Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

4. Diyos ko, Diyos ko, Bakit mo ako pinabayaan?

Ayon sa sulat ni San Marcos sa ika-labing limang kabanata nagsisimula sa ika-


tatlumpong apat na kabanata:

Marcos 15:34
At nangyari nang ikasiyam na oras, si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig,
"Eloi Eloi lama sabachthani?" na kung saan ay isinalin, "Diyos ko, aking Diyos,
bakit mo ako pinabayaan?"

Sa ating buhay may mga pagkakataon na tinatanong natin ang Diyos, gaya na lamang
nang “Bakit kaya ako pinabayaan ng Panginoon?”, “Bakit kaya nilang hinayaang
mangyari sa akin ito?” “Bakit hindi man lang nya kami pinagbigyan sa kahilingan
naming, tuluyan bang pinabayaan na nya kami?” Ilan lang yan sa mga katagang
nababanggit natin sa ating buhay kapag tayo ay nasa panahon na parang wala na
tayong pag-asa sa ating buhay.

Sa loob ng dalawampu’t siyam na taon ko rito sa mundo, hindi ko mapagkakailang


maraming beses ko na ring kinuwestyon ang Diyos, kung bakit nya kami pinabayaan,
bakit nya hinayaan na mangyari sa amin ang ganitong bagay at kung anu-ano pa.
Ibabahagi ko sa inyo ang ilan dito.

Taong 2021, isang gabi pauwi na ako habang binabaybay ko ang daan patungo sa
bahay naming, may bigla tumawid na aso sa daan at agad kong iniwasan pero dahil
iniwasan ko ito ako naman ang napuruhan, nagpaikot-ikot ako nun sa kalsada at agad
naman akong tinulungan ng mga nakakita sa akin, sa sobrang kahihiyaan ay agad agad
akong tumayo at nagmaneho para umuwi. Nang makarating ako sa bahay akala ko ay
wala naman akong masyadong galos pero nung tinanggal ko yung pantalon ko Nakita
ko na sobrang dami ng dugo sa tuhod ko, dun ko na rin unti-unting naramdaman na
masakit na sya, kaya agad kong ginising sila mama para magpadala sa ospital.

Dinala nila ako una ditto sa ospital sa Molino pero first aid lang yung ginawa sa akin, ni-
refer nila kami sa specialista sa Orthopedics dahil sobrang lala raw ng tama ko. Nang
pumunta kamo sa orthopedics dun ako nakakita ng iba’t ibang sitwasyon pa ng mga
naaksidente, meron pa nga akong Nakita dun na nakahiga na lalaki at may bakal na
nakasaksak sa hita nya, nangingilo pa rin ako kapag naalala ko yun. Sobrang lala ng
experience ko nay un, naka-ilang balik kami sa orthopedics nun para sa mga check-up
ko tapos sinabihan na kami ng doctor na kailangan nang lagyan ng bakal yung tuhod ko
para gumaling kasi nabasag na raw yung tuhod ko. Hindi naming alam kung saan kami
kukuha ng pera para sa bakal na ilalagay sa tuhod ko mejo may kamahalan din kasi e.
Naiisip ko tuloy nun, bakit kaya hinayaan ng Diyos na maaksidente ako, kung hindi
sana ako naaksidente hindi ko kailangang pumunta sa orthopedics ng paulit-ulit, hindi
ko kailangang mag knee brace ng halos ilang buwan, sana hindi ako naaksidente para
normal pa rin akong nakakatalon lalo na kung naglalaro ng basketball, at kung anu-ano
pa.
Buti na lang gumaling ako nun, hindi ko na kailangang bakalan sa tuhod kasi unti-unti
akong gumaling pero may mga restrictions, hindi na kagaya ng dati.

