Professional Documents
Culture Documents
Mga Kinilalang Telenovela (Abs-Cbn (1990-2016) )
Mga Kinilalang Telenovela (Abs-Cbn (1990-2016) )
telenovela (abs-
cbn (1990-2016))
1990s
Title Premiere Date Finale Date
Isabel, Sugo ng Birhen 1991 January 3, 1992
Sebya, Mahal Kita 1991 August 14, 1992
Valiente February 10, 1992 January 27, 1995
Mara Clara August 17, 1992 February 14, 1997
Familia Zaragoza June 11, 1995[1] September 29, 1996
Esperanza February 17, 1997 July 30, 1999
Mula sa Puso March 10, 1997 April 9, 1999
!Oka Tokat June 24, 1997 July 2, 2002
Marinella February 8, 1999 May 11, 2001
Ang Munting Paraiso March 6, 1999 May 11, 2002
Saan Ka Man Naroroon April 12, 1999 March 23, 2001
Labs Ko Si Babe August 2, 1999 November 10, 2000
2000s
Title Premiere Date Finale Date
Sa Dulo Ng Walang
March 26, 2001 February 28, 2003
Hanggan
Sa Puso Ko Iingatan
June 18, 2001 February 14, 2003
Ka
2003
Title Premiere Date Finale Date
2006
Title Premiere Date Finale Date
Gulong ng Palad January 9, 2006 May 12, 2006
Sa Piling Mo February 27, 2006 August 25, 2006
Bituing Walang Ningning May 15, 2006 October 6, 2006
Calla Lily May 29, 2006 September 15, 2006
Super Inggo August 28, 2006 February 9, 2007
Crazy for You September 11, 2006 December 29, 2006
Maging Sino Ka Man October 9, 2006 May 25, 2007
2007
Title Premiere Date Finale Date
Sana Maulit Muli January 8, 2007 April 20, 2007
Maria Flordeluna February 12, 2007 June 22, 2007
Palimos ng Pag-ibig March 5, 2007 April 20, 2007
Rounin April 16, 2007 July 26, 2007
Hiram Na Mukha June 1, 2007
April 23, 2007
Walang Kapalit August 31, 2007
May Minamahal June 4, 2007 July 13, 2007
Ysabella June 25, 2007 January 18, 2008
Natutulog Ba ang Diyos? July 16, 2007 October 12, 2007
Margarita July 30, 2007 September 21, 2007
Kokey August 6, 2007 November 9, 2007
Pangarap na Bituin September 3, 2007 December 7, 2007
Mars Ravelo's Lastikman September 24, 2007 January 25, 2008
Prinsesa ng Banyera October 8, 2007 May 23, 2008
Princess Sarah November 12, 2007 December 21, 2007
PAMILYA MACASPAC
Cris Daluz† - Francisco "Isko" Macaspac† (kinilalang ama ni
Yna)
Eva Darren - Belen Macaspac (kinilalang ina ni Yna)
Jay Manalo - Caloy Macaspac† (nakakatandang kapatid ni Yna)
Nikka Valencia - Julieta Macaspac (asawa ni Caloy)
Hazel Ann Mendoza - Flerida Macaspac (nakababatang kapatid
ni Yna)
Pamilya de Jesus/Powers
• Eula Valdez - Amor Powers/ Amor De Jesus Buenavista
• Perla Bautista - Chayong de Jesus (ina ni Amor)
Pamilya Buenavista
• Liza Lorena - Doña Benita Buenavista† (ina nina Diego at
Eduardo)
• Tonton Gutierrez - Gov. Eduardo Buenavista
• Jestoni Alarcon - Diego Buenavista (ampon anak ni Donya Benita)
• Jean Garcia - Claudia Zalameda Buenavista / Claudia Barcial
• Amy Austria - Lourdes Magbanua Buenavista (asawa ni Diego)
• Jodi Sta. Maria - Lia Buenavista Mobido (bunsong kapatid ni Yna
sa ama pero ai Angelo ang kinikilala niya kapatid)
Iba pang mga karakter
• Carlo Muñoz - Mark† (kanang-kamay ni Eduardo)
• Luis Alandy - David (kaibigan ni Yna)
• Vanessa del Bianco - Bea Blanca Vejerano /Electrika Powers
• Patrick Garcia - Jonathan (napangasawa ni Lia)
• Dianne dela Fuente - Maria Amor/ Clarissa (tunay na anak nina
Claudia at Simon)
• John Arcilla - Simon Barcial
• Evangeline Pascual - Betty Mae Versailles
• Anita Linda - Lola Puring
• Dennis Trillo - Ruel
• Alfred Vargas - Dyno Zuryete
• Onemig Bondoc – Errol
LAGOM
•Ang teleseryeng ito ay umiikot sa kuwento ng isang katulong, si Yna, na
nahulog ang loob at napamahal na sa kanyang binatang amo, si Angelo. Ang
kanilang kuwentong pag-ibig ay tila inulit lamang ang isang kuwentong
bahagi na ng kanilang nakaraan.
