"You know me?"

"The other you."


"Ha?"

"I know James. The other you. I don't know you, but I supposed you are the core
person. Jorge De Angelo – though James told me you don't like that surname."

"Who is James?"

"You are James."

"Huh?"

"And there's Rocky, a twenty – three year old nerd who wants to be an astronaut,
Ronni – the gay one – oh I like Ronni a lot. He braided my hair once and it looked
like a crown, there's Race – the daredevil, alcoholic dude or whatever and the one
I like the most, Jerry, he's the baker."

"Who are they?" Gulong – gulo na ako.

"They are you but different versions of you." She smiled. "All those versions of
you, Jorge, but they all tell me about one woman – and her name is Leina.
Apparently, all of you loves her."

"What?"

Marami akong hindi naiintindihan sa sinasabi sa akin ni Doctor Dyosa but she helped
me be aware of these other versions of me and that was when she explained about me
having a DID. There is no cure for this, but she helped me manage it all. Ginamit
niya ako sa for her research purposes. She refers to me as Patient XYZ. Nakarating
kami sa ibang bansa, ipini-present niya ang paper niya tungkol sa kalagayan
ko.Tuwing may talk siya, she will present me, wearing a mask for my protection.
She's making people understand my situation, and that people like me, kahit kaunti
kami sa populasyon ng mundo, deserves a better life.

Matapos ang lahat ng mga taong magkasama kami ay iniwanan niya ako sa Switzerland.
She paid me enough money to start a peaceful life there. Kailangan niya raw bumalik
ng Pilipinas dahil tinatawag na siya ng pamilya niya. Siya pa rin ang doctor ko,
tinatawagan niya pa rin ako at kinukumusta halos araw – araw.

"How's life, Jorge?" She asked me, on that first day I dropped by her office. Sa
Calapan, Oriental Mindoro ako nakatira pero lumuluwas ako para kay Doctora. "Mulan
ang makabalik ka rito sa Pinas, nagparamdam na ba ang mga sarili mo?" There's a
hint of amusement in her voice.

"Rocky pissed the kids in my province, he let them believe he could make a
spaceship, out of bamboo." I laughed at that thought. Napapalibutan ng cctv ang
bahay ko sa Calapan, Oriental Mindoro. I made sure I record everything I do, just
in case.

"Can I talk to Ronni?"

"Do you want him to braid your hair?" Biro ko. She laughed.

Tuwing may session kami ay ganoon ang napag-uusapan naming dalawa. May mga gamot
ako para manatiling kalmado at maayos. I moved to the Metro because I wanted to
start my business here. Sa Calapan, Oriental Mindoro kasi ay may palaisadaan ako,
at isang maliit na bukid. Naisip kong gawing business ang isdaan ako at ang mga
palayan ko, mas lalaki ang income ko. I started this Agriculture company and the
business is doing great... until my brother showed up in my office.
I know why he's here and I hated him more for that.

I sighed. Mula noon, hindi pa rin nagbabago si Jorge.

"Jorge." Galit na galit siya sa akin, hindi ko siya pinapansin. "Jorge!" He shouted
at me. Paglingon ko ay lumapit siya sa akin. We were on the stairs of my office
building, iyong sa fire exit. Nagulat ako nang sipain niya ako dahilan para mahulog
ako sa hagdanan. I broke my leg because of that.

"Napakawalang kwenta mong, anak! This should be your life!"

But I don't want it. I never wanted anything from them. Ayoko.

"Jorge!" He kept on shouting. "Wala kang kwenta! Jorge!"

"Shut up." I felt my body shivering. This can't be.

"Wala kang kwenta!" Paulit – ulit iyon. "Napakawalang kwenta mo, Jorge! Jorge!"

"Shut up!" Sigaw ko. He grinned and shook his head.

"You disappoint me so much. Magkamukha lang tayo, magkapangalan, pero nakapaduwag


mo."

Mas mabuti nang duwag kaysa maulit ang nangyari noon.

"Hindi ka bagay na De Angelo."

"Ayokong maging De Angelo."

"Sayang ka, Jorge. We could've taken this shit around. We can beat them for Dad,
pero duwag ka, napakaduwag mo, Miguel Jorge."

CHAPTER 9

Oh my god

De Angelo

"What happened, Jorge? Or do you know what really happened?"

I woke up in a hospital suite. Ang huli kong natatandaan ay si Jorge, nagsisigaw


siya sa may fire exit. That was when one of my employees came in and helped me.
Dinala nila ako sa Varres Medical City. The doctor took care of my left leg. Ngayon
ay naka-cast iyon. Sa tabi ng kama ay naroon si Doc Dyosa. I forgot that her family
own the hospital.

"Imagine my surprise when I saw you assistant knocking on my door, Jorge. Are you
alright? Is it one of them or is it just you?"

"It's Jorge." I mumbled.

"Ah, yourself?"

"The other Jorge."

"Ahhh, the twin." She smiled. "I was kind of worried because you didn't call me
yesterday. Baka lang nakakalimutan mo, I am still monitoring you. Remember what
happened in Ibiza? We don't want to risk it here. This is a new environment for you
and them. Ayaw natinng maulit ang Ibiza incident, Jorge." Tango lang ang ibinigay
ko kay Doc. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin.

"I know what to do, Doc. You don't need to worry."

"Who says I worry about you? I just don't want anything bad to happen to you. I
don't want Ibiza to happen again." I just nodded. Medyo malala nga iyong sa Ibiza.
That happened last year, I was out for two months, Ronni was the one living my
life. Hindi ko na-manage, and the reason why the Doc found out, was because I
wasn't emailing her, or calling her. Kailangan araw – araw akong tatawag sa kanya
para sabihin ang nangyari sa araw ako, one by one, detail by detail. Maaari kasing
hindi pa sa anim nagtatapos ang personalities ko. Doc Dyosa is worried that there's
more.

"Alright, you rest. I'll be back later with your charts. And if, alright, another
doctor comes here with short wavy hair, fair skin, stands about five feet six
inches, maganda, pero mas maganda ako, and starts her talk with the word sex on it,
don't tell her you are the patient with DID. You are my patient, Jorge, you are
mine alone. Remember that." Tinapik – tapik niya pa ang pisngi ko. Umalis si Doc
Dyosa pagkatapos ng usapan namin. I was left alone in the suite.

There's silence again. I hate the silence around me, but the more I live like this,
the silence becames bearable, na hindi ko na napapansin ito. I stayed in the
hospital for a week. I went home after the doctor's advice. Kailanga ko ng therapy
kaya every other day ay may PT na nagpupunta sa unit ko.

One day, after my therapy, the owner of the other unit approached me. Si Pascal,
matagal ko na siyang kakilala. Ever since I moved her, naging acquainted na kami,
hindi ko masasabing kaibigan ko siya. Hindi na ako nakikipagkaibigan, ayoko. Naging
maingat ako dahil hindi naman lahat ng tao maiintindihan ang sitwasyon ko. Ayos na
ako sa doctor ko, sa assistant niya, assistant ko at ang mga tao sa farm ko sa
Oriental Mindoro.

Pascal smiled at me.

"Jorge, may lilipat na tenant sa kabila. I informed you kasi baka magtaka ka kapag
nag-simula nang umingay iyong kabila."

"I see. Thanks, Pascal."

Nagwo-work out ka pa sa gym sa taas, pre?" Tanong niya. Doon kami unang nagkita sa
gym.

"Hindi na muna. Injured eh."

"Okay. See you around, Pre."

Hindi ako lumalabas ng unit ko. Mas maigi para sa akin ang nasa loob lang. Mas
naiiwasan ko ang mga taong ayokong makita. My father is looking for me, Jorge found
me at ngayon magulo na naman ang buhay ko. They both wanted to fight the Sandovals
in that kind of business. Ayoko. Ayokong maulit ang nangyari noon kay Leina.
Ayokong masaktan na naman siya. Anim na taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin
makalimutan ang luha sa mga mata niya nang araw na pinagtatabuyan niya ako. Hindi
mawala sa isipan ko kung gaano siya nasaktan at kung paanong nawala bigla sa
kanyang mga mata ang pagmamahal na palagi kong nakikita noon.

It was just too sad. Umalis ako para makalimot pero mas iniisip ko pa rin siya. I
realized that I left so that Leina could breathe better. Matapos ang huling beses
naming pag-uusap noon ay hindi na ako nakibalita tungkol sa kanya. I lost the
chance. Hindi ko kahit kailan hinanap si Leina sa social media, hindi ko kahit
kailan inalam kung nasaan na siya sa mga pagkakataong ito, although, I have an
image of her installed in my brain.

I love to imagine her a successful restaurant owner. She has that sweet smile on
her face as she looks around her restaurant full of people. She cooks her food with
so much love. Maybe by now she had met a wonderful man who loves and cherishes her
a lot. That's what Leina is now in my imagination. In my head, I always think about
Eleina and that she deserves the best man, but then, my imagination will be ruined
because I also know that Leina doesn't really need a man to be happy. She is a
badass woman, an independent one and she can conquer the world if she wants too –
that's more like my Leina...

But she will never be mine.

Tanggap ko nang habambuhay ko na lang iisipin kung ano na si Leina ngayon – ahh, my
Eleina. She hates that name but I always love her reaction whenever I call her
that.

The next morning, I was awakened by a noise coming from the other unit. Mukhang
tama si Pascal, mukhang maingay ang kapitbahay ko. Maghapon ay pinakikinggan ko
lang ang nangyayari sa kabila. It's nice to hear something going on outside my
unit. The noise of the drill is making me smile. I used to hate having a neighbor,
but I guess a noise won't be too bad.

Maggagabi nang mawala ang ingay, I was getting ready to go to the supermarket. I
needed to refill my cupboards, wala na rin akong karne at gulay kaya kailangan ko
nang bumili. My assistant – Queenie – called to ask me if I needed anything.
Madalas kasi ay siya lang naman ang pinabibili ko, pero sinabi kong ako na ang
bahala. Naisip kong panahon na para sumagap nang sariwang hangin. Mabilis lang ako
at agad na nakabalik.

I saw an opened elevator but as I approached it, sumara ang pinto, buti nga ay
naitukod ko ang kamay ko. Napansin kong may tao sa loob, I wasn't really paying
attention at first, but when I looked, my world exploded realizing who it was.
Gulat na gulat ako, pero siya, parang hindi naman, mas mukhang nagtataka siya
habang nakatingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo rito?" She asked me. I was taken a back. She sounded so
casual. Noon, ipinagtatabuyan niya ako, ngayon, kinakausap niya ako nang maayos.
What happened? Kunsabagay, it's been years... baka naman napatawad na niya ako.

"I-ikaw, anong ginagawa mo rito?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Why aren't you pushing your floor button?" Balik tanong naman niya. I looked and
saw that the 12th floor is lit. I looked at her again. Siya yata ang nakatira sa
unit ni Pascal.

"Because it's already pushed." Simpleng sagot ko. She looked skeptical.

"Sinusundan mo ba ako?" Sa tono niya ay parang inis na inis na siya. Kilala ko si


Leina. Madaling uminit ang ulo niya.

"Leina... hindi... I... I..." The elevator opened. Mabilis siyang lumabas. I
followed her and I was right when she stood in front of Pascal's door. Napansin
kong tumingin pa siya sa akin at inirapan ko. I went inside. My heart is beating so
fast that I couldn't breathe – and that was when everything turned dark again.
I just woke up the next morning with a dozen of freshly baked garlic bread on my
table. I sighed.

"I guess, it' you, Jerry." I shook my head. "You didn't even get me inside the
room, dude. Why?" Ang sakit ng katawan ko. Sa sofa ko natulog and it's awfully
small. Napahawak ako sa noo ko. Agad kong kinuha ang receiver ng phone at tumawag
ako sa clinic ni Doc Dyosa.

"Yes, Jorge?" It was her who answered the phone.

"I blocked out last night and I am going to review the camera footage, Doc. I guess
it was Jerry. Do you like garlic bread?" Hinahaplos ko ang sentido ko. After
reviewing the footage, I sent it to Doc Dyosa. Mabuti na lang at wala naman akong
ginawang kakaiba kagabi. I nbaked, I cleaned and I even cooked some pasta – pero
hindi natapos ang sauce kasi bigla na lang akong humiga sa sofa para matulog, and I
woke up. I keep on sighing. When will I ever get used to this?

xxxx

Leina's

I don't believe him – I don't. Not even one bit. Ang gago. Is he using this excuse
to get away from what he did to my family? Kahit anong gawin niya, hinding – hindi
ako maniniwala na may anim siyang personality! Ano ito, joke? Ano ito? Kdrama?
Putang ina niya! Inis na inis ako sa kanya. Ang kapal ng mukha! He's playing tricks
with me! Ang galing – galing ng putang inang iyon na umarte! Kausap ko siya sa
phone, tapos nasa bahay niya siya, siyempre, may recorded voices naman! Ang kapal
ng mukha niya!

Kain lang ako nang kain ng garlic bread na dala ni Pascal. Binisita nila ako ni
Mcbeth, kasama nila si Diego. May gig raw ang banda at malapit lang raw iyon dito
kaya dinalaw muna nila ako dahil pinadalhan ako ni Pia ng cheesecake tapos si
Pascal may dalang garlic bread, bigay raw iyon ng kaibigan niya, pero wala akong
pakialam kasi kinain ko na rin. It's so good, kahit garlic bread siya ay hindi
matigas at napakasarap talaga. Wala siyang nagawa kasi kinain ko na. Umalis na rin
naman sila agad ni Mcbeth kanina kaya ako na lang ang nandito.

"Ang kapal ng mukha ng putang inang iyon!" Sobra! Akala ko makakapag-usap na kaming
dalawa nang maayos pero binigyan niya ako ng bullshit! DID. DID. DID raw. "GAGO!"
Sumigaw ako baka sakaling marinig niya ako. Niloko na niya ako minsan, hinding –
hindi na ako papaloko muli sa kanya. Ang kapal ng mukha niya.

Sa kalagitnaan ng init ng ulo ko ay may kumatok sa pinto ko. Agad naman akong
tumayo para buksan iyon. Baka kasi bumalik si Mcbeth o si Pascal. Laking gulat ko
nang makita si Jorge. May dala siyang bulaklak tapos ay ngiting – ngiti.

"Ano na namang kailangan mong ulol ka?!" Sigaw ko sa mukha niya pero hindi nawala
ang ngiti niya.

"Gusto ko sanang mag-usap tayo, Leina." He said to me.

"Nag-usap na tayo kagabi at nabwisit lang ako sa'yo kaya umalis ka nang demonyo ka
dahil baka hindi ako makapagpigil, masaktan na kita nang totoo!" Pinanlakihan ko
siya nang mata. Kinuha ko ang bulaklak niya at ibinato iyon sa mukha niya. "Ang
kapal – kapal ng mukha mo! Manloloko! Hindi mo na ako malolokong putang ina ka!
Ulol!" Hinampas ko pa siya sa ulo tapos pumasok ako sa loob ng unit ko at ni – lock
ang pinto. Gigil na gigil ako. May pabula-bulaklak pa siyang putang ina siya. Ang
pangit niya! Mamamatay na sana siya.
Araw – araw ay pumupunta ang demonyong si Jorge sa unit ko, magdadala ng bulaklak,
na ihahampas ko sa mukha niya bago ko siya murahin mula ulo hanggang paa. Naiinis
ako sa kanya. He had the audacity to visit me. Ang kapal ng mukha, matapos ng lahat
ng kasinungalingan niya, gaganoon siya sa akin. Sa Biyernes ay uuwi ako at
sasabihin ko na kay Popsi ang lahat ng kagaguhan niya para sila na lang ang mag –
usap. Tutal sila naman ang may business sa isa't isa at hindi ako. Hindi ako dapat
nasasali rito.

Walang mintis si gago. Minsan bulaklak ang dala, pagkain, kapag pagkain, hindi ko
naman ibinabato sa kanya, hindi ko na lang siya pinapansin. Siyempre, pagkain iyon,
masamang sayangin. Ang mas nakakainis pa, minsan kapag gabi ay nasasalubong ko si
Jorge, tataasan ko siya ng kilay tapos siya naman parang maamong tupang yuyuko na
lang. Kung makaasta, akala mo santo, demonyo naman kasi talaga. Hindi ko na nga
siya pinagkakausap. Bahala siya sa buhay niya. Sabay pa kaming pumasok sa mga unit
namin pero binelatan ko muna siya. Ang kapal talaga!

Sino ba namang tanga ang maniniwala sa six personalities na iyan? Hindi naman ako
bobo, hindi ako pinanganak kahapon. Alam kong niloloko niya ako. Hindi ko naman
siya idedemanda sa pang-ambush niya sa amin noon, may family have its own justice
and I know that he is aware of that, ang akin lang, sana magsabi siya ng totoo.
Hindi iyon palagi niyang sinasabing hindi niya alam, I have no recollection of that
day, I have no idea. Napaka-bullshit niya. I was in there and I am ready to pull my
heart out and understand him, pero naisipan niya pa akong lokohin.

I searched about DID. Totoong sakit iyon. Nabasa ko ng ana halos 7.5 per cent ng
tao sa mundo ang nagkakaroon ng ganoon, pero rare cases lang ang natatala. I even
came across this Pinay Doctor with the Patient XYZ. She talks about her paper and
her patient para magkaroon ng awareness ang buong mundo tungkol sa sakit na iyon,
and my heart is with them – pero sa kaso ni Jorge, mahirap paniwalaan iyon.

Muntik na akong maawa sa kanya. Muntik na akong maniwala sa mga sinasabi niya sa
akin pero buti na lang at naalala kong matalino pala ako. Naiinis rin ako sa sarili
ko dahil kahit nag-uumigting ang panga ko dahil sa galit ay naiisip ko siya.

Wala akong ginawa nang gabing iyon kundi ang kumain at manood ng tv. Sa susunod na
linggo na lang ulit ako magda-diet kapag hindi na ako naiinis sa kanya. Ang kapal
naman kasi ng mukha niya. Nguya ako nang nguya ng chicken nuggets nang bigla akong
matigilan, napatitig kasi ako sa tao sa tv – iyong may cast na character sa series,
bigla ko na namang naalala si Jorge, bakit parang nalipat ang cast niya? Alam ko
kasi nasa kaliwa iyon pero nasa kanan na ito ngayon, hindi ako pwedeng magkamali,
araw – araw ko siyang nakikita.

"Jusko, ang putang ina talaga. Pati iyong cast sap aa, fake! FAKE NEWS! FAKE!!!"
Nagsisigaw ako kasi baka marinig niya ako. "FAKEEE! GAGOOO!!!" Paulit – ulit iyon
at natigil lang nang marinig ko ang doorbell. Sino na naman kaya ito? Hindi naman
ako nagpa-deliver ng pizza at mas lalong wala akong inaasahang bisita, alas ocho
nang gabi na. Maaga akong umuwi galing sa restaurant kasi napapagod ako.

Pagbukas ko ay nakita ko na naman si Jorge. Ang una kong tiningnan ang ang cast
niya, tang ina nasa kanan na talaga!

"O ano na naman, putang ina?" Inis na wika ko. Wala siyang dala ngayon, wala akong
maibabato sa kanya. "Wala kang mahihita sa aking putang ina---"

Nabigla ako at natigilan nang bigla niya akong sampalin nang pagkalakas- lakas.
Nanlalaki ang mga mata ko. Bumiling ang mukha ko at kahit ayoko ay tumulo ang luha
ko. I was caught off-guard, pero sandali lang iyon. Naka-move on agad ako at sinipa
siya sa tagiliran, siya naman ang napaupo.
"Putang ina ka!" Sigaw ko.

"Mas putang ina ka!" Tumayo siya at agad na hinatak ang buhok ko. "Ang kapal ng
mukha mo! Wala kang ginawa kundi pahirapan ako! Putang ina, Leina! Do you really
think you're that great?! You're a trash! Pakiramdam mo magaling ka?! Hindi! Babae
ka lang kaya nagtitimpi ako sa'yo, pero putang ina, sawang – sawa na ako! Sumama ka
sa akin!"

Nagpupumiglas ako pero ayaw niyang bitiwan ang buhok ko kaya kinagat ko naman siya.
Napasigaw siya at nakabitaw sa akin. Tumakbo ako pabalik sa unit ko pero naabutan
niya ako. Laking gulat ko nang iuntog niya ako sa pader. Nahilo ako dahil sa lakas
ng impact na iyon, kaya nanghina ako napaupo ako sa sahig. Naiiyak ako. Hindi ito
dapat mangyari sa akin.

"Tang ina ka." He hissed. "Sasama ka sa akin sa ayaw---"

"Ate?" Naalarma ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ni Anne. Nakalimutan
kong pupunta siya ngayon to sleep over. "Hoy! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!"
Sigaw niya at agad na tumakbo papunta sa amin. I wanted to tell her to run away but
she run forward. Sinalubong niya ng sipa si Jorge, nasipa naman niya at tumalsik
ito sa kung saan. Naglabas siya ng balisong, tumayo si Jorge, si Annie naman ay
sinaksak ito sa tagiliran tapos ay napahiga ito sa sahig. Noon ako pinuntahan ni
Annie para itayo.

"Are you okay?" I asked her.

"Hindi! Nagdudugo iyang noo mo!" Sigaw niya. "Lika na. We need to leave!" And we
did. Kahit nahihilo ay lumakad ako. Papunta kami sa elevator pero nang lumingon
kami ay nakita naming tumatayo si Jorge. Matagal magbukas ang mga pinto kaya mas
pinili naming bumaba na lang sa fire exit.

"Leina! Bumalik ka rito! Putang ina mo!" Sigaw siya nang sigaw. For the first time
in my life, natatakot ako. Mukhang walang DID si Jorge, mukhang baliw lang siya.

"Dala mo ang kotse?" I asked Annie.

"Oo. Nandito sa bulsa ko iyong susi."

Naabutan kami ni Jorge sa may pinto palabas ng parking zone. Napakadali para sa
kanya ang hablutin ang buhok ko. Mahaba nga kasi. I swear, magpapagupit na ako
kapag nakalabas ako rito. Humarap ako sa kanya at dalawang beses siyang sinipa sa
may bur niya kaya namalipit siya sa sakit. Naabutan ko si Annie sa labas, tumakbo
ulit kami, nasa dulo ang kotse niya pero pagdating namin roon ay naroon pa rin si
Jorge.

Nahinto kami ni Annie.

"Putang ina bakit ang bilis niyang tumakbo?! Diba binayagan mo na?!" Bulong sa akin
ni Annie. "Ano iyan, si The Flash?!"

"Hoy---" Sinigawan ko si Jorge. Halatang nagulat na naman siya. Nagulat rin naman
ako kasi—

"Bakit iba na ang damit niya?" Tanong ni Annie sa akin. Noon ko nga lang rin
napansin na iba nga at mukhang kabababa niya lang sa sasakyan niya, may kasunod
siyang isang babae at isang lalaki – iyong lalaki mukhang iyon ang driver niya.

"Leina! Putang ina mo! H'wag ka nang makipagtaguan." Naalarma ako. He's here and
yet he's yelling pero hindi bumubuka ang bibig niya. Nagpalinga – linga pa siya at
kitang – kita ko nang mapaawang ang labi niya nang may humablot na naman sa buhok
ko at kay Annie.

"Taya. Game over!"

"Bitiwan moa ko! Demon—"

"Jorge." I swear he spoke. The one in front spoke, the one in my back looked
pissed. Tumingin siya sa harapan namin. Binitiwan niya kami ni Annie. "Umalis ka
na."

"At bakit ako aalis? Kasi sinabi mo? Here I am doing a great job being a great son
to our sickly father tapos pauuwiin mo ako?! Sa ating dalawa, ikaw ang walang
kuwenta!"

Gumapang si Annie papunta sa akin.

"There are two of them?"

"I guess..." I guess now that it's true. Nakatingin lang ako sa kanila, ang bilis
nang pangyayari, one moment, tinutukan ng baril ng driver ni Jorge na isa iyong
Jorge na baliw, pero sinuntok noong baliw ang driver kaya nawalan ito ng malay,
iyong babaeng kasama ni Jorge na isa ay tumakbo na at iniwanan kami, tapos si
baliw, sinuntok si Jorge na is ana halos napagupo sa Jorge na isa, sa sahig,
inapakan ni baliw ang kamay ni Jorge tapos binaril niya ito.

"No!" I exclaimed. "No! NO!"

Noon humarap sa amin ni Annie si Jorge na baliw, nakangisi, tapos lumuhod pa siya
sa harapan naming dalawa para lang tumawa na parang kontrabida sa pelikula.

"Sasama ka sa akin sa ---" Napasigaw ako nang bigla na lang siyang masubsob. Hindi
ko napansing nakatayo na pala si Jorge na isa, sinipa niya si baliw, dinampot sa
balikat tapos ay iniuntog sa kotseng nasa may kanan namin – na buti hindi kotse ni
Popsi kasi kung hindi mas patay kami ni Leina.

Paulit – ulit niyang sinusuntok si Jorge na baliw at inuuntog sa salamin noong


kotse. Noong duguan na ito ay binitiwan niya tapos ay inapakan niya rin sa kamay.

Wala nang malay si Jorge na baliw, tapos si Jorge na isa parang baliw na rin.

"Hoy!" Sigaw ko. "Tama na iyan! We need to leave baka may kasama pa siya."
Nakatalikod siya sa amin at noong humarap siya, medyo nagulat ako kasi ngiting –
ngiti siya sa akin. Inalalayan niya pa ako at si Annie na tumayo tapos pinagpagan
niya ang damit ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

"How are you, Leina?" He asked so calmly. "I haven't seen you in a while. You broke
my boy's heart."

"Huh?"

"Te, diba tumira siya sa bahay natin? Anong pinagsasabi niyan?" Tanong ni Annie sa
akin. And then, suddenly, I remembered what he told me last night.

There aren't just two of me, Eleina. There are six of me, or more than that I know
of.

I have DID, Leina. I have six personalities – those are the ones I know about.
And maybe I am that stupid but I found myself asking him a question I find absurd.

"Who are you?" My heart is beating so fast. Jorge na isa smiled at me. Inabot niya
ang kamay ko.

"I'm Race. Nice to see you, again, Leina." Sinabayan niya iyon ng kindat.

"Oh my god..." 

CHAPTER 10

A bit

Leina's

"Hindi ba siya nabaril, nakita ko nabaril siya." Binubulungan ako ni Annie habang
naglalakad kami pabalik ng condo. Hindi nga dapat kami babalik roon, dapat aalis na
kami papunta kina Popsi para magsumbong pero sabi ni Jorge - Race putang ina
nalilito na ako! May kailangan muna siyang gawin bago siya umalis ng bahay.
Sinasama ko siya, ayaw niyang sumama, magagalit raw si Jorge kapag lumabas siya ng
bahay. Ano iyon, magagalit siya sa sarili niya? Hindi ako naniniwala, pero, pero...
ibang - iba siya ngayon...

We entered his home. Pakanta - kanta pa si Jorger - Race whatever putang ina litong
- lito na ako! Iginagalaw niya pa iyong hips niya. Ang playful niya!

"Hoy." Sabi ni Annie. "Diba nabaril ka?"

"Ah, nakailag ako." Sabi na lang niya tapos tinapunan ako ng tingin. He sighed.
"You're so pretty, Eleina." He said.

"Putang ina ka! Leina nga sabi!" Inambaan ko siya pero natigilan ako dahil
hinawakan niya ang pisngi ko - iyong sinampal ni Jorge Baliw. "It's sore..."
Mariing wika niya. "I wanted something sore on you, Leina, and it's not your
cheek." Napatitig ako sa kanya, naiisip kong ang sweet pero nang maintindihan ko
ang ibig niyang sabihin ay hinampas ko siya sa dibdib, bigla niyang hinawakan ang
kamay ko para hatakin ako palapit sa kanya - the last time we were this close, I
was sending him away, but now, he's just... so close...

"Jor-ge..."

"He can't come to the phone right now." Dahan - dahan niya akong inilayo. Kumuha
siya ng ice pack sa ref tapos binigay sa akin. Pumasok siya sa isang silid - iyong
may piano. Sobrang curious ko, iniwanan ko si Annie sa living area at pumasok ako
sa loob ng silid na iyon. I saw him setting up a camera. Siguro naayos na niya,
tumayo siya sa harapan noon tapos kumaway. Anong ginagawa niya?

"Hey, Jorge, it's me. I know you want me to stay inside and call Doc but Leina
wanted me to come to her. I can't say no, Jorge. If this is you, you wouldn't say
no too. We miss her, right? Don't worry. I'll get us to the bed later. And I won't
drink. I'll call Doc now." He paused the video and took out his phone. May
tinawagan siya, medyo matagal silang nag-usap. May kinuha siyang marker tapos sa
white board sa may gilid ng bintana ay may sinulat siya. Matapos iyon ay humakbang
na siya palabas.

Tumakbo naman ako at nagkunwaring katabi ko lang si Annie all along. She made a
face. Mayamaya ay lumapit na si Jorge - Race sa amin. Nakapagpalit na siya ng
damit. Kanina kasi very formal ang suot niya ngayon, naka-black shirt na tinernuhan
ng denim jacket tapos iyong pants niya okay naman, medyo bakat iyong bur niya pero
hindi ako roon nakatingin, naka-biker boots rin siya.

"Where are you taking me, Leina?" He asked in an amused tone.

"Sa tatay ko. Let's go."

"Okay!" We all exited the unit. Habang naglalakad ay kabang - kaba ako. Totoo ba
talaga ito? Parang hindi. Ibang tao ba talaga siya? Parang hindi na ewan. Ibang -
iba siya, iba siya sa Jorge noong college kami, bad boy rin ang dating niya noon,
pero iba ang dating ng Jorge na ito ngayon. Mas may angst siya. Iyong tipong
lalaking mauuntog yata ako sa headboard ng kama... Ay putang ina bakit ako ganito?!

Sumakay kami sa kotse ni Annie. Si Jorge hindi pala siya sumunod sa amin.

"Nasaan?!" Sigaw ko.

"Ate, baliw ba iyan? Hindi naman siya ganyan noong nakatira siya sa atin."

"Hindi. Hindi siya baliw. Ano ka ba?" I hissed at her. Nagulat ako nang kumatok
siya sa may binta ng sasakyan. He smiled again.

"Convoy na lang tayo. Dadalhin ko itong Ducati ko." Noon ko lang napansing
nakasakay pala siya sa motor. Napanganga kami ni Annie, ang Ducati niya iyong
latest model. Itim na itim iyon at halatang customized. Napatango na lang ako. He
again touched my face. "Such an exquisite beauty." He whispered.

Jusko, sobrang honest naman nitong si Jorge ngayon. Kaloka!

Nag-convoy nga kami. Tinitingnan ko siya sa may salamin. Namamangha ako tapos
naiisip kong hot nga siya. Jusko. Ano ba naman, Leina?!

After half an hour, nasa tapat na kami ng bahay namin. Nalilito pa rin ako sa
kanya. He parked his bike in front of our home. Si Annie rin ay ganoon. Hinintay
niya kaming makababa. Tuwing titingnan ko siya ay kinakabahan ako na ewan, basta.
Something tells me na hindi siya si Jorge, hindi talaga, makamukha sila but
somehow, iba ang hitsura nilang dalawa... hindi ko ma-explain.