Sunod naman ay noong taong 2022, maituturing ko na bangungot ang taong yun, dahil sa taong
iyo ay namatay ang mama ko. Na-diagnosed si mama ng Stage 4 Liver Cancer noong July
2022, at namatay sya noong November 2022, napaka bilis lang ng pangyayari, bigla na lang
syang Nawala. Masayahing tao si mama, mapag bigay din sya sa mga kaibigan nya at lalo sa
amin na pamilya nya, mahilig din si mama manuod ng k-drama, dati tuwing uuwi ako lagi ko
syang naabutan nanunuod ng k-drama at lagi syang updated sa mga latest k-drama, pero kahit
nawiwili sya manuod ng mga koreano kapag dumarating na ako sa bahay ay tinitigil nya agad
yung pinapanuod nya para lang paghainan ako ng pagkain, para kamustahin kung okay lang
ako, kumusta araw ko kung may nangyari ba. Laigng interesado si mama sa mga kinukwento
ko kahit minsan exagge lang yung pagkakakwento ko e napapaniwala ko pa rin sya haha. Pero
simula nung malaman ni mama na may sakit sya bigla na lang nabago yun, kung dati ay
masiyahin sya naging malungkot na sya, dati masipag pa sya makipag usap sa kaibgan nya sa
labas, biglang ayaw na sya lumabas gusto nya laging nagkukulong na lang sa bahay. Bigla
syang nawalan ng gana mabuhay, kapag nag uusap kami bigla na lang sya iiyak at
maghahabilin sa amin ng kapatid ko kapag ganun na ang sinsabi sya bigla ko syang sinasaway
kasi hindi ko kayang marinig na naghahabilin sya kasi bigla na lang nyang tinanggap na
mamamatay na sya. Isa pa sa nagpabigat lalo ng kalooban ni mama ay nung panahong may
sakit sya e nalaman nyang may babae si papa kaya mas lalo syang bumagsak nun halos hindi
na sya tumatayo sa kama nun kasi nasasaktan daw sya physically at emotionally.

Hanggang sa dumating ng yung oras na kinakatakot namin, pauwi na ako nun galling trabaho
nang madatnan ko si mama sa bahay na nakahandusay at nilalanggam na yung mata at bibig
nya siguro dahil matagal na syang nakahandusay sa lapag, agad agada ko tumawag ng tulong
nun para dalhin si mama sa ospital, nang dinala na naming sya sa ospital biglang nakaroon ng
malay si mama, ayaw nya magpalagay ng kung anu-ano sa katawan nya tapos sinisigaw lang
nya na “Ayoko nang mabuhay, gusto ko nang mamatay” hindi ko na maaalala yung mga
sumunod na nangyare dahil sa sobrang shock na nag panic na ewan, halo-halong emsyon na
yung naramdaman ko nun. Ang tumatak na lang sa isipan ko ay nung sinubukang irevive si
mama through CPR kasi nawalan na sya ng pulso, buti na lang magaling ang doctor kaya na-
revive sya. After nyang ma-revive ay nagising sya at nakakausap na naming pero hindi na nya
alam yung mga sinasabi nya, paulit-ulit na lang sya, laging nyang tinatanong nasaan daw kami,
ano raw ginagawa naming sa ospital, bakit daw may mga nakatusok sa kanya tapos inaantok
daw sya gusto nya lang matulog ng matulog, masaya kami kasi kala naming lahat okay na sya
pero hindi pala.
Kinausap kami ng doctor, tinapat na nya kami na hindi na raw magtatagal si mama, kaya lang
sya nagiging okay dahil sa makina at gamut na sinasaksak sa kanya pero kapag tinaggal na
raw yun ay mawawala na rin sya. Nung narinig ko yun parang gumuho yung mundo ko, akala
ko kasi magiging okay na si mama, akala ko makakauwi na kami at magiging masaya na ulit na
parang dati, akala ko maabutan ko na ulit sya sa bahay na nanunuod ng k-drama, andaming
akala pero nauwi lang lahat sa wala. Pinagdesisyon na rin kami ng doctor kung tatanggalin na
ba namin yung aparatong nakadikit sa katawan ni mama o kung ano mang balak naming,
napag desisyunan na namin hindi na patagalin yung paghihirap ni mama, kasi lagi nyang
sinasabi sa amin noon, “Kapag dumating na yung panahon na kailangan nyong magdecide
kung itutuloy pa o hindi, lagi nyong iisipin na ayokong nahihirapan, kung kaloob na ng Diyos na
tawagin ako sa kabilang mundo e hayaan nyo na ako”. Kaya sinunod naming yung habilin nya
sa amin, masakit sa amin na gawin yun pero kung sa ikakagaan naman ng kalooban ni mama e
tinaggap namin. At nung tinanggal na nga yung nakadikit kay mama ay halos isang oras lang ay
nawala na nga sya….