•Ang kuwento ay nagsimula sa kuwentong pag-ibig nina Amor at Eduardo.
Ang ina ni Eduardo na si Benita, ay ayaw sa kanilang relasyon dahil isang
katulong lamang si Amor at dahil na rin nais niyang ipakasal ang kanyang
anak kay Claudia para sa pulitikong kadahilanan. Ang kapatid ni Eduardo, si
Diego, na may gusto rin kay Amor, ay inutusan ni Benita na paghiwalayin sila.
Nang makita ni Eduardo na gagahasain ni Diego si Amor, ang akala niya'y
mayroon ring relasyon ang mga ito, kung kaya naman nasaktan siya't
nagpakasal na lamang kay Claudia. Si Amor, na noo'y nagdadalantao na, ay
napilitang umalis sa Hacienda ng mga angkan ng Buenavista at bumalik sa
kanyang inang si Chayong na nakatira malapit sa tambakan ng mga basura.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na maghihiganti sa angkan ng mga
Buenavista nang malaman niyang nagpakasal na si Eduardo kay Claudia.
• Matapos ipanganak ang kanyang anak na babaeng
pinangalanang Maria Amor, naghanap-buhay si Amor kasama
ang kanyang kaibigang si Lourdes sa mga club. Nakarelasyon
niya ang isang dayuhang nais siyang dalhin papuntang Estados
Unidos. Kaya iniwan niya ang kanyang dalawang-taong-gulang
na anak at kanyang ina sa kanilang bahay at pinadalhan na
lamang sila ng pera paminsan-minsan.
• Ang Amerikanong kanyang nakarelasyon ay naging mapang-
abuso sa kanya. Nang magkaroon ng aksidente sa lugar ng
tinitirhan ng kanyang ina at anak, inakala niyang namatay na
sila pareho, pero hindi pa rin siya pinayagang umuwi sa
Pilipinas. Nakaganti lamang si Amor sa kanyang karelasyon
nang hindi niya ibigay ang kinakailangang gamot nito nang ma-
stroke. Namatay ito at napunta sa kanya ang lahat ng pera.
•Sa kabilang banda, nagkaroon naman ng dalawang anak sina Eduardo at Claudia, sina
Angelo at Lia. Si Eduardo ay kasalukuyang gobernador ng kanilang probinsya, habang si
Claudia naman ay naging reyna ng mga sugal sa kanilang lugar. Nagrerebelde si Angelo
dahil ayaw niya sa kanyang ama, habang si Lia naman ay napakabait, aktibo sa simbahan at
pinoprotektahan ng lahat dahil siya ang pinakabata. Ang anak naman ni Amor ay
masuwerteng nakaligtas sa aksidente at inampon ng mag-asawang Isko at Belen Macaspac.
Mayroon na silang anak na lalaking nagngangalang Caloy, na ayaw na ayaw si Yna. Nakita
ng mag-asawa ang mga larawang iginuhit ni Eduardo para kay Amor, na may nakalagay
pang “Ynamorata” malapit sa naulilang bata, kung kaya naisipan nilang tawagin siya na
Ynamorata. Nagkaroon pa sila ng isa pang anak, si Flerida.