We went inside our home. Si Avery ang nasalubong namin.

"Hala! Anong nangyari sa inyong dalawa?!" Sigaw niya. Yumakap agad si Annie sa
kapatid namin.

"Natakot ako eh! Nasapak ng pinto si Leina tapos naghabulan kami. Nakakaloka!"

"It's a long story. Nasaan si Popsi?"

"Nasa Tagaytay. Nag-absent si Kuya Ron na driver ni Momsi kaya siya muna. Bukas pa
sila ng tanghali uuwi. O, kasama mo na pala iyan? Noong isang linggo, nagpunta iyan
dito, tinanong kay Momsi kung saan ka nakatira buti nagkausap na kayo." Tukoy ni
kay Jorge na hindi naman talaga si Jorge. Kabang - kaba pa rin ako. "Aakyat na ako,
Masyado na akong matagal na-eexpose sa labas. Anyway, may yelo roon saka iyong
first aid kit, gamutin mo iyang ate mo." Utos niya kay Annie.

I sighed again. Kung kailan ko kailangan ng parental guidance saka naman sila wala.

"Leina, I'm hungry. Can you feed me?" Cool na cool na tanong ni Jorge sa akin.
Inirapan ko siya tapos ay niyakag sa kusina. May mga lutong ulam na ako roon, ima-
microwave ko na lang. I fed him. Nilagyan ko siya ng kanin sa plato, saka pinaulam
ko iyong niluto kong beef pares. He gladly ate my food. Tahimik akong nakatingin sa
kanya.

"Okay, kunwari naniniwala akong ibang tao ka." Sabi ko na lang. "Why did this
happen?" Naupo ako sa dining chair sa may tabi niya. Uminom muna siya ng tubig bago
siya nagsalita.

"Did you talk to my boy?" He asked.

"I did. A week ago. I told him that there were two of you." I cannot believe that I
am actually riding this ridiculous story of his. Hindi naman ito totoo. "Iyong
humabol sa akin kanina tapos ikaw."

"No... no... that Angelo, he's not a part of us." Paliwanag niya. "Kapatid ko
siya."

"Okay. So, bakit siya galit?"

"Baka kulang sa sex?" He grinned at me. Hinampas ko ang balikat niya. "Aww. Stop
that or you'll turn me on."

"Jorge!" Sigaw ko.

"He's asleep. I'm Race." He grinned again. "Look, I know it's hard to believe. I
cannot explain it, but this is real. I'm not Jorge, but I am a part of him."

"Does he know?" Tanong ko. Naalala ko kasi ang nabasa ko sa google. Madalas raw
walang alaala ang core person sa mga nangyayari kapag nagaganap ang switching.
Naaalala ko ang mga pagkakataong nawawala siya at hindi niya maipaliwanag kung saan
siya nanggaling o kung anong nangyari sa kanya.

"Dati hindi. But James - the other person - he seek for help. Unconsciously, my boy
wanted help, so one of us had to do it. We found our doctor and she's been a big
help." Sumasakit ang ulo ko habang nakikinig ako sa kanya. A part of me doesn't
believe him, but a part of me wanted to believe him. Natigilan na naman ako.

"Kanina sabi mo nice to see me again - I know that it's because of my beauty, but
does it mean nagkita na tayo noon?" He stopped eating and took a deep breath.

"That... oh that... do you remember that one time, Jorge slapped you and strangled
you?" Napatanong ako. How can I forget? "That's not him. That was me. I'm sorry,
Leina." I was in awe. Napatayo ako. Ang lakas - lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi
ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong sinusubukan niyang ipaintindi sa akin.
Alam kong sinusubukan niyang ipaliwanag sa akin sa magaang paraan ang mga sinasabi
niya pero litong - lito ako. Hindi ito kakayanin ng braincells ko! I need to know
more about him.

"Sinong Doctor mo? Gusto ko siyang makausap."

"Ah, Dyosa." He said. Napangiti ako.

"Tang ina ha. I know!" I giggled pero I needed to compose myself.

"I know you're a Goddess but the doctor's name is Dyosa Santa Consunji."

May pangalan palang Dyosa? Bakit hindi na lang kasi iyon ang pinangalan sa akin ng
tatay ko?

"Thank you for the food, Leina. But I need to go."


"Saan ka pupunta?!" Napasigaw ako. Dapat nandito siya para maabutan siya ni Popsi
pero bukas pa darating si Popsi! Pero dapat nandito siya!

"Home or I will get in trouble." He smiled at me. "I'll come back tomorrow..."

"Pero sino sa inyo ang babalik?" Tang ina, sakay na sakay na talaga ako rito.

"I don't know. But I need to leave." He stood up. I stood up too. Nagkatinginan
kaming dalawa, again, he touched my face. "You have no idea how much I missed you."
At that moment, I wanted to know if it's Jorge or that other guy talking, but deep
in my heart, I know I wanted it to be Jorge. I have been wanting to here it come
from his mouth pero...

My mouth parted a bit. He exhaled sharply, and the next thing I knew, dahan-dahang
bumababa ang mukha niya sa akin. I waited in anticipation. All I can hear is the
beating of my heart and that annoying voice of Adonis Emilio - teka bakit nandito
si Adonis?!

"Bakla ka Leina! Kanina pa ako katok nang katok sa pinto tapos nandito ka
nakikipaghalikan ka lang! Napakalandi mo! Nasaan ba si Avery?!"

"Putang ina mo!" Sigaw ko sa kanya. Sobrang istorbo. Nginisihan ako ni Kuya Dondon
at umakyat na agad siya sa itaas. Alam naman niya kung nasaan si Avery itatanong pa
sa akin! "Bobo! Pangit! Pangit!" Sigaw ko. Kinalma ko ang sarili ko tapos ay
binalingan kong muli si Jorge. Nahihiya ako sa kanya. Hindi nga ako makatingin.

"Uhm... uuwi ka pa ba?" I couldn't help but ask him. I looked at him, medyo
nakaawang ang labi niya, ako naman, kasi naman, ewan basta bigla ko na lang siyang
hinalikan sa labi, mabilis lang naman iyon kaya lang tinulak niya ako. My eyes
widened.

"Ewwww! Bakit mo ako hinalikan?! Nakakadiri ka! Yuck, Girl!" Nagtitili siya roon,
ako naman ay gulat na gulat. Ano na namang nangyayari?

"Sino ka naman?" Nahihilo na talaga ako.

"Gaga! Ako ito. Si Ronni! Jusko! Pinagsamantalahan mo ang pagkababae ko!" Nakahawak
pa siya sa labi niya habang nagpapadyak roon, ako naman ay manghang - mangha.

xxxx

Jorge De Angelo

Hindi ko matandaan kung uminom ba ako kagabi pero napakasakit ng ulo ko, hindi lang
iyon napakasakit rin ng katawan ko, lalo na ang binti ko. Kaaalis lang ng cast ko
kahapon. Nagpunta ako sa Varres Med bago umuwi sa unit ko kahapon nang hapon
tapos...

Natigilan ako nang maalala ko si Jorge, si Leina at ang kapatid niyang babae. Anong
nangyari? Nasaktan ba siya? Shit! Who is it this time? I kept my eyes closed. I
could see flashes. I could see Jorge getting beat up. I could hear his voice.

Si Race.

"What did you do, big guy? Did you get drunk again?" I whispered.

"Ate! Ate! Nagsasalita na! Gising na siya!" Halos mahulog ako sa kama nang marinig
ko ang boses na iyon. Noon ko lang napagtantong wala pala ako sa unit ko at hindi
ito ang kama ko! I have a black and white and gray bed! Ang kamang ito ay kulay
pink ang kumot. Nasaan na naman ako?!

Napatingin ako sa salamin sa may gilid ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga
mata ko nang makita kong nakasuot ako ng isang manipis na silk terno nighties na
halos pumutok na sa katawan ko. May kulay gray rin ako sa mukha at may malaking
ribbon sa buhok.

"Jorge?" Sa unang pagkakataon sa buhay ko gusto kong tamaan ako ng kidlat nang
marinig ko ang boses ni Leina. Sa hitsura kong ito, malamang hindi lang isa ang
nakilala niya kagabi, kundi dalawa pa.

"The only consolation is you let me sleep in a bed, thanks, Ronni." I said. I stood
up to face Leina, imbes na kahihiyan ang maramdaman ko ay nakaramdam ako ng nag-
uumapaw na paghanga - napakaganda niya ngayong umaga.

"Oh, I guess your back." She gave me a smile. What does she mean by that? Did she
sound disappointed or is it just me?

"I'm so sorry, Leina." Sabi ko na lang. "Hindi na ito mauulit." Tama nga ang
desisyon kong umuwi na lang ng Calapan, Oriental Mindoro. Mas tahimik ang buhay ko
roon. Maliit lang ang lugar na ginagalawan ko roon isa pa, doon, mas maliit ang
posibilidad na ito.

"It's okay. I guess you want your clothes back now." Hindi ko maisip - isip kung
bakit mukhang na-a-amuse siya sa sitwasyon. "Kagabi, pinipilit kitang magsuot ng t-
shirt ni Popsi, pero ayaw mo, sabi mo gusto mo ng nighties kaya pinahiram ko iyang
nighties ko sa'yo. Gusto mo iyong kulay eh." Kinukwento niya iyon habang binibigay
niya sa akin ang damit ko. Naupo siya sa gilid ng kama tapos tinapik niya ang
pwesto sa harap kaya napaupo rin ako. Kumuha siya ng organic baby wipes at pinahid
iyon sa mukha ko, nagulat ako kaya bigla akong lumayo.

"Wait kasi. Alisin natin ito." She wiped the gray thing off my face. I was just
looking at her. I keep asking myself if it's right to ask her about the details of
yesterday. I am too embarrassed to ask but I need to know the details.

"Eleina..."

She smiled. "Putang ina ka. Leina nga sabi. Ayusin mo habang hindi pa mainit ang
ulo ko, ulol." Ngiting - ngiti siya habang sinasabi iyon. Mas lalo akong kinabahan.

"Anong nangyari kagabi?"

"Wala ka bang natatandaan?"

"I have flashes but it's not yet clear."

"Ahhh... bale ano. Nabugbog mo iyong kapatid mo tapos sabi mo ikaw si Race, tapos
ano, noong inano kita, bigla kang naging iba."

"Inano mo ako?" Wala akong matandaan.

"Ah, sinuntok. Oo. Sinuntok kita sa may labi."

"Bakit? Anong ginawa ko?"

"Wala, trip ko lang." Napansin kong hindi siya makatingin sa akin. I looked away
too. Ano kayang nangyari at sinuntok niya ako sa may labi? Anong kagaguhan ang
ginawa mo Race? I have tried to tell him every time to behave because we don't need
problems.
Mayamaya ay nagsalita na si Leina.

"Ayan tapos na."

"Thank you. Magbibihis na ako. Tapos uuwi na ako. Saan ang bathroom?" Tinuro niya
ang isang pinto sa may kanan. Tumayo naman ako para pumasok na roon. Sinalubong ako
ng mga skin care products ni Leina, sa may salamin ay may litrato siya. Talagang
napakaganda niya.

I washed my face and gargled. I got myself out of that nighties. I am wearing a
girl's underwear and it's too embarrassing. Hinubad ko iyon at itinapon sa
basurahan. Inayos ko ang sarili ko saka ako lumabas na.

"Jorge, sinabi ko sa Popsi ko iyong nangyari kahapon. Mamayang hapon pa sila uuwi
ng Momsi ko. Sabi ko mag-uusap kayo, para mas maliwanag na ang lahat, kailangan
kasi niyang maintindihan ito, kasi hinahanap niya ang kakambal mo. Pwede bang
bumalik ka mamaya?"

"I have doctor's appointment today. Mga anong oras ba?"

"Kahit nga dinner time na lang."

"Okay, sige." I gave out a smile. Lumabas ako ng silid niya. Nakita kong naroon ang
dalawa niyang kapatid na naghihintay sa may hagdanan. I waved at them. Nagbulungan
silang dalawa. Pababa na ako. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay
Leina. Uuwi na lang talaga ako sa Mindoro.

"Jorge! Jorge!" Nasa dulo akong baitang nang marinig ko siyang tinawag ako. Humarap
ako, nagkakandadapa na siya sa pagbaba ng hagdan nila nang malapit na siya sa akin
ay nalaglag siya pero I quickly moved, nasapo ako siya. Napahawak siya sa batok ko,
ang lakas na naman ng tibok ng puso ko kasi napakalapit namin sa isa't isa.

"Ay, grabe." She mumbled. Lumayo siya at inayps ang sarili. "Uhm here. This s tha
copy of the cctv footage dito sa sala. Tapos nag-record ako ng video sa phone ko na
nilipat ko rito sa flash drive and those are some pictures I took last night."

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Ano kasi, kahapon bago tayo umalis ng unit mo, nakita kong ni-record mo iyong
sarili mo. I made Ronni do that too. Here. And please take care..." She said to me.
Naguguluhang kinuha ko ang binibigay niya sa akin.

"Thank you." Sabi ko na lang. Lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko ang motor at
dumiretso ako sa clinic ni Doc Dyosa. Luckily, she's there.

"Hello, Jorge."

"Leina met them - Race and Ronnie."

"I see. And what happened?" Inilapag ko sa table ni Doc Dyosa ang mga flash drive
at litratong bigay ni Leina.

"That happened. Doc... I guess. I guess, she's okay with it. Is she?"

"Look, Miguel Jorge. I know you wanted a life with the woman you love, but always
remember what I always say to you, be careful. You need to be careful. It's all
that we all want."
I am being careful.

"Do you remember what happened yesterday?" Inilabas niya ang file ko.

"Jorge got me. He beat me up, Race came out, he beat him up. Hindi ko alam kung
nasaan si Jorge ngayon."

"Good. After that, did you leave the house?"

"It seems like I did." Isa - isa kong sinabi sa kanya ang nangyari, pero sa lahat
ng iyon, hindi mawala sa isipan ko si Eleina at ang ginawa niyang ito para sa akin.
It made everything feel a little lighter...

CHAPTER 11

Situation

Leina's

"May kilala ka bang psychiatrist na Dyosa ang pangalan, Kuya Don?"

Kaaalis lang ni Jorge sa bahay. Wala pang fifteen minutes iyon. Naisip kong
puntahan si Kuya Dondon sa bahay nila Ninong Ido. Alam ko kasing naroon siya dahil
biniwisit niya ako kagabi. Putang ina talaga niya, minsan gusto ko na lang isigaw
sa mukha niya kung gaano siya kapangit pero ayoko namang palaging nasasaktan ang
feelings niya.

Nakita ko siyang nasa garden at nagbabantay ng mga anak niya, si Uno, saka si Alas,
si Ate Ganda ay nasa loob, kasama si Ninang Gina, pinatutulog kasi nito ang bunso
nilang si Unica Hija.

"Teka, bakit mo kilala si Dyosa?" Tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
Kilala nga niya! Tama ang hinala ko! Naisip ko kasing sa Varess rin siya
nagtatrabaho at malaki ang possibilities na magkakilala sila and I am so right! So
pretty and so right!

"Kilala mo nga siya?! Pwede ko ba siyang kausapin?!"

"Bakit nga?"

"Bakit ka ba nangingialam? Gusto ko lang siyang makausa---" Nag-hang ang sasabihin


ko dahil bigla akong hinawakan ni Kuya Dondon sa magkabilang pisngi. He looked so
worried but ridiculous. Hindi ko siya maintindihan.

"Sabi ko na nga ba." Wika niya. "Leina, lumayo ka sa liwanag. H'wag kang lalapit sa
liwanag. H'wag kang mababaliw! Hindi ikaw ang tunay na baliw!" Sinigawan niya ako
sa mukha. Naamoy ko ang ulam niya kaninang umaga. Sa inis ko ay sinampal ko naman
siya sa tainga.

"Napakapangit mo!" Sukat ba namang ibiniling niya ang mukha ko sa kanan kaya muntik
na akong masubsob!

"Putang ina ka. Kagabi ka pa. Inaano ba kita?! Bakit niyuyurakan mo ang kagandahang
lalaki ko?!" Sigaw niya sa akin.

"Kinakausap kita ng maayos ha!" Sigaw kong muli.

"Mga putang ina kayo, ba't ba kayo nag-aaway?!" Sigaw ni Ninong Ido. Hindi ko
napansing naroon na siya sa may garden. Dinuro ko si Kuya Dondon.

"Ito, Ninong, muntik na akong isubsob! Napakapangit mo!" Sigaw ko kay Kuya Don.

"Mas pangit ka!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Pinitik ko siya sa tainga.

"Nakaka-offend ka!"

"Tama na!" Sigaw muli ni Ninong.Tumahimik naman ako. "Nakakabawas ng kagwapuhan at


kagandahan ang pakikipag-away!"

"Ay, hindi naman kami nag-aaway, Tay." Biglang sabi ni Kuya Don. Napatango naman
ako.

"Naglalaro kami ng charades." I smiled. Pagtalikod ni Ninong ay pinakyu ko si Kuya


Dondon saka ako umalis. Akala ko pa naman may makukuha akong information sa kanya
tungkol kay Dyosa pero wala. Nakakabwisit siya. Sana pala hindi na ako
nagpakahirap, sana pala, kay Avery na lang ako nagtanong.

Gusto ko lang naman makausap iyong doctor ni Jorge. Oo, naniniwala na ako sa kanya
na may iba – iba siyang katauhan. Base sa nangyari kagabi, iyong mga ginawa ni
Ronni, hindi magagawa iyon ni Jorge. Naging mag-boyfriend kami ng halos magta-
tatlong taon pero kahit kailan hindi niya inayos ang kilay ko tulad kagabi.

The Jorge last night knew his make – up well. Ang galing niyang mag-blend ng
shades, mag- contour, tapos kilala niya si Bretman Rock, James Charles at si Jefree
Star. Sinabi niya sa akin may make – up vlogs siya but he had to take it down kasi
ayaw raw ni Jorge. Hindi raw kasi siya pwedeng gumawa ng isang bagay na ikagagalit
ni Jorge. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi double standard si Jorge? But then,
I realized that Jorge didn't like it because it will compromise his privacy. Hindi
nga naman madaling ipaliwanag kung bakit siya ang nagme=make up sa youtube tapos sa
personal, ibang iba siya.

I understand that now.

"Sabi ni...uhmm... ni Race..."

"Ohh, you've met him?" Jorge – Ronni is doing my brows. I know how to do mine, but
it just felt good having him do it for me. Naa-amaze ako sa kanya. Ang dami niyang
alam sa make up, tapos kanina noong nakita niya ang mga skin products ko, alam niya
lahat iyon. Some of my skin care products are from Sokor, iyong iba naman sponsor
na.

"Oo. Sabi niya nami-miss ninyo raw ako. Ano... si Jorge rin ba ganoon?"

"Ah... siguro." Sabi niya na lang. He put some of his hair behind his ear.
Humalukipkip siya and then he twitched his lips. He then, sighed, he even clicked
his tongue. "He was so sad when he lost you that he lost the will to leave. He
wanted to end it like that."

"What happened?"

"Well. I'm not sure if I can tell you..." Pahina nang pahina ang boses niya. "But,
the reason why we ended up at that hospital years ago is because..."

"What?" Kabang – kaba ako. Hinihintay ko ang sasabihin sa akin ni Ronni, pero hindi
natuloy kasi pumasok bigla si Annie sa loob ng silid ko at nagpakilay na rin kay
Ronni. Hindi na ako nakasingit, hindi na natapos ang sasabihin niya sa akin.
Nagkatulog na siya, pinalilipat ko siya sa sofa pero ayaw niya kasi raw magagalit
raw si Jorge kapag nagising ito nang wala ito sa kama, so tabi kaming natulog.

I know that it's Ronni, but I couldn't help but enjoy the warmth of Jorge's body.
Napakarupok ko. Ako na talaga si Maria Pokpok...

"Barang!" Sigaw ko nang makauwi ako sa bahay. Binuksan ko agad ang silid niya.
Siyempre, naroon na naman siya at naglalaro ng DOTA. She looked at me. Ni-pause
niya ang ginagawa niya at ngumiti sa akin. "Hanapin mo si Dyosa Consunji."

"Ha? Iyong pinsan ni Kuya Don?" Napatitig ako sa kanya.

"Pinsan siya ni Kuya Don? Napakapangit talaga noon!"

"Oo. Si Tita Gina saka iyong Mama ni Dyosa, magkapatid, pinsan nila iyong asawa ni
Ate Etang."

"Paano mo nalaman? Nag-search ka agad?"

"Inaral ko nga iyong family tree nila dahil kay Ate Sam dati. Did you know, na may
nawawala silang pinsan? Hinahanap ko na nga rin iyon eh."

"Bakit hindi ka na lang mag-private inverstigator para masaya?"

"How do you think I earn money?" She said that while typing Dyosa Santa's name in a
search bar. Hindi nagtagal ay lumabas ang isang folder sa monitor. May title iyong
Varess – Consunji. Sa loob noon ay may mga pangalan rin ng mga tao.

Ave Maria. Dyosa Santa. Arkanghel.

Odd names.

"This is her." May picture roon sa file noong Dyosa. Nabigla akong babae siya –
anyway, Dyosa nga ang pangalan, so babae siya, I just didn't expect her to be
this... Psychiatrist siya and she has this paper about DID. Napatitig ako kay
Avery. Naalala ko iyong na-search kong Pinay Doctor, hindi kaya si Dyosa iyon at
ang patient XYZ ay si Jorge?

"Dyosa iyong name pero hindi naman ganoon kaganda." I said. Umalis na lang ako.
Paglabas ko ng kwarto ay nasalubong ko si Popsi. Kasama niya si Momsi at si Annie.

"Ayan, Pops! Namamaga pa iyong noo ni Leina! Paano, nasapak siya noong pinto! Tapos
inuntog siya ng sahig! Tapos iyong Jorge, Pops! Marami sila! Pero iyong isa,
masama! Sinipa niya si Ate, tapos sinabunutan tapos nasapak ng pinto!"

"Anne, iayos mo nga iyong kwento mo." Inis na wika ko. Punong – puno ng pag-aalala
si Momsi sa akin.

"Anak, ano bang nangyari?"

"Doon tayo sa office ko." Buong – buo ang boses ni Popsi. Sumunod ako sa kanila. Si
Momsi ay hinawakan nang napakahigpit ang kamay ko. Pumasok kami sa office ni Popsi
na located sa third floor ng bahay. Dalawa lang ang silid sa third floor, office ni
Popsi at ang closet ni Momsi na katumbas ng dalawang kwarto – iyon na rin ang
nagsisilbing office niya.

Naupo si Popsi sa swivel chair niya. Ako naman ay sa couch, katabi ko si Momsi.

"Anong nangyari?"
"He really has a twin and the twin attacked me yesterday. Mabuti na lang dumating
si Annie, tinulungan niya ako, tinulungan rin ako ni Jorge."

"Teka." Sabi ni Momsi. "Anak, nalilito ako. Si Jorge ang sumalakay sa'yo, pero
iniligtas ka ni Jorge?"

"Angelo Jorge was the one who saved me. I guess the one that attacked me is Miguel.
Pero, I have a feeling that the one who stayed here with us is Miguel Jorge, Popsi.
I also have a feeling that he was the one who shot you."

Napatayo si Momsi.

"Ano?!"

"Bernice, calm down."

"Anong calm down?! Ernesto siya iyong bumaril noon sa'yo, pinatira mo rito at wala
akong ideya taposa sasabihin mo sa akin, calm down?! I nursed a murderer! Wala
akong kamalay – malay na pinatira ko sa pamamahay ko ang dahilan kung bakit muntik
na akong mabyuda!" Frantic na frantic si Momsi. Inalo naman siya ng tatay ko. Iyak
nang iyak si Momsi. Ayaw niya talagang naaalala ang araw na iyon. Lahat kami muntik
nang mawalan.

"He did this to us. He scarred, Leina! I can't come down!"

"Bernice Anne." Sabi ni Popsi. "Hindi ko palalagpasin ang lahat ng ito. I will take
care of him. Nothing bad will ever happen again, alright?"

"Pupunta siya rito, mamaya, Pops. Sabi ko kasi dapat mag-usap – usap tayo para mas
malinaw ang lahat."

"Siguraduhin mong iyong pupunta rito ay iyong Angelo Jorge na mabait kasi kung
hindi, ako mismo ang babaril sa kanya." Sabi ni Momsi. Napatango na lang ako.
Yumakap muli siya kay Popsi...

xxxx

Bandang mga alas – siete y media ay kinatok ko ni Annie para sabihing nasa ibaba na
raw si Jorge. Bigla ay hindi ako mapakali.

Ilang beses kong ni-check sa salamin kung ayos ba ang suot ko. Naglagay pa nga ako
ng light make up para sa no make up look ko, ayoko ng masyadong heavy make -up,
baka kasi isipin niya, pinaghahandaan ko siya.

Bumaba ako agad nang ma-satisfy na ako sa sarili ko. Palagi naman akong magada, si
I don't need to worry about anything. Natagpuan ko si Jorge na kausap na agad ni
Popsi. Napatingin sila sa akin na nasa may hagdanan, sumenyas si Popsi na aakyat
raw kami kaya nagpauna ako Sa office niya kami mag-uusap – usap. That's for sure.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na kaming lahat sa office niya. He sat on his chair
– like the Godfather – and looked at Jorge like he's a criminal. Gusto ko sanang
sabihin kay Popsi to go easy on him pero kinakabahan na rin ako.

"Angelo Jorge De Angelo." Wika ni Popsi. Nakaupo ako at si Popsi, samantalang si


Jorge ay nakatayo lang at kabang – kaba. He looked confused and the he took a deep
breath.

"About that, Sir." Wika niya.


"Senyor Axel." My father said.

"I see. Senyor Axel, hindi po..." He looked at me. "Hindi po ako si Angelo."
Nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong tumayo, si Popsi naman ay inilabas ang rifle
niya na nasa gilid lang ng kanyang inuupuan at tinutok agad sa kausap. Ang kapal ng
mukha! Sasaktan na naman niya ako! Ang laki ng kaba sa dibdb ko pero agad rin akong
natigilan dahil kung hindin siya si Angelo, bakit kakaunti lang ang pasa niya sa
mukha?

Iyong baliw na Jorge kahapon, dapat magang – maga ang mukha niya ngayon dahil sa
ginawa ni Race sa kanya, but he only has a black eye on the side of his lips and
his right eye.

"Hindi po ako iyong nanakit kay Leina, Senyor Axel." Wika niya pa habang nakataas
ang dalawang kamay. "Ako po si Miguel Jorge Madrigal." My mouth parted.

"Madrigal?" Tanong ko. "Diba..."

"I changed my name because I don't like anything to do with my father's family."
Hindi ako naniniwala. Paano siya magiging si si Miguel Jorge? Si Angelo Jorge ang
naging boyfriend ko noon!

"This is bullshit." Sabi ko. "Ibig sabihin si Angelo Jorge ay iyong masama, siya
ang naging boyfriend ko..." Hindi ako makapaniwala.

"Ako iyon, Leina..."

"Putang ina! Nalilito ako!" Sigaw ni Popsi.

"Let me just explain. Ako lahat iyon noon, Leina, pero ginamit ko ang pangalan ni
Angelo para makapasa siya noon. I needed money for my Mom's chemo, and he has a
lot, he promised to help me if and only if, I pretend to be him on all his back
subjects, including your tutor session with him. I'm so sorry, Leina."

Hindi pa rin ako naniniwala. Nakatitig ako sa mga mata niya. Mukha siyang nagsasabi
ng totoo, pero... I needed to make sure.

"Jorge, my ex – boyfriend proposed to me. What kind of ring did he give me?"

"Anak..." Napatingin ako kay Popsi. "Talaga? Bakit hindi mo sinabi noon?" Hindi ako
sumagot. Binalingan kong muli si Jorge.

"I didn't give you a ring, Eleina." Malungkot na wika niya. "I gave you pull tab
from the beer in can I was drinking that night at you gave it back to me that day
when you clearly told me to stay away from you." Iyong kanang kamay niya ay may
hinatak na kung ano sa leeg niya, lumaylay ang mahabang chain kung nasaan naroon
ang pull tab na sinasabi niya.

"Ako iyon lahat, Eleina." He said again. "Everything I felt before for you is real.
Hindi ko intensyong lokohin ka. I'm so sorry."

"Ano, anak? Siya ba iyong sumapak ng pinto sa'yo kagabi?" Popsi even asked.

"Hindi po. Siya iyong tumulong sa akin." Mahinang wika ko. Binaba ni Popsi ang
baril at pinaupo na ako, umupo na rin si Jorge.

"Sino sa inyong dalawa ng putang ina mong kakambal ang bumaril sa akin noon sa
ambush?" Gigil na gigil si Popsi. Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ko magawang
magsalita dahil talagang nagulat ako sa nalaman ko ngayon.
"It could be me." He said. Nakatitig ako sa kanya. Jorge wore his hair the usual
way. Walang kakaiba sa kanya, kaya sigurado akong siya ito, hindi si Race o si
Ronni o iyong iba pa. Siya talaga ito. "But, Sir, I'm not t sure, because I have no
recollection of that day." Wika niya. "My doctor and I are always trying to pick up
those memories, pero wala po talaga akong matandaan."

"Doctor? May sakit ka?" Tanong ni Popsi. Tumingin sa akin si Jorge. Para bang
nanghihingi siya ng tulong.

"Ah, Pops, ano kasi..." Paano ko ba ipapaliwanag?

"I have Dissociative Identity Disorder, Sir."

"Senyor Axel nga!" Sigaw ni Popsi. Namangha ako. Hindi ko inaasahang sasabihin niya
iyon sa tatay ko. "Ano naman iyang sakit mo?"

"It means that..." He cleared his throat. "I have... uhm...have..."

"Recess!" Sigaw ko. "Recess muna, Pops!" Tumayo ako at kinuha ko ang kamay ni
Jorge. Wala namang sinabi si Popsi kaya lumabas na kami ng office niya. Hinatak ko
si Jorge hanggang sa makarating kami sa roof deck ng bahay. Maiging dito kami mag-
usap muna. Walang masyadong makakarinig. Nang makarating kami sa itaas ay binitiwan
ko ang kamay niya.

"Why did you call for recess? Sasabihin ko sa Dad mo ang totoo." Sinampal ko siya.

"Para iyan sa panloloko mo sa akin noon."

"Eleina, hindi kita niloko. I had no choice. Mom needs chemo and I have no money—"
Sinampal kong muli siya.

"You could've just told me! Naging girlfriend mo na ako noon pero hindi mo
binanggit kahit isang beses na ikaw si Miguel Jorge! You had all the chance!"