Nung nawala si mama hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa buhay ko, gusto ko na
lang laging wala sa bahay kasi kung nasa bahay ako naaalala ko lang sa bawat ng sulok ng
bahay si mama, hanggang sa nakahanap ako ng kasangga ko sa kalungkutan, ang vape.
Simula nung nawala si mama, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na humipak ng humipak para
bang napapagaan nun yung kalooban ko, sobrang kinaadikan ko na yun, lahat na nga at ng
flavor ng vape e natikman ko kasi lingo lingo bago agad ang vape ko kasi mabilis ko lang to
nauubos. Nililibang ko naman yung sarili ko sa ibang bagay pero naging bisyo ko na yung
pagve-vape.

Around May 2023, naisip ko na dapat kong ituloy yung pangarap ko at pangarap ni mama sa
akin na walang magagawa yung pagmumukmok lang kaya naman nag apply ako sa shipping
company ng lolo ko, natanggap naman agada ko at nakaplano na sanang makasampa ng
August 29, 2023, KASO bigla naman akong siningil ng katawan ko sa pagvevape ko. July nun
nagswimming kami nagdive ako sa pool tapos bigla akong umahon at nagvape tapos bigla kong
naramdaman na ang sikip ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga pero ipinagsawalang
bahala ko lang, dumating yung oras na kailangan ko nang magpamedical in preparation sa pag
alis ko sana, nang nakita sa x-ray ko na meron akong Pnuemothorax in short sumabog yung
baga ko. PInapunta agada ko ng doctor sa Lung Center para magpagamot, akala ko mabilis
lang akong gagaling, hindi pala. Nung nakapunta ako ng Lung Center at nakita nila yung x-ray
result ko agad nilang sinabi na matagal na gamutan ang gagawin, susubukan muna nilang
bawasan yung hangin sa baga ko, paano? Binutasan nila yung tagiliran ko at nilagyan ako ng
bote para sumingaw yung hangin nun, a month din ata akong may bitbit na bote nun, kitang-kita
yun ng mga ka-youthmate ko rito sa simbahan nun, niloloko nila ako kasi may bitbit ako laging
ecobag ng aqua flask kasi bitbit ko yung bote ko saan man ako mapunta, sobrang sakit nun
bawat galaw ko masakit, ni hindi ako makatulog ng maayos kasi nararamdamanan ko yung
tusok ng karayom sa internal organs ko kapag gumagalaw.
After a month, bumalik ako sa Lung Center kasi ipapatanggal na yung bote kasi ang sabi sa
akin ay magiging okay na ako, kaso ang sabi sakin ng doctor mas mabuting operahan ako para
hindi bumalik yung sakit ko, kaya nagpa opera ako. Naging okay ako naman ako nun kaso lang
hindi ako nakaabot sa araw ng sampa ko, hindi ko rin nahabol yung araw na gusto ko. Kaya
ngayon nagsisisi ako nun.
Yun yung taong sunud-sunod na mapapasabi na lang talaga ako kung pinabayaan na ba talaga
ako ng Diyos? Kasi sunod sunod na kamalasan ang nangyari ang daming bagay n asana akong
nagawa kung hindi hinayaan ng Diyos na mangyari sakin yun.

You might also like