•Si Benita Buenavista ay nagsisi naman sa pagpilit niyang pakasalan ng kanyang anak si
Claudia dahil lumabas na ang tunay na kulay nito. Nang siya'y mamamatay na, sinubukan
niyang ipaliwanag kay Eduardo na siya ang nagplano ng pagsira sa relasyon nila ni Amor,
ngunit namatay din siya bago pa man masabi ito. At upang makabawi sa kanyang mga
kasalanan, nagpakita siya sa mga panaginip ng noo'y nagdalaga nang si Yna.
•Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala ni Yna si Eduardo. At napaniginipan niyang
muli si Benita. Sinasabi nitong ang kanyang nakaraan ay matatagpuan sa angkan ng mga
Buenavista. Dahil sa siya ay nababahala, pumasok siya sa hacienda ng Buenavista bilang
isang katulong ng pamilyang ito, umaasang malalaman niya rito ang kanyang nakaraan.
bukod pa sa minamaliit niyang talaga ang mga katulong, pinahirapan niya ang buhay ni Yna. Si
Amor, na nagbalik sa Pilipinas bilang si Amor Powers, ay naging matagumpay na sa larangan ng
negosyo, habang pinaplano niya pa rin ang kanyang paghihiganti sa pamilya ng Buenavista, na
sinisisi niya sa lahat ng mga paghihirap na kanyang pinagdaanan at pati na rin ang inaakala
niyang pagkamatay ng kanyang anak.
• Ang suliranin ay, nang malaman ni Yna na ang kanyang tunay na ama ay si Eduardo, kung
gayo'y magkapatid sila ni Angelo. Ngunit lumabas naman sa huli na hindi si Eduardo ang tunay
na ama ni Angelo. Inakala noong una na si Simon ang kanyang ama, ang kalaguyo ni Claudia.
Ngunit napag-alamang anak siya ni Diego sa isang mahirap na babaeng namatay rin nang maaga.
• Lumabas ang katotohanang nanganak si Claudia ng isang babae; ngunit ipinalit ng kanyang ama
ang sanggol sa isa pang sanggol, upang ang magmamana ng kanyang mga kayamanan ay isang
lalaki. Ang pangalan ng babae ay Maria Amor, na inalagaan ng isang matandang babae at
pinalaki siya sa paniniwalang anak siya ni Amor. Kung kaya inakala ng lahat na siya'y anak nina
Amor at Eduardo, kabilang na rito si Claudia. Upang makaganti kay Amor, binaril ni Claudia si
Maria Amor. Ngunit hindi nagtagal ay nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Maria Amor at
hindi niya mapatawad ang sarili. Ang kanyang isa pang anak, si Lia, ay namatay dahil sa
malubhang sakit. Kung kaya naman humingi siya ng tawad sa lahat ng nagawan niya ng mali.
Nakulong siya ngunit ibinigay sa kanya ang mga abo ng kanyang anak.
• Nagtapos ang kuwento na ang lahat ay nakasamang muli ang kanilang mga tunay na mahal.
Ikinasal sina Yna at Angelo, ikinasal si Claudia sa kanyang tunay na mahal na si Simon Barcial,
at sina Amor at Eduardo ay nagkabalikan.
Layunin
Ang layunin nito ay magpakilos dahil sa uri ng pagtrato sa
pangunahing tauhan. Noon pa man ay dinudusta-dusta na ang
kanyang pagkatao kahit na wala siyang ginagawa masama. Layunin
din nitong maipadama sa mga manonood na magbigay ng
inspirasyon at aral. Layunin din nitong ipakita ang iba’t iabng pag-
uugali ng mga tauhan. Ipinapakita rito na ang tao ay kinokontrol ng
kanyang herediti at ng kanyang kapaligiran.
Tema o Paksa ng Akda
Ang tema o paksang ito ay makabuluhan at makatotohanan.
Sadyang ang magkaiba ng katayuan sa buhay at minsan hindi
nagkakasundo dahil sa mga kilos o gawi at nakasanayan ng mga ito.
Tagpuan/Panahon
Ang panahon nito ay sa nababagay sa mga manonood at ang tagpuan
nito’y umikot sa loob ng tahanan ng mga Buenavista kung saan nagsimula
ang lahat. Pinakita rin dito ang bahay na tinitirhan nina Yna at ng pamilya
Macaspac. Isang payak na tahanan na kung saan maraming pangyayari ang
naganap at makabuluhan ang mga pangyayari.