"At that time, I thought that it didn't matter, Leina. Ang dami kong pinagdadanan
noon... Namatay si Mommy. Bumalik ang tatay ko. Everything became dark again. All I
had was you and I didn't want to lose you... pero ganoon pa rin ang nangyari..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natunaw na naman kasi ako doon sa huling sinabi
niya. Sa halip na magsalita ay sinampal kong muli siya – mas malakas. When Jorge
looked at me, siya pa rin naman, sure ako, pero may kaunting galit na sa mga mata
niya, bigla ay hinatak niya ako hanggang sa mauntog ako sa dibdib niya. Mas
matangkad siya sa akin kaya tinitingala ko siya ngayon.

"Don't slap me, Leina. It triggers me." He said. May warning bells sa utak ko. I
need to pull away but I kept on looking at him. Hahalikan niya ba ako? Paano kung
kapag hinalikan niya ako ay biglang lumabas na naman si Ronni?

At bakit iniisip kong hahalikan ko na naman siya? Nakapa pokpok ko talaga. Lumayo
ako sa kanya tapos sa inis ko ay sinampal ko ulit siya – huli nang maalala ko ang
paalala niya. He just looked at me.

"Hay, Eleina, kailan ka ba susunod sa mga sinasabi sa'yo?" Napapailing siya.

"Don't tell, Popsi about your situation."

"Situation?" He asked.
"Oo."

"Of all the words in the world, you picked situation to describe my sickness."

"Siguro para sa'yo, sakit iyan. But speaking with all honesty, Jorge, it's not.
It's hard, I know, but I think that it helped you cope with all the sadness you
felt as a kid and growing up. Maybe you felt alone... maybe you felt defeated and
all..." My tears fell. "No, don't look away, these aren't pity tears. I don't pity
you, I feel sad because I just think that if we met earlier, then you'll have
someone beside you..."

Para bang natigilan siya. Nakatitig lang siya sa akin tapos napailing, tumalikod
siya pero bumalik rin, hinagkan ako sa noo, tapos umalis na ulit. Ang tagal bago
gumana ng utak ko, sinundan ko siya, tinawag ko si Anne at sumakay kami sa kotse.
Nilagyan namin ni Avery ng tracking device ang phone ni Jorge kagabi noong tulog
siya bilang si Ronni kaya kahit saan ay alam ko kung nasaan siya.

Isa na ring assurance itong si Jorge talaga siya at hindi si Jorge na baliw.

We followed his car. Akala ko uuwi siya sa condo pero pumasok siya sa isang
village. Malalaki ang mga bahay roon. Nakasunod pa rin kami pero noong huminto ang
kotse niya ay nag-park na rin si Anne. Tumayo si Jorge sa tapat ng bahay na iyon,
mayamaya ay bumukas ang gate, at mula roon lumabas ang isang babaeng may kargang
baby tapos kinarga agad iyon ni Jorge.

"Patay ka, Ate! Paiyak – iyak ka pa pero mukhang---" Hindi ko tinapos ang sinasabi
ni Annie. Naglakad ako papunta roon sa bahay na iyon, at tinawag ko si Jorge.
Halatang nagulat siyang nandito na ako.

"Hi." I greeted them. Tiningnan ko iyong babae. Nakataas ang kilay niya habang
nakatingin sa akin. "Ako si Leina."

"What are you doing here?" Jorge asked.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap." I said smiling pero sa totoo lang inis na inis na
ako. Sino ang babaeng ito?

"Leina." Ulit ko sa babae. Nakita kong napapailing siya.

"Oh now you take your girlfriend to our sessions, Jorge." Session? Anong session?
Make – out session? The woman looked familiar. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Dyosa Consunji. I'm his doctor, that's my son, Magnus. I won't shake your hand,
nor I won't take your boyfriend away from you so hide the claws, bitch."

Napanganga ako.

"I have doctor's appointment tonight too. Hindi kasi kami natapos kaninang umaga.
Doc had an emergency."

"Eh bakit mo kinarga iyang bata?" Na hawak niya pa rin hanggang ngayon, nilalamutak
iyong mukha niya.

"He thought I was the other guy – Rocky."

"Oh..." I realized all my stupidity pero kahit na! "Sasama ako sa loob!"
Determinadong wika ko. 

CHAPTER 12
I'm okay with that

Leina's

Pumasok kami sa loob ng bahay ng Doctor ni Jorge. Malaki iyong bahay, pero
napapangitan ako kasi puro puti na may accent ng pastel colors ang nakikita ko.
Walang ka-thrill – thrill iyong bahay. Saan ka nakakita ng living area na malaki
pero may dalawang laz-y boy lang na nakaharap sa malaking glass window? Sobrang
boring. Wala siyang alam sa design. Mukha naman siyang mayaman – Consunji – pero
wala siyang pang – hire ng ng interior decorator. So, ugly.

"Jorge, give me Magnus. Mauna ka na sa office ko. Magnus, come to Mommy, yes,
that's my big boy." Nang makuha niya ang bata ay hinagkan niya pa iyon sa pisngi
tapos ay tumalikod na siya. She was only wearing a pair of black leggings and an
oversized denim shirt. Wala siyang alahas, wala siyang make – up. Okay lang, mas
glass skin ako kaysa sa kanya.

Umakyat kami ni Jorge sa second floor. May iisang pinto lang roon at palagay ko
iyon ang office niya. We went inside. Bumulaga sa akin ang pader ng achievements ng
Doctor ni Jorge. Muntik nang hindi magkasya ang mga certificates niya. Base sa
pagtingin – tingin ko – may double degree siya, at maliban sa graduate siya ng
Doctorate Degree, graduate rin siya ng Law sa isang kilalang unibersidad sa
Pilipinas.

Jusko. Maria Pokpok ako kapag kay Jorge, pero sa doctor na ito. Maria Bobo ako. Cum
Laude ako noong nagtapos ako ng Culinary Arts at kasalukuyan pa lang akong nagma-
master's pero siya, doctor na abogada pa. Nakakaloka. Maria Bobo ako.

"Bakit ang tagal niya?" Binalingan ko si Jorge. "Paimportante ba siya?"

"Baka pinatulog na si Magnus."

"Close na close kayo noong bata, anak mo?"

"Hindi ah!"

"Oh, bakit defensive ka?" Tanong ko sa kanyang nakataas ang kilay. "O baka naman
anak mo pero anak ni Race o noong iba pa?"

"Leina, hindi." Sabi niya. Naniniwala naman ako. Naiinis lang ako kasi mas marami
siyang achievements kaysa sa akin. Napaupo ako sa couch sa tabi ni Jorge. Bumukas
iyong pinto at pumasok na iyong doctor. May suot na siyang white na pan-doctor
ngayon. She sat on her swivel chair, may kinuha siyang charts tapos ay tiningnan
ako.

"You can leave now, Miss Leina." Sobrang pormal niya. Kakaiba iyong mga mata niya,
sobrang itim. Ilang beses akong nag-blink bago ako tumayo at lumabas. Sa may couch
ako naghintay. Alam kong magtatagal sila pero ninenerbyos ako. Hindi ko kasi alam
kung anong ginagawa niya kay Jorge. Naupo na lang ako at inilabas ang phone ko. I
tried to entertain myself by reading the comments in my vlogs and replying to the
ones that caught my attention. Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na pala
ang nakalipas. Naalarma ako nang marinig kong sumigaw si Jorge sa loob. Napatayo
ako at agad akong pumunta sa may pinto, sarado iyon, sigaw nang sigaw si Jorge. Ano
kayang nangyayari? Hanggang sa may narinig akong bumagsak at kumalabog.

Iba na iyon, so I went in. Nakita ko si Doc na nakasandal sa may kaliwang bahagi ng
office niya, malapit sa bintana sakto namang bumagsak sa ulo niya iyong isang
frame, buti maliit lang iyon. Si Jorge naman ay nakaluhod sa sahig. Sumisigaw siya.
Nag-aalala ako. Anong nangyayari. Lalapitan ko siya pero sumigaw si Doc.
"Don't!"

"Huh?" Tumayo na siya noon. Napansin kong nakalaylay ang kanang kamay niya.

"Don't, Miss Leina. Stay there." Wika niya. Siya ang lumalapit. She was taking a
step forward, slowly. Sigaw lang nang sigaw si Jorge. Naiiyak ako. The Doctor tried
to hold him on his neck pero tinabig niya si Doc, tumayo siya at sinakal ito.

"Jorge!"

"That's not him!" Sabi ni Doc sa akin. "James, do you remember what happened in
Ibiza? Do you want that to happen? James! James!"

James? Akala ko ba siya ang nanghingi ng tulong para kay Jorge? Bakit siya
nananakit?

"James! Stop!" Nauubos na iyong boses ni Doc. "James, stop!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Takot na takot ako. Hindi nga siya si Jorge. Puro
galit ang nasa mga mata niya.

"You need to calm down, James!"

Now the day bleeds

Into nightfall

And you're not here

To get me through it all

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin basta na lang ako kumanta. Naalala ko lang
kasi iyong moment na iyon sa condo niya, he looked so at peace playing the piano
while singing. He looked so himself and I want that moment to comeback.

To get me through it all

I let my guard down

And then you pulled the rug...

Pinanood ko kung paano bumaling sa akin si James, kung paano niya dahan – dahang
ibinababa si Doc at kung paano dahan – dahan siyang lumapit sa akin. Natatakot ako,
kasi baka sakalin niya ako, I took a step back, but then, he, well, he just stood
in front of me, looked at me in the eyes and then, he hugged me so tight. I felt
tears on my shoulders. I just kept on singing. Maybe James is scared too. Maybe
juts like Jorge, he doesn't have any idea what he's doing sometimes.

"He fell asleep." Nagsalita si Doc. Lumaylay ang kamay ni Jorge – James. Siguro nga
nakatulog siya. Tinulungan ako ni Doc na ilipat si Jorge – James sa couch.
Nagkatinginan kaming dalawa.

"You're hurt." I said.

"This isn't the first time. Let's leave him." Sabi niya pa. Lumabas kami ng office
niya. Bumaba kami ng hagdanan at nagpunta sa kitchen. Nakasunod lang ako sa kanya.
She poured ice on the sink. Nilublob niya roon ang braso niya.
"Palagi ba siyang nagwawala?" Hindi ko matiis na wika. She looked at me.

"Doctor – patient confidentiality. I value that, although some people think that I
don't." Hindi ako alam kung joke ba iyon. "Right now, I made a new discovery and I
realized something." She was shaking her head. Mukhang talagang nasaktan siya.
Nilapitan ko siya tapos ay inabutan ko siya ng paper towels. "Thank you."

"I can pop that back for you." Wika ko.

"Really?"

"Oo. Pero masakit."

"Mataas naman ang pain tolerance ko. Game." Tinuro sa akin ito ni Popsi noong bata
pa kami, just in case raw na may mapilayan akong kakilala, or ma-kidnap kaming
magkakapatid at kailangan namin ng first aid, ito raw ang dapat kong gawin.

"Ready? 1 2 3." Hinatak ko pabalik ang kamay ni Doc. Napamura siya ng fuck pero
sobrang sosyal ng fuck niya parang nakak-turn on nga.

"Aw, that's so... it hurts." Sabi niya. Grabe, ang sosyal ng pagkakasabi niya ng it
hurts!

"Doc, pwede bang magtanong?" I asked. I'm nicer now. "Paano mo nakilala si Jorge."

"I didn't know Jorge. It was James that I first met. Akala ko nga stalker ko siya,
sinusundan niya kasi ako. One time, I talked to him, and that's when I knew. Akala
ko kasi lalandiin niya ako. Ayun pala, magpapagamot siya sa akin. I try to help him
with all that I could. Ang tagal na naming magkasama pero, may mga bagay pa rin
akong hindi naiintindihan sa kanya. Everyday, he surprises me. Everyday, I worry
that the five alter egos will soon eat him up, that he wouldn't be able to control
them anymore. I worry about him. Baka sa isang araw, imbes na lima, nasa twenty na
sila, and that's not even the worse- case scenario."

"Doc..." Nagulat ako nang marinig ko si Jorge. Pumunta kami agad sa may living
area. Naroon na siya sa may hagdanan. Seryoso ang mukha niya. Natigilan siya nang
makita ako at si Doc. "Nasaktan ka." Sabi niya kay Doc.

"I'm a Consunji, Jorge. No one can ever hurt me. Anong akala mo? Our session is
done. Miss Leina, take him away. Call me tomorrow morning, Jorge. Do not forget to
take the meds." May finality na sa boses ni Doc. Naiwanan kaming dalawa sa living
area. Nakayuko siya habang nakatayo sa harapan ko.

"Uuwi na ako, Leina."

He turned around pero hinabol ko siya. Humawak ako sa braso niya. Napatingin na
naman siya sa akin.

"Nasa labas pa si Annie, gutom na iyon, kumain muna tayo." Pinasaya ko ang boses ko
habang kausap siya. "Hindi ka pa napupunta sa Resto ko diba? Lika na! Lika!"
Hinatak ko siya palabas. Laking pasasalamat ko nang magpatianod naman siya.
Natagpuan ko si Annie sa labas, nasa loob siya ng kotse niya. Nakatulog na yata ang
loko. Kinatok ko. "Convoy tayo papunta sa resto ko. Gutom ka na rin for sure."

"Salamat naman, Jusko!" Ni start niya ang sasakyan. Ako ay sumakay kay Jorge pero
kinuha ko ang susi ng kotse niya. Takang – taka siya pero sumakay na rin siya. I
was quiet. Pinapanood ko siya sa salamin. Tuliro siya. Nakatingin lang siya sa
labas. Naabutan kami ng traffic sa may EDSA. Nakatingin lang siya roon.
"Jorge? Can I ask?"

"Yes?"

"After six and a half year, kailan mo ako unang nakita muli?"

I just wanted to distract him.

"Sa elevator ng condo building."

"Hindi mo ako hinanap? Hindi ka nakibalita sa friends natin?"

"Wala akong karapatan, Eleina. I hurt your father."

"We're not sure about that. Naniniwala ako sa sinasabi mong hindi mo natatandaan."
Nagtiim ang mga bagang niya.

"But that's not good enough." He said. "It doesn't mean that I don't remember
anything, I didn't do it. I became a drag queen without me knowing it, Leina. I won
several races in Italy, without me knowing it, Leina, I designed an atomic bomb
without me having any memories of it, but it doesn't mean I didn't do it, Eleina.
Kaya hindi good enough iyon!" Pigil na pigil ang pagsigaw niya. Naaawa naman ako sa
kanya. Alam kong hirap na harap na siya.

"Naniniwala akong hindi mo ako sasaktan pati na rin ang mga taong mahal ko."

"That's not good enough, Leina. What if I did hurt your father? I have gunshot
wounds!"

"Naniniwala ak---"

"Putang ina, Leina, hind inga sapat iyon!"

"Sapat iyon kasi naniniwala ako sa nararamdaman ko! When I'm with you, I feel safe.
When I am with the Jorge who was in our home, I felt anxious, I felt scared. But
with you, it's different. That is enough because I believe that the heart always
recognizes a person's true self." Pigil na pigil ang luha ko. Nasabunutan ni Jorge
ang buhok niya, mayamaya ay humahagulgol na siya.

Jusko, buti na lan traffic kasi baka nabangga ko na ang sasakyan.

"Ayoko nang ganit, Leina..." He said in between sobs. "I am not good enough – not
good enough!" Hinahampas niya ang ulo niya. I sobbed too. Humarap ako sa kanya at
kinuha ang kamay niya. Pinagsiklop ko iyon.

"You are good enough, Jorge. For me you are, so don't hurt yourself. You are good –
the best. And I love you." Wala na akong pakialam kung ako si Maria Pokpok, iyon
naman ang nararamdaman ko. Pinalis niya nang bahagya ang kamay ko.

"No, Eleina. Not until I sort this thing out." He said. I nodded. I'm okay with
that. 

CHAPTER 13

Jojowain

Leina's

"Ang tagal ninyo naman. Gutom na gutom na ako."


Nagrereklamo na hindi lang si Anne kundi pati na rin ang tyan niya nang makapasok
kami ng restaurant. Closing na halos pero kapansin – pansin na marami pa rin ang
tao sa loob. Naupo si Annie sa table malapit sa bintana, nilapitan naman agad kami
ng waiter ko. Bumati muna siya sa akin saka naglapag ng menu.

"Si Mcbeth ba nandito?"

"Dumaan kanina, Boss, pero umalis rin po agad. Nagbilin naman po kay Ma'am Michelle
para mag-inventory mamaya. Babalik raw po siya ngayong closing." Tinanguan ko ang
waiter. Si Annie ay nag-order na. Medyo marami siyang kakainin. Kapansinpansin na
tahimik pa rin si Jorge. Nakatingin lang siya sa labas at hindi nagsasalita, even
when the food came, he just played with his salad. Kung si Annie ay Maria
Karpentero kung kumain, si Jorge, Maria Clara talaga. Napahinga ako nang malalim at
kinuha ko ang plato niya. Napatitig siya sa akin.

"Leina, ako na lang." I shook my head.

"Eat up." I said. Tinapat ko sa bibig niya ang salad spoon. "Ahh, say ahh." He just
looked at me, ibinuka naman niya ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Nang
kumain na siya ay ngumiti na ako. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsubo sa kanya kahit
na pinipilit niyang kuhanin sa akin ang kutsara ay hindi ko ibinibigay.

Maybe he's tired. Halata sa mukha niya iyon. Maybe he's thinking about what
happened earlier. Maybe he's scared. Ang dami – dami siguro niyang iniisip ngayon
at naiintindihan ko iyon. I just want to make him feel better.

"Yuck." Narinig kong sabi ni Annie. Dahil roon ay kinuha ni Jorge sa akin ang
kutsara at siya na lang ang kumain mag-isa. Pinanlakihan ko siya nang mata. Bumalik
na naman si Jorge sa paglalaro ng pagkain niya kaya kinuha ko na naman iyon, bigla
ay tinabig niya ang kamay ko. I was shocked, of course, mukhang nabigla rin naman
siya. Nagtitigan kaming dalawa tapos nagbuntong – hininga siya, kinuha niya ang
kamay ko at saka nilagay ang kutsara, ibinuka niya rin ang bibig niya na tila ba
naghihintay talaga ng pagkain – I smiled widely and fed him again.

"Thank you." Wika niya. I just smiled again, pagbaling ko kay Annie ay inirapan ko
siya. She made a face.

"Gabrielle." Biglang lang nagsalita. Annie and I both answered.

"Yes?" Nang lumingon kami ay nakita ko ang isang matangkad na binatang pamilyar sa
akin. Napangiti agad ako sa kanya.

"Uy, si Jestoni!" Sigaw ko. "Kamusta?" Nakipagkamay ako sa kanya.

"Okay naman. Kanina pa ako. I was thinking of saying hi, pero nahihiya ako kasi
wala naman si Senyor Axel."

"Pinanindigan talaga." Sabi ni Annie. "Baka naman mas malaki ang hacienda natin
kasy kina Sabello ha."

"Ay, si Jorge ng apala. Jorge, si Jestoni, supposed to be boyfriend ni Avery pero


hindi nag-work kasi hindi naman lumalabas ng bahay ang kapatid ko."

"Wala naman sa akin iyon." Tumawa si Jestoni. "Binibiro lang ako ni Senyor noon.
Anyway, kasama ko iyong ka-brod ko, si Adriano Kaligayahan." May tinuro si Jestoni
pero hindi ko naman nakita, kunwari na lang kumaway at tumango ako. "Pakikamusta na
lang ako kay Senyor. Mauna na kami."
Nang tumingin ako kay Annie ay naubos na niya lahat ng nasa plato niya, ni wala
siyang itinara para sa akin. Mukhang nahiya lang siya kay Jorge kaya hindi niya
ginalaw iyong chicken sa tapat na plate nito. She was smiling so wide. Napapailing
ako. Maria Masiba talaga itong batang ito. Siniguro ko munang tapos nang kumain si
Jorge saka ako nagbayad at nagyayang umalis.

Siyempre uuwi na ako dapat, pero hindi ako mapakali. Nagpunta na si Jorge sa kotse
niya, napakatahimik niya. Binalingan ko si Annie. "Umuwi ka na, mag-text ka sa akin
kapag nasa bahay ka na. Ikaw na rin magsabi kay, Popsi."

"Saan ka pupunta? Ayaw ni Popsi na bumalik ka pa sa condo na iyon, baka balikan ka


noong isa."

"He needs me."

"Aww, you love him." Sabi ni Annie sa akin. "Ang hirap niyan ate, anim sila, magulo
iyan."

"Isa lang siya. Anim ang katauhan niya. Madali lang iyan, jojowain ko silang lahat.
Walang makakahindi sa kagandahan ko. Jojowain ko silang lahat, maski na si baklita.
Sige na. Umuwi ka na. Bye." Tumakbo ako papunta kay Jorge. Kinuha ko na naman ang
susi ng kotse niya.

"Eleina, umuwi ka na."

"Oo. Uuwi ako. Uuwi ako sa'yo. Let's go." Ako ang nagpauna sa loob. Hinintay ko
lang siya. Tahimik pa rin siya kahit noong pumasok na siya. Tahimik lang rin akong
nagmamaneho. Hindi ko naman siya tatanungin, basta ayoko lang na mag-isa siya. Baka
kasi kung anong mangyari sa kanya. Gusto ko kahit tahimik siyang ganyan, maramdaman
niyang may kasama siya at hindi siya nag-iisa.

Nakarating kami sa residential building na iyon. I parked the car and we both went
to the elevator para makaakyat na kami sa unit niya. Doon ako matutulog sa kanya.
Kahit sa sofa lang ako, basta may kasama siya.

Mukhang nagulat na naman siya nang pumasok rin ako sa unit niya. Nakatayo lang kami
sa may likod ng pinto, nagtitinginan tapos napahawak siya sa noo niya.

"Leina, kaya ko namang mag-isa."

"I know." I said. "Pero gusto kong sumama rito."

"Why?"

"Because I worry about you." Mabilis kong sagot. He looked defeated. Tumalikod na
lang siya at pumasok sa silid niya. Ako naman ay naupo sa may sofa tapos ay
napabuntong – hininga. I heard him lock his door. Maybe he's thinking that I am
crossing the line. Hindi naman niya ako masisisi. Natatakot rin ako, pero mas
nangingibabaw iyong kagustuhan kong samahan siya tapos siya naman parang walang
balak makipag – usap sa akin. Binuksan ko na lang iyong tv at naghanap ng
mapapanood na pelikula. Hindi pa ako inaantok. Nangangati nga iyong mukha ko kasi
kailangan ko nang mag-skin care. I twitched my lips. Lumingon ako sa may pinto
niya, sarado pa rin iyon. Mukhang tulog na siya.

Tumayo ako. Lilipat muna ako sa kabila para kuhanin ang mga kung ano – ano ko.
Maliligo na rin ako. May gamit pa naman kasi ako sa kabila. Kakatok na lang ako
mamaya sa kanya kapag papasok na ulit ako. Sana marinig niya. I got to my unit,
diretso agada ko sa kwarto para kumuha ng damit. I took a hot shower. Inabot ko
iyong shampoo ko, nalaglag iyon kaya yumuko ako para kuhanin, humawak ako sa shower
curtain pero biglang bumagsak iyon sa akin at tumama sa ulo ko iyong pinaka-rod.

Hindi naman masakit pero nagulat ako kaya napasigaw at napamura ako.

"Aray naman, putang ina!" Next thing I knew, my bathroom door flung opened and
Jorge barged in. Tila madaling – madali siya pero nagtigilan siya nang makita ako,
ako rin naman, naka-tapi lang siya ng towel, ako naman ay hubad pa, natatakpan lang
ng shower curtain ang puke ko pero kita niya ang dede ko.

Napanganga ako, siya rin. Bigla siyang tumalikod.

"I he... uhm, heard you screaming. I thought you were being attacked. I'm sorry."
Kung paanong mabilis siyang nakapasok ay ganoon rin siya mabilis na umalis. Ilang
beses akong nag-blink, bakit parang nahihiya siya? Nakita naman na niya dati ito,
nakain pa nga niya iyong dede ko noon. Nakakaloka.

Tinapos ko ang paliligo. Inayos ko muna ang shower curtain rod pati na rin iyong
mismong curtain saka ako nagbihis. Dahil makikitulog ako sa ibang bahay, nag-pajama
akong terno na kulay orange na polka dots ang design. Happy new year naman sa akin.

Ni-blower ko ang buhok ko. Naglagay ako ng malapad na headband na ang design ay si
Cooky saka ko sinimulan ang skin care ko. Step 1, cleanser, step 2, toner and my
favorite skin booster and mist. Ang bango amoy orange, parang pajama ko lang, step
3 eye cream to protect my eye area, step 4, serum, step 5, face oil and of course,
step 6, my sleeping night cream for that beauty glow in the morning.

Nang matapos ako ay pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa condo ko, lilipat ako sa
kabila, baka tulog na siya, baka hindi niya ako pagbuksan ng pinto. Paglabas ko ng
hallway ay nakita kong nakatayo siya sa may pinto ng unit niya, saglit lang siyang
tumingin sa akin tapos tumalikod na siya pero feeling ko hinawakan niya ang pinto
kasi nakabukas iyon. Tumalon – talon pa ako habang ngiting – ngiting may hawak na
unan papunta sa kanya. I was right, he's waiting for me.

"Hinintay mo ako?" Siyempre nagpapa-cute ako. Jojowain ko nga silang lahat.

"You take the bed, I'll sleep on the couch." Sabi niya.

"Bakit? Malaki naman iyong bed. Pwede naman tayong magkatabi." Sabi ko sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata pati ang butas ng ilong na tumingin siya sa akin. "Ay,
grabe, Jorge, noong isang gabi tabi tayo natulog."

"That's not me. Si Ronni iyon."

"Still it's your body." He looked so frustrated. Hinatak ko ang kamay niya papasok
sa bedroom. Umakyat ako sa kama tapos inayos ko iyon. Naglagay ako ng partition sa
gitna kasi mukhang hiyang – hiya siya sa akin. Wala siyang nagawa kundi ang tabihan
na ako. I looked at him and smiled. "Good night na, Jorge." Magkatapat kami. Medyo
um-score pa ako. I gave him a light peck on his lips sabay talikod.

Ngingiti – ngiti ako. It feels good. Naramdaman kong nahiga na rin siya. I closed
my eyes and I try to sleep. Nagtagumpay naman ako pero naalimpungatan ako makalipas
ng ilang oras kasi pakiramdam ko may nakatingin sa akin at tama naman ako, nang
magmulat ako nakita kong nakaupo siya sa gilid ng kama, sa may side ko at matamang
nakatingin sa akin. Binuksan ko ang bed light, naupo ako at nakipagtitigan pa sa
kanya.

"Bakit hindi ka pa natutulog, Jorge? Gutom ka ba?"

He didn't answer.
"Jorge?"

"He's asleep." He said to me. Noon ako naalarma. "It's me."

"Huh?"

"James."

He looked so much calmer now than the first time I saw him earlier. Jorge – James
wore his hair in a sleek way. Maayos na maayos ang pagkakatali niyon at labas na
labas ang mukha niya. His dominating feature is his jaw, pansin na pansin ko iyon
ngayon. Umusog siya para makalapit sa akin.

"What happened?" I asked.

"Nothing. I just wanted to see you."

"What happened?"

"I don't know." He sighed. Nag-iwas siya ng tingin. Tumayo siya at lumabas ng
silid. Kinakabahan ako pero kalmado naman siya ngayon kaya naisip kong walang
magiging problema. Lumabas rin ako para sundan siya. Binuksan niya ang balcony at
lumabas roon. I saw the tiny light of a cigarette. Sumunod naman ako at tumayo sa
tabi niya. I took a stick of his Marlboro lights, he lit mine and we both puffed.

Naalala ko si Jorge, nagagalit siya sa akin kapag naninigarilyo ako noon. Prone raw
ako sa lung cancer kapag ganoon kaya unti – unti, sinikap kong tanggalin, pero sa
dami ng nangyari ngayong araw ay kailangan ko nito.

"Okay ka lang ba?"

"I just want to apologize for what happened earlier. Hindi mo dapat nakita iyon."
Ang tinutukoy niya siguro ay ang nangyari kanina sa clinic ni Doc. Napabuntong –
hininga siya. "I got out of control. I'm sorry, Leina, but also I am grateful
because you were there."

"What really happened?"

He took in a deep breath. Parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sa
akin ang nangyari. Hinawakan ko ang kamay niya tapos ay ngumiti ako.

"You can trust me. I love him. I will never do anything that can hurt him."

"Right." I saw a hint of smile. "He was trying to retrieve a memory from six years
ago. The Doc used hypnotism to control his mind, but it ended up badly. He was too
anxious and too angry, that I got out, before I realized it, I am too anxious and
angry too. What he feels, I feel too. I needed to vent it out. It's not the first
time, I hurt the Doctor. Buti nga hindi niya kami iniiwanan."

"Was that memory the day my father got shot?"

"Yes."

"Hindi mo rin natatandaan?" Umiling si Jorge – James. "It's okay, naniniwala akong
hindi niya ako kayang saktan, and I want to believe that because he feels that way,
any of you won't hurt me too. I told him that already pero sabi niya hindi raw
sapat iyon. It saddens me because I love him."
"Hindi madaling mahalin si Jorge." Sabi niya sa akin. "He isolated himself because
he knew that. Ayaw niyang makasakit."

"Lahat ng bagay na gusto ko, pinaghihirapan ko bago ko makuha. Alam niya iyon, kaya
alam niya rin na hindi ako basta susuko." Humarap ako kay Jorge – James. "I love
you." Mukhang nagulat siya.

"You love Jorge."

"Yes. And I love you too. Because you are a part of him. I love every part of him."
Matagal niya akong tiningnan. Mayamaya ay binato niya kung saan ang sigarilyo niya
tapos kinuha niya rin ang akin nang hindi niya tinatanggal ang mga mata niya sa mga
mata ko.

"You are indeed the peace in the midst of this chaos, Eleina." He said. Jusko,
siyempre, sa ganda ko ba namang ito hindi ako magiging peace. Dapat nga ako ang
Miss Universe!

"Luh..." Iyon lang ang nasabi ko nang hawakan ni Jorge – James ang magkabilang
pisngi ko. "Huy, anong gagawin..." Naiwan sa bibig ko ang mga salitang iyon dahil
bumaba ang labi ni Jorge – James sa labi ko. Kung gaano siya kabayolente kanina ay
ganoon naman kasuyo ang halik na ginawa niya ngayon. Nakadilat ako, nanlalaki ang
mga mata ko habang siya naman ay nakapikit habang pinagagalaw ang labi niya sa
akin.

It was such a sweet kiss that not a moment later, I closed my eyes to savor it. Oh,
it feels good, oh, I realized how much I miss being this intimate with him. I can
do this all the time, I want to kiss him every day and every night. I wrapped my
arms around his nape and moved closer so I could feel his warmth. I even opened my
mouth for--- what? What's happening. Lumalayo siya.

"Ewww... ewww... ewww!" Sigaw niya sa mukha ko. Inalis niya ang mga kamay ko sa at
namaywang siya sa akin. "Girl! Nakakadalawa ka na! Nakakaloka ka! H'wag mong
pagsamantalahan ang pagkababae ko!"

"Hello... Ronni..." Sabi ko na lang. He walked away. Ako naman ay napapangisi


habang nanlalaki ang mga mata. I kissed him. Oh my god. It felt so good. I kissed
him!

xxxx

Jorge's

Hindi ko pwedeng sabihing hindi ko alam ang nangyari kagabi. Hindi ko pwedeng
sabihing wala akong natatandaan kasi tandang – tanda ko kung anong pinagagawa nila
kasama si Eleina kagabi. Maaga akong nagising, si Leina, natagpuan ko siyang
nakayakap sa akin. Heto na naman akong may kung anong kulay gray sa mukha. Ilang
beses ko nang pinagalitan si Ronni at sinabihan na h'wag maglalagay ng kung ano –
ano sa mukha. I videotaped that so he could watch it at sumagot naman siya na good
for the skin ang mga produktong ginagamit niya.

I notice that my skin became smooth that morning after that incident in Leina's
home, but still!

Dahan – dahan kong inalis ang kamay ni Leina na nakapalupot sa baywang ko. I went
to the other room to check if there' any messages from me from them. Ise-send ko
kasi iyon kay Doc ngayong umaga. I also called Doc Dyosa's favorite coffee shop to
order her favorite cake. Nakakahiya iyong nangyari kagabi.
Naghilamos muna ako dahil nalibadbaran ako sa hitsura ko, saka ako bumalik sa silid
na iyon. I turned the camera on, and I found a new recording, it's James.

I remember the old days when he wanted to take over my body and put me to sleep
forever. It happened on Ibiza, mabuti na lang at nagawan ni Doc ng paraan. She had
us all united. Each one of them wanted to take me out and live my life. Rocky wants
to go to Harvard so he can study, he told me over and over that he can pull it off,
Race wants to be a Formula 1 Champion, he laso wants to be famous in Hollywood,
Jerry wanted to become a famous baker – all of them wanted to be famous. Lahat sila
ay gustong maungusan ang isa't isa. But the doctor unified us all. Hindi ko alam
kung paano nagawa ni Doc iyon, but up until now, wala pa ni isa sa kanila ang
gustong manguna sa akin, they all listen to me.

"Hey, Jorge." I heard James' voice as I play the video. Nang tingnan ko iyon ay
muntik na akong matawa nang malakas dahil sa hitsura niya. Its safe to say that
Ronni came out first and then, he did. May kung ano rin siya sa mukha. Napapangiti
ako. He's a toughie – the toughest of all, siguro inis na inis siya nito.

"Pagsabihin mo si Ronni. Hindi tama ang ginagawa niya."

Halata ang inis niya sa boses.

"But other than that, I just wanted to tell you that you are right. She is indeed
peace. I don't think she'll leave us alone. I guess in any moment, you'll be able
to remember all the things that happened last night. Ngayon pa lang, lilinawin kong
walang naganap na pilitan. It was just a moment, but it's a beautiful moment,
Jorge. I don't think you need to send this to the Doctor. Tell her I'm sorry. James
– out."

Hindi ko nga ise-send iyon kay Doc. It's something personal. Papatayin ko na sana
ang camera nang biglang may nag-play na recording na naman. It was Ronni this time.
Pumipilantik ang mga daliri niya habang inaayos ang buhok.

"Jorge ha, wit ko gusto iyang jowa mo! Ilang beses na niya akong hinahalikan! Ayoko
sa kanya! Gusto ko kay Red! Ayan na naman siya!"

Ang sumunod ay ang paglabas ni Leina sa camera. Tumayo si Ronni, nag-iikutan sila
ni Leina sa camera.

"Punyeta ka, nag-iinit na ang ulo ko! Lumapit ka rito! Lalagyan nga kita ng
lipstick!"

"Hahalikan mo ako!"

"Hindi nga!"

"Ayoko! Sabi mo jojowain moa ko! Ayoko sa'yo! Gusto ko si Red!"

Hindi ko gaanong matandaan si Red. Baka siya iyong lalaking hinahabol ni Ronni sa
footage na binigay sa akin ni Leina noong nakaraan. Nakita ko roon na may hinahabol
si Ronni tapos may humahabol kay Ronni na isa pang lalaki na sumisigaw ng mura.

I went back to the room, tulog na tulog pa rin si Leina. I stood beside the bed, sa
huli, nakinig ako sa sarili ko, bumalik ako sa kama at ibinalik ako ang kamay niya
sa baywang ko. I couldn't sleep anymore. I just looked at her.

James was right, dahan – dahan ko nang naalala ang nangyari. I saw the kiss,
technically it was me too, but I felt jealous. Napatiim ang mga bagang ko.
My phone rang. It was an unknown number pero sinagot ko agad dahil baka magising si
Leina.

"Hello?" I am whispering.

"Jorge. Si Nico ito." Si Nico at anak ni Ninong Renato, isa sa mga taong
kinamumuhian ko. Mabuti na lang at patay na siya. Si Nico ay isa sa mga kasosyo ng
tatay ko sa negosyo niya.

"Wala akong panahon—"

"Nahuli ng NBI si Uncle at ang kapatid mo."

Humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa cellphone.

"Tumawag lang sa akin ang driver ni Jorge kaninang umaga. It's all in the news."

Napatiim ang bagang ko.

"Hello?" Napatingin ako nang magsalita si Leina. Hindi ko napansing nagising na


siya at nakatayo na siya sa may kama. "Opo, Popsi. Sige." Siya ang nagbukas ng tv
at sumalubong sa aming dalawa ang mukha ng tatay ko at ang mukha ni Angelo Jorge na
may pasa pa sa may kaliwang mata habang nasa likuran ng isang Mayor ng siyudad.

"No. He's here. He's watching too. Opo, Popsi. Uuwi ako. Sige." Binaba ko ang
phone. Si Leina ay may tinawagan na naman. "Barang, alamin mo kung nadala na sila
sa crame. I-track mo sila, okay? Pupunta kaming dalawa ni Jorge. Sige, bye." Noon
siya bumaling sa akin. "Magbibihis lang ako. Pinapatawag tayo ni Popsi sa bahay."

Wala akong kibo. Pinanood ko lang siyang lumakad palabas ng silid ko. Tinapos ko
ang tawag ni Nico at sumunod ako kay Leina. I grabbed her by the arm. Takang taka
siyang tumingin sa akin.

"Leina, h'wag mo akong iwanan, please."

"Relax, magbibihis lang talaga ako. Babalik rin ako, okay?" She even kissed my
cheek. I watched her leave the unit.

Sa unang pagkakataon, sa loob ng mahabang panahon, nagsimula na naman akong


umasa... 

CHAPTER 14

Tell all 

Leina's

Parang nagulat pa si Jorge dahil sa bilis nang pagmamaneho ko. Nakahawak siya sa
seatbelt at sa edge ng upuan. Parang hindi na nga siya makahinga kaya lang
kailangan kong bilisan ang pagmamaneho dahil sinabi ni Popsi na bilisan ko.
Masunurin akong anak kaya talagang bibilisan ko. Sa bahay kami ni Uncle Judas
magkikita – kita. Alam kong seryoso ang pag – uusapan nila ngayon, hindi ko lang
alam kung saan papasok si Jorge roon, pero hindi ko naman siya iiwanan.

"Can you slow down?" He asked me. "Baka mahuli tayo ng pulis!"

"Shit! Wala pala akong dalang license!" I said.

"Eleina!" Sigaw niya.


"Leina nga sabi, nakakabwisit ka ha!"

"Stop the car! Stop! Stop!" Hininto ko naman sa gilid. Lumabas siya ng kotse,
lumabas rin ako. Akala ko lilipat siya pero natagpuan ako siyang nakatayo sa gilid
ng sasakyan. Nakatukod ang kamay niya sa pinto at humihinga siya nang malalim.
Jusko, nahilo yata. Kaya lang kailangan ko talagang magmadali.

"Okay ka lang ba?" I asked him. Tiningnan niya lang ako. Nakasimangot siya.
Tinitingnan ko kung si Jorge ba siya kasi baka mamaya may switching na naganap,
mukhang si Jorge pa rin naman talaga siya. "Huy." Dinutdot ko ang pisngi niya.
Masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"You kissed James." He said. I was taken aback. Expected ko namang matatandaan niya
iyon, sabi kasi ni Ronni, minsan na lang daw talaga makalimot si Jorge sa mga
nagaganap sa buhay niya, madalas, nagpa-flash sa memories niya ang nangyayari kapag
may switching na nagaganap but sometimes, it may take two or three days before he
finally recovers the lost memories, pero ngayon, natandaan niya agad. I made a
face. "Don't make faces. I am asking you."

"Hindi naman tanong iyon. Statement iyon. Oo, hinalikan ko si James." Namaywang pa
ako. "Anong problema? Nagseselos ka?"

"Ibang tao iyon!" He hissed.

"No. He is a part of you. I love you and I love every part of you. Napagdesisyunan
kong jowain lahat ng parte mo, maski si baklita kahit nagsusumigaw siya kasi
hinahalikan ko siya kagabi." Iiling – iling ang mokong. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Makinig ka sa akin at intindihin mo ang sinasabi ko. Jowa kita, marami ka mang
pinagdadaanan, mula kagabi nagkabalikan na tayo, wala akong pakialam sa hindi mo
matandaan, we will cross the bridge when we get there but this time, I will never
let anything come between us anymore. Mahal kita, jowa kita, jowa ko rin si James,
jojowain ko si Race, at si Ronni – kahit palagi niyang feeling na
pinagsasamantalahan ko siya, at iyong natitira pa diyan sa'yo na nahihiya pa sa
akin, aangkinin ko rin iyan. Jowa kita at jojowain ko kayong lahat. Tandaan mo
iyan. Wala kang dapat ikaselos, kasi kahit sino ka pa, sa puso ko, ikaw lang si
Jorge."

Natulala ang mokong. Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan siya sa labi saka ako
bumalik sa sasakyan. Hinintay ko siyang sumakay muli tapos pinasibad ko na ang
kotse. Twenty minutes later ay nasa bahay na kami ni Uncle Judas. Hawak – hawak ko
ang kamay niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng round table room.

Naroon ang lahat – si Uncle Jude kasama si Cindy at si Eli, si Uncle KD and kuya
KS, si Uncle Simoun at Kuya Red na katabi si Kuya Adonis at si Ninong Ido, at
siyempre si Popsi at si Avery na may suot na hoodie kahit pagkainit – init ng
panahon. Parang aalarma si Kuya Don nang makita si Jorge. Agad siyang tumuwid ng
upo at hinawakan ang kamay ni kuya Red na binitiwan rin agad noong huli.

"Don, tigil – tigilan mo iyan." Narinig kong sabi ni Ninong. "Nakakahiya kayo ni
Red. Mga putang inang ito."

"Nandito na ang star ng show." Sabi ni Avery. Naupo ako sa tabi niya. Si Popsi,
tiningnan lang ng masama si Jorge pero hindi man lang pinaupo. Siniko ko siya.
Popsi looked at me.

"Ay nakakahiya naman, ako pa ba ang mag-aadjust?"

"Pops!"
"Magsimula na tayo." Sabi ni Ninong. Siya ang leader ng Originals kaya siya ang
palaging nagpapatawag ng meeting. Binibiro nga siya na ibigay na raw kay Uncle Jude
ang kuwintas pero hindi niya binibitiwan iyon, pang-gwapo lang iyon and I agree
with him. "Jorge, sabi ni Axel hindi raw ikaw iyong unang nagpunta rito?"

"Hindi po ako iyon, Sir." Mabilis niyang sagot. "May kakambal po ako. Leina knows
this, she was attacked by him. Hanggang ngayon, gusto nilang masaktan ang pamilya
ni Leina."

"Bakit ba? Ano bang ginawa mo, Axel?' Tanong ni Uncle Simoun. "Parang matagal na
itong galit niya sa'yo. Dumating pa sa punto na pinauubos niya ang pamilya mo."

"Putang ina naman, Simoun, wala nga akong ginagawa sa taong iyon."

"Baka naman inagawan mo ng hotdog iyon." Sabi ni Uncle Jude.

"Oo, diba mahilig ka sa hotdog noon, Kuya!" Sabi naman ni Uncle David.

"Hotdog mo, supot." Wika ni Ninon Ido. Tumingin si Uncle kay Ninong.

"Sino ngang asawa ni Aswell, Ido na tatay ng tatlo mong apo?" Ngumisi si Uncle
David.

"Putang ina mo!" Sigaw ni Uncle. Si Uncle Jude ay tawa rin nang tawa kaya
binalingan siya ni Uncle David.

"Sino nga ring asawa ni Belle and tatay ng dalawa mong apo, Jude?" Nawala and ngiti
ni Uncle Jude. Tumawa si Red at Eli pero nang titigan sila ni Uncle Jude ay naubo
na lang silang dalawa. Si Popsi at tumingin kay Jorge.

"Baka naman ikaw alam mo?"

He shook his head. "I was too young to know, pero bata pa lang ako, Sir—"

"Senyor nga."

"Senyor Axel." I shook my head. Wala naman kaming hacienda! "Nakikita ko na kung
gaano siya kasama. He was never a good father to any of us..." Naramdaman ko ang
paghigpit ng hawak ni Jorge sa kamay ko kaya mas lalo akong naging attentive sa
kanya. Tumahimik naman ang lahat. I don't know what he'll do.

"My father is a murderer."

"Ako rin." Sabi ni Ninong. Hindi talaga siya papatalo. Tumango lang si Jorge.

"He's a bad man."

"Ako rin." Si Ninong na naman.

"I know you are sir, but did you drive one of you children to their deaths? 'Cause
my father did. He engaged in sexual orgies and forced my mother to other men."
Napatitig ako sa kanya. I was only nine years old then, I wanted to save my mother
from him but I was too young, I couldn't do anything. At fifteen, he raped my
sister, and he let his partner use her too, he made me watch them. My sister
committed suicide after that."

Napatayo ako. Hindi ko ito alam. Hindi ko inaasahan na ganoon.


"He is abusive, he is greedy, my mom couldn't take the shit anymore, she decided to
leave with us – with Jorge – Angelo Jorge – pero hindi hinayaan ng tatay ko na
walang anak na maiiwan sa kanya. Kailangan niya ng tagapagmana. Naiwan si Angelo sa
bahay na iyon at siya ang naging tagasalo ng lahat. He was always telling that it
should've been me. I should've been the one to inherit everything because I am his
first born but I don't want anything to do with him and his family. I changed my
name because I don't want to be his son."

Lahat ay natahimik at walang gustong magsalita matapos nang sinabing iyon ni Jorge.
Nakatingin lang ako sa kanya habang tahimik na lumuluha. It's so wrong to find out
this way. Sana sinabi niya sa pagkakataong kaming dalawa lang pero nandito na
kaming dalawa. Hindi ko na mababawi ang pagkakataon.

Ang dami kong na-realize. Naalala ko ang mga nabasa ko noon, a person develops DID
when he experienced severe trauma in his younger years.

"My father killed my sister." Sabi niya habang basag ang boses. "Wala akong nagawa.
Binaboy niya ang kapatid ko, wala akong nagawa."

"Mahihiya si Satanas sa tatay mo." Sabi ni Ninong. Tumayo si Uncle Jude. Kuyom na
kuyom ang palad niya.

"Galit ako sa rapist." Sabi niya. Totoo iyon. I remember Belle.

"Wala na akong pakialam kung galit siya sa pamilya ninyo ni KD, Axel." Sabi ni
Uncle Simoun. "Galit na rin ako sa kanya. I've done my share of bad things, but I
am a father, also a grandad at hindi ko masikmura ang mga ito."

Wala na akong pakialam sa kanilang lahat. Hinahaplos ko ang kamay ni Jorge.

"Avery, anong balita?" Tanong ni Uncle KD.

"Nasa crame sila, Ninong. Wala pa akong ideya kung paano nahuli ang mag-ama, mamaya
– maya nandito na si Anne, baka may information na siya." Si Anne ang katawan ni
Avery sa labas, kapag may pupuntahan, si Annie ang bahala. Hindi naman nagtagal ay
dumating ang kapatid ko. She smiled at everyone, kumakain pa siya ng bubblegum.

"Sabi noong tauhang nauto ko, may mole raw sa loob, galing NBI. Hindi niya alam
kung sino kasi nakatakas siya noong gabing iyon, pero napasok raw sila. Iyong Nico
De Angelo raw ngayon ang nagpapatakbo ng sindikato."

"Sige, sige. Sisiguruhin kong may kalalagyan sila." Wika ni Popsi. Tumingin siya
kay Jorge at tinapik sa braso. "H'wag kang mag-alala, bata, matagal na kaming
tahimik ng mga kapatid ko, pero kahit kailan, hindi kami pumapalpak. Kung sakaling
mapapatay ba ang tatay mo, magagalit ka?"

"Hindi po." He said. "Pero kung ako ho ba ang nakabaril sa inyo, magagalit kayo sa
akin?" Balik – tanong niya.

"Ikaw ng aba ang bumaril sa akin?"

"Hindi ko pa rin po alam."

"Pag-usapan na lang natin sa ibang araw. Sige na, Leina, iwanan ninyo na muna
kami." Hinatak ko siya palabas. Nasalubong nga namin si Tita Arielle at inalok
kaming kumain pero tumanggi ako. Sumakay kaming muli sa kotse at ako muli ang
nagmaneho, dinala ko siya sa bahay namin. Basta hindi ko pa rin binibitiwan ang
kamay niya.
"Leina..." Nagsalita na siya noong nasa loob na kami ng bahay. "Leina, nagugutom
ako. Pakainin mo ako..." I missed him saying that. Tango lang ang binigay ko sa
kanya. Nagpunta kami sa kitchen at naghanap ako sa ref ng mapapakain sa kanya.
Nakita kong may mga gulay roon at may macaroni shell. Naisip kong ipagsopas siya.

He waited patiently. I didn't ask him anything. Kung may sasabihin naman kasi siya
ay magsasalita siya. Hindi ko siya kailangan pilitin. Inihain ko sa kanya ang
niluto ko. Nakaupo siya sa highchair sa counter, ako naman ay nasa kabilang side –
magkaharap kaming dalawa.

"Eat up." I said. He did. Pagkatapos ng dalawang subo ay tiningnan niya ako.

"Kung ako ba ang bumaril sa Daddy mo, mamahalin mo pa rin ako?"

"Naniniwala akong hindi ikaw ang bumaril kay Popsi." I smiled at him.

"Paano kung ako? Sagutin mo ang tanong ko."

Mahirap kasi hindi ko alam kung paano nga kung siya pero malakas talaga ang
paniniwala ko. Nakikita ko sa mga mata niya ngayon na talagang gusto niyang malaman
ang sagot ko sa tanong niya. Hinawakan ko lang siya sa kamay.

"Mamahalin pa rin kita, pero hindi ko alam kung kakayanin kong makasama ka pa."
Makatotohanan ang sinabi kong sagot. Tama naman. Kahit magalit ako sa kanya – na
siyang nangyari sa loob nang mahabang panahon, naitabi sa puso at isipan ko ang
pagmamahal na iyon, mamahalin ko siya kahit siya pa ang bumaril kay Popsi, pero
hindi ko sigurado kung kaya ko iyonh tanggapin.

Napatango siya. "Kung ako man ang bumaril sa kanya, piliin mong iwanan ako." Gusto
kong maiyak pero alam kong tama naman ang sinasabi niya sa akin. Binigyan ko siya
ng isang tango. Nagawa niya pa ring ngumiti. Nagpatuloy siya sa pagkain. Sinusubuan
niya rin ako.

Nang matapos siya ay siya pa mismo ang naghugas ng plato, tapos noon ay nakatayo
lang kaming dalawa sa kusina. Naaalala ko ang Jorge ko noong college, iyong
malokong nakakainis a Jorge, ibang – iba siya ngayon, siguro kailangan niyang
maging iba dahil iba na rin ang sitwasyon niya.

"What are you thinking?" He asked.

"You." I truthfully answered. Sukat ba namang ngumiti siya – iyong ngiti ni Jorge
noong college, iyong abot sa mata, iyong totoong – totoo. My heart skipped a beat.
"What are you thinking?"

"Ikaw rin."

Jusko, hindi ko naman siya masisisi. Sa ganda kong ito? I'm also perfect!

"Eleina." Sabi niya sa akin.

"Oh?"

"May carrots ka." Sabi niya. Putang ina! Nakakahiya! Kanina pa kami tapos kumain
ngayon niya lang sasabihing may bangas pala ako sa bibig! Nakakabwisit naman!
Pinahid ko ang kaliwang pisngi ko. "Wala diyan, sa kanan." Pinahid ko ulit. "Tsk,
hindi naman natanggal eh."

"Nasaan ba kasi! May salamin si Momsi dito eh." Bubuksan ko sana iyon drawer pero
hinawakan niya ang kamay ko.
"Ako na lang magtatanggal."

"K." Inis pa rin ako. He held my left cheek, and then, my right cheek. He looked at
me in the eye. All I can see is my Jorge, no one but him, his eyes are so full of
love – ako pa rin ba? Gusto kong itanong iyon sa kanya, sana ako pa rin.

"Nandito." He said. Biglang bumaba ang labi niya sa labi ko. He kissed me. Halos
matunaw ang buong pagkatao ko. Walang carrots, gusto niya lang akong halikan.
Ngayon ko naalalang ganito ang trip niya. Kung hindi man carrots, sasabihin niya
kanin tapos hahalikan niya lang pala ako. Pero pinigil ko muna siya.

"Utang na loob, Ronnie, moment muna namin ha. Ako muna saka ka na umepal."
Natatawang napapailing si Jorge tapos hinalikan niya akong muli. It was a careful
kiss – on my part, ayoko kasing biglain siya kasi baka mamaya lumabas ang isa sa
alter egos niya. I love all of them, but now, I just want to be with my Jorge.

Bigla ay lumalim ang halik niya – malumanay at malalim, naging mapaghanap. Pamilyar
na pamilyar sa akin ang mga halik na iyon. Tinulak ko siya. I needed to look at his
eyes. Nagtataka ang mga mata niya. It's still him.

"H'wag dito. May cctv." I bit my lower lip. I held his hand. Hinatak ko siya para
umakayat kami sa hagdanan. Palingon – lingon kami pareho kas inga may cctv roon. We
went to my room. I locked the door and faced him again. My god, I missed him so
much, I really do. Anim na taon kaming wala sa buhay ng isa't isa at gusto ko lang
siyang makasama ngayon.

I kissed him, he kissed back. Lumayo ako.

"Utang na loob, kung naririnig ninyo ako, kami muna ni Jorge, okay ba?"

"Stop, Love." He said.

"Why? Does it trigger you? I just don't want them to come out now. Wag si Ronni.
Please lang." Sabi ko. Lumapit siya sa akin para kuhanin muli ang labi ko. Jusko,
excited na excited ako. Sabi ni Momsi dapat Maria Clara, pero ako ngayon si Maria
Malibog.

"They won't come out." He said while nibbling my earlobe. Nanginginig ang tuhod ko.
Gusto ko nang maghubad.

"How can you say that?"

"I'm sure." He softly bit the skin in my neck. "I'm not anxious or angry. I am not
attacked. It's just me, Eleina."

"Okay, now kiss me again."

He did. Hinayaan kong maglandas ang mga kamay niya sa buong katawan ko. Hubad na
hubad na ako. Ako nga ang naghubad ng damit naming dalawa. We climbed the bed, he
put himself on top of me and kissed me.

I have been dreaming of this moment for a long time. I used to just dream about
being with him again, pero nandito na kaming dalawa muli. I want him and I love
him.

Jorge kissed my neck, my cleavage and then, kinain na naman niya ang dede ko. I
almost forgot how good he is at making kain the dede and the pekpek. Jusko, ang
sarap. Napapatingala pa ako, napapahawak pa ako sa headboard mismo ng ng kama ko.
Gusto kong magpasalamat para sa sarap at kiliting nararamdaman ko pero kanino?
Magagalit si Lord kapag nag – thank you ako sa kanya. Duh, premarital sex ito,
hindi dapat ito tinutularan lalo ng mga bata diyan! Masarap naman pero bad ito,
pero masarap talaga.

"Ahhhh..." He touched my vagina. I opened my legs for his better access, I felt his
finger and then his mouth, and then his tongue and all I could do is say: Ahhh...
ahhh... Jorge, ohhh...ahhh...."

Ay napakagrabe po!

I felt every kiss, every movement of his finger and mouth. Sobrang grabe nito! At
mas grumabe pa noong sumabog ako. He knew that I exploded, he positioned himself,
he put my legs over his shoulder and that was when our bodied collided.

May kaunting hapdi akong naramdaman. It's been a long time. Mukhang nabigla rin
siya kasi napatitig siya sa akin at tumigil siya sa paggalaw. Hinaplos niya ang noo
ko.

"Are you alright? Should I go on?"

"Duh, mas masakit kapag di mo tinuloy no." Lumabi pa ako. Bigla siyang natawa pero
nagsimula na siyang gumalaw. Napakagat – labi ko. I could feel all of him inside of
me. Punong – puno ang pakiramdam ko, sandali lang iyong mahapdi as in mga ten
seconds lang, nanibago lang si pekpek kasi may bisita siya sa loob, but I'm okay
now.

I felt a lot of electric voltage in my body. Jusko, may kuryente ang bur niya.
Nakapikit na ako kasi feel na feel kong sasabog na naman ako, and I did pero siya
hindi pa. He kissed me and I kissed him back. I love his warmth, I love the feel of
him inside of me, sobrang na-miss ko ito.

We both came. He pulled it out. Binigyan ko siya ng face wipes – wala naman kasi
akong tissue no. Nagaatubili pa siyang kuhanin iyon. He went to the bathroom and
came back. We cuddled. Masaya ako, sana talaga h'wag na siyang umalis, sana ito na
ang huling problema naming dalawa.

Humarap ako sa kanya.

"I love you, Jorge – Miguel Jorge."

"I love you more, Eleina."

Kinutusan ko siya.

"Leina nga! Leina!"

"Eleina." He smiled.

"Leina!" Piningot ko siya nang matagal. Napaa-aray siya. Tatawa – tawa ang loko
kaya piningot ko ulit. "Leina! Nakakainis ka!" Hinampas ko siya sa dibdib tapos
kinurot ko sa utong niya.

"OH MY GOD!" Sumigaw si Jorge. Natigilan ako. Shit!

"Ronni?" Disappointed na wika ko. Biglang tumawa nang malakas si Jorge.

"Nope. Still me." Hinatak niya ako para halikan muli. "Mahal kita, Eleina, hindi
ako tumigil sa pagmamahal sa'yo. Tumigil lang akong pangarapin ka pero hindi sa
pagmamahal." Napakasarao pakinggan noon.

We both fell asleep. Nauna siyang magising sa akin na pinagmamasdan ako.

"Sumama ka sa akin bukas." He said.

"Saan?"

"Iuuwi kita sa Calapan, Oriental Mindoro."

"Okay..." He nodded.

Nagbihis na kami noon – siyempre nag-shower muna pero walang hanky panky. Lumabas
kami ng silid ko, nagulat akong naroon bigla si Momsi at Popsi malapit sa silid ko
tapos nakatingala sila pareho.

"Sabi ko sa'yo, Axel, agiwan mo na iyang kisame!"

"Yes, dear! Oh, nandyan pala kayong dalawa. Hindi namin alam iyon!"

I rolled my eyes. Ipinatong ko sa aking balikat ang braso ni Jorge at tiningnan ko


si Popsi. Nilagpasan namin silang dalawa. Ang plastic ng mga magulang ko. Grabe!

CHAPTER 15

Three

Gabrielle Eleina's

Tahimik pa rin si Jorge, pero okay lang iyon. Kita ko naman sa mga mata niya at sa
mga kilos niya na okay siya, sana nga masaya siya kasi iyon lang naman ang gusto
ko. Pupunta kami ngayon sa Calapan, Oriental Mindoro. Ipapakita niya raw sa akin
ang bahay at ang farm niya roon. Kagabi, nagkukwento siya sa mga naipundar niya at
wala akong masabi, I am just proud of him. Self-made man siya. Kahit na may mga
kakaibang bagay sa kanya, nagawa niya pa rin ang mga bagay na gusto niya and I am
very happy for him.

Kasama namin si Anne sa pagpunta sa Calapan, Oriental Mindoro. Excited ang bruha.
First time niya kasing makakapunta roon. Inaaya nga rin namin si Aelise pero uuwi
siya ng Bulacan dahil birthday ni Sabello at ni Ross today. May maliit na birthday
party para sa magkakambal.

"Aalis na ba ang ferry?" Avery spoke. Nasa loob na kami ng ferry papuntang Mindoro.
Nag-travel kami via bus papuntang Batangas Port tapos ngayon naman ferry na kami.
As usual, nakasuot na naman siya ng hoodie, may pa-pita mask pa ang luka – luka,
akala yata niya IDOL siya kaya naglalabas ng bahay na ganito. Hindi naman siya
dapat sasama pero wala siyang nagawa kasi si Popsi na mismo ang nag-empake ng gamit
niya, ipinahitid kami ni Popsi kay Kuya Eli at Japet papuntang bus station para
sure raw na walang takas si Avery.

"Paalis pa lang."

"Okay." Nakasimangot siyang pumikit. Katabi niya si Anne, siyempre ako, katabi ko
si Jorge.

"Excited ka?" Dinutdot ko ang braso niya. He nodded at me.

"I missed home." He said. May kung anong humaplos sa puso ko. I am happy that he is
excited about something. Hinawakan niya pa nga ang kamay ko. "Thank you for coming
home with me." Sabi niya pa. Jusko, kanina may humaplos sa puso ko, ngayon tunaw na
siya. Hinalikan niya pa iyong mga daliri ko – oo, inisa – isa niya. Kilig na kilig
ako tapos iyong kapatid kong si Anne, nakatingin, nakangiwi sabay sabing: Yuck.
Binitiwan tuloy ni Jorge ang kamay ko. Nang hindi nakatingin si Jorge ay pasimple
kong hinatak ang buhok ng kapatid ko.

"Aray naman, Ate!" Sigaw ni Annie. Napatingin tuloy sa amin ang ibang mga kahilera
namin. Patay malisya lang ako tapos yumakap ako kay Jorge. He held my hand again.
Nang maramdaman kong umandar ang barko ay pumikit ako, nararamdaman ko kasi iyong
paghampas ng alon, pero mas naramdaman ko noong i-enclose ni Jorge ang mga braso
niya sa akin. He keeps on kissing my head. Jusko, paano baa ko kakalma? Nasa barko
ako, kailangan, Maria Clara, pero Maria Malandi pa rin ang labas ko.

After one hour and forty – five minutes, nakarating na kami ng port ng Calapan,
Oriental Mindoro. Nakakatuwa, ganito pala ang hitsura ng lugar na ito. Madagat,
matao, pero mukhang tahimik naman. Kanina habang nasa ferry ay may itinurong isla
sa akin si Jorge, iyon raw ang Isla Verde, maganda raw doon at minsan ay daldalhin
niya ako. May kakilala raw siya roon na matutuluyan namin ang bahay.

Naglakad – lakad lang kami sandali, ang sabi ni Jorge ay may susundo raw sa amin.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko na ang isang kulay asul na Toyota Hi-Ace. May
bumaba roong middle aged man tapos kumaway sa amin. Ngumiti naman ako - lalo noong
lumapit sa amin ang matandang iyon.

"Anak, kamusta ang byahe?" Wika nito sabay yakap kay Jorge. Nakatingin lang naman
ako sa kanila.

"Ayos naman, Tay. Nga pala, si Eleina..." Napangiwi ako. Agad kong pinisil ang
braso niya. "At si Avery, Anne, mga kapatid niya. Mga bisita ko ho. Si Tay Manuel,
uncle ko, kapatid ni Mommy."

"Hi, nice to meet you po." Nagmano ako. Narinig ko naman ang mga kapatid ko – si
Anne umubo pero ang sabi niya talaga Plastic! Si Avery naman, Kunwari mabait.
Hinarap ko sila para panlakihan ng mata. I smiled at them. "Mamaya lagot kayo sa
akin."

"Sumakay na kayo. Naghanda ang Tita Menchie ninyo ng masarap na tanghalian."

"Yown! Gutom na ako!" Sigaw naman ni Anne habang sumasakay sa van. I just made a
face. Inalalayan ako ni Jorge na sumakay na rin. Tabi pa nila Avery sa likod habang
si Jorge ay nasa harap kasama ang Uncle niya. Habang hindi siya nakatingin ay
sinuntok ko sa binti si Avery at Anne. Napaaray sila nang malakas, kaya napalingon
si Jorge.

"Okay lang ba kayo?"

"Si Ate kasi na—" Tinakpan ko ang bibig noong dalawa.

"We're fine." I smiled widely. Napangiti rin siya at muli siyang nakipag-usap sa
Uncle niya. Binitiwan ko iyong dalawa at pinanlakihan ko ng mga mata. Sinimangutan
lang nila ako pero hindi naman kami nag-aaway talaga.

Pinagmamasdan ko lang si Jorge. Iba ang ngiti niya ngayong kausap niya ang Uncle
niya. Mukhang dito talaga siya at home. Mukhang sa lugar na to at peace siya.

Matapos ang halos twenty minutes ay huminto na ang van sa loob ng isang malaking
bakuran. Hindi ko napansing pumasok na kami sa isang gate. Bumaba agad si Jorge, si
Anne naman ay binuksan ang pinto ng van at sunod – sunod na kaming bumaba. He took
my hand again and we walked to enter the house. Medyo malaki ang bahay, two –
storey house iyon na mahaba. Siguro napaka-spacious ng loob.

Pagpasok namin ay sinalubong ako ng isang makulay na sala. Ibang – iba ito sa condo
unit ni Jorge sa Metro na namumutaktak sa white, gray and black. May isang middle
aged na babae rin ang naghihintay sa amin. Yumakap si Jorge sa kanya.

"I miss you, Tita." Wika pa niya. "Si Eleina po."

"Leina lang po, h'wag kayong maniniwala sa kanya." Nagmano rin ako tapos yumakap.
Napansin kong nakatitig siya sa akin, naglipat – lipat ang tingin niya sa akin at
kay Jorge.

"Mas maganda pala siya sa personal, MJ." Pumalakpak ang tainga ko. Natural lang
siguro na may picture ko na nakita ang tita niya kaya niya nasabi iyon. I smiled
widely.

"It's so nice of you to meet me." Sinasabi ko iyon habang kinakamayan ko siya.
Nagakatawanan kaming dalawa. Ipinakilala na rin ni Jorger ang mga kapatid ko.

"Nakakatuwa naman at may kasama kang mga bisita. Na-excite ako noong tumawag ka
kaya naghanda ako nang kakaunti lang namang ulam para sa kanila. Kumain na tayo.
Halika na."

"Ah, Tita, saan po ba?" Tanong ni Annie. "Kanina pa nagrereklamo ang tyan ko eh."
Sumunod kaming lahat sa Tit ani Jorge. Lumabas kami ng main house at naglakad
papunta sa isang may kalakihang kubo sa gitna ng bakuran nila kung saan maraming
puno at kita ang dagat. Masarap ang simoy ng hangin. Napkatahimik ng lugar na ito,
kaya siguro masaya siya rito.

Pumasok kami sa kubo at nagtabi – tabi kaming magkakapatid.

"Hija, hindi ka ba naiinitan?" Tanong ni Tita kay Avery. "Balot na balot ka."
Napatingin si Avery sa akin, nagkibit – balikat lang naman ako, pero hinubad na
naman niya ang hoodie niya, iyon nga lang, mukha na siyang tostadong ham. Namumula
na naman ang braso, leeg at sa may bandang dibdib niya, sigurado akong buoang
katawan na ito mamaya.

"May dala ka bang gamot?" Tanong ni Anne.

"Meron. Mamaya na lang."

"What's with her?" Jorge asked.

"Allergic siya sa init. Kaya hindi siya masyadong naglalabas. Noong bata pa kami
nagkaroon siya ng anaphylactic shock, muntik na siyang mamamatay noon."

"Magiging okay lang ba siya?" Sabat noong Tita ni Jorge. "Sorry, hindi ko kasi
alam."

"Okay lang po." Avery smiled. "Kain na tayo."

May sugpo, itlog na pula, sinigang na baboy, ensaladang mangga, pusit at inihaw na
bangus sa mesa. Si Anne ay enjoy na enjoy na naman. Kumakain rin ako pero mas ang
atensyon ko kay Jorge. Natutuwa kasi akong nakikita siyang kausap ang Uncle at
Auntie niya. My heart leaped with so much joy, ito iyong Jorge ko, iyong Jorge na
nagpahulog sa akin. Tumatawa siya, nakikipag-kwentuhan, bigla – biglang nawala
iyong tahimik na Jorge. Naluluha ako.
Nang matapos ang tanghalian ay kami na nila Avery ang nagligpit. Ayaw pa nga ng Tit
ani Jorge dahil bisita raw kami but our parents did not raise us that way. Matapos
ang ligpitin ay inihatid na ni Jorge si Anne at Avery sa silid nila. Kaming dalawa,
siyempre ang magkasama sa silid.

May anim na kwarto sa itaas. Sa pinakadulo raw ang silid niya. Iyong Uncle at
Auntie niya, may sariling silid sa ibaba.

"Jorge, nasaan na ang Lola mo?" I asked habang naglalakad kami papunta sa kwarto
niya.

"Lola died three years ago, wala naman siyang malubhang sakit pero siguro dahil na
rin sa katandaan. She was 93 when she died. Days before she passed away, palagi
niyang tinatawag ang Mommy, naisip na namin noon nab aka sinusundo na siya. Hindi
naman kami nagkamali."

Bigla kaming huminto sa may tapat ng pinto ng silid niya. Nagtatakang napatingin
ako sa kanya. Parang nahihiya na naman siya, kanina, hindi naman siya ganito.

"Anong meron?" I asked him.

"Wala naman... ano lang... basta h'wag kang mabibigla." Sabi niya sa akin.

"Bakit, may porn ba loob? Okay lang, nanood naman ako ng porn tapos minsan kapag
horny ako medyo nagsa-sariling sikap ako."

"Ha?" Nakatitig lang siya sa akin.

"Ha?" Jusko, Leina! Nakakahiya! Bakit ko sinabi iyon?! Buti na lang hindi na niya
masyadong pinansin. He opened the door. Nauna siyang pumasok. Hinawakan niya iyong
pinto, tulad noong unang gabi namin sa unit niya, hinihintay niya akong pumasok.
Ang una kong nakita ay iyong malaking bintana kung saan tanaw na tanaw ang dagat.
Doon ako nagpunta. Binukas ko pa ngayon para makapasok ang hangin. "Ang ganda –
ganda rito!"

Tumayo siya sa tabi ko. "Indeed, Leina." Expected ko nang sa akin siya nakatingin
kaya lalo akong ngumisi nang lumingon ako at sa akin nga siya nakatingin. Kinurot
ko pa ang tagiliran niya kasi kinikilig ako. Tumayo siya sa likuran ko at nilagay
niya ang mga braso niya sa bandang dibdib ko saka ako hinatak papunta sa kanya.

"Napansin kong iba ka rito."

"Wala namang switching. Ako pa rin ito."

"That's not what I mean." I faced him. "Kanina sa ferry tahimik ka, pero noong
makita mo si Uncle mo, habang papauwi tayo rito, alam mo kung sinong nakikita ko?"
Mukhang siyang kinabahan. Gusto ko namang matawa. "Nakikita kita. Ikaw. Iyong Jorge
ko noong college. Corny man pakinggan, but I could see the man I fell in love with,
the carefree one, the happy one. I know it's hard, Jorge, but you need to know that
I understand and love you – all of you."

"Thank you, Love." He bent down to kiss me. Feel na feel ko na naman. Yumakap siya
nang mahigpit sa akin. Ang pwesto namin, si Jorge na ngayon ang nakaharap sa may
dagat ako naman sa loob ng silid ang view ko, bigla akong bumitiw sa kanya dahil
natawag noong malaking painting sa may pader sa side ng pinto ang atensyon ko.
Lumakad ako papunta roon at tumayo sa harap. Titig na titig ako.

It's an abstract painting, iba – ibang oil based paint ang ginamit roon pero noong
sundan ng mga mata ko iyong itim na linya, naaninag ko iyong pigura, tumingin ako
sa kanya.

"Its me!" I said. "Oh my god! Its me! Ang ganda ko pa rin kahit abstract!"

"Hindi ba creepy?" He is now sitting on the bed. "Uncle said it might look like I
am obsessed with you. Dapat nga tatanggalin ko iyan. Papalitan ko ng iba."

"Grabe ka!" Hinampas ko siya sa balikat. "Bakit? Oh my god, ang ganda! Pwede bang
akin na lang ito?"

Tumawa siya tapos ay hinatak ako sa baywang para maupo sa kandungan niya.

"Igagawa na lang kita ulit." He said. Namimilog ang mga mata ko habang nakatitig sa
painting na iyon, si Jorge naman ay busy sa paghaplos sa akin. I grinned at him.

"Love, marami akong nakain kanina, mag-exercise muna tayo." Sabi ko sa kanya.
Napapatango siya, may kasama pang kindat. Kinilig ako.

"Ronni, and other, rest muna kayo ha, kami munang dalawa ni Jorge."

"Shhh." He said. "H'wag kang maingay, baka magising sila." Kinagat niya ang braso
ko. Heto na naman!

xxxx

Miguel Jorge's

I found myself lying on the ground. Hindi ko alam kung nasaan ako pero madamo sa
lugar na iyon. Mainit. Hindi ko alam kung anong oras na pero nagtataka ako kung
paano ako nakapunta rito. Wala ako dapat rito. Nasaan si Lola? Masakit ang batok
ko, para akong hinampas ng kung ano.

"Miguel!" Nagtatakang napatayo ako kahit nahihilo. Naririnig ko ang pangalan ko.
"Miguel!"

Hinahanap ko ang boses na iyon. Palayo nang palayo kaya lumakad naman ako nang
lumakad. Sa bandang gilid ay may nakita akong isang pigura ng isang lalaking
pamilyar sa akin. Nakaputi siyang damit, tulad ko ay nakahiga rin siya sa lupa pero
tumayo siya.

"Miguel!"

Siya ba ang tumatawag sa akin?

"Miguel!" Bigla siyang humarap sa direksyon ko. "Miguel! Umalis na tayo rito!"
Naguguluhan ako. Anong ginagawa niya rito?

"Angelo?" Humahangos na lumapit siya sa akin. Iba ang hitsura niya. Maikli lang
buhok niya na clean cut. Simpleng – simple ang damit niya. Humawak siya sa braso
ko.

"Umalis na tayo rito, Miguel." Hinatak niya ako palayo sa lugar na iyon. Mabilis
ngunit maingat kaming tumatakbo sa gitna ng mga talahiban.

Ako naman ay nakatingin lang sa kapatid ko. Anong nangyayari? Hindi ko


maintindihan. Nadapa ako. Bumalik si Angelo at tinayo ako.
"Ayos ka lang ba? Kailangan nating makalayo."

"Ano bang nangyayari?" Hindi siya sumagot. Basta na lang niya ako hinatak. Tanong
ako nang tanong at ang sinasabi niya lang ay sumunod ako sa kanya pero bakit?
Dadalhin niya ba ako kay Daddy? Ayoko kay Daddy. Sasaktan niya rin ako tulad ng
ginawa niya sa amin noong mga bata pa kami.

May nakita akong van na kulay puti. Sumakay si Angelo roon. Hindi ko alam kung
susunod ako. Para bang may pumipigil sa akin.

"Miguel, bilisan mo!" Nang hindi ako sumakay ay muli siyang bumaba. Humawak siyang
muli sa kamay ko. "Halika---"

Sabay kaming natigilan at napalingon nang makarinig kami ng magkakasunod na putok


ng mga baril. Nanggaling iyon sa highway na malapit rito. Hindi ko alam kung bakit
at anong naisip ko pero tumakbo ako. Tumakbo ako nang mabilis para hindi ako
masundan ni Angelo pero nang lumingon ako ay naroon pa rin siya.

"Miguel bumalik ka!"

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal tumatakbo pero nakarating ako sa gilid ng
daan at doon, nakita ko ang isang kulay pulang sasakyan, nakataob, sa tabi noon ay
may dalawang tao, isang duguan na, isang babaeng tinututukan ng baril sa noo ng
isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin.

Muli akong lumingon. Naroon si Angelo, pero... Muli akong tumingin sa may daan.
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Nakilala ko ang babaeng iyon.

"Eleina!" Sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa kanya pero bigla na namang nagbarilan.
Napakaraming putok ng baril. Nagtago ako, umiiyak, kailangan ako ni Leina!
Kailangan ko siyang iligtas! Hindi pwedeng wala na naman akong magawa.

Muli akong tumayo pero sa pagkakataong iyon ako naman ang binaril.

"Jorge! Jorge!" Nagmulat ako nang mga mata. Nakita kong naroon si Leina at puno ng
pag-aalala ang mukha niya. "Okay ka lang ba? Nananaginip ka." Walang namutawing
salita sa akin. Bigla ko na lang siyang niyakap nang mahigpit. Lumilis pa nga ang
kumot na tumatakip sa hubad niyang katawan kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap
ko sa kanya.

Alam kong panaginip lang ang lahat ng iyon pero para sa akin ay napakatotoo.
Matagal ko nang napapaniginipan ang insidenteng iyon. Sinabi ko rin iyon kay Doc
Dyosa at ang sabi niya ay maaaring parte iyon ng alaala ng isa sa mga katauhan ko
kaya lang kahit anong gawin niya pagkuha o pagbalik sa alaala ko ay wala kaming
napapala. Nagagalit lang ako, kaya nagagalit rin si James. Hindi ko alam kung
makukuha ko pa ba ang alaalang iyon, anim na taon na ang nakakalipas.

Naramdaman kong tinulak ako ni Eleina. She cupped my face. Hindi ako makatingin sa
kanya. Sa panaginip ko, nakita ko si Angelo Jorge, dalawa sila, o baka panaginip
nga, baka ako iyong bumaril, baka ako rin ang humahabol sa sarili ko. Hindi ko
alam, naguguluhan na ako.

"Anong nangyayari? Gusto mob a ng tubig? Sandali, ikukuha kita." Hindi ko siya
napigilan. Bumaba siya ng kama at isinuot ang hinubad kong t-shirt kanina. Ang
lakas – lakas ng kabog ng puso ko. Paulit – ulit ko nang tinatanong ito sa sarili
ko, paano kung ako? Paano sila Leina? Paano kaming dalawa? Hindi ko alam kung kaya
ko pang muling bumangon sa oras na mawala na naman siya sa akin.

She came back with a glass of water. Binigay niya iyon sa akin. Pinilit kong
inumin. Inilapag ko ang baso sa bedside table at kinuha ang kamay ni Leina.
Hinawakan ko iyon nang mahigpit. Hinahaplos – haplos niya ang pisngi ko.

"You can tell me. Is it a bad dream?" I nodded.

"It's about that day."

"What day?"

"The day when you and your dad were ambushed." Malumanay na wika ko. Hindi agad
nakasagot si Leina. "I always dream about it, Leina and I always dreamed of myself
getting shot even before getting to you."

"Getting to me?"

"Yes. Iyon ang palagi kong panaginip, Iyong nakita kong mababaril ka, tapos tatakbo
ako sa'yo, may babaril ulit at nang tatayo ako ay ako naman ang babarilin. Iyong
parte na nabaril ako, alam kong totoo." Mahinang wika ko Binuksan ko ang ilaw,
lumiwanag ang silid. Itinuro ko kay Leina ang peklat ng tama ng baril sa may braso
ko, sa tagiliran, sa may binti at ang malapit sa dibdib. Hinaplos niya iyong sa
dibdib.

"I remember Ninong Ido telling me he shot that man. Sinabi niya kung saan, sinabi
niyang apat na beses. Pero hindi ibig sabihin na ikaw."

"Leina, malaki ang posibilidad." Sabi ko.

"Paulit – ulit tayong dalawa. Sige, hindi mo matandaan diba? Nakausap ko si James,
hindi rin niya matandaan. Si Race, sigurado akong hindi niya rin iyon natatandaan.
Isang beses pa lang kaming nagkikita, si Ronni, hindi niya iyon magagawa. Why don't
you just trust my instinct, Jorge?" Wika niya. Punong – puno ng paghihinagpis ang
tinig niya.

"I feel it in my bone." She said. "Hindi ikaw iyon. Hindi mo ako kayang saktan.
Hindi mo rin sasaktan ang pamilya ko. Mahal moa ko. Nanunuot sa mga buto mo at sa
kaluluwa mo ang pagmamahal na iyan. Hinding – hindi mo ako sasaktan. Nararamdaman
ko iyon." Umiiyak na si Leina.

"H'wag ka nang umiyak, okay. Tama na. Naniniwala na ako. I trust you and your
instinct. It's enough." I hugged her. Paulit – ulit ko siyang inaalo. Kumalma lang
siya siguro dahil pagod na. Pinatulog ko siya at nang mahimbing na ay saka ako
lumabas ng silid ko.

Its one am. Tahimik na tahimik na ang buong kabahayan at ang tanging maririnig na
lang ay ang pagaspas ng alon sa di kalayuang dagat. Bumaba ako at lumabas sa may
kubo. Sinubukan kong tawagan si Doc Dyosa pero hindi na rin siya sumasagot, baka
natutulog na siya. Kailangan ko sana siyang makausap, naisip kong baka mapaaga ang
balik namin ng Metro. Baka hindi ko na madala si Leina sa Pinamalayan kung nasaan
ang maliit kong farm.

Nagpasya na akong bumalik sa itaas. Baka magising si Leina at hanapin ako. Pumasok
akong muli sa loob ng kabahayan, pero natigilan ako dahil narinig ko ang pagbukas –
sara ng pinto. May tao. Binuksan ko ang ilaw. May nakita akong dumaan sa may
bintana ng sala. Kinuha ko ang walis na nakalagay sa may gilid ng hagdanan at saka
ako lumabas.

May naririnig akong mga yabag. May nakita akong tumakbo, tumakbo rin ako para
habulin siya, malas niya lang dahil biglang kumahol si Fluffy – ang St. Bernard
kong alaga. Napahakbang siya pabalik. Malapit na ako, at nang makalapit nang husto
ay hinawakan ko siya sa balikat – dahilan para mabigla siya at mapalingon sa akin.

Mali pala – dalawa kaming nagbigla.

Pero sigurado akong mas nabigla ako.

"Miguel Jorge." Wika niya sa akin. Parang umalis ang kaluluwa ko at bumalik sa
katawan ko. Anong ginagawa niya rito! Dapat nasa crame siya!

"Angelo." Takang – taka ako. Ngumiti siya. Iba ang hitsura niya. Clean cut siya at
ang pinagtataka ko wala siyang pasa o sugat sa katawan samantalang kahapon sa
balita ay halos hindi niya maimulat ang mata niya dahil namamaga ito.

"Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkikita." Bigla na lang siyang yumakap sa akin. 

CHAPTER 16

Eleina

Leina's

Maaga kaming gumising kinabukasan. Excited ako kasi sabi ni Jorge sa akin ay
dadalhin niya raw ako sa farm niya sa Pinalamayan mamaya. Excited akong makita
iyong lugar niya roon, sabi niya sa akin may bahay rin siya doon at naroon raw
iyong mas marami niyang painting na puro ako. Jusko, siyempre gusto kong makita
iyon. Biniro ko nga siya, tinanong ko kung may painting siyang hubad ako, ang loko,
namula ang mukha. Considering nakaka-chorva lang namin kaninang umaga at noong
tinanong ko iyon sa kanya, nasa ibabaw niya pa ako, namumula pa siya. Nakakaloka,
parang siya ang virgin sa aming dalawa.

Sa dalawang araw namin sa Mindoro – ay Calapan, Oriental Mindoro pala – napansin


kong mas at ease siya saka walang switching na nagaganap. Totoo pala talaga iyong
sinasabi niya na kapag kalmado siya ay hindi nagpaparamdam ang iba. Masaya naman
ako. It means na talagang sa isla na ito niya nahanap ang kapayapaang kailangan
niya.

"Love, pwede kayong maligo sa dagat. Wala naman tao masyado ngayon." Habang
naghihintay ng almusal ay nakaupo kaming dalawa sa kubo. He was reading the paper,
I was checking on my people in the restaurant. Nasinghalan ko na nga rin si Mcbeth
kasi mukhang wala siyang balak puntahan ang restaurant alam naman niyang bukas pa
ako uuwo. Nakakagigil, nakasanayang maupo habang iyong pera niya ang nagtatrabaho
para sa kanya. Kailangan murahin pa nang paulit – ulit bago sumunod. Epal talaga
itong asawa ni Pia.

Kahit hindi yata sabihin na pwede kaming maligo, naligo na si Anne. Nakita ko
siyang pabalik na sa kubo. Naka-two piece ang luka, kasunod niya si Avery,
nakajogging pants, hoodie saka pita mask again.

"Anne, magdamit ka nga. Nakalitaw iyang dede mo. Nakakahiya ka." Sabi ko. Tiningnan
ko kung nakatingin si Jorge – oo, nakatingin siya pero sa akin, iyong tingin niya
pa, may maliit na ngiti sa labi na para bang pinapangarap na naman niya ako.

"Ate kung nakalitaw ang dede ko, wala akong bra. Naka-bra ako, saka what do you
expect? Mag-swimming akong naka-gown? Diba no, Kuya Jorge."

"Ha?"

"Hakdog." Sabi ko. "Magbalot ka ng something." Nakit kong binigyan ni Avery ng t-


shirt si Annie. Nag-make face muna siya saka siya nag-suot ng damit. Kumuha siya ng
hotdog at sinubo iyon nang buo saka siya naupo sa tabi ko. "Kuya, saan ka nagpunta
kagabi?" Biglang wika niya. "Nagising ako ng bandang mga ala – una, hindi na ako
makatulog kaya lumabas ako, nakita kitang lumabas ng bahay nang tumatakbo, saan ka
nagpunta? Inantay kitang bumalik pero nainip na ako."

I looked at Jorge. Hindi ko alam na umalis siya. Nagising naman ako ng five am na
nasa tabi ko na siya.

"Ah, tahol kasi nang tahol si Fluffy – iyong St. Bernard ko, kaya tiningnan ko
lang." Napatango naman ako.

"You have a St. Bernard? Where?!" Na-excite ang luka kong kapatid. Tiningnan ko si
Avery na busy sa pagce-cellphone na naman.

"Sa may tool shed. Mamaya papakita ko sa'yo."

"Nice." Kumuha na naman siya ng hotdodg at sinubo ng bio. Di bale sana kung normal
size na hotdog lang iyon, jumbo hotdog iyon at nasusubo ni Annie ng buo. Maria
Masiba talaga.

"Nag-text si Popsi. Kinakamusta tayo. Bukas raw ng gabi, susunduin na nila ang
tatay at kapatid mo sa crame." Biglang nagsalita si Avery. I looked at Jorge again.
Sumeryoso naman ang mukha niya.

"Anong gagawin nila?"

"Hindi ko alam. Pero sure iyon, magluluksa ka kapag natapos na sila." He just
nodded. Kinakabahan ako.

"Well, the brighter side is after all these years, Angela and Mom will have the
justice they deserve."

"Gusto mo bang makausap ang tatay mo?" Malumanay na tanong ko. Hindi siya nakasagot
dahil dumating ang Auntie at Uncle niya dala ang almusal. Kasunod nila ang dalawang
babaeng kasama rin nila sa bahay.

Tulad kahapon ay marami na naman silang hinanda, may itlog na pula, tinapang
bangus, scrambled eggs, hotdog, tocino at longganisa.

"Auntie, parang ang dami naman po nito." Sabi ko.

"Okay lang iyan, Hija, minsan lang magkabisita itong si Jorge."

"Ay hindi naman po kami bisita." Nahihiyang sabi ko.

"Masasanay ka rin, Auntie." Si Jorge ang nagsalita. "Kapag naayos na ang lahat,
palagi nang uuwi si Eleina rito." Kasalukuyan kong pinaglalagay ng sinangag si
Jorge sa plato niya nang sabihin niya iyon sa akin. Namula na naman siyempre ang
mukha ko. Para kasing may ibig sabihin siya roon.

"Dibs on Leina's room!" Nagtaas bigla ng kamay si Annie. "Oh, I shouldn't dibs.
Hindi ka naman talaga lilipat ng room kasi iyong buhay at kamataya mo naka-install
sa kwarto mo."

"I am going to ask Popsi if I can renovate my room, tapos bubutasan iyong kwarto ni
Aelise para double rooms na ako, tutal hindi na siya palaging umuuwi."

"Basta sa akin ang kwarto ni Leina. She has the biggest bathroom."
Inirapan ko si Anne. Wala pa namang kasiguraduhan pero kung angkinin niya ang
kwarto ko, parang wala ako rito. Wala lang naman sa kanya, kumain pa rin siya nang
kumain. Masaya naman ang breakfast naming lahat. Pagkatapos kumain ay naghanda na
kami sa pagpunta sa Pinamalayan. Kasama namin si Auntie at Uncle. Nagbaon rin kami
ng snacks para sa byahe. Medyo malayo raw kasi, isang oras pa mula sa Calapan
papuntang Pinamalayan. Magkakatabi kami nila Auntie sa van, si Jorge ang
nagmamaneho, tapos katabi niya ang Uncle niya.

"Ate, sa tingin mo aware silang may baklang katauhan si Jorge?" Tanong ni Annie sa
akin. Iniisip ko rin kung aware sila na may DID si Jorge, pero pakiramdam ko naman
ay alam nila. Ang kwento kasi ni Jorge, matagal na silang magkakasama. Kung ganoon
ang sistema, sigurado akong nakahalubilo na nila ang iba niyang katauhan.

"Is that considered cheating?" Avery asked. "You obviously have sex with him, paano
kung habang nag-se-sex kayo, lumabas iyong isa na hindi siya?" We were murmuring at
the backseat. I looked at Auntie who seemed to be very busy with her phone.

"Hindi naman siguro." Sabi ni Annie. "Si Jorge rin naman iyong katawan. Cheating
iyon kapag ibang bur na ang papasok sa pempem no. Sa'yo kasi walang bur na
pumapasok." Komento pa ni Annie kay Avery.

"Bakit may bur nang pumasok sa pempem mo?!" Napalakas ang boses ko.

"Shhh!" Hinawakan ni Annie ang baba ko.

"Wala! Virgin pa ako. Pero si Cindy hindi na. Noong nag-samgyup kami, pinakita niya
sa akin iyong video nila ni Bruno. Grabe ate. Brazilian nga si Bruno. Mga ganito
eh." Pinapakita niya sa akin ang kamay niya pero hinampas ko iyon kasi nakita kong
nakatingin sa amin si Auntie na para bang nagtataka.

"Nakakita po ako ng isda kanina. Ganito po kahaba." Pinakita ni Annie ang mga kamay
niya. Nagtatawanan naman kami ni Avery. Hinampas – hampas ni Avery si Annie sa
braso.

"Nakakatuwa kayong tatlo. Ganyan na ganyan rin kami ng Mommy ni Miguel noong dalaga
pa kami. Kaya ko naging boyfriend itong si Raul, best friend ko kasi ang Mommy ni
Miguel. Close na close kami parang kayong magkakapatid. Ang gaganda ninyo pa."

"Ay thank you po." I said. "Ako po talaga ang pinakamaganda sa lahat." I giggled.

"Itong si Anne may kahawig kang artista."

"Sino po? Si Marian Rivera ba?"

"Hindi." Tumawa si Auntie. "Kahawig mo si Bernice noong kabataan niya." Nagtawanan


na naman kaming dalawa. Si Anne naman ay nag-make face pa. "Seryoso, kung papagupit
ka ng shoulder length, lalo mong kamukha."

Lumakas pa ang tawa namin ni Avery. Sa magkakapatid nga, siya ang pinaka-kamukha ni
Mommy. Si Ate Reese naman at si Aelise ang babaeng version ni Popsi, kami ni Avery
halo kami, pero ang daming nagsasabing ibang tao na iisa raw kami ng mukhang apat,
pero sa unang tingin lang iyon.

"Kamukha po ba talaga?" Sabi ko pa.

"Oo, Nakakatuwa. Mag-artista ka rin."

"Gayahin mo nga iyong meme, dali, iyong sa Kung ikaw ay akin." Sabi ni Avery.
"Dali, uso iyon ngayon sa social media. Dali."
"Eherm!" Tumingin si Anne kay Tita. "Mahal? Sige. Mahal mo. Una kang minahal, pero
ako, Erica. Ako ang huling mamahalin ni Ronald." Sumampal sa ere si Anne.
Pumalakpak si Uncle at Auntie.

"Ang galing talaga!" Nagtawanan kaming tatlo. Hindi ko alam kung kailan namin
sasabihin na nanay namin si Bernice pero tawang – tawa talaga ako.

Nakarating kami sa farm sa Pinamalayan. Mas mabundok at mapuno rito. Kita pa rin
ang dagat pero medyo malayo ang property ni Jorge sa karagatan. Kung malaki ang
bahay ni Jorge sa Calapan, mas malaki ang bahay niya rito. Mas lalaki ang dating.
Modern ang istractura, puro salamin, puro edges. Pagpasok sa loob ay naalala ko ang
condo niya, ganoon na ganoon ang hitsura.

"Overnight po ba tayo rito?" Tanong ni Anne.

"Hindi. Doon tayo sa Calapan matutulog. Kung dito kasi baka maiwan kayo ng ferry
bukas, maaga yata kayong aalis." Si Auntie ang sumagot. Tinulungan ko siyang iayos
ang pagkain sa hapag-kainan. Si Jorge naman ay sumama kay Uncle, may titingnan raw
sila, sumama si Anne sa knkanila, si Avery naman ay naupo lang sa couch habang
binuksan niya ang tv.

"Leina, maraming salamat." Nagulat ako sa tinuran ni Auntie. Hinawakan niya pa ang
mga kamay ko. Nakangiti siya sa akin pero naluluha siya. "Hindi mo alam kung gaano
katagal kong pinagdasal ang pagkakataong ito. Maraming salamat. Masaya na ang MJ
ko."

"Hala, h'wag po kayong umiyak."

"Hindi kami nagkaanak ng asawa ko, kaya si MJ anak na namin siya. Nang umuwi iyan
rito noon para dalawin ang Nanay at para sabihing ulila na raw siya, sobrang
nalungkot ako para sa kanya. Nangako ako kay Mica – his mom – na aalagaan ko siya.
Kahit mahirap, kahit hindi namin alam kung paano..." So they are aware of his DID.
"Minahal at tinanggap ko siya. Salamat, salamat, Leina."

Niyakap niya ako. Ako naman ay naluluha.

"Mahal ko po siya, Auntie, h'wag po kayong mag-aalala." She nodded.

"Ilang beses ko siyang iniyakan noon. Nakikiusap ako sa kanyang h'wag niyang
tapusin ang lahat." Mataman akong nakinig. "One time, hindi siya umuwi ng halos
isang linggo. Hindi ako makatulog, tapos nakatanggap ako ng tawag." Bigla siyang
napaiyak. "Tumalon raw siya sa may tulay sa siyudad. Natagpuan siya ng mga MMDA.
Dinala siya sa ospital. Pagdating namin roon, nakausap agad namin ang doctor niya,
si Doc Dyosa. She is a big help, Hija, pero sigurado akong mas malaking tulong ka.
Salamat. Salamat sa pagtanggap at pagmamahal sa MJ ko."

Ngumiti na lang ako kay Auntie. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam iyong
tungkol sa bagay na iyon pero naalala ko si Ronni, alam kog may sasabihin siya sa
akin noong gabing iyon pero hindi naman natuloy, siguro ito iyon. Nagpunta si
Auntie sa kusina, ako naman ay tumabi kay Avery. She looked at me. Siguro narinig
niya rin ang usapan naming dalawa.

"Still, the question remains, what if he shot Popsi. I know you love him, Leina,
pero kung siya ang bumaril, anong gagawin mo?"

"May usapan na kami roon. We are just enjoying the moment." I said.

"Ah... pero diba parang mas masakit iyon? You are enjoying the moment, and the,
three chapters later, you will realize, he indeed shot Popsi. Given the fact,
magagalit ka sa kanya, mapapanindigan mo kaya ulit?"

"Anong gagawin ko?" I asked her.

"Wala na. Nandyan ka na ulit, Leina. Kaya lang, sana maging handa ka. Magsisimula
ka na naman ulit. But what do we know? Maybe hindi talaga siya, maybe it's the
other Jorge. Pray hard, sis."

Napatango na lang ako. Buong maghapon ay iniisip ko ang sinabi ni Avery pero hindi
ako nagpaapekto. Kailangan kong maging masaya kasi minsan lang kami ganito ni
Miguel Jorge, pagbalik namin sa siyudad, sigurado akong babalik na naman siya sa
tahimik na siya.

Pagkatapos mananghali ay hinatak niya ako palabas ng bahay. Nagtatawanan pa kami


kasi para kaming tumatakas sa mga kasama namin. We walked hand in hand together at
medyo malayo na iyon sa main house. Nakita kong may bahay sa ilalim ng isang
matandang Narre Tree roon. Maliit lang iyon, parang kwarto nga. May isang bintana
sa harap tapos iyong pinto ay kulay red. Iginiya niya ako sa loob at doon muli na
naman akong namangha kasi puro mukha ko na naman ang nakikita ko.

"Oh my god. Hindi ko alam na marunong kang magganito."

"I needed to learn new things para maalis ang anxiety ko." Wika niya habang inaayos
ang nalaglag na sketch at idinikita niya muli sa pader. "Iyon ang unang – unang
sinabi ni Doc sa akin. I learned to play the piano, the violin, I taught myself to
draw and paint. Dito ako sa Pinamalayan madalas naglalagi, tahimik kasi rito, pero
dahil kay Auntie, naglalagi na rin ako sa Calapan. Nalulungkot kasi siya kapag nag-
iisa ako."

"Mahal na mahal ka ni Auntie." I said.

"Mahal ko rin sila. Malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Uncle. Dahil sa kanila
nagkapamilya muli ako." He smiled. "Uncle legally adopted me, kaya nakapagpalit ako
ng apelyido." Hinawakan ni Jorge ang pisngi ko. "I want to marry you, Leina." He
said. "And I could only do that by not being my father's son. I want to marry you
but not yet, not until we figure things out."

Tumatango ako habang sinasabi niya iyon.

"Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. I fell in love with you at first sight.
That was July 17, 2013, 3:30 pm. I fell in love with you as Migurl Jorge Madrigal
and I keep on falling for you, Eleina."

May inilagay siya sa mga palad ko. Naluluhang tumingin ako roon and I gasped a bit
loud when I saw a beautiful cushion cut diamond ring. I looked at him. Hinubad niya
iyong mahabang chain kung saan naroon ang pull tab ng beer in can na binigay niya
sa akin. Maluha – luha ako, kulang na lang humagulgol ako.

"I'm giving it back to you because my proposal still stands, Eleina. I love you and
I still want you to marry me."

"Jorge---"

"Saka ka na sumagot kapag alam na natin pareho ang sagot sa tanong na iyon. I want
you to hold on to it, and if we settle this, give me your answer."

Yumakap ako kay Jorge – mahigpit. Ayoko siyang mawala. Basta, naniniwala akong
hindi siya ang bumaril kay Popsi. Hindi siya. Hindi talaga siya.
"H'wag ka nang umiyak." He even wiped my tears. "We're doing something now."

"Are we gonna have sex again?" I asked habang nagpapahid ng luha. Tumawa nang
malakas si Jorge.

"I'm going to draw you on a canvass, naked, Eleina. And then maybe after that we
can make love. Make love, Leina." He kissed my forehead.

"Okay..." My heart is full. 

xxxx

Jorge's

Nakangiti pa ako habang kumakaway kay Leina. Nasa loob na ako ng kotse ko. Naihatid
ko na silang magkakapatid sa bahay nila at naghapunan pa ako kasabay nila. She
wanted to come home with me tonight, but I told her that I have a session tonight.
It's partly true, pupunta ako kay Doc Dyosa, pero bago iyon ay may kikitain muna
ako. I drove away. Sinilip ko pa sa side mirror kung nakapasok na siya ng bahay
nila at nang mawala na siya sa paningin ko ay pinasibad ko ang kotse ko papunta sa
lugar kung saan ko kikitain ang kausap ko ngayon.

Kabang – kaba ako. I am not used to this kind of thing. Ang gusto ko lang naman ay
ang tahimik na buhay, Mayroon ako noon sa Mindora. Ang pagkakakita ko kay Leina ay
isa sa pinakamagandang aksidente sa buhay ko. Wala naman akong balak magtagal rito,
ang akin lang ay ang masikaso ko muna sana ang negosyo ko at kapag kaya nang tumayo
ng assistant ko, ay siya na ang bahala sa lahat, but having Leina back in my life
makes it hard for me to leave. Hindi ko alam kung paano ako sa oras na mawala muli
siya sa akin. I hate to think about it, but that is that, kaya nga ako pupunta
ngayon sa Antipolo para kausapin si Enrico De Angelo – ang pinsan ko na anak ni
Ninong Renato. Nagagalit pa rin ako tuwing naaalala ko ang demonyong iyon.

I parked my car in front of his home. Maraming bantay sa labas pero nang makita ako
ay agad naman akong pinapasok. Malaki ang bahay ni Nico, at alam ko kung anong
nagaganap roon.

"Nico?" I called him out. Nakarinig ako ng mga yabag, nakita ko si Nico na bumababa
sa hagdan. Nakangiti siya sa akin at nang makalapit ay kinamayan at niyakap ako
panandalian na may kasamang tapik sa likod.

"I'm so glad you finally agreed to talk."

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Umupo muna tayo. Polo!" Sigaw ni Enrico. "He's here." Hindi naman nagtagal ay
lumabas ang lalaking inakala kong si Angelo Jorge kagabi. Galing siya sa kung saan.
Naupo siya sa tabi ni Nico at tumingin sa akin. Ngumiti siya – hanggang ngayon ay
hindi ako makapaniwala sa nangyayari. He looks exactly like me and Angelo Jorge,
ang pagkakaiba ang, clean cut siya, but everything else looks just like us.

"Polo Jorge." Pakilala niya sa akin. "Hindi ko naitama noong gabi ang pangalan ko."

"What the fuck is happening, Nico?" Tanong ko sa kanya.

"Obviously, triplets kayo." Sabi ng pinsan ko.

"Putang ina. Paanong magiging tatlo kami nang hindi ko nalalaman at hindi nalalaman
ng demonyo kong tatay?"
"Chill! Nagmamadali ka masyado!" Natatawang sabi ni Nico. "Alam mo naman sigurong
on the rocks na ang relasyon ng mga magulang ko bago pa lang kayo pinanganak ni
Angelo. Noong araw na iyon sa ospital, your mom, called my mom and asked for help.
Ayaw na niya sa poder ni Uncle kaya humingi siya ng tulong kay Mommy. Gusto niyang
tumakas sa ospital at isama kayong tatlo, at si Angela..." Napatiim ang bagang ko.
"Pero, nalaman ni Uncle, naabutan niya si Mommy na isinasakay kayo sa van – nakuha
niya kayong dalawa ni Angelo, pero si Polo, itinago ni Mommy sa Amerika. Hindi alam
ni Uncle na tatlo ang anak niyang lalaki. He doesn't know, even until now."

"Six years ago..." Nagsalita si Polo Jorge. "Umuwi ako rito kahit ayaw ni Tita
Sharon. Nagpumilit ako. Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa...nanay natin. I wanted
to pay my respects. Accidentally, habang kasama ko si Nico, dumating ang tatay na-
natin at kinausap niya kaming dalawa – ako bilang si Angelo... at doon ko nalaman
ang plano niya sa isang pamilya. I learned about it, na pamilya raw iyon ng
girlfriend mo..."

Nakikinig lang ako habang titig na titig sa kanya.

"Nico and I decided to help you."

"Ginawa namin ang lahat para hindi ka makuha ni Uncle sa Mindoro. Pero huli kami,
nakuha ka niya. He planned to blame you for everything."

Napatayo ako. Ibig bang sabihin?

"I tried to take you away from the scene but you ran so fast, next thing I knew you
were shot. I couldn't risk being seen by our father, I left. I'm so sorry, Miguel
Jorge."

Ibig sabihin...

"I didn't shoot him." Sabi ko. "Hindi ako ang bumaril kay Axel Apelyido?"

"Why would you think that?" Nico asked me. "It was Angelo Jorge who shot him.
Binaril ka rin ni Uncle para pareho kayo ni Angelo na may sugat."

Hindi ako mapakali. Wala na akong naiintindihan kundi ang katotohanan na hindi ako
ang bumaril kay Axel Apelyido at pwede kaming maging masaya ni Eleina. Ang daming
taong nasayang sa paniniwalang ako ang nakabaril sa tatay niya, na ako ang may
kasalanan ng lahat ng ito, pero hindi pala. Hindi ako ang bumaril. Hindi ako ang
nanakit. Eleina was right, I can never hurt him.

"Aalis na ako." Wika ko.

"Jorge sandali." Sabi ni Nico. "Kailangan nating pag-usapan ang pagpapabagsak sa


tatay ninyo,"

"You are managing the business, Nico."

"I have my own. I wanna take down your father. Isa pa, ayoko ng ganito. May huling
deal na lang ako, tapos magpapakatino na ako. Nakausap ko si King David Sandoval,
siya ang huling deal ko. Babayaran niya ako ng million para sa mga nakatagong armas
sa warehouse ng pamilya mo. Saka sino sa palagay mo ang nagtip sa NBI?" Nakangising
tanong sa akin ni Nico.

"I'm going back to the states, after this, Miguel Jorge." Sabi ni Polo. "My wife is
waiting for me. Tutulungan ko kayo ni Nico. We need to take---"
Nagsasalita pa sila ni Nico, ang sumunod ay bigla na lang umulan nang bala, dumapa
ako, at sinubukang protektahan ang sarili ko. Naglabas ng baril si Nico at
pinagbabaril rin niya ang kung sino. Makalipas ang ilang sandali ay tumahimik ang
paligid.

"Boss! Boss! Napasok tayo?!" Sigaw ng kung sino.

"Nino?!" Nico frantically asked.

"Kamusta na ang paborito kong pamangkin at ang suwail kong anak?"

Kulang ang sabihing nagulat ako nang makita kong nakatayo ang tatay ko at si Angelo
sa may pinto ng bahay ni Nico. Suot pa rin nila ang kulay dilaw na damit na iyon na
may nakalagay na detainee.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero alam ko dapat ay hawak na sila ng pamilya
ni Leina ngayon. Tumayo si Nico. Nakangisi pa siya.

"Uncle! Kamusta ang bakasyon?" Sinampal ng Daddy si Nico.

"Traydor ka!"

"Isa ka pa!" Dinuraan niya ako sa mukha. "Ang kapal ng mukha mo! Sisiguruhin kong
hindi ka na sisikatan ng araw, Miguel Jorge! Wala kang kwentang anak!"

"At sisiguruhin kong pagsikat ng araw, akin na si Leina, tapos papatayin ko siya."
Biglang wika ni Angelo. "Papatayin ko muna sa sarap, Miguel, tapos saka ko
papatayin sa hirap kaisa ng buong pamilya niya!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinuntok ko siya, pero gumanti siya.

Pinukpok niya ako ng baril. Napaupo ako at bago ako mawalan ng malay, nakita kong
dinarakip na kami ni Nico.

"Eleina..." She is the only thing I can think of. 

CHAPTER 17

Hindi ako

Leina's

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Pinakikiramdaman ko si Popsi. Alam ko
kasing ngayon kukuhanin ni Kuya Don at Kuya Narcing ang Tatay at kapatid ni Jorge.
Sigurado akong mamaya – maya ay aalis na si Popsi, gusto kong sumama, gusto kong
makita ang mangyayari kaya lang nagtataka ako kasi mag-aalas doce nang hatinggabi
na ay wala pa ring galaw si Popsi. Paulit – ulit kong sinisilip kung umalis na ba
si Popsi, pero nasa ibaba pa ang Jaguar niya. Naririnig ko pa nga sila ni Momsi sa
silid nila sa dulo na nagbabasahan ng linya sa script.

Hindi na ako nakatiis, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa silid nila. I barged
in pero bigla akong nagsisi at bigla kong naramdaman ang pagkasunog ng mga mata ko.
Nadatnan ko lang naman ang mga magulang kong naghahalikan.

"Parents!" Sigaw ko. Naglayo naman sila.

"Bakit, anak?' Momsi asked me. "Ikaw itong hindi kumakatok at basta pasok nang
pasok tapos ikaw pa iyong galit. Anong problema?"
"Pops, bakit nandito ka pa? Diba may lakad ka ngayon kasama sila Uncle, bakit hindi
ka pa umaalis?" Nakapamaywang ako habang sinasabi iyon. Tumaas ang kilay ni Momsi.

"Eleina, bakit ganyan ka makipag – usap sa Popsi mo?"

"Bakit naghahalikan kayo?"

"Nasa script iyon!" Sabi ni Popsi. "Pero anak, hindi pa nagtetext ang Kuya Dondon
mo kaya hindi pa ako umaalis. Dapat nga kanina pang alas once nangtext iyong mga
pangit na iyon. Tumayo si Popsi para kunin ang phone niya sa may bedside table.
Kinuha ko rin ang akin mula sa bulsa ko para tingnan kung nag-text na si Jorge,
baka tapos na siya kay Doc, pero wala akong message na natanggap. I looked at
Popsi. Nakatapat na sa tainga niya ang phone.

"Ano, Ido, wala pa ba ang mga anak mo?" Iyon agad ang tanong ni Popsi. Hindi ako
talaga mapakali. Matagal na tahimik si Popsi, matapos siguro ng dalawang minuto ay
tinapos niya ang tawag.

"Ano?! Popsi naman! Pa-suspense ka pa!"

"Dumating naman sina Dondon sa highway nang mas maaga pa sa itinakdang oras, pero
pagdating nila roon, nakataob na ang van na kinalalagyan noong mag-ama at namatay
na ang mga pulis na escort nila." Sabi ni Popsi. Nanlalaki ang mga mata ko. "Kung
may plano tayo, may plano rin sila. Sa tingin ni Ido, minuto lang ang pagitan. Na-
traffic kasi iyong dalawa."

"Anong gagawin natin ngayon, Popsi?" I asked. Ang lakas – lakas ng kabog ng dibdib
ko.

"Si Avery, ipapahanap natin sila sa cctv sa kalakhang Metro. Nasaan ba ang kapatid
mo?"

"Hahanapin mo pa ba, Axel?" Natatawang tanong ni Momsi. Napailing na lang ako.


Lumabas si Popsi ng silid nila tapos pumunta kami kay Avery sa kwarto niya. As
usual, nakaupo na naman siya sa harap ng computers niya at naglalaro na naman.

"Mamaya na iyan." Wika ni Popsi. Avery just sighed.

"Sige, practice lang naman. Mamaya may tournament kami, kalaban namin Malaysia,
walang eepal ha." Sabi niya pa. "Ano ba iyon?"

Tiningnan kong muli ang phone ko. Wala pa ring message. Paano kung napahamak si
Jorge? Nakatakas pala ang tatay niya, paano kung natunton niya si Jorge?
Kinakabahan ako.

"Nak, hanapin mo muna iyong mga putang inang De Angelo." Sabi ni Popsi. Lalo akong
hindi mapakali kasi kanina pa nagva-vibrate ang phone ko pero wala akong
natatanggap na message. Nilabas ko ulit, papatayin ko sana nang biglang mag-appear
iyong app tracker na si Avery ang naggawa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit
vibrate nang vibrate ang phone ko. I clicked the app, may pulang dot roon,
nakahinto sa kung saan. Pinakita ko kay Avery iyon.

"Anong ginagawa ni Jorge sa Antipolo?" She asked me.

"Ewan ko. We need to get there. Baka napahamak na siya."

"Leina, stay here." Sabi ni Popsi sa akin. "Kami nang bahal---"

"Sasama po ako!" Napapadyak pa ako. "Sige na, Popsi!" Napaluha ako. Sinasabi ko na
nga ba at may nangyaring hindi maganda. I sobbed. Hinawakan ko si Popsi sa braso.
"Sige na po, please, please!"

"Sige, sige. Tawagan mo ang ate mo." Utos niya kay Avery. "Kung pupunta ka roon,
isasama mo si Reese at si Liv."

"Opo! Opo!"

"Popsi, sama ako?" Sumilip si Annie.

"Hindi. May laban ka bukas. Matulog ka nang maaga."

"Ayaw mo ng ana magpulis ako, ayaw mo rin akong sumama sa ganito. Magkapag-asawa na
nga lang ng pulis." Sabi ni Annie. Hindi naman yata narinig ni Popsi iyong sinabi
niya, kausap na kasi niya si Ate Reese ngayon. Pinapupunta niya rito sa bahay.
Medyo matagal silang nag-usap pero nagkaayos rin. Ako naman ay nagbihis na rin.
Kabang – kaba ako. Sabi ko na may mangyayaring masama, masyado kaming masaya sa
Calapan, Oriental Mindoro at sa Pinamalayan, Oriental Mindoro, kaya alam kong may
kapalit iyon.

Ninenerbyos ako. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Naroon na si


Ate kasama si Liv. Nagtatawanan pa sila. Ang tawagan nilang dalawa ay Puta at Puke.
Akala ko nga hindi na nila ginagawa iyon kasi nagsipag-asawa na sila, si Ate lima
na iyong anak, si Ate Liv apat na, pero ganoon pa rin.

"Ano, game ka na Leina?"

"Sa Antipolo, Ate."

"Pops! Alis na kami nila Puta. Bye!"

Sumakay agad kaming dalawa sa Toyota 86 na dal ani Ate. Red rin iyon. Si Ate Liv
naman ay kasunod namin sakay ng Nissan 370z niya. Mabilis magmameho si Ate – mas pa
kaysa sa akin. Siya kasi talaga ang sinasama ni Popsi sa mga ganito. Alam niya ang
kalakaran.

"Anong ginagawa ng jowa mo sa Antipolo?"

"Hindi ko alam." Kabang – kaba ako.

"Hey, it's gonna be fine." She said to me. "Mahahanap rin sila ni Avery. Everything
will be okay? Alright?"

"Hindi ate." Sabi kong napapaiyak na. "He's different—"

"Heath is different too."

"Hindi Ate, he;s different because he has DID. He has six personalities. Nag-aalala
ako kasi baka mamaya, nasasaktan na naman siya. Baka mamaya..." Napahikbi ako.
"Ate, gusto ko lang namang magkasama na kami. Bakit ba ang hirap – hirap nito?"

"Wala namang madaling daan papunta happiness, Leina. But just trust the process,
everything will be okay. Tingnan mo si Liv ngayon, masaya na sila ni Narcing kahit
na nagtangahan sila dati. Kami rin ni Heath, si Aelise rin, basta maniwala ka, sa
dulo ng lahat ng ito, magiging maayos ang lahat."

I looked at her. I wanted to hold onto what she's saying pero hindi naman nawala
ang kaba kong iyon. Iyak pa rin ako nang iyak. Mabuti na lang at nakarating na kami
sa bahay na tintutukoy noong app tracker. Pagbaba ko ng kotse ni Ate ay sumalubong
sa akin ang Fortuner ni Jorge. Nandito nga siya. Maliwanag ang bahay na iyon, pero
parang napakatahimik. Hindi ko alam kung kaninong bahay iyon pero nandoon si Jorge.
Kailangan ko siyang makita.

Pumasok ako sa loob ng bakuran at ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita ko
ang tatlong walang buhay na katawan sa damuhan. Pakiramdam ko ay nahulog ang puso
ko. Tumakbo ako sa loob, kasunod ko si Ate Liv at Ate Reese.

"Jorge! Jorge!" Sigaw ko. Basag na ang boses ko. Sa loob ng bahay ay may mga patay
rin. "Jorge!" Sigaw kong muli lalo akong napaiyak nang walang sumasagot sa akin.
"Jorge!"

"Th-they took him." Nagulat ako nang may magsalita. Lumingon ako. May nakita akong
nakataas na kamay. Pinuntahan ko agad. Laking pagtataka ko nang makita ko ang mukha
niya – kamukhang – kamukha siya ni Miguel Jorge pero iba ang buhok niya. Clean cut
siya. Sigurado rin akong hindi siya si Angelo Jorge, kasi mahaba ang buhok noon at
may mga pasa siya sa mukha noong huli ko siyang makita sa tv, hindi agad gagaling
ang mga pasang iyon.

"May tama ito." Wika ni Ate Reese. Ibinaba niya ang hawak niyang baril.

"Parang malalim yata." Wika naman ni Ate Liv. "Tatawagan ko si Etang."

"Sino ka?" Sa bandang dibdib ang tama niya.

"They... took him." Ulit niya.

"Saan siya dinala?"

"They took..." Pahina nang pahina ang boses niya hanggang sa nawalan siya ng malay.

"Sa likod ang tama niya. Baka natamaan ang baga." Iyak lang ako nang iyak. Kinuha
si Jorge pero saan naman siya dinala? Hindi nagtagal ay dumating ang isang van,
mula roon ay lu,abas si Ate Etang at si Ate Ganda. They have four nurses with them,
kinuha nila ang kamukha ni Jorge at ang iba pang sugatan sa loob ng bahay saka
tumwag si Ate Liv sa mga pulis para puntahan ang nasabing lugar. Anonymous call ang
ginawa niya.

Hindi kami makaalis, ayoko, kailangan kong makita si Jorge. Nag-ring ang phone ko –
laking tuwa ko nang makita ang pangalan ni Avery.

"Where is he?!" I asked.

"Natatandaan mo noong nakidnap kayo ni Aelise?" She asked. Tumawa pa nga siya.
"Remember the warehouse? Naroon sila ngayon."

"Mga putang ina! Walang originality!"

xxxx

Jorge's

I opened my eyes and the first thing I saw I the doctor. She was looking at me. She
was all tied up and scared.

"Who are you?" Doc Dyosa asked me. "Who are you?"

"Doc... Where are we?" It was the fist question that came out of my mind. What
happened, and then, I had flashes.
"Race?! Please be Race!" Alalang – alala ang boses niya.

"Anong Race? Si Jorge iyan!" There's Nico. He's beside me, all tied up too. Duguan
ang labi niya.

"Shut the fuck up!" Sigaw ni Doc Dyosa sa kanya. "Race? Is it you?!"

"Are you, hungry, Doc?"

"Fuck, Jerry! I need Race!" Sabi niya sa akin. Bakit si Race? Bakit ako nandito.
Nagulat ako nang makitang hinahatak ni Doc ang silya niya papunta sa akin.

"What are you trying to do?!" Sigaw ni Nico. Doc Dyosa stood up. Hindi nakatali ang
mga paa niya. Nagulat ako nang sipain niya ako sa mukha. Nabuwal ako kasama ng
upuan. Nasaktan ako. What is she doing to me? Wala akong ginagawang masama sa
kanya.

"Race! Come the fuck out!" Sigaw niya. She kicked me again and I lost
consciousness.

I woke up again – but where am I? Eww! Ang baho naman dito.

"Race?! Is it you now?"

"Doc Dyosa?!" I was too happy when I saw her. "Ay may Oppa!" May nakita akong
lalaking gwapong nakatali rin. "Ay why naman tayo---aray!" Sinipa ako ni Doc Dyosa.
I was so nagulat! Napaiyak ako.

"Come the fuck out Race!" She kicked me harder and I lost it again.

Nagising ako sa frantic na boses. Pamilyar iyon sa akin. Ibinukas ko ang aking mga
mata at sumalubong sa akin ang mukha ng maganda kong doctora. Nakatali siya.
Nararamdaman kong nakatali rin ako. Napatingin ako sa bandang gilid at naroon si
Nico De Angelo – ang pinsan ni Jorge.

"Race?" Doc Dyosa's voice caught my attention.

"It's James." Wika ko. Natigilan siya habang nakatingin sa akin.

"Okay, pwede na rin. Big guy, we're in trouble. We have been kidnapped. We need to
get the fuck out of here. You need to untie me!"

"What the hell is happening?" Tanong ni Nico. Tumayo ako kahit nahihirapan dahil
nakatali ako sa silya. Kailangan kong makaalis roon. I can see flashes of what
happened earlier.

"Big guy, we need to get out of here." Takot na takot si Doc. Naiintindihan ko
naman siya. Nang makatayo ako ay naghanap ako ng paraan para makatakas sa
pagkakataling ito. Isa lang ang naisip ko. Tumakbo ako sa pader at binangga ako ang
sarili ko. Paulit – ulit kong ginawa iyon hanggang sa mawasak ang silyang gawa sa
kahoy. Matapos iyon ay sinubukan kong umalis sa pagkakatali sa akin.

It worked. I cannot believe that it worked.

Lumapit ako kay Doc. Siya naman ang kinalagan ko.

"Why are you here, Doc?"


"They thought I was your girlfriend. When the twin saw me, nagalit siya, hindi
naman kasi ako si Eleina." Nanginginig ang boses niya habang nagpapaliwanag. "I
need to get out of here, James. Si Magnus. He's at my cousins. But it's almost his
bedtime, baka mag-iiyak iyon." Tinanguan ko siya. Gagawin ko ang lahat para
makalabas rito. Kailangan kong makabalik kay Leina – kailangan naming lahat
makabalik kay Leina.

Kinalagan ko si Nico na nakatitig sa akin. "Dude, what is happening? Why is she


calling you James?"

"It's not my story to tell. May baril ka?"

"Wala."

"I have!" Sabay kaming napatingin kay Doc. May inilabas siya mula sa likuran niya.
"What? I need this for protection." Kinuha ni Nico ang baril saka tumingin sa akin.

"We need a plan."

"We do."

"Mga putang ina!" Natigil kami sa pag-uusap nang marinig ko si Angelo Jorge. "Ang
puputang ina ninyo, nakatali na kayo at lahat nakatakas pa kayo! Dapat talaga
binitin ko na ang kayo patiwarik!" He was mad.

"Ikaw ang putang ina." Sabi ni Doc Dyosa. "You look like you haven't taken a bath.
You look like someone who lost something at an early age and you secretly grieved
for it because you had no one by your side."

"Shut up." Sabi ni Angelo.

"You had no choice but to be strong, you built this façade, and you made everyone
believe that you are strong and scary but deep inside you're mushy, you're lost and
you have no idea what to do. You are stuck in a situation that you don't want to be
in."

"Putang ina sabi ko shut up!" Nagpaputok siya ng baril paitas. Umalingawngaw ang
putok ng baril sa kabuuan ng silid na iyon, tinutok niya kay Doc ang baril matapos
niyang magwala. "Napakadaldal mong babae ka!"

"Ako, madadal? Wow, you should meet my cousin." She said. Nagkakatingnan kami ni
Nico. Gumigilid siya. Senenyasan niya akong h'wag mag-iingay.

"Tumahimik ka! Hindi ka ba natatakot? Babarilin kita!"

"For a killer, ikaw iyong nagsasabi ng plano, sure ka na bang babarilin mo ako?
Sige, barilin mo ako. Barilin mo ako?! Sinasabi mol ang iyan. I know you can pull
the trigger, pero nagdadalawang – isip ka kung kanino mo patatamain diba? Sa akin
na isang stranger o sa kapatid mong naging dahilan ng insecurities mo sa buhay? You
want to succeed in life, and yet you are always under his shadow. What will you do
now---"

"Putang ina!" Lumapit siya kay Doc at saka hinatak ang buhok nito." Ang daldal mo,
chupain mo na lang ako." Pinilit niyang pababain si Doc. Lumakad ako papunta sa
kanya pero tinutok niya sa akin ang baril niya. "Lumapit ka, babarilin kita, Miguel
Jorge---putang ina!"

Binaril ni Nico si Angelo sa binti nang dalawang beses kaya napaupo siya. Nabitiwan
niya si Doc, kinuha ko naman ang baril niya.
"Are you alright?" I asked the Doctor.

"I am. I feel like Jorge's brother has Bipolar. I need to do more tests. Anyway,
can we leave now?"

"Yes, Doc."

"And James..." Hinawakan niya ako sa balika. "Big guy, you can smash things. Ronni,
stay inside, stay safe." Nauna akong lumabas, kasunod ko si Nico na paulit – ulit
akong tinatanong kung anong nangyayari at kung sino si James at Ronni. Hindi ko
naman siya sinasagot. Buong pag-iingat kaming lumalakas. Pagdating sa dulo ay may
nakita kaming tao. Nagtago kami sa gilid ng mga kahon na iyon. Napapagitnaan namin
si Doc. Nang malapit na ang tao ay binaril ni Nico saka kami umalis.

Kailangan naming makarating sa labas pero hindi pa man kami nakakalayo sa silid na
pinagtaguan sa amin ay nakita ko na ang tatay ni Angelo. Si Rogelio De Angelo.
Nakangisi siya habang nakatayo sa gitna ng mga tauhan niya.

"Hindi ka talaga basta susuko, ano Jorge?" Lumabas ako at nagpakita sa kanya. "Anak
pa rin kita, I can still give you a chance."

"You killed, Angela." Sabi ko. "You killed my sister." It's true.

"Anak, every daughter's duty is to satisfy their fathers. Hindi ko sinabi kay
Angela na magpakamatay. I want her to enjoy what we have."

"Napakababoy mo." Wika ko. "Binaboy mo ang Mommy." Naiiyak ako sa galit.

"I love your mother, and I love to share her too. Wala namang masama roon."

"Baboy ka!" Umalpas ang mga luha ko. Ang tagal – tagal kong tinago ang mga sama ng
loob at galit ko sa taong ito. He took away all the chances of my happiness, kinuha
niya si Ate Angela, sinamantala niya ang Mommy and now he is trying to take away my
chance of being happy with the woman I love – si Eleina. Mahal na mahal ko si Leina
at wala akong hindi gagawin para lang magkasama kaming dalawa.

"Baboy ka!" Sigaw ko. Lumapit ako sa kanya, hinarangan ako ng tauhan niya. Nico
shoot from behind, isa – isang natutumba ang mga sumasalubong sa akin hanggang sa
makarating ako sa tapat mismo ng aking demonyong ama. "Demonyo ka!" Sigaw ko.
Sinampal niya ako.

"Wala kang kwentang anak!"

"Ikaw ang walang kwenta! Hindi mo alam kung anong epekto sa akin nang lahat ng
ginawa mo! Sana, pinatay mo na lang kami ni Mommy! Sana pinabayaan mo na lang ako!
Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang ginawa mo kay Ate! Ang baboy mo!
Wala naman kaming ginawa kundi ang mahalin ka noon pero nagpakademonyo ka! Wala
kang kaluluwa!"

"Wala akong kaluluwa, pero wala ka pa ring kwenta." Bulong niya iyon sa mukha ko.
"Lumalaban ka dahil kay Apelyido? Magkapareho lang kaming dalawa. Masamang tao rin
siya! Nagbebenta rin siya ng droga at armas! Pumapatay rin ng tao ang grupo nila.
Ang gusto ko lang ay malampasan ang grupo nila, at magagawa ko iyon dahil dalawa
kayo ni Angelo na tutulong sa akin pero nagpakatanga ka!"

"Hindi ako tanga! Alam ko kung anong gusto ko!"

"Iyong Apelyidong babae? Ipapakuha ko. Hinahanap na nila, pinakukuha ko, pinadadala
ko rito at gagahasain ko iyon sa harapan mo tulad lang noong ginawa ko kay Angela.
Bago matapos ang araw na ito, laspag na ang babaeng iyon pero ako ang mauuna, ako
ang tatay eh—" Sinapak ko si Rogelio De Angelo sa mukha. Nasaktan siya pero tumawa
lang ang demonyo.

"Nakita ko, Jorge iyong larawan niya. Maganda, malaki ang suso. Mukhang tiba-tiba
ka. Sisiguruhin kong matitikman ko iyon!"

"Putang ina ka!" Sinugod ko siya. Sinuntok ko sa mukha, sa tyan, sa tagiliran.


Lumugmok siya pero tawa lang siya nang tawa.

"Isipin mo, hahalinghing rin iyon. Masasarapan rin iyon!"

"Baboy! Baboy!" Umiiyak ako sag alit. Dumudugo ang kamao ko dahil walang humpay ang
pagsuntok ko sa kanya. Nakahiga na siya sa malamig na semento, duguan ang mukha
pero hindi siya tumitigil, lumalabas na rin ang dugo sa bibig niya.

"Papatayin kita!" Kinuwelyuhan ko pa siya. "Papatayin kita!"

"Sige lang, kaya mo ba?"

"Jorge!" Nagtaka ako nang biglang sumigaw si Nico. Napalingon ako, laking gulat ko
nang makita kong nakalugmok na si Doc Dyosa sa semento, si Nico ay may tama, sa
likod niya ay naroon si Angelo Jorge at nakaumang ang baril sa akin, sumunod ang
pagputok ng baril, napapikit ako, nakikiramdam, naghihintay, tinamaan ako, nabuwal
ako, pero mas maraming putok pa ng baril ang sumunod.

Nakadilat ang mga mata ko, nakatingin ako sa kisame ng lugar na iyon. Mayamaya ay
may umaalaylay sa akin, dalawang pares ng mga braso ang tumulong sa akin.

"Okay ka lang?" Kambal sila, parehong naka-kulay violet na t-shirt.

"May tama sa binti, Japeth." Sabi noong isa.

"Si... si Leina?" Hindi ko matiis na tanungin.

"Papunta na iyon. Dito ka muna." Sabi noong isa. Inupo ako sa gilid. Namataan kong
naglalakad si Senyor Axel papunta sa akin, may kasama siyang apat pang lalaki. Ang
mga Uncles ni Leina. Ang isa ay hinding – hindi ko makakalimutan dahil siya ang
nagpabugbog sa akin – si Thaddeus Emilio.

Iyong kambal, tinayo si Rogelio.

"De Angelo De puta ka." Sabi ni Thaddeus Emilio. "Hindi ka pa rin ba tumitigil?"

"Matatalo ko rin kay, Apelyido. Malapit na."

"Kailan? Naiinip na ako." Nakangisi lang si Senyor Axel.

"Pre." Sabi noong naka-asul na bullet proof. "Totoo ba?"

"Ang alin? Na matatalo ko kayo, Azul? Oo. Malapit na."

"Totoo bang ginahasa mo ang sarili mong anak?" Pagpapatuloy ng Uncle Azul ni Leina.

"Wala kang pakialam roon."

"Totoo ba?" Ulit niya.


"A daughter's duty is to satisfy the father. Gusto mo bang bigyan kita ng tips? May
anak ka rin bang babae?"

Bigla na lang humkbang papunta sa harapan iyong isang Uncle ni Leina. Si Judas.
Tinanguan niya ang kambal. Tahimik akong nanonood. May kaba sa dibdib ko. Pinaluhod
noong isang kambal si Rogelio.

"Alam ko si Apelyido puro babae ang anak. Nakatikman mo ba?"

Kakaiba si Judas sa lahat. Iyong apat kasi may dalang matataas na kalibre ng baril
pero siya, may dala siyang Samurai. Inilabas niya iyon.

"Anong gagawin mo?!" Biglang naging frantic ang boses ni Rogelio.

"Sabi ng anak mo, demonyo ka, pero mas demonyo ko." Ang sumunod kong nakita ay ang
pagsirit ng dugo mula sa leeg ni Rogelio. Nakita kong gumulong ang ulo niya papunta
sa may kabilang dulo. Napanganga ako.

"Pet, Pet, tapos na ba?"

"Ewan ko, hindi ko tininganan, Eli!"

Wala akong kibo. Nakatingin ako sa humiwalay na ulo ni Rogelio.

Tapos na...

"Dad! Dad! Daddy! Anong gagawin ko rito sa kakambal ni Jorge?"

"Ipapahuli sa pulis. Siya ang fall guy ng lahat ng ito." Narinig ko lang sila. "Si
Nico, dalhin sa Varres. Si Dyosa rin. Ido, tawagan mo si Javier."

"Tang ina mo, Supot! E di ikaw ang tumawag sa Putang inang Javier na gagong anim
lang ang abs noon!"

"May tama ba si Dyosa? Anong ginagawa niyan kasi dito?"

"Sa balikat lang, Uncle Simoun."

"Sige, Ido tawagan mo si Javier."

"Putang ina mo, Azul, mahal kita pero hindi ko tatawagn iyong Putang inang Javier
na gagong walang abs na iyon!"

"Bata..." Lumuhod sa harapan ko si Senyor Axel. Tinatapik niya ang balikat ko.
Nararamdaman ko ang luhang umaagos sa mga pisngi ko. "Tapos na. Makakauwi ka na."

"Hindi ho ako iyong bumaril sa inyo." Wika ko. "Hindi ho ako." Napahikbi pa ako.

"Ikaw man o hindi, wala nang kaso iyon, ang mahala ay ang dalaga ko. H'wag na h'wag
mo na siyang iiwanan."

"Hindi ho ako. Hindi ho ako." Paulit – ulit lang iyon. Nakita kong tumatango siya.
Niyakap niya ako.

"Magiging maayos na ang lahat."

"Sige, linisin ninyo na iyan." Sabi noong isa. Iyong kambal ay tinulungan akong
tumayo. Kasunod namin si Senyor Axel. Lumabas kami ng warehouse, naroon ang
dalawang kinakapatid ni Leina. Iyong isa sinalubong ng isang babaeng Liv ang
pangalan.

"Jorge!" Napahinto kami sa paglalakad. Nakita kong tumatakbo si Leina papunta sa


akin. She was crying. Yumakap siya nang napakahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik.
Humahagulgol siya.

"Hindi ako iyong bumaril sa Daddy mo." Iyon ang nasabi ko. "Hindi ako, Leina. Hindi
talaga ako. Hindi ako..."

"Okay... I love you..." She was crying while looking up at me. I wiped her tears.

"I love you more..." 

CHAPTER 18

Happier

Miguel Jorge's

Nagising akong si Senyor Axel ang nadatnang nakaupo sa couch. Nagbabasa siya ng
dyaryo habang magka-krus ang paa. Hindi niya napansing gising na ako. Umiikot naman
ang mga mata ko sa silid upang hanapin si Eleina. Gusto ko siyang makita pero
talagang si Senyor Axel lang ang naroon. I cleared my throat. Napatayo agad siya at
lumapit sa akin.

"Bata, gising ka na pala." May ngisi agad sa labi niya. Masakit ang katawan ko,
pero mas sentro ang sakit sa binti ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Tumayo si Senyor
Axel sa tabi ng higaan ko. "Gusto mong tubig?" He asked me. I nodded. Bago siya
kumuha ng tubig ay inayo niya muna ang pagkakahiga ko. Inalalayan niya ako sa I can
sit up and then he turned around to get a bottle of water. Siya na rin ang nagbukas
niyon at saka ibinigay sa akin. Uminom muna ako bago nagsalita.

"Maraming salamat po."

"Ayos lang. Pinindot ko na iyong ano para pumunta na rito iyong nurse sakaling may
kailangan ka." Tinapik niyang muli ang balikat ko. Nakatingin ako sa kanya. Muli
siyang naupo sa couch at kinuha ang dyaryo. Mukhang nagsasagot siya ng crossword
puzzle. I cleared my throat again.

"Hindi ho ako iyong bumaril sa inyo." Wika ko sa kabila ng nanunuyong lalamunan.


Ibinaba ni Senyor Axel ang dyaryo, pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay at
tumingin sa akin. Umiiling – iling ako. "Hindi ho ako, Senyor. Hindi ko po kayo
sinaktan, kahit na po si Eleina."

"Oh! Gising na pala itong pangit na nilalang!" Bumukas ang pinto ng silid at
pumasok ang apat pang tiyuhin ni Eleina. May dala silang prutas. Iyong lalaking
pumugot sa ulo ni Rogelio ay inilapag ang prutas sa table at saka tumabi kay Senyor
Axel. Iyong Uncle Azul ni Leina at tinapik ang balikat ko saka siya umupo sa tabi
ng Daddy ni Leina. Iyong tumawag sa aking pangit ay tiningnan ako mula ulo hanggang
paa sabay bulong ng pangit talaga tapos iyong isa naman ay parang batang tumatawa
mag-isa.

"Axel, tumawag ka na ba ng doctor?" Tanong noong Uncle Azul.

"Nurse. Hindi pa nga nagpupunta." Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. "Bata,
ulitin mo iyong sinasabi mo kanina."

Uminom muna muli ako ng tubig saka ako nagsalita. "Hindi ho ako iyong bumaril sa
inyo, Senyor."

"Hindi naman pala siya." Sabi noong isa. "Ido, barilin mo na ito."

"Hoy!" Binatukan noong Uncle Azul ni Leina iyong Uncle KD ni Leina. "Tarantado ka,
Kidong. Nananahimik iyong bata."

"Ano bang balak mo sa anak ko, De Angelo?"

"Madrigal po." Pagtatama ko.

"Legal ka na bang Madrigal?" Tanong muli ni Senyor Axel sa akin. Hindi ko alam kung
bakit ako kinakabahan. Baka kasi hindi siya naniniwala na hindi ako ang bumaril sa
kanya. Tinanguan ko siya bilang sagot sa kanyang katanungan. Legal naman na akong
Madrigal. Inampon ako ni Auntie at uncle – wala silang anak na dalawa at wala rin
naman akong pagsisisi na nilapitan ko silang dalawa noon. Mahal na mahal ko sila at
alam kong ganoon rin ang nararamdaman nila para sa akin.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko, ano bang balak mo sa anak ko?" Napakamot ako
ng ulo, medyo napangiwi pa nga ako kasi iyong kamay na naitaas ko ay iyong may
swero.

"Papakasalan ko po sana."

"Bakit mo papakasalan, nag-sex na ba kayo?!" Tanong noong Ninong Ido ni Leina. Siya
talaga ang hindi ko makakalimutan sa lahat dahil siya ang nagpabugbog sa akin.
Kinabahan naman ako.

"Hindi po... wala... wala pong ganoon." Napakamot muli ako ng ulo. Nanlalaki ang
mga mata ko. Jusko, pati ba naman iyon?

"Masama iyong nakikipag-sex nang hindi pa kinakasal. Bad iyon! Immoral iyon!" Wika
muli ng Ninong ni Leina. Nakatikim siya ng batok mula sa Uncle Azul ni Leina. Hindi
ko alam kung bakit nagtatawanan sila. "Totoo naman! Si Georgina pinakasalan ko muna
bago pinapak!"

"Putang ina mo, Ido, napakasinungaling mo!" Sigaw noong King David.

"Supot pa rin ang lahi mo!"

"Tatlo na ang apo mo kay Japet! Ulol!"

"Sumsagot ka na ngayon!" Tumayo silang dalawa. "Tang ina mo! Babarilin kita!"

"Kaya mo, kaya mo!"

"Putang ina naman!" Sigaw ni Senyor Axel. "Wala kaming mapag-usapan nitong si Jorge
dahil sa kaepalan ninyong dalawa. Azul, ilabas mo nga muna iyang mga panget na
iyan!"

"Tang ina ka, Axel, anong ginawa mo sa'yo at niyuyurakan mo ang buong pagkatao ko!"

Lumabas na silang apat. Naiwan kami ni Senyor Axel sa silid. Nagbuntong – hininga
siya.

"Nag-propose ka na ba kay Eleina?"

I nodded.
"Pumayag ba?"

"Hindi pa po sumasagot. Sabi ko kasi aayusin ko muna ang lahat ng ito bago niya ako
sagutin. Hindi ko kasi sigurado noon kung ako ho ba o hindi ang bumaril sa inyo
noon. Ayoko naman hong ako ang bumaril tapos ipu-pursue ko pa si Leina. I love her,
Sir – Senyor pala, but I told her that if things get ugly, she should always choose
to be with her family."

Nakita kong tatango – tango siya, Muli niyang kinuha ang dyaryo at pinagpatuloy ang
pagsasagot sa crossword., inubos ko naman ang natitirang tubig mula sa ibinigay
niyang bote. Ano kayang iniisip ni Senyor Axel ngayon? Okay lang kaya sa kanyang
pakasalan ko si Eleina? Bumukas ang pinto ng silid, sabay kaming napalingon ni
Senyor Axel, pumasok ang kapatid ni Leina na si Anne. She made a face when she saw
me standing up, sumunod si Leina na may dalang eco bag na may kalakihan.

"Oh my god." Nabitiwan niya ang hawak niya at saka siya tumakbo papunt sa akin.
Sumampa siya sa kama para yakapin ako. "Kaya ayokong umuwi kasi alam ko gigising ka
na eh. Si Popsi kasi. I love you. I love you." Pinaghahalikan niya ako sa buong
mukha. Napapangiti naman ako. She even cupped my face. "I love you. Don't scare me
like that ever again."

"Sobrang ganda mo." Iyon lang ang nasabi ko. She giggled. Nahampas niya ang binti
kong tinamaan ng bala kaya napa-aray ako nang malakas.

"Ay sorry, Love! Wait, Popsi, hindi ka man lang tumawag ng nurse!" She hissed.
Tumayo si Senyor Axel.

"Halika na, Anne, tumawag tayo ng nurse."

"Pero kakaupo ko lang ay. Napapagod ako."

"Tara na!" Hinatak ni Senyor Axel si Anne patayo. Sinadyan yata niyang iwanan kami.
Lein cupped my face again. Hindi nagtagal ay lumuluha na siya. I wiped her tears.

"Sorry..." Sabi ko.

"Okay na. Basta ligtas ka. Buti sa binti ka lang tinamaan. Alalang – alala ako
sa'yo."

"Hindi na ako aalis."

"Dapat naman." Hinalikan niya ako sa pisngi. Yumakap siya sa akin. Ganoon kami nang
mga ilang minuto at magtatagal pa sana kung hindi ko lang biglang naalala si Nico,
si Polo at si Doc Dyosa.

"Nasaan si Nico?"

"Ah, nasa kabilang room siya. May isa ka pang kamukha, nasa isang room. Si Doc
Dyosa naman nasa suite siya. Nagkamalay na rin siya kagabi. Nabaril siya sa may
balikat, Mamaya puntahan natin sila kapag may go signal ng doctor." Tumango ako.

"I'm so sorry about your Dad."

"It's okay. It may sound cruel but I think he deserves that. Si Angelo..."

"Dinala rin siya rito sa hospital. May mga pulis na nagbabantay sa kanya. They made
it look like it's a family problem gone bad. Pinasabog nina Kuya Narcing iyong
bahay ninyo, and then the police raid it. May mga nakuha silang droga at mangilan –
ngilang armas. Kaunti na lang ang itinira nila kasi iyong iba binenta ni Nico kay
Uncle David."

Tinanguan ko na lang si Leina. Wala naman akong interes sa mga bagay na iyon. Ang
mahalaga, malaya na ako, malaki ang posibilidad na magiging masaya ako. Sa unang
pagkakataon sa aking buhay, naniniwala akong dapat akong maging masaya.

Dumating ang nurse at doctor sa silid ko. Bumaba si Leina sa kama at tumayo lang
siya sa tabi niyon habang tinitingnan ako ng doctor. Matapos ng ilang preliminaries
at ilang katanungan ay iniwanan na nila kami. Nakakuha na rin ako ng go signal mula
sa doctor na maaari akong gumalaw – galaw. Dahil roon, inaya ko si Leina na
puntahan ang kapatid ko – si Polo Jorge muna.

We went to the other room. He was sitting up. Mag-isa lang siya sa silid na iyon at
nan pumasok kami ay agad siyang ngumiti. Alam kong may mga tanong kay Leina na
sasagutin ko naman lahat mamaya.

"Thank you." Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Lumapit ako sa kanya. "Wala akong
ibang masasabi, Polo kundi ang salamat. Maraming salamat."

"No big deal." Wika niya sa akin. "I'm just glad that even we're all in here now,
safe tayong lahat. Nico is awake, hindi naman malala ang tama niya, ilang beses na
siyang nagpabalik – baoik rito kahit binabawalan siya ng nurse."

"Did you talk to your wife?"

"On the phone. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na ganito. Mag-aalala iyon. Baka
biglang mapaanak." He laughed. "I hope this isn't the last time we will talk,
Miguel Jorge. I want to know you more." Nagkamay kaming dalawa. Hindi kami nagtagal
ni Leina dahil pinuntahan rin namin si Nico. Natagpuan namin siyang nanonood ng tv
habang lakad nang lakad.

"Saan ba ang tama mo?" Iyon ang una kong tanong.

"Sa likod ng balikat lang naman. Hindi nga masyadong bumaon, sa binti, daplis lang.
Kagabi pa ako gising, masakit pa rin ang katawan ko pero nag-aalala ako."

"Okay naman ako." Tiningnan niya lang ako. "Ito ba si Leina?"

"Oo. Girlfriend ko. Leina, si Nico, pinsan ko." Nagkamay silang dalawa. He looked
at me again.

"Iyong babae kagabi bakit siya kinuha nila uncle?"

"Akala nila siya si Leina."

"My god ha!" Napalingon kami ni Nico sa kanya. "Dyosa lang ang pangalan ni Doc pero
di hamak na mas maganda ako sa kanya, nakakaloka."

"I see. May tama rin siya."

"Oo nga." Si Leina ang sumagot, pero sa may balikat lang rin, mukhang okay naman na
siya. She's in a presidential suite room."

"Whoa."

"Her family owns the hospital." Pagpapatuloy ni Leina.

"Really?" Nico asked.


"Duh, h'wag ka na. May anak na si Doc, for sure may jowa iyon. Love, puntahan rin
natin si Doc?"

"Sure. Una na kami ni Nico."

Leina and I rode the elevator. Nasa seventh floor ang presidential suites kaya
naroon kami. Nagkukwento siya na sinilip niya si Doc kagabi. Mabilis naman raw
itong nagising. Sa pinakadulo ang silid niya. Leina knocked three times, bumukas
iyon at ang bumungad sa amin ay isang lalaking nakaputing polo na may suot na
malaking krus.

"Mga kaibigan ba kayo ni Santa? Pasok, pasok kayo."

Sa pagpasok namin ay bumungad ang napakaraming bulaklak at lobo, may mga pagkain
rin. Nakita ko agad si Magnus na naglalaro sa may sahig. Tumayo siya at lumapit sa
akin.

"Spaceship tayo, Kuya Rocky!"

"Magnus, may sakit pa siya. She's just here to see mom."

"Hello po!" Kumaway si Magnus kay Leina.

"Arkie, just leave. Hindi pa ako mamatay, h'wag mo akong misahan. Hindi pa nalaman
ni Ave na nabaril ako? Wala ba siyang balak magpakita? My god! Oh, you're here, big
guy! Arkie, he's a patient. Leave."

"Dad told me to not let you work. You need to rest. Mamaya darating na si Mama.
She'll sleep here."

"Whatever. Let's go inside." Ngumiti ako. Sumunod kami ni Leina. Doc Dyosa sat on
her bed. Napakaganda ng view sa bintana niya. Napansin kong naglabas siya ng charts
– sure akong sa akin iyon.

"I can probably discuss this with Leina since she's your girlfriend." Binuksan niya
ang charts ko. "Last night, I was calling out Race, pero si Jerry and Ronnie
decided to join us, I kicked your face again, James showed up. Akala ko, it will be
James all along, but as you talk to your father – the biggest trigger in your
mental health, I realized that it's you, Jorge. You didn't loose consciousness when
the switching happened and it's so amazing – magical even."

"Doc, is that a good thing?" Tanong ni Leina.

"Yes. It can mean that the core person has the most power above all the
personalities, sa madaling salita, mas may control siya, or sa mas madaling sabi,
si Jorge – the host – became the stronger and the most dominant one among them."

"Was there a time na hindi siya ang dominating?"

"Yes." Doc Dyosa spoke. "Jorge, you didn't tell her about Ibiza yet?'

I shook my head.

"Anyway, that's not my story to tell. You tell her. But I'm very happy. After we
get the fuck out of this hospital, may session tayo. Sige, dismissed."

Nagpasalamat ako kay Doc at nagpaalam na rin kami ni Leina. Habang naglalakad sa
hallway ay huminto siya at naglakad papunta sa harapan ko. Leina kneeled.
"Gusto mo bang puntahan si Angelo?" I shook my head.

"Hindi muna, Leina." I smiled. "Hindi pa ako handa. Balik na lang tayo sa silid ko.
Tatawagan ko pa si Auntir at Uncle."

"I already did. Kaninang umaga lang, pero papunta na raw sila. Alalang – alala sila
sa'yo. Hindi ko pa nasasabi lahat kasi baka mas okay kapag ikaw ang nagpaliwanag."

"Thank you, Love."

We went back to the room. Naroon na si Annie at ang iba pa. They were all happy to
see me awake and okay. Ipinakilala ako ni Leina sa bayaw niya, si Heath Demitri at
si Sabello Arandia. Dala ni Reese at Heath ang lima nilang anak, kaya si Senyor
Axel, tuwang – tuwa. Si Miss Bernice naman ay todo asikaso sa akin, nahihiya nga
ako sa kanya, hindi niya dapat ako inaalala.

Bandang alas tres nang hapon nang dumating sina Auntie at Uncle. Hindi nga
nakapagpigil si Auntie sa pag – iyak nang makita ako. Natahimik ang lahat habang
yakap niya ako at umiiyak siya.

"Tama na po. Okay naman ako." Sabi ko sa kanya. She just smiled. Inayos niya ang
buhok ko saka niya nilingon ang lahat. Ang naroon ay ang pamilya ni Leina, minus
her uncles.

"Kayo po pala ang mga magulang ni Leina." Wika ni Uncle habang nakangiti. "Kami ang
mga magulang ni Jorge."

"Hello, nice to meet you." Tumayo si Miss Bernice. "Bernice Apelyido—"

"Hala." Nag-react si Auntie. "Ikaw iyong artista." Tumabi si Anne sa Mommy niya.

"Ano Auntie, kamukha ba talaga kami?"

"Ay jusko, kaya naman pala! Nakakatuwa naman! Nice to meet you, pwede bang pa-
picture?"

"Sure po!"

Si Senyor Axel ay inakbayan ang Uncle ko.

"Ano, balae, kailan ba kayo mamanhikan?"

"Popsi!" Sigaw ni Leina. "H'wag mo silang i-pressure! Pwede bang next week po kapag
magaling na si Jorge?" Napuno nang tawanan ang silid ko.

"Teka, ako muna ngayong taon!" Sabi ni Aelise. "Bawal sukob, next year ka na!"

"Oo! December ka, January kami!" Mukhang mag-aaway pa ang dalawa.

"Sagot ko hotel sa kasal ni Leina." Nagsalita si Heath Demitri.

"Paano ako?! Ikakasal rin ako?!"

"May hacienda si Sabello, Aelise! Doon ka!" Sigaw ni Leina. Nagtatawanan ang mga
magulang namin. Bumaling si Leina kay Uncle.

"Next week po, Uncle ha?"

"Aba'y si MJ ang tanungin mo, Leina."


"Gusto mo ba ngayon na?" I asked her. Leina kissed me – just a peck.

"Pagaling ka muna. I love you." Pinakita niya sa akin ang daliri niya kung saan
suot na niya ang singsing na binigay ko sa kanya noon.

"I love you more."

"Welcome to the family!" Sigaw ni Anne. Lalong nag-umigting ang halakhakan sa


paligid ko. It felt so nice. I have never been this happy before.

"Picture po!" Sabi ni Sabello. Pumwesto kami. It was a groupie. Sa tabi ko si Leina
at ang mga magulang ko. Pinagkasya namin ang aming mga sarili. "One, two, three say
kamalig!"

"Kamalig!"

I looked at Leina, I just can't explain the amount of love I have for her. She
completes me, she makes everything feel a lot lighter; because of her, I am
happier. 

CHAPTER 19

What have you done? 

Leina's

"Annie!"

Sumigaw ako nang malakas nang makita ko si Gabrielle Ann na pinapapak na naman ang
Parmesan Chicken wings na niluto ko para sa lunch kasama ang buong pamilya ni
Jorge. Ngayon raw sila mamanhikan. Itinaong tanghali kasi mamayang gabi may taping
si Momsi, hindi naman pwedeng wala siya ngayon. Siyempre nanay ko iyon dapat
present siya sa lahat.

"Napakadamot mo kamo!" Sigaw niya sa akin.

"Mamaya, kakain ka rin naman niyan, kailangan talaga ngayon! Lumayas ka muna at
guluhin mo ang iba!" Bago siya tuluyang tumakbo paalis ay kumuha pa siya ng
dalawang piraso at sinubo iyon ng sabay. Nagtataka talaga ako kung paano nagkakasya
sa bibig niya ang mga kinakain niya. Iyong jumbo hotdog nalululon niya ng isang
subuan. Minsan, nakaka-amaze si Annie.

Ninenerbyos ako – siyempre. Paano kung biglang magbago ang isip ni Miguel Jorge?
Pero hindi naman siguro. It's been a week since he got discharged from the
hospital, okay naman kaming dalawa tapos palagi kaming nag-uusap. Last Wednesday,
umuwi siya ng Calapan, Oriental Mindoro, sinama niya si Nico at si Polo Jorge,
pinakilala niya kasi ang huli sa iba pa nilang kamag-anakan roon. Si Auntie ay
tuwang - tuwa nang makilala ang isa pang kambal. Nbakakatuwa nga. They are both
happy, and I am ecstatic kasi nakikita ko na naman iyong mapaglarong Jorge.

Wala ring switching na nagaganap. Nag-aalala nga ako kasi walang switching –
pakiramdam ko may masamang nangyari sa ibang personalities ni Jorge nang gabing
iyon, pero sabi naman ni Doc Dyosa, nangyayari raw talaga iyon. Relax si Jorge
nitong mga nakaraang araw, iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi nagpapakita ang
ibang mga jowa ko.

Naipaliwanag ko kay Popsi kung ano ang sitwasyon ni Jorge, as expected, marami
siyang tanong, na sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya. Kinabahan nga ako
kasi baka kung anong isipin ni Popsi tungkol sa kanya pero nagulat na lang ako sa
tinanong niya sa akin – Paano iyon anak, di ang dami mong boyfriend? Bigla na lang
akong natawa. I know at that moment, my father has accepted him. Hindi naman maarte
si Popsi pagdating sa mga jowa – jowa na iyan, basta may isang rule lang siya,
kailangan raw kapag pinakilala namin, sure na kami at dapat raw na makita niyang
mahal at aalagaan kami.

Siguro nakita niya iyon kay Jorge. Hindi naman masyadong nakikialam si Popsi sa mga
desisyon namin sa buhay, ang gusto niya lang maging masaya kaming lahat at masaya
naman ako – sa nakikita ko, masaya rin naman ang mga kapatid ko.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto. Si Momsi ay abala sa pag – uutos kay Avery at Aelise
sa paglilinis sa living room. Si Popsi ay inaayos na ang mesa sa dining area.
Mukhang sa lahat sa amin ako ang ninenerbyos.

"Popsi, nasaan na iyong mga mahahaba nating corelle na serving plate?"

"Anak nasa ilalim lang iyan, o baka hiniram ni Red." Sabi niya pa.

"Akala ko ba tirador lang siya ng food container! Nakakainis naman gagamitin ko


iyon." Napapadyak pa ako.

"Kumalma ka nga, Eleina. Darating sila Jorge, formality lang naman itong
pamamanhikan. Jusko, gusto mo sumama ka na umuwi roon mamaya."

"Minsan talaga naiisip kong hindi mo kami mahal." I said. "Kunga nagka-jr ka kaya,
Popsi, ipagtutulakan mo rin siyang mag-asawa agad."

"Popsi!" Sumigaw si Annie. "Si Aelise nilagyan ako ng lysol sa buhok!"

"Nauna kasi siya! Pinahiran niya ako ng basahan sa mukha!" Sumbong rin ni Aelise.

"Alam mo nak." Sabi ni Popsi. "Akala ko noong puro babae ang anak ko, nakalamang na
ako kina Ido, noong naglalakihan kayo, naisip ko, oo nga puro babae kayo pero daig
ninyo pa ang isang dosenang anak na lalaki. Anyway, sanay naman ako. Bilisan mo,
mamaya nandyan na sila."

Bumalik na ako sa kitchen. Naghanap na lang ako ng pwedeng paglagyan na iba. Inayos
ko na iyon at ginandahan talaga ang plating. Kailangan presentable ang dishes ko.
Apat na putahe lang ang niluto ko, crispy liempo kare-kare, bulala, buttered sugpo,
saka inihaw na bangus, gumawa rin ako ng buldak rice, and of course, plain rice,
for dessert naman, blueberry cheesecake saka chocolate truffle – request ni Annie
iyon.

Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay umakyat na ako sa silid ko para maligo,
magbihis at i-enhance ang kagandahang mayroon ako. Kahit naman kasi walang make- up
ay sobrang ganda ko na, but I have to look nice because my fiance will ask my hand
for marriage today and I'm really excited. Hindi pa man kami kinakasal pero feeling
ko ito na iyong start ng forever naming dalawa. Oo, naniniwala ako sa forever –
talagang tumataas iyong kilay ko sa nagsasabing walang forever – ano kayang
inalmusal noon? Amapalaya?

May forever – the love of the Lord is forever or whatever is beyond that.

"Okay, Leina. This is it." Isinuot ko ang singsing na binigay niya sa akin.

It looks so good in my finger.

Naka-robe pa ako noon, mamimili pa ako ng dress na susuotin, when suddenly the door
opened. Nakita kong pumasok si Jorge. Napaaga siya. He locked the door.

"Ang aga mo! Nandyan na ba sila Auntie?" I looked at him. Napaawang ang labi ko.

"Hi, Doll." He winked at me.

"Race!" I exclaimed. Agad akong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya. He
hugged me back tapos ay naupo kami sa kama. "What happened? Did someone hurt him?"

"Nope. I just really wanted to see you and I want you to see me too. I missed you."

Na-miss ko rin naman siya – actually lahat sila.

"Bakit? May sasabihin ka ba?"

"I feel like this will be the last time I'll ever see you as me." Wika niya. "Baka
matagalan bago ako makalabas ulit, Leina." Hinawakan niya ang kamay ko. "I just
want to tell you how thankful I am to you for loving our boy too much."

My heart melted. Humawak siya sa pisngi ko.

"You are indeed the most beautiful being in the world."

"Oh my god, stop!" Hinampas ko pa siya sa balikat. "Masyado kang honest."

"Pwede bang pahalik, Leina?" Napatitig ako sa kanya. I nodded at him. I closed my
eyes and waited for him to kiss me. Sana talaga hindi muna makialam si Ronni. I
love him too – inaasahan ko nga siya sa pagtulong sa akin sa pag-aayos ng kasal ko,
I want him involved.

Race's lips collided with him. Humawak siya sa baywang ko para mailapit niya ako sa
kanya upang mas lumalim ang halik na iyon. I feel so wanted right now. I feel so
beautiful. I've been kissed a lot by Jorge, and I can feel the difference of their
kisses. Jorge's kiss will start soft, palalim nang palalim hanggang sa maging
mapaghanap, sa kama ay napakademanding ng mga halik niya, si Race naman, demanding
agad, first collision pa lang, may padila na si Kuya. Nakakaloka!

We were both catching our breaths, he pulled away. He caressed my face.

"I love you, Leina." He said.

"I love you more."

"Eleina..." And just like that Race disappeared. Si Jorge na siya ngayon.

"Tang ina mo!" Hinampas ko siya sa balikat. "Nakakainis! Sabin ang Leina! Leina!"
Tumawa si Jorge – tuwing tatawa si Jorge ay natitigilan ako. Ang sarap kasing
pakinggan.

"He really came to see you."

"Bakit sabi niya matatagalan kaming hindi magkita?"

"I don't know." He smiled. "Are you gonna miss him?"

"Lahat naman kayo nami- miss ko. Hindi ko pa nakikilala si Jerry saka si Rocky."

"One of these days, Love." Inaayos niya ang buhok ko. Ngumuso naman ako.
"Kiss mo ako." Umungol siya.

"Mamaya na lang. Baka hindi ako makapagpigil. Magbihis ka na." Nakipagtitigan ako
sa kanya tapos napangisi ako, bigla kong binuksan iyong robe ko. Wala akong bra.

"Ay, nabukas naman, grabe!" I even bit my lower lip. Tawang – tawa si Jorge.
Hinalikan niya ako sa labi tapos sa leeg, tapos sa may boobs, pero saglit lang
iyon.

"Magbihis ka na po. Mamaya sa akin ka matulog." He kissed me again. Kinilig naman


ang pempem ko. Wala pa kaming sexy time mula nang lumabas siya sa ospital, baka
kasi mapagod siya. Pumaok naman ako sa walk in closet ko para kumuha ng damit.

I wore a simple wrapped around pink casual dress. Hindi na ako naglagay ng ibang
accessories, iyong cushion diamond ring ko lang sapat na. Lumabas muli ako sa
bedroom, naroon pa rin si Jorge, nakaupo siya sa kama ko habang binabasa iyong
libro sa kama ko.

"Like na, Love." He looked up at me. His jaw dropped and his eyes widened. "What?"
Inartehan ko pa. Ako si Maria Malandi ngayon.

"Love, uwi na lang muna tayo. I want you all by myself."

"Loko!" I giggled. Tumayo na siya. "Bilisan na lang natin."

"Okay." We both went out of the room. Pagbaba namin ay ang siyang pagdating naman
nina Uncle kasama si Nico at si Polo. Sobrang saya naming lahat noong araw na iyon.
Nagkasundo sa petsa at kung saan gaganapin ang kasal.

Gusto ko sa St. Augustine's church. Doon kasi kinasal ang mga magulang ko. Si
Aelise ay sa simbahan sa Bulacan ikakasal, doon naman raw kasi kinasal si Don Paeng
at Tita Nadia. Noong una ayaw ni Sabello roon, naghiwalay raw kasi ang mga magulang
niya kaya hindi effective roon, buti at nagkasundo na rin sila.

Five pm nang matapos ang pamamanhikan. Umalis kaagad si Momsi dahil sa call time
niya. Isinama niya si Auntie kasi gusto raw nito makita ang work ni Momsi kaya pati
si Popsi ay umalis. Naiwan kaming magkakapatid para magligpit pero to the rescue si
Kuya Heath na nagpapaunta ng mga house helper kaya wala kaming ginawa.

Binilinan ko si Aelise kasi aalis kami ni Jorge – sexy time! Sila na raw ang bahala
sa bahay.

We got to his unit. Hindi pa namin napag-uusapan kung saan kami titira after ng
kasal, sabi ni Popsi, okay lang raw kung lilipat ako ng bahay, pwede naman na si
Jorge ang tumira sa amin, pero ayoko noon, hindi kami makakapag-sex anytime. Ayaw
lang ni Popsi na malayo kami, sana raw maisip namin siya – ibig sabihin, h'wag
kaming lilipat ng Calapan, Oriental Mindoro.

"Love nabusog ako kanina, ang sarap mo." Sinasabi sa akin ni Jorge iyon habang
naghahanda siyang mag-shower.

"Duh, masarap talaga ako." I giggled. Lumapit siya para hagkan ang noo ko. "Love,
may hindi ka pa sinasabi sa akin eh."

"What?" I took his hands.

"What really happened in Ibiza?" I asked calmly. Nakipagtitigan naman siya sa akin.

xxxx
Jorge's

Nagising akong walang ideya kung nasaan ako. I could only see the vast ocean in
front of me. Maraming taong nakahiga sa dalampasigan, may mga nakahubad, may mga
nakadamit, itim, puti, asul ang mga mata. Isa lang ang sigurado, wala ako sa
Pilipinas.

Dapat kahapon pa ako uuwi sa Pilipinas. Natatandaan kong papunta na ako sa airport
noon, pero bakit ako narito?

"Where am I?" I asked myself. I stood up. Napansin kong may mga sugat ako sa kamay,
napansin kong sira – sira rin ang damit ko. Napansin kong may bahid ng dugo ang
jacket ko. Ano na namang nangyari? "Hey! Where am I?" I asked a tall blonde man. He
looked at me. He seemed like a lifeguard.

"You're in Elvissa, my friend."

I am dumbfounded. I am in Elvissa. That's in Ibiza. How the hell did I end up


here?!

"Tang ina, sino sa inyo ang nagdala sa atin dito?' I started walking. I checked my
pocket. I have money, but it's not a lot. Iniisip ko kung saan ako nag-stay na
hotel. One of us could've checked in to somewhere. I checked my jacket's pocket.
Naghahanap ako ng key card, luckily, may nakita naman ako. May pangalan ng hotel
doon, may room number rin. I hailed a cab and told the driver the hotel's name.
Hindi naman nagtagal ay nakarating ako roon.

The room was on the seventh floor. Room 7801. I found it. Ang sakit -sakit ng
katawan ko. Masakit na rin ang ulo ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob.
Binato ko sa kama ang jacket ko. I looked for my phone. Nasa bedside table iyon.
Binuksan ko at nang makita ko ang date sa phone ko ay lalo akong napamura.

"Putang ina! Isang buwan na ako rito!" I was supposed to be go home on July 12, but
it's August 13 now. Paano nangyari iyon? My phone rang and I saw my doctor's name
on the screen. I answered her call.

"Where are you?!"

"Ibiza, Spain." Napaupo ako sa kama. Sumasakit ang sentido ko.

"Where in Ibiza? I am in Ibiza. I need to find you!" Gigil na gigil na si Doc. I


sighed.

"Elvissa at a hotel. I'll text you the address, Doc. I don't know what happened." I
said. Tinapos ko ang tawag at nag-text na lang ako sa kanya habang nakaupo roon ay
natitigilan ako. I could see flashes – of me, wearing an avantgarde costume,
dancing in the middle of the streets with half naked men.

"Ugh! Ronni!" I even saw myself kissing a man. "De puta, Ronni!" Nangigigil ako. I
sw myself inside a phone booth – I felt anxious – it's Jerry. Maybe he called the
doctor. Nasipa ko ang chest sa may ibaba ng kama. Ronni invaded my body for a
month! "Tang ina!" Sa pagsipa kong iyon ay bumukas ang chest sa ibaba ng kama.

"Tang. I.na..." Natigilan ako nang makita ang laman ng loob ng chest na iyon.

Diamonds.

"Shit!" I suddenly lost my balance. Sumakit ang ulo ko. I saw a sleek haired
version of me, inside a dark hallway, with a black bag running for his life.

"James!" Dammit! All I could do is look at the chest full of diamond jewels. What
have you done James? 

EPILOGUE

Iba-iba

Gabrielle Eleina Bulabog - Apelyido's

Kasal ni Aelise bukas. Lahat kami ay nagpunta sa Bulacan – lahat as in lahat, mula
sa pamilya ni Uncle Simoun hanggang kay Uncle Judas. Hindi ko alam kung anong
mangyayari, sure akong gulo iyon, some of my Uncles are naturally a troublemaker
but that's fine, I love them all the same – mas nga lang si Ninong kasi Ninong Ido
ko iyon, siya ang namili ng bike ko noong bata ako, saka malaki siya magbigay ng
Aguinaldo – iyon raw kasi ang pangalan ng tatay niya.

I rode with Jorge, of course, convoy kaming lahat sa pagpunta roon. Limang
sasakyan, tapos sa gilid namin ay naroon sina Kuya Narcing, Dondon, Solomon at
Japhia – mga naka-motorbike sila para na rin iyon sa kaligtasan ng lahat. Si Kuya
Red kanina nagmamaktol pa yata, gusto raw kasi niyang sumali sa pagmomotor pero
pinagbawalan siya ni Ate Orang, ngingiti – ngiti lang iyon pero masama ang loob
noon, kinagalitan ko rin kanina kasi hindi niya pa binabalik ang Corelle ko. Sira
ulo talaga.

Sabello wanted everyone to stay in their mansion, kasya naman raw kami, pero si
Popsi, hindi siya pumayag. Nakakahiya naman raw kasi dahil naroon rin ang mga
kamag-anakan nila Sabello kaya ang ginawa niya, nag-rent na lang muna siya ng
dalawang medyo may kalakihang bahay para sa amin – siyempre, hindi naman kakasya
ang buong pamilya namin sa iisang bahay lang.

Jorge took my hand and he kissed each one of my finger. Nakangiti siya sa akin
tapos kikindat – kindat pa. Siyempre, sagana kami sa sex life ngayon, doon na ako
umuuwi sa Unit niya. Ibinalik ko na kay Pascal ang kabilang unit, hindi ko naman na
kasi nauuwian iyon.

Minsan during sex, as in the saugsage is in the whole, may naganap na switching.
Hindi ko alam kung anong nangyari but Race came out – pasalamat na lang ako na
hindi si Ronni ang lumabas kundi naku! Nagulat rin talaga ako sa nangyari, I
remember him telling me na lumalabas lang ang alters niya kapag triggered siya or
anxious, but Race came out, at si Race lang talaga sa loob ng apat na oras – when I
woke up the next morning, Jorge was staring at me and the first thing that came out
of his mouth is: So, that happened huh?

Akala ko just like the first time James kissed me, magseselos siya, but he doesn't
seem to mind. I asked his Doctor about it and Doc Dyosa said: That has a good sign,
it means that Jorge is finally accepting his alter egos. He does not think about
them as other people anymore. That is a good thing, keep doing what you are doing
to him.

Once in a while, a switching happens and it doesn't bother me so much anymore.


Mukhang siya rin naman. Minsan habang nanonood kaming dalawa, akala ko si Jorge pa
siya, but then biglang si James na pala siya, kumakain kami, biglang si Race na
siya. Nalalaman ko naman agad, nagpapalit kasi ang way ng pagsasalita at pagkilos
niya – pero kung mayroon mang iisa silang habit ay iyon ang pagtawag sa akin ng
Eleina kahit inis na inis na ako.

He is at peace. Doc Dyosa told me to be alert lalo na kapag natutulog raw si Jorge,
may mga nightmares raw kasi ito, pero mula naman noong nagsama kami sa unit niya ay
mahimbing naman ang tulog ni Jorge. Tinanong ko rin siya kung nagkakaroon pa siya
ng nightmares pero sabi niya madalang na lang raw at iyong mga pagkakataong iyon ay
iyong wala pa ako sa tabi niya, so I came to the conclusion that it's because he's
not alone anymore... maybe he's not scared anymore, maybe it's because he has
defeated all his demons, and I am proud of him.

"Excited ka ba, Love?" I asked him. Medyo tumawa si Jorge. "Sa kasal natin, next
month na iyon. Ay! Maganda iyon kapag New Year, Happy New Year tapos mag-Happy New
Year ka rin sa akin para magkababy na tayo!" Biglang tumawa nang malakas si Jorge.
Hinaplos – haplos ko ang buhok niya. Pinaglaruan ko pa nga ang earlobe niya.

"Ilan ba ang gusto mong anak, Love?" He asked. Hinalikan na naman niya ang kamay
ko.

"Kahit ilan, pero sana lalaki naman, gusto kong mabigyan ng apo na lalaki si
Popsi." May anak namang lalaki si Ate Reese at Kuya Heath – dalawa pa nga iyon,
pero siyempre dapat meron rin ako para mas malaki ang mamanahin ko – charot! "How
many do you have in mind?"

"Pangarap ko talagang magkaroon ng sariling liga ng basketball team, kaya siguro


mga 12, ayos na ba iyon." Nanlalaki ang mga mata ko. Pinaghahampas ko siya sa
braso.

"Tang inang ito, ano ako baboy?! Nakakainis ka!" Tawa lang siya nang tawa.

"Mamahalin kita kahit tumaba ka pa. Para sa akin, ikaw lang ang pinakamagandang
babae sa buong kalawakan. Kapag sumali ka sa Miss Universe, love, wala nang
contest, ibibigay agad nila sa'yo ang crown, audition pa lang kasi na sa'yo na ang
lahat."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata tapos bigla ko siyang hinampas na naman sa


balikat.

"Stop! Oh my god, you're so honest naman!" Tawang – tawa ako.

"I love you more, Love." Siyempre, kilig na kilig na naman ako.

Nakarating na kami sa simbahan. Si Momsi ay noong isang araw pa narito kasama si


Annie. Inasikaso niya si Aelise at tumulong na rin siya sa pagpa-finalize ng kasal
ng kapatid ko. Mukhang magkasundo naman silang dalawa ng Mama ni Sabello. Mukhang
hindi naman niya tatarayan si Tita Nadia. May tendency kasi si Momsi na mataray
siya, madalas si Popsi ang biktima nila.

Narating namin ang bahay na tutuluyan namin. Malapit lang iyon sa lupain ng mga
Arandia. Everyone moved, pinagbababa ng mga lalaki iyong mga gamit, kanina ko pa
napapansin si Kuya Don na iniirapan si Jorge, si Jorge naman ay napapakamot lang ng
ulo, hindi kasi maganda ang naging huling engkwentro nilang dalawa and that was
just two nights ago. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako kapag naaalala ko iyon.

Jorge slept in that night, pero habang naglalagay ako ng skin care ko ay bigla na
lang dumating si Ronni. Natuwa naman ako, siyempre, we did each other's skin care
routine, tapos naisip naming bumaba para kumuha ng maiinom, pagdating namin sa
kusina, naroon pala si Kuya Red, kausap si Mommy, nanghihiram na naman yata ng food
container, he turned to us, he smiled at waved.

Ang luka kong jowang baklita – triggered. Buti na lang pumasok si Mommy sa
pinakaloob ng kitchen para hanapin ang mga container niya, kaya noong sumigaw si
Ronni at yumakap kay Kuya Red ay hindi niya nakita. Siyempre, nagulat si Kuya Red –
by this time, alam na naman na nila ang sitwasyon ni Jorge. Hindi naman siya
nanlalaban pero umiiwas siya, naghabulan pa sila hanggang sa makarating sa labas ng
bahay, sumunod ako.

"Red! I love you!" They were running in circles. Hinaharangan ni Ronni ang motor ni
Kuya Red. Tawa naman ako nang tawa pero natigil iyon nang may dumating na isa pang
motorbike. Si Kuya Don. Tumakbo agad siya nang makitang hinahabol ni Ronni si Kuya
Red.

"Hoy!" Sigaw ni Kuya Don. "Napakakapal talaga ng mukha mo! Ano, Gabrielle Eleina,
hahayaan mo na lang ito?!"

"He's happy!" I said.

"Happy – happy! Immoral!" Hinawakan ni Ronni ang kamay ni Kuya Red. "Don't touch my
babyloves!"

"Akin siya!"

"Walang sa'yo, bakla! Akin lang si Red!" Sukat pa naman sumugod si Ronni pero
napagitnaan sila ni Kuya Don. Umiiwas – iwas si Kuya Red, nakanguso na kasi si
Ronni at mukhang desisdido siyang halikan si Kuya Red, ako naman ay nakigulo na,
hinahatak ko na siya palayo, pero napakabilis ng pangyayari, Ronni moved forward,
Kuya Red bent down, Dondon moved forward too.

Ang ending, si Kuya Don at si Ronni ang naghalikan.

Sandaling – sandali lang iyon. Nanlalaki pa ang mga mata ko.

"AHHHHHH!" Sigaw ni Kuya Don. Nakatingin siya kay Ronni.

"YUCKKK!" Sigaw naman ni Ronni. Natutop ko ang bibig ko.

"Dondon..." Nagsalit si Kuya Red. "Hindi ako makapaniwalang pinagpalit mo na ako."

"Putang ina mo, Red!" Sigaw ni Kuya Dondon. "Nakita mo namang hindi ko iyon
ginusto! Babyloves!" Sumakay si Kuya Red nang ngingisi – ngisi sa motor niya.
Naiwan kaming tatlo nila Kuya Don. Inirapan niya pa si Ronni bago siya umalis.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan ko si Ronni sa braso. He looked at me.

"Dammit, Ronni!" Bigla akong napahalakhak. Si Jorge na ulit siya. He cupped my


face. "Dali, burahin mo iyong kiss na iyon!"

"Yoko nga! Bahala ka!" I run inside the house. Sumunod naman si Jorge sa akin.

"Love, naaalala mo ba?" Biro ko sa kanya nang makalagpas si Kuya Dondon. He just
made a face. Ipinasok na niya ang gamit namin sa loob. Mayamaya ay inakbayan na ako
ni Popsi. He kissed my temple.

"Sa susunod na buwan, ikaw naman. Ready ka na?"

"Opo! Excited ako." Tiningnan ko si Popsi, nakangiti naman siya pero halatang
malungkot siya. "Awww, Popsi, sad ka kasi ikakasal na kami ni Aelise?"

"Sad ako kasi ang mamahal ng wedding gown ninyo." Bigla siyang umalis. I made a
face. Kunwari lang iyon.

That night, we had dinner with the Arandias. Marami na sila roon, naroon na si
Mcbeth, si Kuya Paolo at si Yves. Kasama nila ang mga asawa nila. Ipinakilala ko
kina Kuya Paolo at Yves si Jorge. Mukhang maayos naman sila. They hit it off, and
they talked about business.

Lumalalim ang gabi, sumasaya lalo ang lahat. Nakaupo ako sa isang mahabang upuan sa
ilalim ng puno ng nara habang nakatingin ako sa kanilang lahat. My parents were
dancing under the moonlight like they were the only ones in the world. Sumunod si
Uncle Simoun at Ninang Leira, hindi naman nagpatalo si Ninong Ido at Ninang Gina.
Gumitna talaga sila, nakita kong pinatabi niya pa si Don Paeng at Tita Nadia, pero
napasimangot siya nang makita si Tita Luisa. Uncle KD and Auntie Yella danced too,
si Tita Arielle na isinasayaw ni Kuya Red ay kinuha n ani Uncle Jude.

Ang sarap – sarap nilang tingnan.

I always dreamed of having a love like theirs, and I'm so glad mine is walking over
me, looking at me like that because he knows that I am the most beautiful girl in
the universe.

"May sinabi sa akin si Sabello." Sabi niya.

"Huh? Ano?"

"Iyong kamalig raw na sinunog ni Aelise."

"I know where that is." I grinned. And I very well know what happens in there.
Napakamot ng ulo si Jorge.

"Dalhin raw kita roon eh." Napahagikgik ako. I'm so glad I'm wearing a skirt
tonight. Tumingin – tingin pa ako sa paligid, bago ako tumayo ay kinuha ko ang
kamay niya we half walked, half run until we reached the kamalig.

Pagpasok pa lang ay naghahalikan na kaming dalawa. I unbuttoned his shirt,


unbuckled his belt and pulled down his pants. Mabilisan lang ito kasi baka hanapin
kami sa labas. He hiked up my skirt and touched the slit of my vagina. I gasped. He
dipped his finger inside, I moaned. Nakababa na ang pants niya, nakalabas na rin
ang bur niya, he help me up and wrapped my legs around him, in that position, he
joined our bodies together. I moaned a bit louder.

"Ang sarap..." I said when he started moving. Inihiga niya ako sa mahabang upuan
roon without breaking our connection. I savored the sweet, delicious feeling he's
giving me. Sarap na sarap ako when he suddenly stopped and pulled away immediately.

"What... what...?" Nakatingin lang siya sa akin. Nanlalaki ang mga mata. "Ronni?"
Nakanganga lang siya habang nakatingin sa akin. Hinampas ko siya sa balikat. "Fuck
ka girl, sabi ko sa'yo kapag ganito, rest ka muna!" Pero hindi siya gumagalaw.
"Ronni?"

"Hala..." Wika niya. "Bad ito. Lagot ako kay Mommy."

"Mommy?"

"Sabi ni Mommy dapat mag-aral lang akong mabuti."

I tilted my head. "Roc-rocky...?"

"Sorry po."

Lumayo siya sa akin. Ay hindi ako papayag. Ayokong nabibitin. Hinatak ko siya
pabalik. Siya naman ang nakahiga ngayon, at ako ang umibabaw sa kanya.
"Bad ito, Ate! Bad."

"Hindi bad ito." I said. "Gusto nga ito ni Jorge eh."

"Pero hindi ko alam ito. Gusto ko lang gumawa ng spaceship saka magdesign ng
bomba." Sabi niya. Gusto kong sumigaw s frustration. Kung si Race o si James o si
Jerry ito, okay pa rin, pero of all of them, itong batang ito ang lumabas?

"Saka na iyon." I clearly remembered Jorge told me that Rocky thinks he's a virgin.
I took off my blouse. "Do you wanna touch my boobs?"

"Pero hindi ko po alam kung paano?" My god, this talk is kind of turning me on. I
bit my lower lip.

"Touch them, like this." Kinuha ko ang kamay niya at inilapat sa dibdib ko. "I will
teach you, okay, Rocky? You better listen to me carefully..." I winked at him. "I
will tutor you." I bent down to kiss him.

I am a very patient teacher and Rocky is a willing student.

x x M. C. J. R. x x

xxxx

Behind the Scenes

Dyosa Santa Varres – Consunji

I woke up from a very sudden sleep. Hindi naman ako dapat matutulog. I have
patients waiting for me in my clinic and yet here I am all tied up in a wooden
chair in this disgusting fucking room. Where the fuck am I?

The first person I saw is my patient – Jorge Madrigal. Like me, he's all tied up,
wala siyang malay. Hindi ko alam kung nasaan kami o kung bakit ako nandito pero
kailangan kong makaalis, my son needs me. I don't know what time it is, but he's at
Oliver's right now. Sabi ko susunduin ko siya before seven, I don't know kung seven
na. pero baka nag-iiyak na iyon. I need to come home to my son.

"Jorge!" Sigaw ko. Pilit akong lumalapit sa kanya. "Jorge! Fucking wake up! Jorge!"

"Santa..."

"What?!" I have an allergic reaction to my second name. My father is the only one
who calls me that and every time he does, galit pa siya kasi matigas ang ulo ko
kaya hindi ako talaga natutuwa kapag tinatawag akong Santa. I immediately looked
back to the person who called me. Then, I realized that the fates are fucking with
me right now.

"Santa... anong ginagawa mo rito?"

Of all people, si Enrico De Angelo pa talaga ang makikita ko. Hindi ko siya
pinansin. I went back to waking up Jorge. He needs to wake up.

"Jorge! Come on! You need to wake up!" Pinilit kong tumayo. I am going to kick him
until he opens those fucking eyes.

"Santa what are you doing?!" Sigaw ni Nico.


"Jorge! Race! Fuck, you need to get out! Race!"

"Stop!" Sigaw ni Nico. "That's not Race! That's Jorge, my cousin!"

"Shut up, Nico! Wala kang karapatang makipag-usap sa akin!"

"Bakit ikaw ang galit?! You clearly told me that you do not want the baby so I
left!"

"Just shut up!" I hissed again. Sinipa ko si Jorge.

"Race! James! Race!"

"Stop calling him Race or James! That's Jorge!" He was hissing at me. Hindi na ako
nakapagpigil. I looked at him.

"I fucking know who he is, but at this moment, I don't need Jorge, I need a man
brave enough to stand by me unlike some people here, malaki lang ang burat pero
wala naman bayag! Shut the fuck up, Nico!"

And he did. Tinaasan ko na lang siya ng kilay.

xxxx

"Wala na, case closed na ito."

Tiningnan lang ni Adriano Kaligayahan si Jestoni habang hawak nito ang isang
putting folder na may tatak ng Falcon ng NBI. Ang laman noon ay ang case findings
ng nangyaring shoot out sa bahay ni Enrico De Angelo at ang pagsabog ng isang
warehouse ng sardinas sa Bulacan halos dalawang linggo na ang nakalilipas.

"Sabi ni Chief?" Tanong niya sa kasamahan.

"Wala eh. Wala na raw kasing kapupuntahan ang kaso at nahuli naman na si Angelo
Jorge De Angelo. Inamin naman niya lahat ng ibinintang sa kanya."

"Pati iyong pagpugot niya ng ulo sa tatay niya?" Talagang hindi siya naniniwala.
Isang tao lang si De Angelo pero nagawa nitong patayin ang labintatlo nitong tauhan
na ayon dito ay sinuway siya. Lahat iyon ay inamin nito, pero bilang imbestigador
ay iba ang naiisip niyang nangyayari.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" Biglang sumulpot ang isa niya pang kasamahan – si Jose
Andres Birada. May hawak rin itong mga papeles.

"De Angelo case pa rin." Wika ni Adriano. Si Jestoni ay napapailing. Tumingin pa


siya sa paligid bago nito inilabas ang isang manila envelope.

"Hindi rin ako naniniwala sa Angelo na iyon. Pero kung pinaninindigan niyang siya,
may magagawa pa ba tayo?" Tanong ni Andres sa kanila' "Ano iyan, Toni?"

"Naalala ninyo ba iyong shoot out six years ago sa may Hillcrest highway? Inamin
iyon ni De Angelo, siya raw ang bumaril talaga at utos iyon ng kanyang ama. Alam
natin ang negosyong mayroon sila, pero noong isang araw habang binabasa ko ang
salaysay niya, may pumasok na ideya sa isipan ko."

Mula sa envelope ay inilabas ni Jestoni Ambrosio Jr. ang limang larawan ng limang
lalaki.
"Azul, Emilio, Escalona. Sandoval, Apelyido."

"Teka, diba ito iyong—"

"Oo. Iba ang pakiramdam ko. Lalo na roon sa kaso ng labing – anim na kalalakihang
pinatay ng pirata sa gitna ng dagat, palagay ko'y hindi. I found this." He showed
another picture – a mark – dalawang pakpak ng anghel. "Ang sabi ni De Angelo ay
marka raw iyan ng pamilya niya, nakita iyan sa katawan ng mga lalaking pinatay raw
ng pirata."

"Ibig sabihin, tauhan nila ang mga taong iyon. Bakit sila papatayin ng pirata?"
Tanong ni Adriano sa kasamahan.

"Exactly. May palagay akong may kinalaman sila rito."

Tiningnan ni Adriano ang mga lalaki sa larawan, pagkatapos ay tumingin siya kay
Jestoni Ambrosio.

"We need to take a good look at this." Wika niya.

"I am thinking about that too." Wika nito sa kanya.

"Paano? Case closed na nga." Sabat ni Andres Birada. Ngumisi si Adriano sa kanya.

"Top agents here, Birada. Baka nakakalimutan mo." Mayabang na mayabang na wika ni
Adriano. "Anong plano, Jestoni?"

"First... we need to get close to them. Sa Sabado, Adi, lilipat tayo ng bahay.
Bahay sa tapat nito." Tinuro ni Ambrosio ang larawan ng lalaking Apelyido ang
apelyido. "And from there, we move."

"Alright. We got this, Buddy." Nag-high five pa si Ambrosio at si Kaligayan. 

THE END

You might also like